7 - Anaphylaxis

Crisanto's POV:

"Maika! Hang on, babe! Don't close your eyes! Get this fucking car to the nearest hospital!" halos maputol ang mga litid ko sa leeg sa sigaw ko kay Steve nang maisakay ko ang halos walang malay na katawan ni Maika sa sasakyan.

Walang alinlangang pinatakbo ni Steve ng mabilis ang sasakyan para sundin ang utos ko.

Hindi ko malaman kung ano ang nangyari kay Maika. Kanina lang ay sinasabayan pa niya ng pambabara 'yong mga sinasabi ko sa kaniya pero bigla nalang siyang nag-collapse.

Buti nalang ay mabilis ko siyang nasalo kaya naiwasang bumagsak siya sa sahig.

Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to habang tinititigan ang walang malay na si Maika na kasalukuyang nasa mga bisig ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko na halos sumabog na dahil sa kaba at pag-aalalang nararamdan ko.

"Malayo pa ba tayo, Steve?" tanong ko kay Steve na naka-focus ang atensiyon sa pagmamaneho at sa dinadaanan namin.

"Malapit na tayo." maikling tugon niya na hindi inaalis ang mga mata sa harapan.

Pagka-park niya ng sasakyan sa harap ng hospital ay dali-daling bumaba si Steve para humingi ng saklolo.

Mabilis namang tumugon ang mga staff ng hospital na halos patakbong itinulak ang isang stretcher patungo sa kinaparadahan ng sasakyan namin.

Tinulungan ako ni Steve na maibaba ng sasakyan ang wala pa ring malay na si Maika at dahan-dahang pinahiga sa stretcher.

Mabilis na kaming pumasok sa loob ng hospital ng maayos nang naihiga si Maika sa stretcher.

"Maika! We're here, babe! Open your eyes!" hindi ko na ininda kung sino man ang mga nakarinig and I don't really care.

All I want right at that moment ay ang imulat ni Maika ang mga mata at tumingin sa akin pero kahit anong gawin ko ay patuloy itong nakapikit at walang malay.

Hindi na ako pinapasok sa loob ng emergency room dahil doctors at nurses lang ang pwede.

"Che, cancel all my meetings for today and the next day. I have an emergency with Ms. Del Sol." dire-diretso kong utos kay Che ng sagutin niya ang tawag ko. Isang yes sir lang ang naging sagot niya sa sinabi ko.

Lumabas din ang doctor na nag-asikaso kay Maika sa emergency room.

"How is she, Doc?" salubong kong tanong sa doktor na umani ng atensiyon niya.

"Are you the husband of the patient?" balik-tanong niya sa'kin na ikinagulat ko.

"N-No! H-Hindi. . ."

"Ah hindi pa. So fiancee mo pa lang 'yong pasyente." konklusyon niya na ikinangiti ko.

Kung alam lang ng doktor kung ano ang relasyon namin ni Maika pero I don't want to correct him. I don't know why but I love the word he just uttered.

Fiancee! Hmm! Not bad!

"What happened to her, Doc? Anything serious? She fainted all of a sudden."

Tinitigan ako ng makahulugan ng doktor. Isang tinging nananantiya. Yong tingin na parang nagtatanong.

"Nagkaroon siya ng anaphylaxis, an allergic reaction. I guess you know what she took that triggered this to happen. After all, she's your fiancee, alam mo na kung sa anong bagay o pagkain siya kadalasan nagkakaroon ng allergies." pahayag ng doktor.

Shit! napamura ako ng lihim.

Paano ko sasabihin sa kaniya na wala akong alam bukod sa pangalan, address at pinagtatrabahuan niya? I just knew recently na paborito niya ang lasagna dahil tinanong ko sa kaibigan niya.

I respected her privacy but I can't stop myself from copying her friend's number, yong kaibigan niya na tawag ng tawag sa cellphone niya kahapon at tumawag sa akin ng Mr. Dimples.

Ano bang pangalan niya ulit? Izza yata. Tama! Si Izza nga 'yon.

"Mr.? untag ng doktor

"Santi nalang, Doc. Hindi ba malala ang allergic reaction na sinasabi niyo, Doc?"

"She's okay now. We gave her the medication she needs. Naagapan na 'yong paglala ng allergies niya. Buti nalang at naisugod niyo agad siya dito. Kung natagalan siguro, it can be fatal." pahayag ng doktor na nagbigay mg takot sa akin.

"Thank you, Doc."

"She'll be transferred to her room in a while. Excuse me, I still have other patients to attend to." paalam niya sa'kin. Isang tango ang naging tugon ko sa kaniya bago tuluyang umalis.

Dali-dali kong tinawagan 'yong number ng kaibigan ni Maika.

"Hello!" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Is this Izza? Maika's friend?" tanong ko sa kaniya.

"Y-Yes. Who's this? Where'd you get my number?" sunod-sunod niyang tanong sa'kin na halata ang kaba sa boses.

"This is Crisanto Rodente. Can you please come here at the hospital?" mahinahon kong tanong dahil ayokong dagdagan Pa ang kabang nararamdaman niya ng dahil sa tawag ko.

"O-Ospital? S-Sinong nasa o-ospital? Si M-Maika ba? May nangyari bang masama sa kaniya? Okay lang. . ."

"She's fine now. Please come here. I'll send you the name and address of the hospital. And please don't call any member of her family yet."

"Bakit naman? Deserve nilang malaman ang kalagayan ni Maika."

"I know. I just need to talk to you first before we call them. And Maika's fine."

Natahimik siyang bigla sa kabilang linya na tila nag-iisip.

"Ano ba kasing ginawa mo sa kaniya? Bakit humantong sa hospital? Di ba dapat kukunin lang niya 'yong bag niya sa'yo?"

"I didn't do anything to her. I just need you to come here right now. Please!" ang daldal talaga ng mga babae kahit anong sitwasyon amg meron, they still manage to open their mouth and talk a lot.

"Okay sige. Pupunta na ako diyan. Txt mo 'yong detalye." wika niya na nagpaluwag ng paghinga ko.

"Thank you, Izza." tugon ko bago pinutol ang tawag.

Sinend ko agad sa kaniya ang detalye ng hospital kung saan kami naroon bago ko tinungo ang information desk para icheck kung nailipat na siya sa kaniyang room.

Buti na lang at hindi pa kaya I requested her transfer to a private room.

I texted Steve to buy fresh fruits and flowers for Maika which he obliged after asking if I'll be fine alone in the hospital.

Wala namang treat kaya okay lang na mag-isa ako though iniiwasan ko pa ring masyadong ma-expose sa public to avoid rumors na hindi imposibleng mangyari.

Tulog si Maika nang pumasok ako sa kwarto niya.

"You scared the he'll out of me, woman." naiiling kong bulong sa kaniya ng makaupo ako sa tabi ng kama niya.

I admit it! Sobra akong natakot sa nangyari lalo pa't I don't know what just happened to her para mag collapse siya nang ganun.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ko habang pinagmamasdan siya na payapang natutulog. Mala-anghel ang kaniyang mukha na hindi nakakasawang titigan.

It's like I can stay like this, staring at her while sleeping. Then realization hit me in an instant.

Seriously, Santi? Kailan pa? untag ng isang bahagi ng utak ko.

Nasa ganun akong pag-iisip ng may kumatok sa pintuan. Si Izza ang nabungaran ko sa labas na halatang nagulat ng makita ako.

"Anong nangyari kay Maika?" agad nitong tanong sabay martsa papasok ng kwarto. Dumulog ito sa tabi ng natutulog na kaibigan at halatang kita sa mukha ang labis na pag-aalala.

"Can we take a seat here? I don't want to disturb her sleep." tanong ko na kahit asiwa man ay sumunod na rin siya at naupo sa sofa sa bandang gilid ng kwarto.

"Now, tell me kung anong pagkain ang hindi pwede kay Maika?" diretso kong tanong na ikinaarko ng kilay ni Izza.

"Shellfish. Allergic siya dun. Bakit mo natanong?"

"She had anaphylaxis. Buti na lang at naisugod agad namin dito sa hospital when she collapse all of a sudden."

"You mean magkasama kayo when it happened? Akala ko ba kukunin lang niya 'yong bag niya sa opisina mo, bakit hanggang lunch magkasama kayo?" puno ng tanong ang mga tingin ng babae.

"We attended a meeting and had lunch. Then it happened."

"Hmmm. Meeting. Magkasama kayo? Sa meeting?"

"Yes, we are. May problema ba dun?"

"Ah eh w-wala naman. Kaso, paano nakakain ng shellfish si Maika eh alam niyang allergic siya dun?"

Napaisip ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi niya naman siguro ipapahamak ang sarili kung alam niyang makakasama sa kaniya ang kinakain niya. And all the food I ordered for her kanina were meat and that. . . lasagna!

"Shit! I need to call someone. Excuse me!" bulalas ko sabay tayo at dial sa cellphone.

I was tapping my left foot on the floor impatiently while waiting for Che to pick up my call. My heart is beating fast right at that moment.

"Che, call the restaurant and ask if that lasagna they served for Ms.  Del Sol has shellfish content. I need their answer right now!" dire-diretso kong utos kay Che pagkasagot niya ng tawag ko.

I waited for her habang rinig ko ang pakikipag-usap niya sa kung kanino mula kabilang linya.

"Hello, Sir! I just called the restaurant and yes, shellfish lasagna ang naiserve nila kanina kay Ms. Del Sol."

"Shit!" napamura ako sa narinig na kumpirmasyon mula kay Che.

"M-May problema ba, Sir?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Everything's fine now, Che. Thank you." sagot ko sabay paalam sa kaniya.

"Shellfish lasagna ang isa sa nakain niya kaninang lunch." anunsyo ko sa kaibigan ni Maika na kanina Pa matamang nakatitig sa'kin.

"OMG! Gaga talaga 'tong babaeng 'to. Nagkasama lang kayong dalawa eh nakalimutan na niyang hindi siya pwede sa shellfish." wala sa loob na wika ni Izza.

Kung iba lang siguro ang sitwasyon ngayon gusto kong matuwa sa sinabi ni Izza. Dahil may amor din pala ako kay Maika at mali 'yong iniisip kong hindi niya ako gusto nung iwan niya akong mag-isa nung gabing magkasama kami sa kwarto ko.

But the situation is not right and I can't get my heart to rejoice dahil muntik nang mapahamak si Maika dahil sa akin.

"I ordered all the food she ate. I guess it's my fault kung bakit nangyari ito sa kaniya."

"Ano? Bakit mo naman ginawa 'yon? Eh kasalanan mo nga talaga! Lagot ka kay Tita Mikaela, ang sungit pa naman nun."

"Yes, it's my fault and I'm ready to face her wrath dahil kahit ako hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari kay Maika." pag-amin ko habang hindi hinihiwalayan ng tingin ang payapang natutulog na si Maika.

Tahimik lang si Izza sa tabi ko nang biglang mabulabog ang katahimikang 'yon.

"Anong nangyari sa anak ko? Maika! Anak, anong nangyari sa'yo?" puno ng pag-aalalang wika ng bagong dating na ginang.

So this is Mikaela, Maika's mom kasunod ang isang lalaking medyo may edad na rin.

"I'm sorry, I didn't keep my promise. I'm just worried and they have the right to know." rinig kong wika ni Izza bago siya tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa mga bagong dating.

Santi, your battle begins! Brace yourself!

Paalala ng utak ko bago ako tumayo at harapin sila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top