9 - Lagot na

Maika's POV:

Sa unang pagbukas ng mga mata ko, mukha ni Izza ang una kong nakita.

"Hi Bes! Kumusta na pakiramdam mo?" bating tanong niya sakin habang nakangiti ngunit nababanaag ko ang kakaibang pag-aalala sa mga mata niya.

Nag-aalala pa rin siguro siya sa nangyari sa akin. Ito talagang bestfriend ko na 'to, hindi pa rin nasasanay na may kaibigan siyang may allergies.

"Okay na ako, Izz. Ikaw ba nagdala sakin dito?" balik kong tanong sa kaniya dahil sa totoo lang ay wala akong maalala sa mga sumunod na nangyari matapos dumilim ang paningin ko habang kasama ko si. . .

Si Crisanto! Tama!

Si Crisanto ang kasama ko kanina sa labas ng hotel nung biglang umikot at dumilim ang paningin ko. Hindi nga ako sigurado kung mga bisig ba niya ang sumalo sa akin nung matumba ako.

"Hindi ako ang nagdala sayo dito, Bes." sagot ni Izza sa akin.

Ibig ba sabihin ay. . .si. . .

Napabangon ako bigla mula sa kinahihigaan ko sabay gala ng paningin ko sa buong kwarto ngunit kaming dalawa lang ang nandito.

Si Crisanto ang nagdala sa'kin dito sa ospital?

"Tama yang iniisip mo, bes. Si papabol ang nagdala sayo dito sa ospital. Tinawagan niya ako kaya ako nandito ngayon."

"Ganun ba. Salamat sa pagbabantay sa'kin, bes. Huwag mo nalang sabihin kina Nanang ha." pakiusap ko sa kaniya dahil kung ganito mag-alala si Izza sa akin aba'y doble ang lala ni Nanang.

"Naku, Bes! Sorry talaga, alam na nila Tita at Tito. Kanina pa sila nandito pero lumabas lang sandali."

"Sinabi mo? Siguradong nagpa-panic si Nanang."

"Sobrang nag-panic. Buti nga di natarayan si papabol." sambit niya na di nakaligtas sa pandinig ko.

"Ano? Nandito siya nung dumating sila Nanang? Oh my God!" hindi ko alam kong anong iisipin ko sa mga oras na yon.

Bakit ba kasi ako nagka allergy. Ang dami tuloy nangyari na hindi ko alam. Alam na kaya nila Nanang?

Baka sinabi ni Santi kung paano kami nagka. . . Hindi!

"Alam ba nila Nanang, Bes? Anong sinabi ng mokong na yong kina Nanang? OMG! hindi niya pwedeng sabihin kina Nanang at Tatang yong nangyari." kung kanina ay hindi ako makahinga dahil sa allergy ko, ngayon ay hindi ako makahinga halos dahil sa kabang bumundol sa dibdib ko.

"Bes, kalma! Kalma ka lang! Okay?"

"Paano ako kakalma aber? Sabihin mo nga sa akin? Hindi nila pwedeng malaman 'yon, Bes!" daig ko pa ang inatake ulit ng allergies ko dahil sa paninikip ng dibdib ko habang samu't-saring mga bagay ang naglalaro ngayon sa isip ko.

"Alam ko at hindi nila alam 'yon kaya kumalma ka."

"Ha?"

Para akong nabunutan nang tinik sa sinabi ni Issa. Nakahinga ako ng maluwag na kahit papaano ay hindi ako ipinahamak ng aroganteng Santi na yon. Kung nagkataon paano ko kaya ipapaliwanag kina Nanang na yong mabait nilang bunso ay nakitulog sa ibang bahay kasama ang isang lalaki.

"Huwag ka munang magsaya diyan, may dapat kang malaman na siguradong mas ikakakaba mo Bes." wika ni Issa na ikinapatda ko.

Ano na naman to? Panibagong problema ba? Hindi na ba allergies ang sakit ko? May cancer na ba ako?

"Ano yon?"

"Ikaw ba eh nagsasabi nga ng totoo sa'kin, Bes? Ano ba talaga 'yong relasyon mo dun sa papabol na 'yon? "

Napakunot-noo ako sa tanong na ibinato ni Izza sa'kin kasabay ang isang mapanuring tingin.

"Ano? Hindi kita maintindihan, Bes. Linawin mo nga 'yong tanong mo."

"Hanggang kailan mo ba balak itago sakin, Bes? "

"Ang alin? Wala naman akong tinatago sayo, Bes. Alam mo naman lahat, kulang nalang pati kulay ng panty ko alam mo."

"So wala ka talagang planong magsabi? Kung hindi ka pa naospital, hindi pa namin malalaman." may nahihimigan akong hinanakit sa boses ng matalik kong kaibigan.

Hindi ko maintindihan ang takbo ng usapan namin. Ano bang kailangan kong sabihin? Wala naman akong napatay na tao ah o di kaya ay wala naman akong naging pagkakamali na hindi sinabi sa kaniya.

Pati nga yata twist sa plot ng mga kwentong ginawa ko ay alam niya dahil siya ang nag-iisa kong bff.

Teka! Baka alam na nila yong kondisyon ng mokong na yon sakin para lang makuha ko yong bag ko.

"Yong tungkol ba to sa usapan namin ni Santi?" tanong ko sa kaniya baka sakaling iyon nga ang tinutukoy niya.

"So meron nga? Hindi mo lang sinasabi sa'min? Kahit man lang sakin, Bes?" kung kanina ay mukha siyang nagtatampo dahil may inilihim ako sa kaniya, ngayon ay mukha siyang wasak sa narinig mula sa'kin.

"Sasabihin ko rin naman sayo, Bes eh pag nagkita tayo mamayang gabi kaso ito nga ang nangyari."

" So kailan ang kasal? Ako ba ang maid of honor?" tanong ni Izza na ikinagulat ko.

Bakit napunta sa kasal ang usapan? Sinong ikakasal?

"Ano? Anong kasal? Saan naman nanggaling yang tanong na yan? " sagot ko kay Izza.

"Yan ang nalaman namin kanina lang, Bes habang tulog ka pa. Totoo bang may relasyon kayo ng papabol na yon?"

Relasyon agad? Parang instant noodles lang?

"Ano? Sino namang may sabi niyan? Hindi ko nga kilala yong mokong na yon eh."

"Well, that's not what I've known a while ago. Pati sila Tita at Tito, nawindang sa nalaman, Bes."

"Ano bang pinagsasabi mo, Izz? Linawin mo nga! Ano bang nalaman nyo't parang sobrang nakakagulat yata?"

"That you have a boyfriend and now you're engaged." walang kurap na sagot ni Izza sa tanong ko.

Pati ako biglang nasamid sa sarili kong laway nang marinig ang sinabi niya.

Ako may nobyo? At engaged na? Nakakawindang nga naman talaga dahil kahit ako nawindang din. Paramg gusto kong himatayin ulit sa mga narinig mula kay Izza.

"Sino namang boyfriend ko aber?" kahit may ideya na ako ay gusto ko pa ring i-confirm galing mismo sa bibig niya.

"Eh sino pa ba? Eh di yong papabol na nameet natin sa bar at yong mismong nakasama mo buong magdamag."

"Izza naman paano ko naman magiging boyfriend yon eh magkasama nga tayo ng makilala natin yon di ba? Tsaka pag nagka boyfriend ako, ikaw ang unang makakaalam."

"Eh bakit sabi ng doktor. . ."

"Sabi ng doktor? Bakit nasali yong doktor?"

Natulog lang ako sandali ang dami nang nakakashock na balita. Pati doktor ko alam itong kabaliwang ito?

"Galing dun sa doktor yong calling card ng fiancee mo, Bes. Sabi ng doktor, fiancee mo ang nagdala sayo dito sa ospital at nag iwan ng calling card nung magpaalam na may meeting daw sandali."

"At si Crisanto Rodente ang tinutukoy mo, Bes? Siya ba?"

"Oo, Bes. At hindi pa yan, Bes. Tinawagan ni Tito yong number dun sa calling card."

"Ano? Ano daw sabi?" biglang naghuramentado yong dibdib ko sa sinabi niyang yon.

"Kinumpirma daw nung sumagot na fiancee mo nga siya."

"Ano?! Talagang sukdolan ang kapreskohan at kaarogantehan ng mokong na yon ah."

Gusto kong pilipitin yong leeg ng lalakeng yon dahil sa mga sinabi ni Izza.

Hindi pa siya nakuntentong ipitin ako gamit ang shoulder bag tapos kung anu-ano pang kwento ang sinasabi nito.

"Nababaliw na ba siya? Paano ko siya naging fiancee eh kulang nalang pilipitin ko na yong leeg niya kanina sa inis ko sa kaniya."

"Ano ba kasi talaga ang nangyari, Bes? Bakit niya sinabi yon sa doktor? "

"Hindi ko alam kung ano na naman ang pumasok sa utak ng lalaking yon. Basta ang alam ko lang hindi niya ibibigay yong bag ko nang ganun kadali, Bes. Sinusubukan talaga ako ng mokong na yon." bumalik yong inis ko kay Crisanto Rodente nang maalala ko yong naging usapan namin sa opisina niya kanina hanggang sa dumating kami sa kondisyon niya sakin kapalit ng bag ko.

Akalain mo yon? Sarili kong bag kailangan kong pagtrabahuan para lang mabawi sa kaniya.

Nakakabwisit isipin na sobrang arogante niya. Sobra pa ang hangin sa katawan na akala mo eh kung sino.

"So hindi mo pa rin nakuha yong bag mo, Bes?"

"Hindi pa. Nasa kanya pa rin hanggang ngayon. Cellphone ko lang yong binalik niya sakin."

"Baka may gusto talaga yon sayo Bes kaya gusto ka niyang magpabalik-balik dun sa kaniya. Ano sa tingin mo?" bulalas ni Izza na parang nasisiyahan pa siya sa mga nangyayari sakin.

Letseng lasing-lasing kasi yon eh. Ayan tuloy nagkanda patong-patong yong problema ko ngayon.

Sakit sa ulo talaga yong Crisantong yon. Nakakabwisit isipin!

"Kaibigan ba talaga kita, Bes? Bakit parang masaya ka pa diyan? Tsaka anong gusto-gusto? Sa hangin niyang yon, di siya ang lalaking pinangarap ko maging nobyo no."

"Eh paano nga yan? Ang alam nila Tito at Tita, fiancee mo yon. Paano mo yon ipapaliwanag sa kanila?"

"So totoo ba, Maika? Nobyo mo yong lalaking nagdala sayo dito sa ospital?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang boses na 'yon. Bumundol ang kaba sa dibdib ko at ngayon ay para na naman akong nasu-suffocate sa kakapusan ng hininga.

Paglingon ko sa pinto, isang pares ng di maipintang mukha ang sumalubong sa akin habang titig na titig sa akin.

Sila Nanang at Papa.

"Simulan mo nang magpaliwanag ngayon." segunda ni Nanang

Lagot na!

************

Pagpasensiyahan niyo na ang update na to guys. Walang masyadong tulog. Babawi nalang ako next update.

Salamat nga pala sa mga nagbasa ng kwento kong ito. Di ko akalaing may nagbabasa pa pala nito.

Sa mga nag vote, salamat din.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top