Chapter 17


Chapter 17: Another.




----

Mag-isa na lang sa opisina si Angel Grace noong gabing iyon. Nag-over-time siya dahil sa tinatapos na file.

Matagal ng nagtatrabaho si Angel sa kompanyang iyon bilang loan officer. Doon na nga siya nagkaasawa, nagka-anak, nagka-apo at tumanda.

Hindi man ganoon kataas ang kaniyang sweldo e mahal niya naman ang trabaho. Ganoon talaga kapag gusto mo ang isang bagay, kuntento at masaya ka sa anomang meron.

Saglit na huminto sa pagtipa sa keyboard ang Ginang para iangat ang kamay at humikab. Ilang saglit din ay chineck nito ang relo sa kaliwang kamay.

"Anong oras na pala," may pagkagaralgal na ang tono ng boses nito dahil sa katandaan.

Matapos ayusin ang eyeglass ay isinunod niya na ang mga gamit. Pagkapatay ng computer ay saka naman siya tumayo.

Saglit niya munang inilapag ang bag sa desk saka dumeretso sa cr. Ilang minuto rin siyang nagtagal doon para ayusin ang mukha.

Pagbalik sa kaniyang opisina ay may napansin siyang naka-upo sa harap ng kaniyang computer.

Natigilan siya dahil doon.

"S-sino ka?" halata man sa itsura ang kaba ay pilit niyang nilakasan ang loob na magtanong habang dahan-dahan na lumalapit sa kung sinoman.

Laking takot niya ng humarap ito dahilan para mahulog ang kaniyang eyeglass at mapatakbo ng matulin.





-------

Pagkakuha ng bag ay agad naglakad palabas ang dilag na si Abie. Pauwi na siya ng bahay.

Nagtatrabaho siya sa isang sikat na banko bilang teller.

Simpleng babae lang siya. Mahaba ang buhok, hindi katangkaran, balingkinitan, hindi katangusan ang ilong, maamo ang mukha at mahinhin kung kumilos.

"Se yo tumuruw Ma'am," wika ng guard pagkalabas niya sa banko. Halata sa tono ng pananalita nito na bisaya.

Nginitian niya ito bago sumagot. "Ingat ka dito Manong ah."

"Syimpri pu."

Pagsakay ng dalaga ng kaniyang kotse ay binusinahan niya muna ang gwardiya bago tuluyang umalis.

Ilang minuto lang ay narating niya na ang subdivision kung saan siya nakatira. It is very near to her working place, a meter away.

Mag-isa lang sa bahay na iyon si Abie. Sa Mindoro talaga siya nakatira at nangungupahan sa Cavite kung saan siya nakadestino.

Mayroon siyang isang anak na dalawang taong gulang kaya lang ay nasa Mindoro din ito kasama ng kaniyang asawa. Ito ang nag-aalaga sa kanilang anak habang minamanage ang kanilang munting negosyo.

Matapos makapagbihis ay nag-asikaso na siya ng makakain. Wala namang ibang gagawa noon kun'di siya rin.

Mahirap talaga ang maging independent. Ikaw lahat ang kikilos para sa sarili mo. Ayaw niya namang kumuha ng katulong dahil hirap siyang magtiwala sa iba.

Paglapag ng mga hinain ay bumalik siya sa kusina para kumuha ng kutsara. Pagbalik niya naman sa dining area ay nagulat siya ng makitang may nakaupo na sa upuan kung saan nakaharap ang mga hinain niya.

Gumapang agad ang kilabot sa buo niyang katawan. "Sino ka?" nahihintakutan niyang sambit. "Tu---."

Bago pa man siya makasigaw ay bigla na lang namatay ang ilaw kasunod ng kalampagan sa loob ng kaniyang bahay.



-------

"I'm home," masayang bati ni Frenzes sa kaniyang Mommy, sabay kiss sa pisngi.

"Kumain ka na muna anak," saad ng Mommy niya.

"Hindi na Mom," tugon ng dalaga. "Magdi-dinner kami ng mga friendship ko sa labas," saka ito naglakad papuntang kwarto.

Sinundan naman siya ng kaniyang ina. Pagsara niya ng pinto ng kwarto ay pinigil ito ng huli.

"Saan kayo pupunta?" nakabusangot ang mukha ng Ginang.

"Sa Max lang naman, birthday kasi noong isang co-teacher namin. Don't worry Mom, hindi naman kami magtatagal ee."

"Naku... mag-ingat ka pag-uwi a. Uso ngayon ang patayan at rape."

"Yes, Mom," Nakataas kilay na sagot ni Frenz. "Sige na po, isasara ko na ang pinto, magbibihis pa'ko."

Matapos gumayak ay nagpaalam na ang dalaga sa kaniyang Mommy.

Tumungo ang dalaga sa terminal ng tricycle pero wala ng nakaparada. Mabilis talagang maubos ang mga trike doon kaya nilakad niya na lang papuntang kanto kahit medyo malayo.

Nakatira si Frenz sa isang village kung saan, trycicle ang pinaka-unang-ride papasok at palabas dahil medyo nasa kabihasnan ito.

Madilim din ang daanan dahil wala pang mga street lights. Matalahib naman ang magkabilang parte ng sementadong daan. Mangilan-ngilan lang ang bahay, magkakalayo pa kaya bibihira lang ang naglalakad kapag gabi.

Kung hindi lang nagmamadali ay mag-aantay siya ng trycicle. Iyon nga lamang ay kanina pa nagtitext ang kaibigan niya.

Napadaan ang dalaga sa harap ng bakanteng lote at di sinasadyang napatingin siya roon.

May naaninag siyang tao.

Umiiyak pa ito at nakayuko.

Out of curiousity ay nilapitan niya ito.

Kasunod noon ay ang pag-alulong ng mga asong malapit sa lugar na iyon.





-----

Madaling Araw.

"Ready kana ba?" tanong ni Bea sa kaibigan pagpasok nito sa kubo kung saan sila palaging natambay.

Ginawa na nga nilang hide-out ang lugar na iyon.

"Kanina pa," nakangiting tugon ni Juris sa bestfriend niya. Nakasalampak ito ng upo at nakataas pa ang isang paa.

"Asan na si Grace?" -Bea.

"Nahithit pa ng katol," natatawang sagot ni Juris sabay sindi ng yosi. Adik lang.

"E si April?" segunda ulit ni Bea.

"I'm here," masayang bati ni April na bigla na lang sumulpot sa kung saan at ikinagulat naman ng dalawa dahil sa suot niyang kita na ang kasingit-singitan.

"Ano 'yang suot mo, girl?" ani Juris pagkatapos humithit ng yosi. "Wala tayong booking ngayon gaga."

Napatingin tuloy si April sa sarili niya saka bumalik ng tingin sa mga kasama na mukhang nagpapaawang baliw. "Penget be 'ke? Kepelet-pelet be 'ke?"

"Oo," iritang saad ni Bea bago agawin ang yosing sinasagad na ni Juris. "Akina nga 'yan."

"Maldita ka talaga girl," -Juris

Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng tunog ng sasakyan. Nang sumilip sila sa bintana ay tumambad sa kanila ang nakakasilaw na liwanag galing sa motorsiklo na patungo sa kinaroroonan nila.

"Tara na. It's show time!" sigaw sa kanila ni Grace.

"Saan ka ba nagsususuot? Anong oras na oh?" tanong agad ni Bea pagkalabas ng kubo.

"May pinag-usapan lang kami ni Madam," nakangiting sagot ni Grace pagkahinto ng motor. "Sakay na."

Napa-ismid lang ng mukha si Juris habang patakbong tinungo ni April ang kinaroroonan ni Grace at umangkas dito.

Si Bea naman ay kinuha sa tabi ng kubo ang isa pang motorsiklo. Pagka-start niya nito ay agad ding umangkas si Juris.

"Rakenrolllll!!" -Bea.

"Petmalu!" -Juris.

"Mga lodi arat an!" -April.

"Wooooooooh!" -Grace.

Sigaw nila na parang mga nasisiraan ng bait. Epekto ng pagsinghot ng tambucho.



------

[Dedicated ang chapter na'to kina Madamfrenzfries, purpleblackyprincess at Angel Grace Sison (hindi ko alam watty account ng huli)]

Glenn: Medyo natagalan ang UD gawa ng nagsuper-edit ako e haha, Saka nagkapalit kasi ang dalawang karakters ng isang nurse at ni Madam. Bahala na gagawan ko na lang ng paraan haha. Anyway, sino kaya si Madam? Haha

Maiksi lang ang chapter. Nawa maibigan ninyo. Kahit 'di ninyo magustuhan wala kayong magagawa hahaha walang makakapigil hahaha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top