5 - New Assistant
Maika's POV:
"I can obviously see that. Now, learn to be immune with my charm dahil starting today, you will be my personal assistant until the end of the week. That's my condition. Take it or leave it!"
Para akong ipinako sa kinatatayuan ko nang marinig ang mga sinabi ng lalaking aroganteng nakangisi sa harapan ko. Kung meron man akong pagkakamaling nagawa sa araw na 'to, iyan ay ang tumapak sa opisinang 'to.
Batukan ko kaya 'tong mokong na 'to at nang matauhan? Di bale nalang, sayang eh, papabol pa naman.
"Adik ka ba o baka naman nahihibang ka na talaga?" pigil-inis kong tanong sa kaniya.
Imbes na sumagot ay isang ngiti lang ang isinagot nito sa akin.
Diyos ko naman, ano ba namang parusa ito?
"You can say no if you want and say byebye to your belongings. Madali naman akong kausap." kalauna'y wika niya kasabay ng pagsandal nito sa swivel chair niya.
"Are you really serious? Hindi ako nakikipaglaro sa'yo, Mister kaya tigilan mo na ang kahibangan na 'to."
"I am dead serious, Miss Del Sol. Take it or leave it. Madali akong kausap. I won't give you a hard time."
Seryoso ba 'tong taong 'to? Hindi niya ako pahihirapan? Eh ano ba 'tong ginagawa niya? Akala ba niya nakakatuwa siya?
Bakit ba talaga ako nasadlak sa lugar na 'to? Ano bang nagawa kong kasalanan sa mundo?
Lord, kung bangungot man 'to gusto ko nang magising.
"So, what's your decision? I'm waiting." untag niya sa'kin.
"Mukha namang wala akong choice di ba? Bakit ka pa nagtatanong?" inis kong tanong sa kaniya.
Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa kaniyang mukha.
"You can start now if you want. Kung ayaw mo naman, you can freely come back tomorrow." wika niya na para bang laro lang 'yong ginagawa niya.
"Where's my table?" tanong ko. Isang ideya ang pumasok sa isip ko.
Gusto mo nang laro, Crisanto? Bibigyan kita ng larong maaaliw ka.
Nagdial siya sa telepono at nag instruct na maglagay ng isang mesa for a new assistant.
"You can take the couch for the meantime. You'll have your table once the preparation is done." wika niya pagkababa ng telepono.
"Okay! Now, can I have my phone back? I need to call a few people since I'll be away for a week."
"No! You can have it on your third day." sagot niya na nagpainit na naman ng ulo ko.
Seryoso ka? Third day talaga? Sasapakin ko na talaga 'tong taong 'to.
"Ano? Kailangan ko telepono ko. Tatawagan ko ang editor ko tsaka 'yong publishing. I want to make sure na may babalikan pa akong trabaho pagkatapos ng kalokohang 'to." paliwanag ko sa kaniya dahil malapit na akong sumabog sa inis.
"Don't worry, if wala ka nang trabaho after this, you can be my full time assistant. I pay my employees well enough, Miss Del Sol." pagmamayabang niya.
"I am a writer, Mister. That's what I love to do. So bigay mo na sa'kin 'yong phone ko."
"Okay, let's make a deal."
"Na naman? Wala bang katapusan yang mga kondisyones mo?"
"I have the ball, sweetie so you play within my rules." aroganteng wika niya.
Gustong-gusto ko nang tumayo sa kinauupuan ko at mag-walk out sa opisinang 'yon kaso naiisip ko si Mama.
Isang bagay lang naman ang pumipigil sa'kin na huwag sukuan ang bag. Balewala na 'yong lahat ng laman ng bag ko pwera sa isang bagay na naroon na alam kong ikasasama ng loob ni Nanang kapag nawala sa pangangalaga ko.
Ang cellphone ay kayang-kayang palitan. 'Yong mga identification cards and atm ay pwede ko ideclared na lost and get a new one. But I can't take it if nawala 'yong pinaka-ingat ingatan kong bagay na bigay ni Nanang.
Hindi rumihistro sa isip ko ang mga pinagsasabi ng lalaking kaharap ko dahil sa malalim na pag-iisip kaya naman nabigla ako ng makita sa harap ko 'yong cellphone ko.
"Like what I said, you can have it here during office hours but you can't take it home. Iiwan mo yan sa'kin pag-uwi mo. Maliwanag?" tanong niya na para bang totoo niya akong tauhan.
Nakakabwisit talaga!
Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko pagkatapos kong tumango sa mga sinabi niya.
Ang daming missed calls galing sa editor ko at sa publishing. Meron ding galing sa dalawang kuya ko.
Binasa ko ang mga mensaheng hindi pa nabubuksan. Mabuti naman at mukhang hindi niya naman pinakialaman ang cellphone ko.
Napatayo ako sa inuupuan ko at tinungo ang couch habang dina-dial ang number ng editor ko.
Tahimik lang na nakamasid ang mokong na Crisanto sa ginagawa ko. Kahit hindi niya ako direktang tingnan alam ko ang klase ng mga sulyap na ipinukol niya sa direksyon ko habang kunwari ay may ginagawa sa laptop niya.
Ang publishing ang sunod kong tinawagan pagkatapos ay ang mga kuya ko.
I replied to some messages that needs a response and went on reading others na hindi naman gaanong importante.
Isang planner na kulay black ang inilapag sa kandungan ko na nagpaangat ng tingin ko sa taong nasa harap ko.
Ang mukha ni Crisanto ang sumalubong sa mga tingin ko.
"That's my schedule for the whole week. Na-arrange na yan ni Che. You just have to accompany me on all my meetings as my assistant."
"What? Why do I have to do that? Hindi ba pwedeng dito nalang ako sa opisina mo? I'll be here for just a week." pagrereklamo ko sa sinabi niya.
"I'm a very busy person, Miss Del Sol. I attend series of meetings in a day and that made me left a lot of work undone. Mas gamay na ni Che ang mga gagawin dito sa ofis kaya mas maigi kung siya ang maiiwan dito. So you will be my assistant anywhere I go." paliwanag niya sa side niya.
"Busy person? Daig mo pa ang may-ari ng kompanya kung makabansag ng busy sa sarili."
"I'm the owner, indeed! Will that explain my side?" tanong niya na ikinagulat ko.
Siya ang may-ari ng kompanyang 'to? Hindi ko maalalang Crisanto Rodente ang pangalan ng may-ari nito.
"Ginu-gudtaym mo ba ako? Hindi naman Rodente ang apelyido ng may-ari nitong kompanya na 'to sa pagkakaalam ko ah."
"Well, I assume you were talking about my mother, Karisma Rodente-Landers."
Tanyag na businesswoman si Karisma Landers dahil sa talino at galing nito sa negosyo. Ang alam ko lang ay may anak siya na Santi Landers ang pangalan pero hindi nakabase sa Pilipinas. Hindi ito mahilig sa publicity kaya hindi nababalandra sa mga pahayagan at magazine columns ang mukha nito.
"Don't tell me ikaw si. . ."
"Santi Landers. Actually, I am Crisanto Rodente Landers. Nice meeting you, Miss Del Sol."
Nagulat ako sa pahayag niya. Ganun na ba ako kahuli sa balita at hindi ko man lang alam kung sino siya? Kunsabagay, hindi ako mahilig makiusyoso sa mga business columns ng mga pahayagan at magazine. Panay romantic movies ang pinagkakaabalahan ko kapag nasa pad ko.
Hanep naman, Maika! Kung nagkataong may nangyari sa inyo nang gabing 'yon, isang Santi Landers ang nakakuha ng bandera mo.
Pinalis ko ang kapilyahang binubulong ng isip ko. Uminit ang mukha ko ng maisip 'yon.
"I can see that you're having a hard time processing everything, Miss Del Sol. But we don't have time anymore, I have a lunch meeting with the new investors. So get your butt out of that couch coz we have to go now."
"Ha? Ahm. . .O-Okay, S-Sir!" napuno ng kaba ang dibdib ko dahil ngayon lang ako nakaranas na mag assistant ng isang company owner.
Sumunod ako sa kaniya palabas ng opisina niya bitbit ang cellphone ko at ang planner na binigay niya kanina.
"Turn off your phone! I don't want any disturbance during the meeting." napasinghap ako sa narinig mula sa kaniya.
Mahabaging Diyos! Kaya ko ba 'to?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top