Chapter 19


Chapter 19: Chase.


------

Wet and dry market
Dasmariñas, Area-E
17:45

Agad pumunta sina Glenn at Simon sa bilihan ng mga gulay para mamili saglit ng makakain nila para sa hapunan.

Eksakto naman na naroon din si Nyxz na namimili naman sa katabing tindahan na binilihan nila.

"Someone' spying on us," ani Glenn sabay sipol kunwari habang nakatingin kay Nyxz.

"Kita mo nga naman ang pagkakataon oh," sabay lantak sa kinakain nito. "Nagmemeryenda lang ako, nagkaroon na ng mga dagang pagala-gala sa teritoryo ko."

"Penge naman Ms. Nyxz," singit ni Simon na parang wala lang. "Ano ba 'yang meryenda mo?"

"Deep fried banana coated with caramelized brown sugar and skewered on a bamboo stick plus a sweet drink made of water, vanilla extract and cubed gelatin. Yah want some?"

Sinipat ng dalawa ang kinakain ni Nyxz.

"Daming learn, babanacue saka samalamig lang 'yan e," asar talong saad ni Glenn.

"Wakapaks!" saka bumaling ang masungit na inspector sa tinderong kaharap nito. "One fourth nga ng Allium Cepa saka one kilo rin ng Solanum Tuberosum, ipanghahalo ko lang dito sa binili kong pork chop. Pabili na rin ng half kilo ng Solanum Lycopersicum para sa sawsawan ng fish de elniño na nabili ko," nagyayabang nitong sabi na ikinanganga naman ng tindero.

"One fourth daw po ng sibuyas, one kilong patatas at half kilong kamatis," si Simon sa tinderong binilihan ni Nyxz.

Agad namang kumilos ang tindero ng maintindihan ang mga pinagsasabi ni Nyxz.

Napailing naman si Glenn saka bumaling sa tinderang kaharap. "Magaling po ba kayo sa math?"

"Ahm, Oho, best in math ako since grade school hanggang highschool," masayang turan ng tinderang dalagita.

"Good. Pabiling sitaw," -Glenn.

"Ilang tali po ng sitaw?"

"3x-5 where x=6," si Glenn naman ang nagpaandar ng kayabangan.

Napa-isip ang tindera bago nagwika. "So 13, bale mura lang po. 5sin90 ang isa."

"Okay. Pakiconvert naman using arc tangent," request ni poging Glenn.

"'Di ko carry sir, tangent na lang. 5tan45 siya, I suggest Sir na mag-apply ka na lang ng reduction formula."

"Okay na. Eto ang bayad, paki-check kung tama."

Chineck nga ng tindera. "(x2-4x+3)/sin3x where x+7. Okay sir, may sukli pa," masayang sabi ng tindera.

"Keep the change."

"Wow, thank you."

"Takte kayo! Suntukan na lang!" singit ni Simon na parang napiga ang utak sa mga pinagsasabi ng mga mahahangin niyang señior inspector.

"Tara na Simon," anyaya ni Glenn dito.

Umismid naman si Nyxz bago lumayo sa lugar na'yon

Pasakay na sana ang dalawang panig sa kani-kanilang sasakyan ng bigla silang nakarinig ng putok ng baril hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Kasunod noon ay ang sigawan at mga nagtakbuhang tao.

"Riding hood in little red!" sigaw ng engot na ale habang hindi alam kung saan siya pupunta.

"Boplaks! Robinhood in tandem!" bulalas pa ng isang Manong.

"Ang tatanga n'yo.. ! Riding in tandem!" Singhal naman ng isa pa habang nagtatago.

Nagkagulo sa palengke noong oras na iyon dahil sa sunod-sunod na putok ng baril mula sa mga sinasabing riding in tandem.

Napayuko naman sina Simon at Glenn habang nasa gilid ng sasakyan nila.

Ilang saglit pa nga ay dumaan sa dako nila ang riding in tandem na panay ang paputok sa mga taong makikita nila.

Tatalunan sana ni Simon ang isa sa nakaangkas sa motor na blue para mapigilan ito, ang kaso ay hindi niya namalayan na may isa pa palang nakamotor ang kasunod ng nauna. Puting motor at mayroon din itong angkas. Nakahelmet at surgical mask din ang mga angkas ng nasabing motor.

Tinutukan ng baril si Simon nang isa sa nakaangakas sa puting motor.

Nang papaputukin na ang baril ay biglang tumama sa mga sakay ng puting motor ang ilang plastik ng pork chop, patatas, onion, fish de elniño at kamatis galing kay Nyxz, sinabayan pa ng pagtama ng mga sitaw galing naman kay Glenn.

Nawalan ng balanse at natumba ang mga sakay ng nasabing motorsiklo dahilan rin para mabitiwan ng isa rito ang baril at tumalsik sa paanan ni Glenn.

"'Wag kayong kikilos!" sigaw ni Glenn nang akma pang tatakas ang mga ito. "Taas kamay, alagad kami ng batas!" sundot niya pagkakuha ng baril sa sahig.

Nang marinig naman iyon ng mga nakasakay sa blueng motor na hindi kalayuan sa kanila ay dali-daling tumakas ang mga ito.

Hindi naman nag-aksaya ng oras si Nyxz, hinabol niya agad ang blueng motor.

"Simon, ikaw munang bahala sa mga 'yan," sambit ni Glenn.

Biglang naging alerto si Simon pati ang isa pang pulis na kasama nila. Agad nilang pinosasan ang dalawang nahuli.

Kinuha naman ni Glenn ang motor na natumba at ginamit panghabol sa dalawa pang nakatakas.

Pagkaalis nina Glenn at Nyxz ay tinanggal ni Simon ang Helmet ng nahuli nila. Laking gulat nila ng makita ang mga ito.

"B-babae?" hindi makapaniwalang sabad ng police Dasma.

"Holy cow!" -Simon.

Sa kabilang dako ay naging mala-action film ang habulan nina Glenn, Nyxz at ng riding in tandem.

Dahil sa hindi main road ang daanan ay madaling nasundan nina Nyxz at Glenn ang mga suspect. Nagradio na agad si Nyxz na mag-abang sa dulong bahagi ng area kung saan dadaan ang mga hinahabol nila. Mabilis naman na rumesponde ang mga kapulisan ng Dasma. Sana sa totoong buhay din mabilis sila.

Bumusina si Nyxz sa mga sasakyang nasa unahan niya habang ikinakaway ang kaliwang kamay sa labas ng salamin. Sumesenyas siya na tumabi ang mga ito. Disadvatage para sa kaniya ang pagkakataong iyon dahil naka-kotse siya at hindi kalakihan ang daan kaya ganoon ang ginawa niya.

Nang wala ng sasakyang pumagitan sa kaniya at sa riding in tandem na hinahabol ay bigla na lang nagpaputok ang nasa motor na blue. Natamaan sa kaliwang balikat si Nyxz kaya naman nawalan ng balanse ang pagdadrive niya saka tumama sa isang poste ang sasakyan. Pagkatama ng noo niya sa manibela ay nagalusan ito ng malalim at sumirit ang dugo pagkatapos ay nawalan siya ng malay.

Nagpatuloy naman sa pagsunod si Glenn. Pinaputukan niya na rin ang mga ito pero dahil sa dami ng tao ay nag-ingat siya kaya itinigil na niya ang pagpapaputok.

Kahit malapit na ang riding in tandem sa mga pulis na humarang sa kanila ay hindi pa rin sila tumigil sa pagmamaneho. Mas binilisan pa nila ang pagdadrive. Wala talaga silang balak sumuko.

Tinodo na rin ni Glenn ang pagpapaandar para mahabol ito hanggang sa nakaisip siya ng mainam na paraan.

Itinumba niya ang motor na gamit habang paabante ito sa kalaban saka siya tumalon at gumulong-gulong sa kalsada. Napilayan lang naman siya at nagasgasan. Akala siguro ng detective ay action movie film ang ginagawa niya.

Nang tumama naman sa likod na bahagi ng gulong ng riding in tandem ang motor na natumba ay na out-of-balance ang mga ito hanggang sa nasemplang ang dalawa at nagpagulong-gulong din na eksatong tumigil sa harap ng mga pulis.

Naging matagumpay ang paghuli sa black stain riding in tandem. Eksaktong 19:00.

Dinala naman sa pagamutan sina Glenn at Nyxz.



------

One Day After.

"Buti at nagising ka pa Sir?" bungad ni Simon pagkadilat ng mga mata ni Glenn.

Inalala ni Glenn ang mga nangyari. Nagkaroon nga pala ng engkwentro. "Anong balita?"

"Good news muna o bad news?"

"Good news."

"Nahuli na ang apat na suspects na kinilalang sina Bea Yabut, Juris Diane Ubina, Aprilene Bataller at Grace Ramos. Sa maniwala ka man o hindi, mga minorde edad pa lang sila.. . at puro mga babae pa."

"Minorde edad at babae pa?" kumunot ang noo ni Glenn. "Sinong nag-utos sa kanila na gumawa ng ganoon.. . at bakit nila 'yon ginawa?"

"Walang nag-uutos. As in trip-trip lang nilang gawin 'yon."

Nanlaki naman ang mata ni Glenn sa mga narinig. "Nasaan na 'yang mga hinayupak na mga bata na'yan ng---"

"Puso Sir., don't worry dahil nasa dswd na sila," natahimik saglit si Simon bago muling kumuda. "Impluwensya ng GTA San Andreas at kung ano-ano pang larong may karahasan plus sobrang paghithit ng katol kaya raw nila nagawa ang mga krimen."

Nanggalaiti na naman si Glenn sa mga narinig. "Hindi rin talaga maganda ang epekto sa utak ng ilang kabataan ang mga computer games na bukas sa karahasan. Dapat talaga kontrolado at limitado ang paglalaro ng mga ganiyang games."

"Real talk." Pagsang-ayon ni Simon. "Saka pala dala na rin daw ng kahirapan sa buhay.

"Hindi rason ang kahirapan para sirain ang sariling buhay." Napailing na lang si Glenn. "Saan naman nila nakuha ang mga baril?"

"Iniimbestigahan pa ng Dasma Police," eksplika ng batang detective. "Ayon sa nakalap na info ng police-dasma e, may pinakamastermind ang mga riding in tandem na ito na kinilalang si Cristine Joy Aruta, pero hindi niya inuutusan ang mga suspects.. . Siya lang ang nagpoprovide sa mga baril, drugs at iba pang pangangailangan nila. Sa madaling salita, itong si Cristine Joy o mas kilala sa tawag na Madam e, walang alam kung sino ang mga tatargetin ng mga suspects."

"Ganoon ba?" -Glenn.

Tumango naman si Simon. "Pinaghahanap na rin siya ngayon."

"So, Ano 'yong bad news?"

Hindi nakaimik si Simon..

"Simon, hoy, ano 'yong bad news?"

"S-sir Glenn," nauutal nitong tugon. "M-ma--- ma-may taning na raw ang buhay mo."

Hindi naman nakaimik si Glenn sa sobrang pagkabigla.

"Joke lang sir," mangiyak-ngiyak sa katatawang si Simon.

"Gusto mo ata e ikaw taningan kong hayop ka!"

"Sir naman, eto na nga," sumeryoso ng mukha si Simon. "Walang connection ang mga nahuling suspects sa pagkamatay nina Doc.Rei, Doc. Anna, RD, Mela at Gab."

"Eh ano 'yong black stain na iniiwan sa mga pinapatay nila?"

"Habang tulog ka tumawag si Doc. Gem, 'yong mga pinasuri nating black stain sa bangkay ng biktima ng BSRT ay tatlo lang ang nagmatch sa black blood. Sina Angel Grace Sison, Abie Jessa Manaois at Frenzes Diane Marie Padaboc. 'Yong iba, sabi ni Doc.Gem talagang grasa lang na trip-trip din noong mga bata, ginaya lang daw nila sa balita. Tapos sir, no'ng tanungin ko ng isa-isa ang mga riding in tandem suspects ay itinanggi nila na sila ang pumatay sa tatlong nabanggit ko."

"Talaga?" napa-isip na naman si Glenn. "Kung ganoon ay paligid-ligid pa rin pala ang suspect. Kailangan ko ng makalabas dito."

"Sir, ipaubaya n'yo muna sakin 'to, magpahinga muna kayo ng ilang araw." Suhestyon ni Simon.

"Pero--"

"Trust me Sir, hindi ko kayo bibiguin," Pigil ng batang detective. "Habang hinahanap nila Ms.Nyxz si Cristine Joy Aruta, ako naman ngayon ang bahala sa paghahanap sa totoong black-stain killer."

Napabuntong hininga na lang si Glenn. "Okay, mag-ingat ka lang dahil baka mas malala pa sa'kin ang mangyari sa'yo."

"Nice encouragement sir. Wew. Sige maiiwan ko muna kayo."

Pagkaalis ni Simon ay napaisip na naman ng malalim si Glenn. "Who are you psycho killer?"







-------

Dedicated ang chapter na ito kina Miss251, JeyDieX, gutinstinct, msAtura & Grace Ramos(hindi ko alam watty account n'ya, pakitag na lang, thanks).

Glenn: Salamat google sa math joke.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top