38 - Breakfast
Maika's POV:
"Marry me after one month and be my wife, sweetheart."
Napatitig ako sa mukha niya.
Seryoso ba to? Kasal talaga ang inaalok niya?
Parang gusto kong batukan ang sarili ko sa mga oras na 'to para malaman kung gising ba talaga ako ngayon o nananaginip lang.
Hindi naman siya mukhang nagbibiro.
Seryoso nga!
Kinabig niya ako sabay yakap ng mahigpit. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw mula sa pagkakayakap niya sakin.
Para akong nahihilo sa bilis ng mga pangyayari sa araw na 'to.
Ilang oras pa lang ba mula nung ipahayag niya yong damdamin niya sakin? Nakailang oras pa lang ba mula nung tinugon ko yong damdamin niya? Tapos ngayon kasal na agad yong inaalok niya?
"I know you're processing everything that I've said. Take your time, sweetheart." rinig kong wika niya.
Napapikit ako. Gusto ko lang namnamin ang sandaling ito na nasa mga bisig niya ako. Wala na akong pakialam kong marinig man niya ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Ramdam na ramdam ko ang unti-unting pagkapawi ng lahat ng naramdaman kong pangungulila sa kaniya sa mga nagdaang araw.
"Sweetheart. . ."
"Hmmm!" sagot ko
"I'm sorry but I think this is wrong." bigla niyang wika na nagpabalik sa'kin sa tamang wisyo.
Kumalas ako mula sa yakap niya at naupo ng maayos sa sofa.
"Sabi ko na eh. Nabigla ka lang kaya nag-alok ka ng kasal. Huwag kang mag-alala, hindi ko seneryoso yong sinabi mo." pagmamaktol ko.
Diyos ko, Lord! Bakit ba ako nagpapaniwala agad?
"And why do you say that? Seryoso yong proposal ko. If I have to buy you another ring, I will gladly do that." wika niya
Ang hirap din ispelingin ng lalaking 'to.
"Eh sabi mo wrong tapos nagso-sorry ka. Ano ibig sabihin nun?" paglilinaw ko.
"I said I think it's wrong that we stay like that. Baka di ako makapagtimpi, sweetheart. Tayo lang dalawa dito." sagot niya na halos ikabuwal ko sa aking kinauupuan.
Uminit bigla ang pisngi ko. Kahit di niya nababasa ang iniisip ko ay alam niya kung anong nasa isip ko dahil sa sinabi niya.
"Eh bakit ka ba kasi nangyayakap."
"I love you and I miss you. Sapat na bang rason 'yon?" sagot niya sabay kuha ng kanang kamay ko at ikinulong sa dalawang kamay niya.
Napatingin ako sa kaniya. Wala akong makitang pagbibiro o kapilyuhan sa mukha niya.
"Na-miss din kita. Na-miss ko yong pangungulit mo sakin. Na-miss ko yong pag-aalaga mo kahit sa mga simpleng bagay lang na ginagawa mo. Na-miss kita ng sobra." pag-amin ko din sa kaniya.
Wala nang taguan ng feelings to. At yon ang napagdesisyunan ko nung tugunin ko ang damdamin niya para sakin.
Hindi ko na iiwasan yong nararamdaman ko. Hindi ko iisipin kung ano ang mangyayari bukas, ang importante ay ngayon na kasama ko siya.
"Kaya ka ba umiyak dun sa flower shop at kanina dun kina Nanang mo?"
Nakakahiya man pero sunod-sunod na tango ang naitugon ko.
Totoo naman kasi. Wala nang dahilan para itago ko 'yon.
"Sorry kung pinaiyak kita. Honestly, I felt terrible nung nalaman ko."
"Dapat lang! Hindi pa nga tayo pinapaiyak mo na ako."
"I'm sorry, sweetheart! I won't make you cry again." wika niya sabay gawad ng halik sa labi ko.
"Halik ka nang halik. Hindi ka pa ba nauumay sa kakahalik sakin? Kanina ka pa diyan sa mga pahalik-halik mo."
Kunwari aangal ka pero ang totoo gusto naman.
Ang hilig talaga mambuking ng utak kong 'to eh. Pambihira talaga.
Pero in fairness ang sarap din kasi humalik ng lokong 'to.
"I won't get tired of kissing you everyday, sweetheart. So bakit ka nga umiyak kanina kina Nanang?"
Sasabihin ko ba kung bakit?
Sabihin mo na, Maika! Di ba wala nang taguan ng feelings? Magpakatotoo ka na.
"Promise ka muna na hindi mo ko pagtatawanan kahit ano pang marinig mo."
"Promise! So bakit nga?"
Hingang malalim, Maika! Kaya mo yan!
"Ano kasi. . Ahm. . .Feeling ko kasi sa mga oras na yon, wala nang pag-asa na maibalik yong kung anong meron tayong dalawa kahit na kunwari lang. Alam mo bang pinagdasal ko sa simbahan kanina na sana bigyan ako ng chance na makapag-sorry sayo, kahit di mo man tanggapin basta gusto ko sabihin sayo na sorry kasi hindi ko maamin sayo yong nararamdaman ko. At sorry dahil naduwag ako na aminin dahil sa takot na baka laro lang ang lahat para sayo." di ko napigilan ang sariling luha na umalpas sa mga mata ko habang inaamin sa kaniya ang lahat ng mga naramdaman ko sa mga nakaraang araw na wala siya.
"Bakit mo naman naisip na laro lang yong sa'kin at di ako seryoso? Of course I'm serious! I've never been serious like this with other women, sayo lang." wika niya pagkatapos punasan ang luha ko
"Sino ba ang maniniwalang ang isang Santi Landers ay magkakagusto sa isang Maika del Sol? Kahit ako hindi ako kumbinsido nung una."
"At bakit naman hindi? Nagkagusto na nga di ba? The moment I saw you in the bar, sweetheart."
"So dapat ba akong maniwala diyan sa dinami-dami ng magaganda at sexyng babae sa gabing 'yon? Ako talaga?"
"So this is the part na kailangan ko nang sagutin lahat ng tanong mo."
Hindi ako umimik. Ayokong obligahin siya dahil kasisimula pa lang namin.
"I can't blame you if you won't believe me. A lot of rumors had spread already. A lot of women linked to me but don't you find it odd na I don't usually appear on those rumors?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Parang alam ko na ang pinupunto niya. Hindi siya nakikita sa mga news at tabloids. Kaya nga hindi ko siya kilala nung una. May mga business columns na nailathala siya lalo na nung mag take over siya sa kompanya nila pero sobrang dalang ng mga balita na nagpapakita ng mukha niya.
"You're thinking, sweetheart. I know you understand what I mean. All of those women are just rumors. Walang totoo. Yes, I always go to bars to unwind and one of those times ay nung magkita tayo. After that hindi na ako pumupunta ng bar until I got totally depressed and upset dahil sa incident sa ospital. But I swear that was the last time I went to the bar."
"So inaamin mo nga na marami kang flings sa mga bars. Kunsabagay, lalaki ka. Single. Walang mawawala sayo."
Imbes na sagutin ang tanong ko, bigla nalang siyang humiga sa sofa at umunan sa kandungan ko. Umayos ako ng upo para maging komportable siya. Kita ko ang pagod sa kaniyang mukha pero naroon ang kapayapaang hindi ko mahagilap kaninang nagkita kami sa flower shop.
Tumitig siya sa'kin pero hindi nagsasalita.
"Baka matunaw na ako niyan. Kanina ka pa nakatitig sa'kin." wika ko habang hinahaplos ang buhok niya.
"I meet a lot of women, Babe but nothing's serious about it. I was looking for the right woman but all I found were women who throw themselves the first time they laid eyes on me. I'm a guy. You know what I mean."
"So wala kang naging seryosong girlfriend? Parang impossible naman yata."
"Meron naman but did not last for long. I've been through heartaches that made me think a lot of who I want to be with the next time I'll be in a relationship."
Hindi ako nakapagsalita. Ganun din ba siya sa'kin? Pinag-isipan din ba niya ng maraming beses bago siya nagdesisyong totohanin yong nasimulan namin?
"You're thinking again, Babe." wika niya sabay kuha ng isang kamay ko at dinala niya sa labi niya. Hinalikan niya ang palad ko na nagdulot ng kakaibang haplos sa puso ko lalo na nung dalhin niya ang kamay ko sa dibdib niya at di na binitawan pang muli.
"I know what's in your mind." dugtong niya.
Hindi ako nagsalita. Gusto ko lang siyang pakinggan. Lahat ng sasabihin niya mula ngayon ay gusto kong marinig.
"Don't worry, my heart chose you. I never think twice when my heart beat for you. Maybe that's why it broke my heart when you kept on dodging me away despite all the efforts I did to show you what I feel." ramdam ko ang pait sa sinabi niyang yon.
Na-realize ko na sobra ko siyang nasaktan dahil sa pagbalewala ko sa kaniya dahil lang sa takot na baka hindi totoo yong mga pinaparamdam niya sakin.
Napatitig ako sa mukha niya habang payapa siyang pumikit. May mga tanong na nabuo sa isip ko na hindi ko masagot sa mga oras na 'yon.
Ramdam ko sa palad ko ang payapang tibok ng puso niya.
Iyon pa lang ay sapat na para iwaglit sa isip ko ang lahat ng mga katanungang hinahanapan ko ng sagot.
Saka mo na isipin ang mga mangyayari, Maika! Sundin mo lang ang sinasabi ng puso mo.
Siguro ay tama ang maliit na boses na yon sa isip ko. Mahal ko si Crisanto at yon ang sinasabi ng puso ko. Saka ko na iisipin ang mangyayari kapag nangyari na. Ibinigay ko sa kaniya ang puso at tiwala ko at alam kong hindi niya ako sasaktan.
Nakailang haplos ako sa buhok niya nung maramdaman ko ang payapa niyang paghinga. Nakatulog na siya ng tuluyan siguro ay dahil sa pagod.
Tahimik at maingat kong inalis ang ulo niya sa kandungan ko at nilagyan siya ng unang dala ko mula sa kwarto kanina. Kinumutan ko din siya ng maayos.
Nakailang sulyap pa ako sa kaniya habang payapang natutulog bago ko patayin ang ilaw sa sala at iwang bukas ang dalawang maliit na side lamps saka ako umakyat sa kwarto ko.
Puno ng kasiyahan ang puso ko nung tuluyan akong mahiga sa kama at payapang ipikit ang aking mga mata. Baon ko sa pagtulog ang kaligayahang hindi ko akalaing mararamdaman ko sa araw na 'to.
At buo na ang desisyon ko. Handa na akong iparamdam kay Crisanto ang tunay kong nararamdaman. Buo at walang pag-alinlangan na pagmamahal.
*******
Maaga akong nagising kinaumagahan. Mag aalas singko pa Lang ay dilat na mga Mata ko. Hindi ako sigurado kung gising na si Crisanto pero minabuti Kong maligo ng mabilisan bago bumaba para magluto ng almusal.
Mahimbing pa nga Ang tulog niya Kaya maingat akong gumalaw sa kusina. Una Kong isinalang Ang kanin sa rice cooker para ulam naman Ang lulutuin ko. Itlog, bacon at ham Ang Nakita ko sa ref Kaya yon Ang pinagtiyagaan Kong lutuin.
Saka ko na ihahanda Ang kape pag gising niya. Sa ilang Umaga na sabay kaming nag almusal, mahilig siya sa kape sa Umaga. Hindi yon nakakaligtaan Ni Che kapag Umaga. Naturuan na din niya ako sa timpla na gusto ni Crisanto.
Naalala ko yong kanta kagabi habang sumasayaw kami Ni Crisanto. Sinubukan Kong i-hum yon kasi Hindi ko kabisado Ang lyrics pero naalala ko yong tono.
Abala ako sa pagpiprito ng ham at bacon ng maramdaman ko Ang isang pares ng brasong pumulupot sa aking bewang. Isang mainit na hininga Ang sunod na naramdaman ko malapit sa aking Tenga kasabay Ang isang...
"Good morning, Babe!" bati Niya habang yakap yakap ako.
Parang isa-isang nagliparan Ang mga paru-paro sa sikmura ko habang animo'y gumagapang Ang init ng hiking Niya sa buong katawan ko.
Masanay ka na, Maika! Handa ka na di ba?
"Good morning! Kumusta tulog mo? Hindi ka ba nahirapan sa sofa?" pangangamusta ko sa kaniya habang patuloy sa pagluluto.
"I'm fine. Napasarap Ang tulog Kaya di ko namalayang gising ka na. Yan na ba breakfast natin?" tanong Niya habang ramdam ko ang panay na paghalik niya sa balikat ko.
"Yup! Pagtiyagaan mo muna kasi Hindi pa ako nakapag grocery."
"No problem, Babe. Sa bango mo pa Lang busog na ako."
Loko din 'tong mokong na 'to. Umiral na Naman Ang kalokohan.
Hinarap ko siya pagka off ko ng stove.
"Tumigil ka na sa kakahalik at kakaamoy sa'kin at baka masinghot mo na ako ng tuluyang niyan." saway ko sa kanya.
"I can't get enough of your smell, sweetheart. Kakahiya Naman Wala pa akong ligo. Can I use the bathroom?" tanong niya sabay bitiw sakin.
"Sige. May spare toothbrush ako sa cabinet sa banyo tsaka towel. Ligo ka muna."
"Sige, Babe. Can you get my bag sa kotse? You know where it was di ba?"
"Okay sige. Akyat ka nalang dun. Hatid ko nalang yong bag mo sa kwarto."
Nakaisang halik at singhot pa talaga sa leg bago tuluyang umakyat.
Nilagay ko sa mesa yong ulam saka lumabas para kunin yong bag niya sa kotse.
Rinig ko Ang lagaslas ng tubig Mula sa shower nung pumasok ako sa kwarto. Inilagay ko sa Kama yong bag niya.
"Santi, andito na yong bag mo ha. Nasa baba Lang ako. Tapusin ko Lang yong niluluto Kong ulam."
"Thanks, Babe!" tugon niya.
Saktong natapos ki Ang pagluluto ng itlog at pagtitimpla ng kape nung bumaba siya. Preskong-presko Ang mokong at Ang bango.
"Breakfast is ready! Kain na tayo?" wika ko sa kaniya.
Pero imbes na dumulog sa hapag ay inisang-hakbang niya Ang pagitan naming dalawa at naramdaman ko nalang yong labi niya sa mga labi ko.
Isang magang halik na unti-unting naging maalab hanggang sa kapusin lami pareho ng hangin.
"This is the most delicious breakfast I ever had so far, Babe!" pilyong wika niya na di pa rin ako pinapakawalan sa mga bisig niya.
Loko-loko talaga! Pagkamalan ba Naman akong pagkain?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top