39 - Lagot
Maika's POV:
"It's rude to stare, sweetheart!" wika niya.
Nahiya ako bigla dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya habang kumakain kami ng almusal. Magkatabi kaming kumakain sa 4-seater round table na nasa dining area ko malapit sa kusina.
"Sorry. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kasalo kita ngayon sa almusal." paghingi ko ng paumanhin.
"Get use to it. We will be doing this till we grow old, Babe. Gusto ko ikaw ang kasalo ko sa pagkain araw-araw."
Gusto kong maiyak sa sinabi niya pero pinigilan ko. Sobra ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
Tinampal-tampal ko ang aking pisngi dahil baka sakaling magising ako sa katotohanan at bigla nalang siyang maglaho sa tabi ko.
"Still you can't believe it? Maybe this will help, sweetheart." wika niya sabay dukwang at naramdaman ko nalang ang labi niya sa mga labi ko.
Banayad na paghalik ang buong puso kung ninamnam sa mga sumunod na sandali.
"Is that enough to prove that you're not dreaming, Babe?" tanong niya matapos bitiwan ang mga labi ko.
Wala sa sariling napatango ako sa tanong niya saka nagbawi ng tingin. Hindi ko maiwasang mahiya.
"Good! Now eat your food. I'll be leaving after breakfast. I need to be there before 7:30."
Bigla akong napatingin ulit sa kaniya dahil sa huli niyang sinabi. Gusto kong itanong sa kaniya kung sino yong pinupuntahan niya bago pumunta nang opisina pero ang isang bahagi ng utak ko ang ayaw sa ideyang 'yon.
Bigyan mo naman nang oras na maging masaya ka, Maika! Saka mo na isipin ang iba.
Hiyaw nang isip ko na kusa kong sinunod saka nagpatuloy sa pagkain kahit na tumututol ang isang bahagi nun. Pero hinayaan ko. Hindi ko muna iisipin kung sino siya. Ang mahalaga ay kung anong nasa harap ko ngayon at yon ay walang iba kundi si Santi.
Ngunit kahit anong waglit ko sa isip ko king sino siya ay bigla kong naalala ang babaeng sinundo ni Santi sa flower shop. Naisip ko na baka siya yong pinupuntahan ni Santi sa mansyon.
Biglang nalungkot ang puso ko. Kumpara sa babaeng yon ay wala akong laban sa ganda, sa tindig at lalong lalo na sa estado sa buhay.
Bakit hindi mo siya tanungin? You deserve the truth girl! bulong ng isip ko.
Kaya ko na bang malaman ang totoo? Kaya ko bang tanggapin kung anuman ang malalaman ko? Handa ba akong tanggapin kung anuman yon?
Mga tanong na nagpatigil sa akin ng saglit na hindi nakaligtas sa paningin ni Santi.
"What's wrong, Babe?" tanong niya.
"H-Ha? Ahm, wala. May naalala lang ako." pagsisinungaling ko sabay ngiti sa kaniya.
This is not the right time. I don't want to ruin what we have right now.
"Are you sure? You seem bothered. You know you can tell me whatever it is that's bothering you. I'm always here to listen."
"Wala nga. Tapusin mo na yang pagkain mo at male-late kana." paalalang utos ko sa kaniya sabay subo ng pagkaing nasa kutsara ko.
"Be ready by 6pm, Babe. Sunduin kita dito tapos diretso na tayo sa mansyon."
"Mamaya naba yon?" bumundol ang kaba sa dibdib ko ng pakawalan ko ang tanong na yon.
Kahit anong iwas ang gawin ko kung iaadya nga naman talaga ng tadhana ay mangyayari't mangyayari pa din.
"Yes, Babe. I cancelled ny birthday celebration sa mansyon and went straight to you yesterday. Need ko bumawi baka magtampo sakin yon."
"Ah. . . O-okay!" maikli kong tugon habang pinipigil ang sarili na huwag ipakita ang nararamdaman ko ngayon.
Tatagan mong loob mo Maika!
Nagpaalam si Crisanto na aalis na pagkatapos namin mag-almusal. Hinatid ko siya ng tingin kasabay ang isang kaway hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.
Pabagsak akong nahiga sa kama nang makapasok ako sa kwarto.
Nasa malalim akong pag-iisip ng mag-ring ang cellphone kong nakapatong sa bedside table. Sinagot ko 'yon ng hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Bes!" narinig ko mula sa kabilang linya.
Si Izza ang nasa kabila.
"Ang aga mo yata tumawag? May problema ba?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit parang wala ka sa mood? Hindi pa rin ba kayo okay ni papabol Santi?" ganting tanong niya.
"Yung tanong ko sinagot mo din ng tanong."
"Wala akong problema. Mangangamusta lang. You know na, nauna akong umuwi kagabi. So anong balita? Bakit matamlay ka yata?"
"Wala ka bang pasok Clarizza? Ang aga mo yatang nakikitsismis." kantiyaw ko.
Ayaw na ayaw na tinatawag ko siya sa buo niyang pangalan.
"Naman eh! Sagutin mo na kasi ako agad para matapos na. I'm putting on my make up pa lang kaya dali na kwento na Bes."
Kaya pala nag-eecho boses ko, naka loudspeaker pala ang gaga.
"Ano bang ikukwento ko? Hindi ba halata kagabi Bes?" tanong ko sa kaniya.
"Ang sweet sweet niyo kagabi na parang totoo na. So totoo na bang kayo? Wala nang halong pagpapanggap 'yun?"
"Parang ganun! Ewan! Nagtapat siya kagabi Bes. Sinagot ko. Nagpakatotoo na ako sa nararamdaman ko pero. . ." hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Izza.
Tsaka hindi pa naman ako sigurado. Paano kung kakasagot ko palang sa kaniya kagabi tapos may iba nga pala talaga siya. Paano kung mamaya matatapos din yong nasimulan naming relasyon?
"Anong pero? May problema ba? Nagkatapatan na kayo di ba? Bakit may pero?"
"Niyaya niya ako sa mansyon Bes. Isasama daw niya ako mamaya. May pa birthday party dun para sa kaniya."
"O tapos? Anong problema dun? Birthday party lang naman pala eh. What's the big deal?"
"Mamayang gabi din niya ako ipapakilala sa taong lagi niyang dinadaanan sa mansyon araw araw bago pumasok sa trabaho."
"So? Ipapakilala ka lang naman pala. Aning isyu mo dun?"
"Hindi niya sinabi kung sino. Basta ang sabi ng sekretarya niya hindi pwedeng hindi dumaan ng mansyon na yun si Crisanto dahil magtatampo daw yun. Paano kung may girlfriend pala siya Bes? Paano kung pinaglalaruan lang pala ako ng mokong na 'yun?"
"Ang nega mo naman. Malay mo magmi-meet the parents ka na mamaya."
"Wala nang nanay si Santi, tsaka ang alam ko nasa America yung papa niya nagpapagaling sa sakit niya. Paanong meet the parent yang pinagsasabi mo?"
"Baka tiyahin o tiyuhin. Malay mo may kapatid pala siya. Huwag ka nang overthinking diyan. Kakasimula niyo pa lang kung anu-ano na yang iniisip mo."
Tama naman si Izza pero hindi ko maiwasang mag-isip. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin mamaya. Wala akong kahit isang ideya kung ano ang mangyayari mamaya.
Para akong nagbabasa nang sarili kong libro. Ganito din kaya nararamdaman ng mga readers ko sa tuwing binibitin ko sila sa mga susunod na mangyayari? Yung tipong alam ko kung anong ineexpect nila sa kwento pero hindu yun yong nangyayari?
"Kinakabahan talaga ako Bes. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa'kin dun sa pupuntahan namin mamaya."
"So anong plano mo?" tanong niya.
Ano nga bang plano mo Maika? Pag-isipan mong maigi.
"Eh kung magkunwari kaya akong may sakit Bes para hindi ako makapunta?" suhestiyon ko kahit hindi naman ako sigurado kung kaya kong magkunwari sa kanya.
"Pwede pero kaya mo bang magpanggap na may sakit sa harap niya? Tsaka sa tingin mo, hindi ka niya sasamahan ganyang may sakit ka kunwari?"
Napaisip ako sa sinabi ni Izza. Tama siya. Nacancel yung party kagabi dahil sa amin nagcelebrate ng birthday si Crisanto.
"Bakit natahimik ka diyan, Bes? Nai-imagine mo ba ang mangyayari kung sakaling magpanggap kang maysakit para lang hindi makapunta sa mansyon?"
"Oo na. Hindi magandang alibi. Hanap ako ng iba. Siguro naman sa maghapong paghiga ko dito eh makaisip din ako ng magandang palusot, Bes."
"Bakit ba kasi natatakot kang pumunta? Ayaw mo bang malaman kung sino yong pinupuntahan niya dun? Ika nga sa kasabihan, the truth will set you free. Kaya bakit ka matatakot?"
Tama naman pero pano naman kung imbes na the truth will set ne free eh biglang maging the truth made me set him free?
Hay naku Maika! Ang nega mo talaga!
"Hindi naman sa ayaw ko Bes, ang tanong eh kaya ko bang harapin kung sino man siya? Paano nga kaya kung girlfriend niya yun? Kaya ko bang matapos agad yung kakasimula pa lang naming relasyon?"
Kay Izza ko lang kayang aminin ang lahat dahil alam kong walang judgement kapag siya kausap ko.
"Hindi naman siguro girlfriend Bes. Bakit pa ba siya nagtapat kung meron din naman pala siyang girlfriend? It doesn't fit in the picture. Basta kung ako sayo, lakasan mo yung loob mo Bes. Pumunta ka. Mahal mo siya di ba? Kakayanin mo yan para sa kaniya. Tsaka kung magkatotoo man yong iniisip mo, eh di mas mabuti na malaman mo habang maaga pa."
Kunsabagay tama si Izza. Mas maaga mas maganda. Less pa ang emotional investment ko sa relasyon namin. Madali naman siguro akong maka move on.
Talaga ba, Maika? Eh nung hindi pa nga totoong kayo nahirapan ka na nung hindi siya nagpakita sayo. Paano na ngayong kayo na talaga?
Shokt talaga tong utak ko na 'to! Ang hilig mang realtalk!
"Tama ka, Bes. I have to face this. Anuman ang mangyari mamaya siguro nakatadhana na yun. Salamat sa pakikinig Bes." pasalamat ko sa kaniya.
Siya lang naman lagi yong natatakbuhan kapag magulo ang isip ko sa mga bagay na hindi ko basta-basta nasasabi kay Nanang at Papa.
"Alam mo namang malakas ka sa'kin. O siya sige na at aalis na ako maya-maya. Huwag mo kalimutang magpaganda mamaya. Dapat ready ka hindi lang emotionally, of course dapat physically din. Huwag kalimutang umawra para lalong tuningkad yang ganda mo. Babye Bes." paalam na.
Napagkit ang isang ngiti sa mga labi ko matapos ang pag-uusap namin ni Izza.
Bigla akong napabalikwas nung mag sink in sa utak ko yung huling sinabi niya.
Dali-dali kong tinungo ang closet ko para icheck kung anong pwede kong isuot.
Shuta! Kailangan ko yatang bumili ng bagong dress.
Wala akong magustuhan na isuot mamaya. Hindi ako masyadong mahilig magdress. May iilan akong dress na sinusuot ko tuwing nagsisimba kami pero usually slacks and polo yong karamihan.
May time ka pang mag shopping, Maika! Easy ka lang!
Tumunog ulit cellphone ko at pangalan ni Draco ang nakarehistro. Sinagot ko yung tawag pero biglang namatay yung cellphone ko.
Hindi ko nga pala na charge kagabi pagdating namin ni Crisanto. Dead bat na tuloy.
Napaisip ako kung bakit tumawag si Draco. Magkasunod pa silang tumawag ni Izza. Naalala ko na magkasabay silang umuwi kagabi. Nakalimutan kong kamustahin si Izza tungkok sa byahe nila kagabi.
May pilyang ideya na nabuo sa isip ko para sa dalawang matalik kong kaibigan.
Sana umobra!
Kasalukuyan kong isinaksak yung charger ng biglang tumunog 'yung telepono ko sa baba.
Dali-dali akong pumanaog ng hagdan para sagutin ang telepono.
"Buti naisipan mong sa telepono tumawag Draco. Nalowbat cellphone ko. Kakacharge ko lang." diretso kong wika.
"And why is that man calling my fiancee early in the morning?"
Shuta! Lagot ka Maika!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top