Chapter 16


Chapter 16: Shadow.



----

Kulungan.

Napabangon si Aki dahil sa isang kaluskos at laking gulat niya ng lumitaw sa kaniyang harap ang isang malaking kulay itim na nilalang.

"S-sino ka?"

"Ako ang iyong konsensya."

"Huh? Ano 'to commercial ng safeguard?"

"Hindi, commercial 'to ng joy dish washing liquid. May sabon oh!" sabay abot ng tinidor na may bahid pa ng sabon.

Natigilan si Aki. Namumukhaan niya ang isang 'to. Na-encounter niya na ito dati. "B-bitoy?"

"I am your bad form Aki."

"Huh? Hindi ako naniniwala. My mind playing tricks on me again," Giit ng binatilyo.

"Nakikita mo na nga ako hindi ka parin naniniwala, matindi ka pa sa athiest a."

Natahimik ang binata. Iniisip niya kasi kung saan niya narinig ang boses nitong kausap. Para bang nakausap niya na ito noon kung saan, hindi lang maalala ng binata kung saan.

"Magpapakilala na nga ako. Ako si Don Lourd Evner Santino Quacquin Vhurdados Alamid Martinez Valdemar Zalasar Fuenta Viella."

"Huh? Bakit ang haba?"

"Uso sa wattpaad ang mahabang pangalan, ewan ko ba, anong kinaganda ng ganoon. Wew."

"Teka," napasandal at napahawak si Aki sa ulo. He remembered everything. Ito 'yong nilalang na napapanaginipan niya noon bago mamatay sina Doc.Anna at Rei. Ito rin 'yong nagregalo sa panaginip niya ng puso ng tao. "Hindi 'to totoo, nananaginip lang ako," kinurot-kurot ni Aki ang sarili.

Napangiti ang taong anino. "Ge, lokohin mo ang sarili mo---- gaya ng pag-asa mong magkakabalikan pa kayo ni Mela."

Nanlaki ang mga mata ni Aki.

Nakangiting parang sinusuri ng mga pulang mata ng itim na nilalang ang isip ni niya. "Yes, you are very very right Aki. I can read what's on your mind."

"K-kung ganoon? Ikaw ang pumatay----."

"Hindi ako, kun'di ikaw."

Natutop ni Aki ang bibig sa narinig. Ano ang sinasabi ng isang 'to. Gaano iyon katotoo? Ano na naman ba'tong nangyayari sa kaniya? Hallucination? Paramnesia? O kung anoman.

"Alam ko ang iniisip mo Aki. Totoo ako at hindi isang guni-guni," nakangising paliwanag ng itim na nilalang. "Ang isip mo ang bumuhay sakin. Ang matindi mong pagnanais na hinaluan ng sobra-sobrang pagkapoot at pighati. Matagal na akong nabubuhay sa katauhan mo."

Hindi makapaniwala ang binata sa mga narinig.

"Sa pamamagitan ng karumaldumal na paraan ay pinatay ko si Mela at Gab gaya ng nais ng isipan mo," bigla itong humalakhak salamantalang si Aki ay hindi naman alam ang magiging reaksyon. "Pero tama lang iyon sa kanila dahil tiniraydor ka nila. Sinaktan nila at pinaglaruan ang 'yong damdamin."

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo sila pinatay?"

"Ako?" humalakhak na naman ang itim na nilalang. "Ikaw ang may gusto noon. Sinunod ko lang ang ninais ng kalooban mo," tumawa na naman ito ng malademonyo habang si Aki ay hindi alam kung paniniwalaan ba ang mga sinasabi nito.

Napahawak na lang ang binata sa kaniyang ulo dahil kumirot na naman ito sa mga nalaman. Totoo ba talaga ito? Hindi ba ito gawa-gawa lang ng isip niya.

Tumitig ng matalim kay Aki ang itim na nilalang at ngumisi ito ng bahagya saka bumulong ng ilang bagay sa binata.

Ikinagulat naman lalo ng binata ang mga ibinunyag ng kausap. "Kung ganoon, P-paano mo---" inilayo ni Aki ang tainga niya at napatitig ng mata sa mata sa itim na nilalang.

"T-tama 'yang naiisip mo Aki," tumawa na naman ito ng nakakasindak. Ilang saglit pa ay lumapit ito sa kaniya at hinawakan siya sa mukha. "Ito ang tadhana mo," pagkalaon ay walang habas na naman itong nagpakawala ng nakakasindak na halakhak.

Hindi makapaniwala si Aki. "D-demonyo ka! Layuan mo ako!" nagigimbal na sigaw niya.

"Grabe siya. Tumawa lang ng ganoon demonyo na kaagad," tatawa na naman sana ito kaya lang ay pinigil na nito ang sarili. "Oops, tama na nga. Anyway, hindi ako maaaring lumayo sa'yo. Dahil ikaw ay ako-ako ay ikaw. Habang nabubuhay ka, mananatili rin ako.

"Maglalaslas na'ko!" -Aki.

"Hindi mo kaya."

"Kaya ko!"

"Believe me, you can't do it Aki," nakangisi nitong sambit habang iiling-iling.

"Sinabing kaya ko eh!"

"Magpatuli nga hindi mo magawa, maglaslas pa kaya," naluha sa kakatawa ang itim na nilalang. "Oops sorry, nadulas ako. Nalaman na tuloy nila."

Napaiyak na lang si Aki dala narin ng pagkirot ng kaniyang ulo. Mahirap isipin kung totoo pa nga ba ang mga ito. Hindi niya na talaga alam kung ano na ang totoo sa hindi. Nababaliw na nga ata siya.

Maraming tumakbo sa isip niya noong gabing iyon. Sana ay nananaginip na lang siya. Sana ay hindi ito totoo. Sana ay magising na siya.

"Matulog ka na Aki. Ipikit mo ang iyong mga mata at hayaan mo na tangayin ng agos ng karimlam ang iyong diwa upang nang sa ganoon ay maging panatag ang iyong pag-iisip," sambit ng Aninong tao habang inaalo siya kunwari, "Paggising mo ay masisilayan mo na ang isang bagong umaga na punong-puno ng pag-asa."

Mga huling salita na narinig ni Aki bago liparin ang diwa niya.




------

Napabangon si Aki dahil sa yugyog ng isang babae.

"T-teka, sino ka?" nagugulumihanan niyang tanong pagkabangon.

Nginitian siya ng babaeng may nangungusap na mata. May katangkaran ito, medyo chubby pero bagay naman sa pustura. Halata sa uniform nito na isa itong nurse.

"Nasa ospital ako?"

"Nakakatampo kana Aki. Lagi mo na lang akong nakakalimutan, Si Shane 'to."

"S-shane ng weslife?."

"Shane Loraise Santa Ana.. . nurse Shane na lang. Nga pala kainin mo na 'yang pagkain na hinatid sa'yo para naman makabawi ka ng lakas at makalabas ka na rito," sabay turo sa pagkain sa lamesita na nasa bandang kaliwang ulunan ni Aki. "Inumin mo na rin ang gamot and don't forget to drink your magnolia milk first."

"Mommy d?"

"Shane nga, kulet nito. Ge, kain na."

Agad inubos ni Aki ang oatmeal kasunod ng pag-inom ng gamot na hindi niya alam kung para saan. Naguguluhan parin siya sa mga nangyayari.

Ang alam niya kasi nasa kulungan siya. Anong ginagawa niya ngayon sa lugar na ito? Nasaan ba siya?

"Kailangan mong makalabas dito sa lalong madaling panahon, Aki."

Bumalik lang ang binatilyo sa ulirat matapos muling magsalita ni Shane.

"Hindi ba iyon ang lagi mong sinasabi sa akin?"

"Palaging sinasabi?" Anong ibig niyang sabihing palagi kong sinasabi?"

Magtatanong na sana si Aki kaya lang ay may babaeng dumaan sa pintuan ng kwartong kinaroroonan nila. Nakabukas kasi ito kaya kita ang mga dumaraan galing sa labas.

Huminto ang babae pero hindi niya sigurado kung sa kanila ito nakatingin.

"Kailangan ng assistant mo, madali ka," pagkasabing ganoon ng babae ay bigla rin itong umalis at isinara ang pinto.

"Si Nurse Reign Dayrit Bernadette," nakangiting sabi ni Shane saka tumayo mula sa pagkakaupo sa kama ni Aki. "Oh, Aki maiwan muna kita ah, pagbalik ko ikuwento mo ulit 'yong tungkol kay Detective Glenn."

Tumango naman si Aki kahit ang totoo ay wala talaga siyang maunawaan. Parang lutang na lutang parin ang isip niya. Daig pa ang naka-take ng pampalimot drugs. Hindi narin tuloy niya namalayan na wala na si Shane.

Pagkaalis ni Shane ay tumayo siya mula sa kama saka naglakad paabante patungo sa kabilang side ng kwarto kung saan may maliit na salamin na kita ang kabilang side.

Dahan-dahan niyang sinilip ang nasa kabilang side ng bintanang salamin at tumambad sa kaniya ang mga taong kung ano-ano ang ginagawa. Mga taong wala sa katinuan.

Doon niya napagtanto ang isang bagay.. .

Nasa mental hospital siya.

Animo'y lumobo ang utak ni Aki sa mga napagtanto. Parang sasabog ang utak niya.

"A-anong ginagawa ko dito?" kasunod ng pagkasabing iyon ay ang malakas niyang pagsigaw dahil sa sobrang pagsakit ng kaniyang ulo.

"Hindi ako baliw!!!"



-----

[Dedicated ang chapter na'to kay unsolvedestiny]

Gensan. Eto na lumabas ka na hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top