Chapter 14
Chapter 14: Leak.
-----
City Land.
Pagkagising ni Eljey ay dumeretso siya sa cr para maghilamos.
Pagbukas niya ng gripo ay hindi agad sumirit ang tubig. Parang may nakabara. Pinukpok niya ng bahagya ang gripo saka naman biglang tumagas ang tubig pero nawala rin agad.
"Tss," napakibit balikat na lang siya saka tumungo sa lababo ng kusina para doon na lang maghilamos. Kaso ganoon din ang patak ng tubig.
Dahil doon ay tumawag na siya sa maintainance para ipacheck ang problema sa faussets niya.
Nang maayos na ang problema ay sinamahan ng dalaga palabas ang nag-aayos. Pagbukas ng pinto ay doon niya nakita si Aki na kasama ang tatlong pulis.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa lumiko pa-elevator. Pagsara ng pintuan ay saka niya naisip ang sinabi sa kaniya ng bunsong kapatid noong nakaraang araw. "Beware tha guy ate."
"Bakit kasama siya ng mga pulis?" tanong niya sa sarili bago nagpatuloy sa ginagawa.
------
Tagaytay Police Headquarter.
Kasalukuyang nag-aantay si Aki sa confession room. Wala na naman siyang ka-ide-idea kung bakit siya inimbitahan doon ng nangngangalang Glenn.
"May ginawa na naman ba ako?"
Iniisip niyang mabuti ang mga nangyari kagabi. Wala naman siyang maalala na lumabas siya ng condo.
Ang huling natatandaan niya ay nagsusulat siya ng masasamang bagay tungkol kina Mela at Gab. Sa pagsusulat lang kasi niya kayang saktan ang dalawa o ang mga taong nakagawa ng masama sa kaniya. Sa totoong buhay ay hindi niya kayang manakit.
Pagkatapos noon ay nagising siya na nakatanday ang mukha sa notebook. Nakatulugan niya pala ang pagsusulat.
Pagkagising ay muli niyang kinuha ang cellphone sa sahig at nakita ang ilang texts at calls kagabi mula kay Mela at Gab. Napangiwi siya ng makita iyon. Nakakasira ng umaga.
Hinagis niya na lang ulit ang cellphone sa kama saka nagtungo sa cr para maghilamos kaya lang ay mukhang may problema sa gripo. Tatawag na sana siya ng mag-aayos ng biglang may nagdoor bell. Agad niya namang binuksan ang pinto.
"Ikaw ba si Aki?"
Tumango siya sa kaharap na nagpakita ng badge na nagpapatunay na lihitimo ito.
"Iniimbitahan ka namin sa aming headquarter, May ilan lang kaming katanungan."
Natigilan si Aki sa pag-alala ng mga nangyari dahil biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya.
Mula roon ay pumasok si Glenn kasunod ng dalawang pulis patola.
Umupo ito sa harap niya at pinatong ang kamay sa mesang nasa pagitan nila.
"Ako nga pala si Detective Glenn Amer," inilahad nito ang kamay. Nakipagshake hand naman si Aki pero medyo confuse parin.
"Para saan po ba ito?" unang tanong ni Aki.
Umubo muna si Glenn para malinis ang lalamunan. "Kilala mo ba si Mela Estrella at Gabriel ang hari ng Ravena?"
"Si Mela kilala ko pero 'yong hari ng ravena hindi---"
"Gab ang palayaw."
Napatango si Aki. "O-oo kilala ko si Gab," saka deretsong tumingin sa detective. "Ex girlfriend ko si Mela at Bestfriend ko si Gab."
Hinimas-himas ni Glenn ang kaniyang baba saka dahan-dahang nag-angat-baba ng ulo habang medyo nakanguso. "The ex and bestfriend, huh?" saka ito dumekwatro ng upo. "So, may rason kung sakali."
"What do you mean, Mr. Detective?" taas kilay na tanong ni Aki. Naiirita kasi siya sa asta ng kaharap.
Ibinaba ni Glenn ang mga kamay sa mesa saka bahagyang inilapit ang mukha kay Aki. "Alam mo ba na patay na si Mela at Gab."
Laking gulat ni Aki sa narinig. "H-huh?"
"Dedo na sila. Pinatay sila sa pagitan ng 22:00-23:40 kagabi.
"T-teka, paano?" biglang kinabahan si Akiboy.
"Pinatay sila sa brutal na pamamaraan," sumeryoso ng tingin si Glenn. "I will tell you honestly Mr.Aki, Ikaw ang pinaka-una sa listahan ng mga suspects."
"Teka--, why me?"
"Act like an innocent man, huh," natahimik ng ilang segundo ang loob ng confession room. "Nasaan ka ng maganap ang pagpatay sa dalawa?"
"Teka, hindi tama 'tong ginagawa n'yo. Accusing me sa bagay na hindi ko ginawa," giit ni Aki.
"Just answer my question man," Glenn.
"Wala akong alam sa sinasabi n'yo. Nasa bahay ako noon. Pinagbibintangan n'yo ba ako?"
Ngumisi naman si Glenn sa sinabi ng kaharap. "Ikaw lang ang maaring gumawa noon sa kanila, dahil una, niloko ka nila hindi ba?" saka ito nangcross arms. "Based on my investigation ay may namuong third party sa kanila. Niloko ka ng girlfriend at besfriend mo and you really-really hate it, right, Aki?"
Hindi kaagad naka-imik si Aki dahil tama naman ang sinabi ni Glenn. "P-pero hindi 'yon basehan para akusahan ako. I'm not guilty."
"Not guilty? So, sabihin mo, nasaan ka kagabi before the killings?" tila walang emosyong ulit ni Glenn sa tanong.
"Ilang beses ko ng sinabi hindi ba? What's wrong with you people?" pasigaw ng sagot ni Aki. Naiinis na siya.
Naantala ang usapan ng biglang pumasok si Simon at may ibinulong ito kay Glenn. After noon ay lumabas muna silang dalawa. Naiwan naman si Aki sa loob ng confession room kasama ang dalawang pulis patola.
Higit bente minutos bago bumalik si Glenn dala ang isang bagay na pamilyar kay Aki.
Malakas na inilapag ng detective sa harap ni Aki ang notebook saka siya inusisang muli. "You know this one right?"
Napatingin si Aki sa notebook bago bumalik ng tingin sa kaharap. "How there you to enter my house without my permission! What you did was fucking Illegal!"
"FYI dude, may search warrant kami," inilapag ni Glenn sa mesa ang copy ng search warrant. Pagkatapos ay inayos niya ang kaniyang kwelyo. "Nabasa ko ang laman ng notebook, ito ang matibay na ebidensya laban sa'yo."
"Huh? Teka, mali kayo, hindi ganoon 'yon wait----"
"Sorry to say this Mr.Aki, sa ngayon ay ikaw ang nag-iisang suspect sa pagpatay kina Mela at Gab. May karapatan kang manahimik, puwede ka na rin kumuha ng lawyer mo."
"Nagkakamali kayo, Mr. Detective--" hindi na natapos ni Aki ang sasabihin.
"Dalhin na ang isang 'yan sa kulungan," utos ni Glenn sa mga patola na agad binuhat si Aki at pinosasan.
"Teka! Hindi ko alam ang sinasabi n'yo!" nagpumiglas si Aki. "Wala akong alam sa mga sinasabi n'yo! Saan n'yo ako dadalhin? Wala akong kasalanan! 'Wag n'yo akong ikulong! Parang awa n'yo na! 'Waaaaag!"
------
Nagulat si Glenn matapos makita ang resulta ng examination na ginawa ng S.O.C.O sa bahay ni Gab kung saan nakita siyang patay kasama si Mela.
Wala ni anumang bakas ng finger print o anumang bagay na magdidiin pa kay Aki na siya ang pumatay sa dalawa. Perfect crime.
Dahil doon, kasama si Simon ay binalikan nila ang bahay ng biktima.
Muli nilang siniyasat ng mabuti ang lugar.
Pagpasok ni Glenn sa kwarto na pinangyarihan ay inimagine niya ang scenary of killings.
Natagpuang nakabulagta si Gab sa kaniyang kama at naliligo sa sarili nitong dugo. Dilat ang mga mata. Nakanganga. Putol ang ari. Walang anumang saplot.
Nakatali ang mga kamay at paa sa bawat kanto ng kama. Tadtad ng saksak ang tiyan na umabot ng 100 na saksak dahilan para bumulwak ang mga internal organs nito at halos mahati na ang katawan sa dalawa.
Butas din ang mga palad niya pati ang paanan na binarena at ginaya kay Kristo. Ang noo nito ay binarena rin kaya sumirit ang ilang laman nito sa utak.
Si Mela naman ay natagpuan sa bath tub na nagmistulang nalunod sa sarili nitong dugo. Nakahubo rin ito. Dinukot ang mga mata na iniwan sa sahig. May nakasakal pa sa leeg nitong vibe wire.
Napakaraming saksak mula ulo hanggang paa. Biniyak ang dibdib. Dinukot din ang puso nito at sinalampak sa bibig.
Nakatali din ang mga kamay at paa nito at may nakasalpak na sampung malalaking kutsilyo sa ari.
Grabe ang kinahinatnan ng dalawa. Hindi halos ma-imagine ni Glenn kung paano ginawa iyon ni Aki. Napakatindi ng galit nito kung ganoon nga.
Napa-isip ng malalim ang poging detective. "Kung sa pagitan ng alas dyes ng gabi hanggang alas onse kwarenta napatay ang dalawa, paanong ang sulat ni Aki sa notebook ay nasa pagitan din mismo ng oras na iyon?"
Napaupo si Glenn pero hindi sumayad sa sahig ang puwet niya. "Hindi kaya 'yong oras na nilagay niya ay time frame sa pagpatay sa dalawa kaya iyon ang sinulat niya? Hmm.. . posible," hinimas niya na naman ang baba saka luminga-linga. "Pwede namang sinadyang baguhin ang oras."
Ini-stimate ni Glenn ang time frame dahil kung sa pagitan ng 22:00-23:40 napatay ang dalawa ay may laban si Aki. Hindi kasi niya magagawa ang krimen na iyon sa ganoong kaiksing oras. Biahe pa palang, mga 30 minutes ang pagitan ng layo ng city land sa village na tinitirahan ni Gab. "Adrenalin rush? Sobrang galit? Hmm. Pwede rin siguro."
Napakamot-ulo siya nang bahagya. May conflict. Kailangan niya pa makahanap ng mas konkretong ebidensya. Pero saan? Maliban sa notebook at personal interest ay wala ng ibang nagtuturo kay Aki bilang suspect. Walang nakasaksi sa mga pangyayari maliban sa mga mismong biktima.
"Hindi kaya may kasabwat siya? Pero sino?" anas ni Glenn sa sarili.
"Sir. Glenn, dali tingnan mo 'tong nakita ko!" sigaw ni Simon mula sa kabilang kwarto. Agad namang napatakbo si Glenn doon para makita kung ano ang nadiskubre ni Simon.
"Nakakita ako ng vip tickets para sa concert ni Alden Richards. Ang swerte dalawa 'to, gusto mo---- Aray!" napahawak si Simon sa parte ng ulo niyang binatukan ni Glenn. "Sir.Glenn naman e."
Niliitan ni Glenn ng mata ang kausap. "Bwiset."
Natigil lang sila ng magring ang cellphone nila pareho. Sabay nila iyong sinagot at sabay din silang nagbaba.
"Sir. Glenn, sabi sa nagcheck ng cctv sa city land, hindi raw lumabas ng unit si Aki ng ganoong oras," explain ni Simon.
Napataas kilay si Glenn. "Tara bumalik na tayo sa headquarter."
-----
[Dedicated ang chapter na'to kay GabCo_/kahit 'di ko alam kung nag-eexist pa siya dito. Hehe.]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top