Chapter 20
Chapter 20: Dig.
-----
Trece Martirez, Cavite
Mental hospital also known as "Pulang Bubong."
Pagkagising ni Aki ay in-assist agad siya ni nurse Bernadette.
Matapos ang ilang physical examination ay pinakain at pina-inom na siya ng gamot.
"Ahm, nurse Bernadette nasaan po si nurse Shane?"
Hindi umimik ang nurse bagkus ay inayos lang nito ang damit ni Aki. Napabuntong hininga naman ang binatilyo.
Ilang araw niya nang hindi nakikita si nurse Shane. Nasaan kaya ito?
Halos magdadalawang linggo na rin pala si Aki sa mental. Noong unang ilang araw ng binata roon ay lagi itong nagwawala at sumisigaw na hindi baliw kaya naman madalas itong tinuturukan ng pampakalma.
Nang mga sumunod pang araw nang kaniyang pagwawala ay tinakot na siya ni Bernadette na dadalhin sa tinatawag na shock room. Minsan ng nakita ni Aki ang room na iyon, doon dinadala ang mga pasyenteng hindi na talaga makontrol ang pagkabaliw. Kinukuryente ng light ang utak para magtino.
Sa takot ni Aki ay nagbehave muna siya, baka kasi kapag na-experience niya ang electric shock ay mas mabaliw na talaga siya.
Sinamahan siya ni Bernadette sa common room kung saan hinahayaan ang mga katulad niyang may sakit sa utak na magtambay at gumawa ng kung ano-ano, 'wag lang sosobra.
Pagdating doon ay naupo agad siya sa sulok habang sinusundan ng tingin si nurse Bernadette na papalayo. Naiinis siya rito dahil hindi siya nito tinatrato ng maayos.
"Sarap sakalin," sigaw ng isip ni Aki na agad niya rin binawi.
Sinentro niya na lang ang atensyon sa mga kasamang baliw, doon kahit papaano ay inaliw niya ang sarili.
May mga umaaktong mayor, tinitipon ang mga kasama sabay sisigaw ng, "Pinatawag ko kayong lahat!"
Meron pang pure english with code of conduct and republic act of the Philippines ang mga pinagsasabi. Pangarap sigurong mag-abogado.
Meron naman na akala mo si Sisa kung umasta. Sigaw ng sigaw ng Crispin at Basilio.
Pati kung ano-ano pang eksena. Napailing na lang tuloy si Aki.
"I'm not belong here. I'm not crazy, I'm just a little unwell," litanya niya sa isip.
Kahit naman ipagsigawan niya iyon ng paulit-ulit ay hindi siya paniniwalaan. 'Yon kasi lagi ang linya ng mga baliw--- na hindi raw sila baliw.
Nag-isip ng paraan si Aki. Kailangan niyang makalabas sa lugar na iyon. Pero paano?
"Shane?" bulong niya sa sarili. "Nasaan ka ba nurse Shane?"
Hindi maalis sa isip niya ang mga sinabi ni Shane nito lang nakalipas na tutulungan siya nitong makalabas. Pero nasaan naman ito ngayon?
"Lalim ng iniisip mo boy ah."
Biglang napalingon si Aki sa bandang kanan kung saan nakita niya ang nagsalita. Gulo-gulo ang buhok nito, nangangalumata at maputla-putla ang kutis gaya niya.
Teka parang kilala niya 'to.
Napaisip si Aki. Yes, he knew this guy. Ito 'yong isa sa mga presong kasama niya doon sa tagaytay police headquarter. Si Alexander Baruelo, 'yong nangrape at naghardcore kill kay Shade umipig. Muntik pa siyang madamay dahil dito.
"So, anong plano mo?" tanong ni Alexander.
"Huh?" kumunot ang noo ni Aki. "P-plano?"
Ngumiti naman si Alexander na parang nang-aasar. "'Wag ako boy, iba na lang. Alam kong nagpapanggap ka lang din tulad ko."
"Wala akong alam sa mga sinasabi mo," saka bumalik ng tingin si Aki sa mga baliw.
Tumawa ng mahina si Alex. "Alam ko kung ano ang ginawa mo noong gabing iyon.. . kung paano mo pinatay ang mga kasama natin sa kulungan."
Natigilan si Aki. "Anong sinasabi mo?"
Naalala na naman tuloy niya ang araw na'yon. Paggising ay nakita niya na lang na nakabigti na ang tatlo nilang kasama sa kulungan. Dahil doon ay parang nasiraan talaga siya ng bait. Hindi niya kayang makakita ng patay ng harap-harapan.
"Wala akong ginagawa."
"Magpasalamat ka sa'kin kasi nagpanggap akong baliw," ngumiti na naman si Alexander. "Idol kasi kita e," pagkatapos ay sumeryoso ito bigla. "Titingnan ko ang lahat ng galaw mo dito at Kapag hindi mo'ko isinama sa mga plano mo---" saka ito ng sign ng paghiwa sa leeg bago tumayo.
Nakaramdam naman ng kaba si Aki sa mga tinuran nito. Alam niyang kayang pumatay ng isang ito ng walang kahirap-hirap. Kitang-kita sa mga mata ni Alexander ang bagsik.
"Sabihin mo sa'kin kung kailan tayo tatakas," saka naglakad si Alexander ng ilang hakbang at pagkadaka ay lumingon ulit kay Aki. "Pero bago iyon, ibalato mo muna sakin si nurse Bernadette ah. Ang sarap niya kasi, nakakapanginig laman," pagkasabi noon ay nagpatuloy na ito sa paglakad at umastang baliw.
Sinundan na lang siya ng tingin ni Aki.
Kita sa mga mata ng binata ang kaba at takot. Kailangan niya na talagang makaalis sa lugar na'yon sapagkat delikado ang lalaking 'yon.
-----
Tagaytay City.
Simon's Apartment
Nakatutok si Simon sa desktop niya ng maghapong iyon, kasalukuyang binabackground check ang mga biktimang sina Angel Grace Sison, Abie Jessa Manaois at Frenzes Diane Marie Padaboc.
Gamit ang private site for hacker ay nakita niya ang lahat ng details tungkol sa tatlo. Agad niya iyong prinint at pagkatapos ay isa-isang binasa.
Iisa ang napansin ng batang detective habang nirereview ang mga informations na nakalap.
"Ow em," anas niya sa sarili sabay taas sa mga bond papers na hawak.
Maya-maya ay napahikab siya at pagkadaka ay nilingon ang wrist watch sa kaliwang kamay. "23:00 na pala."
Tumayo siya sa kinauupuan at tumungo sa kitchen area saka binuksan ang isang cabinet at kumuha ng cup noodles.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna si Simon sa sofa at nag-isip-isip. Alam niyang malapit ng malutas ito, kaunting kembot na lang.
Hindi niya namalayang nakatulog na siya sa lalim ng pag-iisip.
Pagkagising kinabukasan ay bumalik agad siya sa dasma para tunguhin ang mga lugar na work place ng tatlo. Nagtanong-tanong at nangalap ang batang detective ng mga impormasyon.
"Paano ko patutunayan na ang taong 'yon ang na sa likod ng black blood killings?" matapos magpakawala ng malalim na buntong hininga ay nagmaneho na siya pabalik ng apartment.
Pag-uwi ay muling nagbukas ng computer ang batang detective at nagsearch nang ilang mga bagay tungkol sa sakit ng utak, mga possible disorder na nagdudulot ng pagpatay.
"Split personality disorder?" Clinick niya iyon at lumabas ang mga detalye. Meron pang example ng movie na pinakita; Love me heal me, Split at Rhodora X.
Saglit niya iyong pinanood. "Paano kung kagaya nitong nasa movie ang sitwasyon na meron siya?" sa isip-isip ni Simon. "Malabo naman, movie lang 'to," saka siya napangiti.
Sa dami ng ginawa niya sa maghapong iyon ay hindi na namalayan ng batang detective na nalipasan na pala siya ng gutom. Dahil doon ay pansamantala munang iniwan ni Simon ang computer para kumuha ng cup noodles kaso ay napa-ekis ang mukha ng bata dahil wala na palang stock.
Lumabas muna siya ng apartment at nagtungo sa convinience store nang may bigla siyang naisip.
Dali-dali siyang sumakay ng kaniyang kotse at nagmaneho patungo sa City land.
Pagdating sa nasabing lugar ay agad nagpakita ang batang detective ng badge sa isang security saka nagrequest na tingnan ang cctv footage ng building one month ago. Pero ayon sa security ay kusang nabubura ang cctv copy nila after one month. Classified naman ang back-up nito na kailangang dumaan sa tamang proseso---mahabang proseso.
Dahil doon ay nirequest niya na lang na humiram ng master key para macheck ang kwarto ni Aki.
Matagal pero napapayag din ni Simon ang security. Mukha kasi siyang bata kaya nahirapan siyang kumbinsihin ito.
Pagpasok sa unit ni Aki ay agad nag-observe si Simon. Nakita niya ang cctv pero sira na ito kaya hindi na pinansin pa ng batang detective. Hinahalughog na lang nito ang sala, kusina, cr at huli ay ang kwarto.
Bumungad sa kaniya ang cute na mga isda sa aquarium. Matapos tingnan ay dumeretso siya sa wardrobe. Pagka-open ay napansin niya agad ang secret cabinet sa likod ng mga nakahanger na damit. Nang buksan niya naman ang nasabing cabinet ay wala itong laman.
Hinalughog niya pa ang cabinet hanggang sa may makita siyang isang itim na libro na natatabunan ng mga damit.
"Aki's Wrath?" basa niya pagkakuha rito. "Ang sagwa naman pakinggan, parang Aki's bura--- never mind."
Napansin niyang may susian ang libro kaya dumeretso siya sa kusina saka kumuha ng tinidor at ito ang ginamit na pangbukas.
"Viola," masaya niyang saad.
Isa-isa niyang binasa ang mga nakasulat sa libro at laking gulat niya sa mga nalaman.
"Shit!" 'yon na lang ang nasabi niya sa sarili habang kinukuha ang phone.
Lumabas agad siya ng city land dala ang Aki's Wrath notebook at saka nagmaneho paalis habang tinatawagan si Glenn.
"Sir, i figured it out." bigkas niya kay Glenn sa kabilang linya.
-------
Trece Martirez, Cavite.
Mental Hospital.
Naalimpungatan si Alexander.
Pagkabangon ay nakarinig siya ng ingay mula sa likod ng silid, sa bandang labas.
Nang silipin niya mula sa maliit na rehas kung anong meron sa labas ay nakita niya ang isang hindi kilalang nilalang.
Naghuhukay ito.
Medyo madilim kasi kaya hindi niya maaninag ang mukha.
Lumabas siya ng room para tingnan kung sino ang naghuhukay na iyon. Nakakapagtaka dahil hindi naka-lock ang pintuan ng kwarto pati ang main door ay nakabukas kaya nakalabas agad siya ng mismong building at agad dumeretso sa kinaroroonan ng naghuhukay na tao.
"Hoy, sino ka?"
Hindi pinansin si Alexander ng naghuhukay pero habang lumalapit siya ay namumukaan niya ito.
"A-aki?" tama si Aki nga 'to. Kilala niya na agad sa tindig pa lang. "Bakit ka naghuhukay? Diyan ba tayo dadaan paalis dito?" nakangiting sambit ni Alexander.
Tumigil bigla ang naghuhukay.
"Oh? Pagod ka na? Para saan ba kasi 'yan?"
Biglang lumingon ang nakatalikod saka ito ngumiti kay Alexander kasunod noon ay ang mabilis na pangyayaring naganap.
Walang buhay na bumagsak si Alexander sa sahig saka deretsong nahulog sa hukay. Biyak ang ulo nito dahil sa tama ng pala. Tumagas ang napakaraming dugo at nagtalsikan din ang ilang parte ng laman nito sa utak.
"Para sa'yo ang hukay na iyan."
Sumilay ang malademonyong ngiti kay Aki habang minamasdan ang walang buhay na katawan ni Alexander na nasa hukay.
------
[Dedicated ang chapter na ito kay SimonJQS25]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top