6 - Lasagna
Hinarang ako nung babaeng nasa cubicle kanina. Siya siguro si Che.
"Gamitin mo 'to. Diyan kita kakausapin. Kaya mo yan." wika niya sabay lagay ng isang cellphone at bluetooth device sa kamay ko.
Pinakawalan niya ang isang ngiti bago niya ako itaboy para sundan ang boss niya na ngayon ay boss ko na sa loob ng isang linggo.
Nasa elevator na si Santi at hinihintay ako. Nginitian ko si Che bago magsara ang elevator.
Pasimple kong nilagay ang bluetooth device sa kaliwang tenga ko para maging handa ako anytime tumawag si Che.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone na inabot niya sa'kin kanina. Pinindot ko ang answer button saka pumailanlang ang boses ng isang babae.
Si Che 'yon at binigyan niya ako ng instructions about sa venue ng meeting. She also told me what to do during the meeting. Ang mga Do's and Don't sa meeting lalo na kapag ganitong importante ang ka-meeting ng boss niya.
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya dahil hindi ko daw kailangan na sumagot unless may tanong ako sa kaniya.
Naghihintay na ang isang SUV na gray sa labas ng building kung saan pinagbuksan kami ng pinto ng isang lalaki. Sa tindig at porma ay parang hindi siya tipikal na drayber lang.
Nakumpirma ko 'yon nung ipakilala ako ni Santi kay Steve, ang personal driver slash bodyguard niya.
Sa isang five star hotel kami pumasok at iginiya sa isang fine dining restaurant sa loob kung saan may exclusive room para sa mga business meetings.
Apat na tao ang pumasok maya-maya lang. Tatlong lalaking magagara ang damit pang-opisina at isang babaeng sa tantiya ko ay ang assistant din nila. Dalawa sa kanila ay foreigners.
"Gentlemen, this is my new assistant, Miss Maika Del Sol." pakilala niya sa akin sa mga kaharap na ka-meeting na isa-isang nagtanguan.
Isang matipid na ngiti lang ang naisukli ko bago ako umupo ulit sa tabi ni Santi.
Nagsimula ang meeting na panay pakikinig at pagsusulat lang ang ginagawa ko. Iyon din ang instruction ni Che sa akin habang nasa kabilang linya siya at nakikinig din.
Bandang alas onse nung sinabi niyang oras na para ipaserve ang executive meal. Pinindot ko 'yong green button sa bandang gilid ng pinto ng executive room. Alam na daw ng staff ang gagawin kapag narinig ang hudyat na 'yon.
Napahanga ako kay Che dahil kahit hindi ko siya kasama ngayon at kahit hindi ko siya nakikitang magtrabaho ay alam kong mahusay siya sa kaniyang ginagawa.
I've been with meetings kasama ang editor at publishing managers pero hindi ganito ka pormal na halos hindi ako makahinga ng maayos dahil sa daloy ng usapan.
Nagulat ako sa reyalisasyong ang lalaking tinakasan ko kagabi at kasama ko ngayon ay may-ari ng isang malaking kompanya. Napakahusay niyang magsalita at mangumbinsi para mag-invest ang mga kausap niya sa kaniyang negosyo.
I hate to admit it but napahanga niya ako sa husay niya kahit na kanina ay halos isumpa ko na siya bago niya ako mapasunod sa gusto niya.
Tumigil ka na, Maika! Kanina lang ay galit na galit ka diyan sa damuhong 'yan tapos ngayon may pahanga-hanga ka nang nalalaman. Umayos ka!
Bulyaw ng utak ko na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Umayos ako ng upo na siya namang pagkarinig ko ng boses ni Che habang nagbibigay ng instruction.
"Excuse me, Gentlemen. Lunch will be served in a moment." wika ko sa kanila na ikinalingon ni Santi sa'kin.
Isang ngiti at tango lang ang naging tugon nila.
"You're doing great, babe!" halos pabulong na wika ni Santi sa'kin.
"Babe mong mukha mo!" pairap kong tugon sa sinabi niya.
Namihasa din ang damuhong 'to sa kakatawag sa akin ng babe. Akala niya siguro ay madadala niya ako sa mga arte niya.
"You're beautiful when you're mad." wika niya uli
"Hindi mo ko madadala sa mga ganiyan, Sir! Umayos ka dahil nasa meeting tayo."
Magsasalita pa sana siya ng may nag buzzer sa labas ng pinto saka pumasok ang isang babaeng nakauniform habang kasunod ang isang lalaki din na nagtutulak ng food trolley.
Maingat na inihanda sa isang six-seater na mesa sa bandang kaliwa ng kwartong 'yon ang mga dala nilang pagkain.
Hindi pa man nabubuksan ang mga dala nilang pagkain ay may nakawala nang amoy mula doon at biglang kumalam ang sikmura ko.
Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa biglang pagkalam nito. Nakalimutan ko na kape at tinapay lang ang kinain ko kaninang umaga bago sumugod aa opisina ni Crisanto impaktito.
"Hungry, Babe?" biglang tanong ni Santi na ikinagulat ko.
Narinig kaya niya ang pag-aalburuto ng tiyan ko?
"Tigilan mo na ang katatawag sa akin ng babe. Para akong baboy. Tsaka hindi ako gutom." mahinahon kong sagot sa kaniya kahit na napipilitan.
Pinilit kong ngumiti ng dumako sa amin ang atensiyon ng dalawang foreigner na ka-meeting namin.
"Those food are really tempting. I guess I'll be forgetting my diet plan for today." wika ng medyo may katabaang dayuhan na nakaupo sa tapat ni Santi.
"Hope you'll enjoy your lunch, Mr. Morris. Everything is prepared for all of you." tugon ni Santi
"Talaga lang ha! Galing mo din magpa-impress eh." sambit ko sa pinakamababang boses na kaya ko para hindi makaagaw uli ng atensiyon ng mga kasama namin sa loob ng kwartong 'yon.
"Why? Are you impressed? I can do more than you can imagine." ganti niyang hirit na ikinainis ko na na man dahil sa paglabas ng pagiging arogante niya't hambog.
"Ang hangin talaga dito. Baka kabagin ako sa lakas ng hangin na nalalanghap ko."
Ngumiti lang ang mokong at hindi na sumagot, bagkus ay inaya na niya ang mga kasama namin na kumain.
Isa-isa namang nagsilipatan sa kabilang mesa ang mga ito.
"Come on, Miss Del Sol. Have lunch with us." yaya ni Santi.
"Thank you, Sir! Go ahead and enjoy your luch. Busog pa po ako." pormal kong tanggi sa kaniya.
"Are you sure? Hindi 'yan ang naging conclusion ko sa narinig ko kanina."
"Impakto ka talaga! Pwede bang hayaan mo na'ko. Kumain ka nalang kung gusto mo." paasik kong bulong sa kaniya.
"Well, that's your choice. If you want to eat, I'll recommend their lasagna. It's one of the best here and I know it's your favorite." wika niya na nagpakulo lalo ng tiyan ko.
Tumigil ka diyan, tummy! Ipinagkakanulo mo 'ko!
Hindi ko na siya sinagot dahil nawala na siya sa tabi ko. Nasa mesa na siya kasama ang mga ka-meeting namin.
Pasimple akong lumabas sa kwartong 'yon para mag restroom.
Plano kong mag-lunch mag-isa sa restaurant na 'yon ng hotel kung saan walang Crisanto impaktito na manggugulo sa pagkain ko.
Pinili ko ang table sa bandang gilid para hindi ako ako masyadong kita ng lahat. Gusto Kong kumain ng mabilis para makabalik agad ako sa VIP room kung saan naroon sila Santi at ang mga investors.
Kakaupo ko pa lang sa mesa at tinitingnan ang menu book ng lumapit sa'kin ang isang waiter dala ang tray.
"Here's your order, Mam." wika niya sabay lapag ng tray at inihains a harap ko ang mga pagkaing dala kasama ang nakakalaway tingnan na lasagna.
Mabilis Pa sa kidlat na kumalam ang sikmura ko nang maamoy ang mga pagkaing nasa harap ko.
Pero teka nga! Order ko daw? Paanong. . .
"I haven't ordered yet. Sinong. . ."
"Yong boss niyo po, Mam. Si Mr. Rodente. Enjoy your lunch, Mam!" wikang sagot ng attendant saka umalis matapos ako iwanan ng isang tango at ngiti.
Impakto talaga!
Bulong ng isip ko dahil hindi talaga siya naniniwalang busog ako.
Imbes na paigtingin ang inis ko sa lalaking boss ko ngayon ay nilantakan ko nalang ang mga pagkaing nakahain sa harap ko.
Kahit natatakam ako ay huli Kong kinain ang lasagna na pinaresan ko ng orange juice na pagkatapos ng huling subo.
Nagpunta ako ng powder room para mag-retouch bago ako bumalik sa loob ng VIP room.
Kasalukuyang nag-uusap ang mga nasa loob kasama ni Santi ng pumasok ako sa loob.
Umupo ako sa mesang pinagmeetingan namin kanina at nakikinig lang sa mga usapan nila. Nag-set sila Mr. Morris ng date para sa pagbisita nila sa mga kompanya ni Santi.
Maya-maya lang ay lumabas na kami para ihatid sila sa labas ng hotel hanggang sa isang magarang sasakyang naghihintay sa kanila.
"Bye, Mr. Morris!" paalam ni Santi bago umusad ang sasakyang sinasakyan nila Mr. Morris na tinugon namin ng isang ngiti at kaway.
Sinusundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan nang binalingan ako ni Santi.
"Did you enjoy your lunch, babe?" tanong niya na sinabayan ng isang nakakainis na ngiti.
"Sino ba kasi may sabi sayong nagugutom ako? Tsaka tigilan mo na ako sa kaka-babe mo kung gusto mo pa akong bumalik bukas." inis Kong wika sa kaniya na lalong ikinangiti niya.
"So hindi ka talaga gutom sa lagay na 'yon? You left nothing on your table aside from those empty plate and glasses. Masarap ang lasagna di ba?" hirit Pa niyang pang-iinis sa'kin na ikinapula ko sa hiya dahil totoo namang walang natira sa pagkaing inihain sa'kin.
Bwisit talaga!
"Ewan ko sa'yo! Umalis na nga tayo't may meeting ka pa mamaya." padabog kong wika ng magpark sa harap namin 'yong SUV na gamit namin kanina.
Pasakay na sana ako ng sasakyan nang biglang umikot ang paningin ko.
"Maika!" narinig kong tawag ni Santi sa'kin na halata ang kabang nararamdaman kasabay ang pagsalo ng isang pares ng braso sa likod ko.
Nahihirapan akong huminga ng maayos habang unti-unti nawawalan ng lakas ang mga binti ko.
"Maika! Hang on, babe! Don't close your eyes! Get this fucking car to the nearest hospital!" sigaw ni Santi bago ako tuluyang mawalan ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top