Chapter 13


Chapter 13: Wrath.


-----

Sinasayaw ng malamig na hangin ang buhok ni Aki habang nakadungaw sa terrace at nakatingin sa kalsada sa ibaba. Sinabayan niya iyon ng pakikinig sa radio.

"The title of our next song is Megalomania, written and composed by Muse. So, keep on listening, this is Dj bae of Hateradio 101.k."

"Paradise comes at a price.. ."

Agad inilipat ni Aki ang station.

"Pasko na sinta ko, hanap-hanap kita..."

Pinatay niya na lang ang radio at nahiga sa kaniyang kama saka tumitig ng matagal sa kisame.

Maya-maya ay pumikit na siya pero dumilat din ulit. Nagpa-ikot-ikot, nagpapalit-palit ng posisyon at nagta-tumbling pero hindi parin siya makatulog. Dahil kasi sa nangyari kanina sa kanila ng girlfri--- ex girlfriend niya.

Bigla na naman tuloy niyang naalala ang convey nila.

"A-aki."

"Thank you for calling, how may i help you?"

"Magbreak na tayo."

Hindi iyon pinansin ng binata. "Upo tayo," nakangiti niyang sabi sabay lapit kay Mela pero lumayo naman ito. "Ang ganda talaga dito kapag gabi e no?" pagpipilit niyang pag-iiba ng takbo ng usapan at ambiance.

Napailing naman si Mela. "Tapusin na natin 'to," nagsimula itong humakbang palayo.

"Wait hon," susundan sana siya ni Aki kaya lang.. .

"Break na tayo!" sigaw ni girl habang nagmamadali sa paglakad.

"Okay, sige. Magbreak na muna tayo. Gutom narin ako e, 'di ko namalayang breaktime na pala."

"Aki ano ba? Ayoko na---- Maghiwalay na tayo!"

"Huh?" napakunot noo si Aki habang nakaukit ang tanong sa mukha. Doon pa lang kasi nagsisink-in ang lahat sa kanya.

"Hindi na kita mahal! Break na tayo!" pinamukha pa talaga ni girl.

Nagpantig ang tainga ng binatilyo. "Hindi mo na ako mahal?" ulit niya. "Joke ba'to?"

"Hindi 'to joke!"

"Anong drama 'yan?"

"I don't love you anymore!"

Hindi man pinahalata ng binata ay nasaktan talaga siya ng sobra sobra sobra sobra sobra sa narinig kay Mela.

Sumeryoso ng mukha si Akiboy. "Sino siya?"

Natigilan naman si Mela sa tanong na iyon.

"Sinong gagong pinalit mo sakin?" mahinahon pero kita ang poot sa mukha ng binata.

Napayuko na lang si Mela saka humarap sa nobyo. "Si Gab."

Humugot ng malalim na hininga si Aki bago ulit magbitiw ng mga salita. "Si Gab," ani niya na parang hindi na masyadong nagulat. "Kaya pala," napangisi siya na ramdam ang pagkainis sa sarili. "I knew it," kalmado pero may bigat sa pakiramdam. So, this is it... we're done."

"I'm sorry Aki," malungkot na saad ni Mela.

"Sorry?" bulong ni boy sa sarili bago humarap sa kasintahan."Sorry huh?" pinigil niyang umiyak sa harap nito pero ang totoo ay kanina pa niyang gustong magwala dahil sa mga nalaman.

Ginago siya ng dalawa, nang mga taong pinagkatiwalaan niya.Tapos sorry lang? Hindi maibabalik ng sorry ang nasirang samahan at ang tiwalang nawala. Sa katotohanan, ang salitang sorry ay pampalubag loob lang para hindi makonsensya ang mga manloloko. Hindi nito mababawasan kahit kailan ang sakit na nararamdaman ngayon ng kalooban ni Aki.

"Thanks sa ten years," nginitian niya si Mela bago mag-walk-out.

Napahagulgol naman ang huli dahil sa ngiting iyon. Bakit pakiramdam ng dalaga siya ang talunan? Siya ang nanloko pero parang siya ang natalo.

Matapos ang flashback na iyon ni Aki ay nakaramdam na naman siya ng galit para kay Mela at Gab. Napaganda kasi ng pamasko sa kaniya ng dalawa. Pagtatraydor. SMP member na tuloy siya.

All this time pala, pinapaikot lang siya ng mga ito. Doon na pumasok sa isip niya ang mga details ng mga panloloko sa kaniya ng dalawa. Napagtagni-tagni niya ang mga ito.

Simula noong nakita niya si Mela doon sa hotel, si Gab pala ang kasama nito.

Pati noong nagpunta ito sa batangas na hindi nagpaalam sa kanya noon. Si Gab rin pala ang kasama nito. Nag-away sila dahil doon kaya nagwalk-out si Mela. Nang sundan niya ito sa labas ng bahay ay nakita niya na nakaakap ito kay Gab. Nakaramdam na siya ng kakaiba noon kaya bumalik siya sa loob ng bahay para uminom ng tubig kaso sa sobrang inis ay nahimatay siya.

Kaya pala si Gab ang nagprovide ng bakasyon niya sa baguio ay para masolo niya si Mela. Lahat pala 'yon ay may reason. "Walanghiya kayo!"

Malaki rin ang posibilidad na kasama si Gab sa bakasyon ng dalaga sa probinsya.

Saka nito lang, kaya pala tumawag si Gab sa dalaga, "Nasabi mo na ba?"

Tungkol pala sa pakikipaghiwalay kay Aki ang usapang iyon.

Pati ang birthday surprise para kaniya, lahat pala ng iyon ay palabas lang para isipin niya na ayos lang ang lahat.

Matagal na pala siyang iniiputan sa ulo ng bestfriend niya. "All this fucking time. Tang-ina." "Ang tanga-tanga ko naman," hindi na napigil ni Aki ang mga luha na kanina pa gustong kumawala. Naisahan siya. Niloko. Pinagmukhang tanga. Pinagmukhang gago.

"Bakit?" nanginginig na tono ng boses niya habang nagwawalling. Saka niya nareminisced ang mga masasayang araw nila ni Mela na hanggang alaala na lang ngayon at hindi na madudugtugan. "Bakit mo ginawa sa'kin 'to?" galit na galit na tinig ng binata kasunod ng pagsapak sa pader. "Aray."

Naging mabuti siyang nobyo, naging tapat siya, ginawa niya ang lahat para sa babaeng 'yon. Hindi parin ba'yon sapat?

Sa kalagitnaan naman ng pagmomoment ay biglang nagring ang kanyang cellphone.

"Everything i know about love, i learned from you. And everything i know about pain i learned from you----."

Pagcheck niya sa cellphone ay rumegister ang pangalang BESTFRIEND GAB.

"Fvck!" naibato ni Aki ang kaniyang cellphone. Lalo lang tuloy nadagdagan ang poot niya para dito.

Biglang naisip ni Aki na kaya pala hindi sinasabi ni Gab sa kanya kung sino ang girlfriend nito. Dahil sinulot na pala nito ang Mela niya.

Tinuring niyang parang kapatid si Gab. Ito ang lagi niyang kasama kahit saan, sa hirap, sa problema, sa kalokohan, at sa kung ano-ano pang bagay ay katu-katulong niya ito. Hindi niya lubos maisip na nagawa siya nitong tarantaduhin. "Bakit Gab? Bakit?" nangangalit na sigaw ng isip niya.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit ito pa ang taong gagawa ng ganoon sa kaniya. Ang isa sa mga taong naging sandalan niya noong panahong namomroblema siya sa pagkawala ng Mommy at Daddy niya. Ang taong madalas na tumutulong sa kaniya. Lahat ba ng tulong na ginawa nito ay may kapalit?

Nayukom ni Aki ang mga kamao sa sobrang gigil. Nag-alab ang galit niya sa dibdib, matinding alab na halos makita sa mga mata niya. Hindi niya matanggap itong mga nangyari.

Kailangang may gawin siya.

Kailangang magbayad ang mga taong ito dahil sinaktan nila ng sobra ang puso niya.

Hindi sila pwedeng maging masaya.

Kailangang maranasan din nila itong sakit ng kalooban na meron siya ngayon.

Tumayo si Aki at tinungo ang kanyang wardrobe. Kinuha niya ang kaniyang notebook pero wala ito doon. Hindi niya na muna iyon pinagtuunan ng atensyon, kumuha na lang siya ng isang notebook sa maliit na tukador sa ilalim ng aquarium. Naupo siya sa study table saka tumingin sa orasan. 22:00 na ng gabi.

Nagsimula na siyang magsulat ng masasamang bagay tungkol kina Mela at Gab.

Sa ganoong paraan niya gustong gumanti at mailabas ang sama ng loob para sa dalawa. Maiibsan din noon kahit papaano ang bigat na dala-dala niya.



-----

Location: Tagaytay; Gab's house.
Time: 22:00

Kasalukuyang nakahiga noon si Mela at Gab sa kama.

Namumugto noon ang mga mata ng dalaga habang inaalo ni Gab.

Maya-maya ay tumayo si Mela saka kinuha ang cellphone niya sa bag. Ni-dial niya ng paulit-ulit ang numero ni Aki.

Hindi ito sumasagot.

"Tinawagan ko na siya kanina babe, hindi niya 'yan sasagutin. Hayaan mo muna siya," lumapit si Gab sa nobya saka ito niyakap at hinatak pabalik sa kama. "Natext ko na rin siya, nagsorry ako."

Ganoon na din ang ginawa ng dalaga.

"Hayaan muna natin si Aki. Makakarecover din 'yon, ang mahalaga nasabi na natin ang totoo sa kaniya. Hindi na natin kailangang magtago," sabay halik sa ilalim ng tainga ng nobya.

Napaliyad naman si Mela dala ng nakakakiliting sensasyon.

"Let's celebrate in my bed," bulong ni Gab na tinugunan naman ng dalaga ng pagyakap.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Gab na parang sabik na sabik sa alindog ng kaharap. Sinikil niya agad ang dalaga ng halik habang mabilis na tinatanggal ang suot na damit. Rakrakan na'to.

Pagkahubad ng damit ng binatilyo ay isinunod naman ni Mela ang boxer. Nagpalitan na naman sila ng halik pagkatapos noon.

Pinagapang ni Gab ang kamay niyang kasing gaspang ng mukha niya sa mga umbok na dibdib ng dalaga saka dahan-dahang inalis ang damit at bra nito kasunod ng pang-ibaba. Naiwan lang ang panty.

Lumuwa ang malulusog na dibdib ng dalaga na enjoy namang minasahe ng kaniyang nobyo. Napaimpit ang dalaga sa sarap ng pakiramdam. Napakagat labi pa siya.

Kanina lang kunwari nakokonsensya at paiyak-iyak pa siya tapos ngayon fight-fight-fight agad. Tindi ni inday.

Napaibabaw ang dalaga sa bisig ni Gab habang hinahabol nila ang labi ng bawat isa. Sabik na sabik sila na maglapat ang mga hayok nilang labi na punong-puno ng pagnanasa.

Nang dumampi naman ang isang kamay ni Gab sa chicharong bulaklak ni Mela para tanggalin ang tumatakip dito ay pinigil siya ng dalaga. "Wait. There's more," sabay ngiting nakakaakit.

Lumitaw ang question mark facial expression kay Gab.

"Magsa-shower lang ako saglit," si Mela habang dahan-dahan pinapaikot ang mga daliri sa katawan ng lalaki.

Bago siya tumayo para pumunta sa cr ay pinisil niya muna ang mahiwagang espada ni Gab na nabubuhayan na. Ikinatuwa naman ito ng huli.

"Bilisan mo Babe, sabik na'kong makita ang perlas," nakangiting sabi ni Gab habang kinakambyo si manoy. "Sisid na sisid na'ko, galit na galit na'tong si junjun, Babe."

Ilang minuto ang lumipas ay biglang namatay ang ilaw. Kasunod noon ay lumabas si Mela sa cr saka sinunggaban si Gab habang sumasabay sa saliw ng tugtugin.

"When the night has come,

O yeah, at pinatay ang ilaw.. .

O madalas, lumalabas,

Banyo Queen..."



------

[Dedicated ang chapter na'to sa mga taong pinagpalit ng mahal nila sa mismong bestfriend nila. Pati sa makakating babae sa palagid at sa mga kaibigang mang-aagaw ng jowa ng may jowa haha.

Lasapin ninyong lahat ang galit ni JUNJUN hahaha!]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top