Chapter 2


Chapter 2: Notebooks.

Flashback ten days before.


----

July 24, 2017/Day 1

Nasa Super SSSSSS loan company si Aki noong umagang iyon. Kasalukuyang kausap ang isang loan officer.

"I'm really sorry Aki, pero sobra-sobra na ang palugit na ibinigay sa'yo ng company. Three months ka nang hindi nakakabayad. Malaki na ang penalty mo."

Napabuntong hininga ang binata. Tinitigan n'ya na lang ang kausap na babaeng may katandaan na.

"Kung hindi ka pa makakapagbayad before the end of this month, mapipilitan kaming magfile ng case against you. I-ready mo na lang yung lawyer mo."

"Don't worry Ma'am i will do my best para mabayaran po ng buo ang balance,"  eksplika naman ng binata. "I'll promise."

"Just mean it Sir."

Nakakunot ang ulo ni Aki pagkalabas ng opisina. Napahinto siya sa main gate nito bago muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

Pagkatapos ay muli niyang sinilip ang papel na hawak n'ya.

"One hundred fifty thousand," napalunok siya matapos itong mabasang muli. "Si Daddy talaga, kahit patay na problema parin ang dala,"  pagkawika ay umalis na siya sa lugar.

Bata pa lang ay naulila na sa ina ang magkapatid na Aki at Ransey. One-year ago naman bago mamatay ang tatay nila ay may naiwan itong malaking obligasyon na nakapangalan kay Aki kaya naman hinuhulugan iyon ng binata hanggang ngayon. Sa kasamaang palad ay nagkaroon ng problema sa trabaho ang binatilyo kaya nadelayed ng three months ang pagbabayad nya. Lumaki tuloy ang penalty.

Self support na lang kasi si Aki plus sinusuportahan niya pa ang bunsong kapatid kaya medyo nagigipit siya sa pera ngayon.

Habang nagdadrive pauwi ay nakarecieved ang binata ng message mula kay Mela.

<Dinner tayo mamaya?> Sms from Mela.

<Sige susunduin na lang kita d'yan bago mag 18:00.> Reply niya matapos ihinto saglit ang kotse.


----

July 25, 2017/Day 2

Pagkababa ni Aki mula second floor galing sa kaniyang kwarto ay may bumungad agad sa pang-amoy niya.

Napaderetso tuloy agad siya sa kitchen area.

"Good morning kuya, i made this pancake for us," masayang intro ni Ransey.

"Amoy sunog Rans," kunot noong tugon ni Aki.

"Thank you po," nakangiti lang si Ransey. "Toasted pancake po kasi."

Kahit gustuhin mang magalit ni Aki sa nakababatang kapatid ay hindi na niya ginawa.

"Tikman mo kuya, sige na please."

"Okay, okay, okay," kaagad kinuha ng binata ang medyo nangigitim nang pancake at pilit na kinain at nilunok para rito.

"How's the taste?" tanong muli ni Ransey na may nagniningning na mga mata.

"Linisin mo 'yang kalat a," pagkasabi noon ay dumeretso na si Aki sa mailbox sa labas ng bahay.

Kinuha niya ang mga nakalagay doon.

Electric bill, water bill, notice from the bank of the phil., car company notice letter, cable and internet bill at porn magazine. (Hindi totoo 'yong huli).

Bumalik siya sa table na malapit sa kusina at doon isa-isang binasa ang mga bills. Kumuha na rin siya ng calculator para mabudget na ang mga bayarin. Isinama niya na rin ang mga dapat bilhin sa grorecy store. Si Ransey naman, noong mga oras na iyon ay naglilinis ng mga kalat niya sa kusina.

Habang nagko-compute ng mga gastusin ay biglang nagring ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon mula sa kanang bulsa ng jogging pans at inilapag sa mesa. Sinagot niya ang tawag at ni-loud speaker ito.

"Good morning hon," si Mela mula sa kabilang linya.

"Not so good hon,"  reply ng binata.

"Oh, why? Nag-almusal ka na ba? May problema na naman ba?"

"Bina-budget ko ang perang hawak ko, daming bayarin," sinundan iyon ni Aki ng tawa para hindi mahalata ng girlfriend niya na stress na siya sa mga bayarin. "Tapos na'ko magbreakfast ang sarap ng pancake e," sabay tingin kay Ransey na parang nanunuya.

Ngiti lang ang sinukli ng huli.

"Sorry hon, 'di ako makatulong sa'yo ngayon," -Mela.

"Huwag mo na isipin 'yon. Anyway nagbreakfast ka na ba?" pag-iiba ng binata ng usapan habang nagcocompute parin.

"Yap. Sige hon, nandito na'ko sa shop. Meet na lang tayo mamaya kung hindi ka busy. I love you."

"I love you too," -Aki.

"I love you so much," -Mela.

"I love you triple times," -Aki.

"I love you to the fifth power," -Mela

"I love you more than you'll ever know,"  -Aki.

"I love you more than everything,"  -Mela.

"I love you 'till the end of the world," -Aki.

"Nakaka-umay kayo! Duh!" eksena ni Ransey.

"Shut up Rans!" si Aki na tinitigan ng masama ang kapatid.

"Shut up your face!" sarkastikang sabi ni Ransey sabay walk-out habang naka-irap ang mga mata sa kawalan.


----

July 26, 2017/Day 3

Tulog pa si Ransey ng magising si Aki. Pagkatapos magluto ng almusal, maligo at mag-ayos ay umalis na ng bahay ang binata. Sanay naman na si Ransey na iniiwan ng mag-isa.

Hindi naman ito palalabas. Tanging ang katabing bahay lang nila ang pinupuntahan nito para makipaglaro.

Matapos mabayaran ang mga bills ay nagtungo si Aki sa Automated teller machine (ATM) para magwithdraw ng pera dahil sa na-short na ang perang dala niya.

Bago magwithdraw ay chineck niya muna kung magkano pa ang nasa savings niya.

Nagulat siya ng hindi na ito nag-operate. Ayon sa ATM ay wala ng balance. Sigurado siyang nasa 40 thousand plus pa ang nasa savings niya. "What the fvck?"

Tatlong beses niyang inulit ang proseso pero wala talaga. Kaya nagtungo na siya sa mismong bangko para ikunsulta ang nangyari sa kaniyang pera.

"I'm really sorry Mr.Aki but according sa record namin, na-withdraw mo na ang lahat ng pera mo sa isang ATM sa Manila at exact 18:30, Wednesday, July 20, 2017."

Nagpantig ang mga tainga ng binata sa mga narinig. "How come?" medyo nagtataas na siya ng tono. "Ni hindi ko nga ginagalaw 'tong pera ko dito. Imposible naman!"

"Wala po tayong magagawa Sir. kasi 'yon po ang naka-record sa database namin."

"Kailangan ko ang perang 'yon, wala bang paraan para ma-track kung sino ang nagwithdraw?" napanghihinaan na si Aki. Bakit ba sunod-sunod na puro kamalasan 'tong mga nangyayari.

Umiling muna ang teller bago nagwika. "I'm really sorry Sir. Kung gusto n'yo po ay pumunta kayo sa main office namin para mailapit n'yo ang problemang 'to... pero for sure mahirap ng matrace kung sino..."

Hindi na pinatapos ni Aki ang kausap. "Hindi pwede 'yang sinasabi niyo!" bigla niyang tinabig ang upuan niya at hinagis ito.

"Sir 'wag po kayong mag eskandalo di---"

Bigla niyang hinawakan sa leeg ang kausap. "Ibalik n'yo ang pera ko!" singhal ng binata na ikinabigla ng teller habang pilit na tinatanggal ang pagkakasakal niya rito. "Ibalik mo ang pera ko kung ayaw mong mamatay!" na-i-angat ni Aki ang babae na sa puntong ang mga paa nito'y hindi na sumayad sa sahig at hanggang sa mahirapan na itong huminga dahil sa pagkakasakal niya. Patirik na ang mga mata ng babae dahil sa higpit ng pagkakasakal pero hindi parin ito tinitigilan ng binata. Galit na galit siya na parang nag-aalab ang mga mata. Hindi niya rin alintana ang mga taong umaawat sa kaniya, hindi siya mapigilan ng mga ito. "Ibalik n'yo ang pera kooooooooooo----------"

"Sir," sita ng kausap niyang teller. "Sir, naintindihan n'yo po ba 'yong suggestion ko sa inyo?" ulit nito na ikinagising ng diwa niya.

Naglaro na naman pala ang utak niya. Dala ng matinding stress. "Ahmm, eh, Ano nga ulit 'yon?"

Inulit muli ng babae ang mga sinabi nito kanina pero sa huli ay wala paring nagsink-in sa utak ni Aki na lumalangoy sa kawalan.

Lumabas siya ng bangko na lutang ang utak. Akala niya talaga totoo 'yong ginawa niya kanina. "Kung ano-ano na naiisip ko," sabi niya sa sarili bago paandarin ang sasakyan.

Pagkauwi ni Aki ng bahay ay naabutan niyang natutulog na sa sala si Ransey habang nakabukas ang tv.

Pagkaturn-off ng tv ay binuhat niya na ang kapatid at dinala sa sarili nitong kwarto na katapat lang ng kwarto niya. Iniwan niya na lang sa ref ang dala niyang pagkain para dito saka nagtungo narin sa room niya para magpahinga.

Bago matulog ay kinuha muna ni Aki ang isa sa dalawang notebook na may lock na pinaka-iingatan niya. Kinuha niya yung itim. Naiwan naman sa secret cabinet niya yung red notebook. Nakapwesto ang maliit na cabinet sa likod ng wardrobe niya.

Sa itim na notebook niya sinusulat ang lahat ng mga nangyayari sa kaniya araw-araw. Diary kung baga. Pero higit pa ito sa diary dahil dito niya rin kasi ibinubuhos ang mga hinaing niya sa buhay. Ang galit, pagkainis at iba pang sentimyento niya.

Sinusulat niya sa notebook na'yon ang mga nais niyang gawin. Ang mga bagay na hindi niya magawa at iba pang mga bagay na imposible niyang magawa at mangyari. Sa suma-total ang itim na notebook na iyon ay naglalaman ng galit niya. Kaya naman pinangalanan niya ang black notebook niyang 'yon ng Aki's Wrath. (Parang ang sagwa pakinggan).

Matapos maisulat lahat ng galit niya ay payapa siyang nakatulog nung gabing iyon.

------

[Dedicated ang chapter na'to sa sarili ko haha]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top