Chapter 11


Chapter 11: Secrets.


-----

03:00 ng bumangon si Aki sa sofa. Sa sala pala siya nakatulog.

Tumayo siya para mag-cr at pagkatapos ay uminom muna ng malamig na tubig saka tumingin sa orasan. 03:04 pa lang pala kaya pumasok na siya sa kwarto at bumalik sa pagtulog.

Sakto 7:00 ng magising siya dahil sa isang tawag. Dr. Marata ang rumehistrong pangalan pagkacheck niya ng cellphone.

Matapos ang usapan nila sa telepono ay saka siya bumangon ng kama para mag-asikaso. Napatingin muna siya sa aquarium para titigan sina Ray at Hope. Inilapit niya ang mga mata rito. Kumurap-kurap siya baka sakaling mangyari na naman 'yong nangyari kahapon. Buti at hindi.

Effective ang treatment na ginawa ni Ms.Rei.

Pagpunta niya kasi sa rest house nito malapit sa people's park, palace in the sky(tourist spot sa tagaytay) na malapit lang din sa city land ay nagkaroon sila ng session na tinatawag na hypnotism. Ancient method 'to ng mga psychiatrist pero effective din for mind therapy.

Habang naliligo ay napansin ng binata na meron siyang maliit na hiwa sa kanang hinlalaki. Humapdi kasi 'yon ng mabasa, pero hindi niya na lang pinansin.

Maya-maya, matapos ang routine sa umaga ay lumabas na siya ng unit niya to meet Dr. AM.

Bago sumakay ng taxi ay tinext niya muna si Mela. Ilang araw na kasi itong hindi nagpaparamdam. Kinakabahan na naman tuloy siya. Samantalang dati, halos oras-oras 'to kung magtext. Ganoon talaga ang relasyon kung minsan, sa una lang masaya, sa una lang magaling.

Sa lalim ng iniisip niya noong umagang iyon ay hindi niya namalayan na may katabi pala siya sa upuan. Nagitgit niya ito ng bahagya.

"Aww. You ouch me!" reklamo ng nagitgit niya habang pairap-irap.

"Arte ah, you ouch me talaga?" "S-sorry," nagulat si Aki pagkatingin dito. "G-gela?"

Hindi siya nito pinansin. Pumaling lang ito sa kabilang bintana, sa left side.

"Teka, bakit mag-isa kang nagbi-biahe? Delicates yan. Nasaan ang ate mo? Alam niya ba na umalis ka ng unit niyo?"

"Of course," tipid na sagot ni Gela.

"Saan ka pupunta? Ang bata-bata mo pa mamaya rape-in ka ni manong driver," sa pamamagitan ng rearview mirror ay nakita ni Aki ang masamang tingin ng driver. "Joke lang manong," sabay ngiting nakakaloko.

"I-memeet ko 'yong bf ko sa robinson then magdidate kami, manonood ng sine, kakain sa pizza hut at mag... ahm, mag----- never mind," mataray nitong sagot. "So okay na po, kuya Aki?" sabay taas kilay. Lumagpas nga sa bubong ng taxi sa sobrang taas e.

Hindi na nakaimik si Aki. Iba na talaga ang mga bata ngayon. MILLENIAL.

Maya-maya pa pagdaan ng taxi sa Robinson ay nagmamadaling bumaba si Gela na parang takot na takot. Matapos kumaway ni Aki at sabihan ito na mag-ingat ay umalis na ang taxi.

Pagkakita naman ni Eljey sa kapatid na nag-aantay pala doon sa robinson ay biglang umiyak si Gela.

"Oh why?" niyakap niya si Gela.

"I saw a monster."

Nilingon ni Eljey ang taxing sinakyan ni Gela na paalis na. Naaninag niya si Aki. "A-aki?"

Pinunasan naman ni Gela ang mga luha saka hinarap ang ate. "Ate beware that guy please."

Nahiwagaan naman si Eljey sa kapatid. Alam niyang may pagkawirdo ito, pero sumobra naman ata ngayon.




-----

"'Yong report na in-e-mail ni Rei kahapon tungkol sa session n'yo ay na-evaluate ko na," eksplika ni Dr.AM. "Kasama narin dito ang ct-scan na ginawa natin kanina."

Nakinig lang si Aki.

"Ayon sa mga kwento at sa result na lumabas sa ct-scan ay nagkaroon ka ng slight paramnesia."

"Ano po 'yong slight paramnesia?" tanong ni Aki na nababahala.

"Paramnesia is a disorder of memory in which dreams or fantasies are confused with reality," paliwanag ni Doc.

"Doc., Pakitagalog."

"Ahm.. . Basta 'yon. Sa nararanasan mo, kaya ko nasabing slight lang ay dahil hindi pa naman totally naapektuhan ang utak mo. Walang sign based sa ct-scan. Normal na normal ang utak mo except sa crack sa skull mo na hindi naman nakaapekto kaya nakakapagtaka."

"So, ano na pong mangyayari sa'kin?"

"Ituloy mo lang ang pag-inom ng mga gamot at nang session n'yo ni Rei, and we will find out kung anong maaari pa nating gawin. Basta 'wag kang mag-alala, everything will be okay."

Napabuntong hininga lang si Aki. "Hopefully Doc., Napapagod na rin kasi ang utak ko e," dinaan niya na lang sa pabirong sabi.

May gusto pa sanang sabihin si Doc. Anna noong mga oras na'yon kaya lang ay hindi niya na lang itinuloy.

Paglabas ng hospital ay tinawagan ni Aki si Mela, hindi man lang kasi 'to nagreply sa text niya kanina. Miss niya na ito at worried narin siya at the same time.

Hindi sinasagot ang mga tawag niya. Baka busy, kuno.

Nagdesisyon na lang siya na puntahan ito sa coffee shop sa Silang, Cavite kung saan ito nagtatrabaho.

Pero ayon sa mga katrabaho ni Mela ay naghalf-day lang daw ito, may sumundo daw na isang lalaki. Laking gulat naman ni Aki ng malaman iyon.

Biglang nag-init ang kaniyang mukha. Anong ibig sabihin ng mga nalaman niya? Kinakaliwa ba siya ni Mela?

Ayaw niyang paniwalaan iyon. Dapat ay makasiguro siya. Dapat ay magkaroon siya ng sapat na basehan.

Sumagi na naman tuloy sa alaala niya ang panahon na nakita niya sa hotel si Mela. "Matagal niya na bang ginagawa sa akin 'to?"

Napahawak na naman tuloy siya sa ulo dahil bahagyang sumakit na naman ito kakaisip.

Binunot niya ang cellphone at tinawagan si Gab. Kailangan niya ngayon ng karamay. Nang makakausap.

"Sorry, busy ang iyong tinatawagan----" Sabi ni Marian Rivera. "Mag-avail na lang ng aming promo sa sogo-----"

Pagkapatay ng cellphone ay pumara ulit siya ng taxi at tinungo ang bahay ni Gab. Sigurado siya na naroon lang iyon ng ganoong oras. Pero mali siya ng akala.

Ayon sa bagong kasambahay ni Gab ay umalis ito kasama ng girlfriend niya.

"May girlfriend na si Gab?" nagtataka niyang tanong sa isipan.

Bakit hindi niya alam ang tungkol sa bagay na'yon? Kailan pa naglihim sa kaniya ang bestfriend niya pagdating sa mga ganoong bagay?

Kung sabagay, madalang narin naman kasi silang magkita hindi kagaya noong sabay pa silang nag-aaral at nagtatrabaho. Pero nakakasama parin ng loob dahil nalaman niya pa sa ibang tao na may girlfriend na pala ang bestfriend niya. Kelan pa?

Masama ang loob niya ngayon. Nakakainit ng ulo. Yung dalawang importanteng tao sa buhay niya, parehong may inililihim sa kanya. Parang nanghina siya sa mga nalaman. Sinabayan pa ng bahagyang pagsakit ng crack niya sa ulo.

Umuwing dismayado si Aki. Eksakto 18:00.

Walang ganang naupo siya sa sala. Gusto niyang uminom ng alak para mabilis makatulog. Kaso ay hindi naman siya palainom talaga.. . at hindi rin pwede.

Parang lantang gulay na binuksan niya ang tv, naglipat-lipat ng channel hanggang sa napahinto siya ng makita ang isang palabas.

Isang nakakabiglang balita na dahilan kung bakit napabalikwas ng bangon ang binata.

"Paanong?"

Kasabay ng tanong na iyon ay ang pagring ng kaniyang cellphone. Si Doc. Anna.

"Napanood mo ba ang news?" ani Doc. sa kabilang linya.

"Opo. Paano nangyari 'yon Doc.? Sinong pumatay kay Ms.Rei?"

"Under investigation. Pero noong gabing bago siya mamatay, tumawag siya sa'kin, sabi niya, she's with.. ."

Hindi na natapos ni Doc. Anna ang sasabihin dahil narinig niyang sumigaw si Aki kasunod ng pagbagsak ng kung ano sa sahig na nagdala ng malakas na kalabog.

"Aki! What happened?" kabadong tanong ni Doc. Anna. Rinig na rinig kasi niya ang pagsigaw at ang malakas na kalabog. Parang may kung anong nangyari kay Aki. "Hey Aki, Aki!"



-----

[Dedicated ang chapter na'to kay Anna_Marie_Marata]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top