37 - Video Call

Crisanto's POV:

"I just passed by and decided to pay a visit. Mukhang wrong timing yong pagpunta ko, Gracia." narinig kong wika nung lalaking 'yon paglapit ko sa kanila ni Maika.

"Ahm. . . maliit na salu-salo para sa birthday ng . . ." 

"Babe!" tawag ko sa kaniya

Napatingin ang lalaki sa gawi ko. Pinagsalikop ko ang kamay namin ni Maika kung saan suot niya pa rin ang singsing na bigay ko sa kaniya.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kaniya, sweetheart?" tanong ko sa kaniya nung hindi siya nagsalita.

"Ahm. . . Draco, si Crisanto. . .boyfriend ko." pakilala niya sa'kin. 

May naramdaman akong kakaiba sa paraan ng pagpapakilala niya pero ayokong isipin yon ngayon.

"Crisanto Rodente - Landers, Maika's fiancee." pakilala ko sa sarili ko sabay lahad ng kamay ko sa harap niya.

Nakita ko ang klase ng tingin na ipinukol niya kay Maika hanggang sa mapadako ang tingin niya sakin.

Hindi ko alam kong tama ang nakikita ko sa mga mata niya pero isa lang ang sigurado ako. . . may gusto siya babaeng nagpapatibok ng puso ko ngayon.

At tatayo ka nalang ba diyan? Wala ka bang gagawin para ipaalam sa kaniya na wala na siyang pag-asa?

I just did that, right? I said I'm her fiancee. .  . but I was stunned with his next words nung tanggapin niya ang kamay ko.

"I never thought she'll like other man in her life. Masaya akong nakilala kita. Baka naman tinutukan mo ng patalim 'to Gracia ha." may himig na birong sabi niya pero ramdam ko ang pait sa mga salitang yon kasabay ang pagbitaw sa kamay ko.

Who the hell is this man?

"Baliw! Kailan ba ako namilit ng tao?" tugon ni Maika sa tinuran ng lalaki

"Of course there's no need for her to do that. I love every part of her and there's no way I'm sharing her with anyone else." nakatitig ako sa mga mata ni Maika habang sinasabi ang bawat katagang 'yon na tinugon niya ng mahigpit na paghawak sa kamay ko.

I hope he got my message. I'm not sharing her with anyone else especially with him.

"You got one possesive man here. Don't worry I just drop by to say hi. I'll get going now. I'm needed at the bar. Pasyal ka ulit Gracia. I miss talking to you at sana yong walang istorbo. Enjoy the night.  Bye!"

"Si Draco na ba yan?"

Napalingon kami pareho ni Maika sa pinanggalingan ng tanong na yon.

"Tita Mika? Wow! Hindi kita nakilala Tita. Lalo kang gumanda." wika nito nang makalapit ang nanang ni Maika sa amin.

"Hanggang ngayon bolero ka pa rin. Halika't kumain ka muna." yaya ni Tita Mika

"Naku! Don't bother, Tita. Napadaan lang talaga ako and decided to say hi. Besides ayokong makaistorbo. Family gathering niyo 'to."

"Itong batang ito talaga!  Hindi ka na iba sa amin. Ano pa't naging matalik na kaibigan ka ni Maika. Ang tagal mo nang hindi nakadalaw, hijo."

"Magdadalawang-taon pa lang akong nakabalik,  Tita. I lost contact with everybody.  Buti nalang nagkita kami ni Maika."

"May pamilya ka na? Ipasyal mo dito minsan. Mag-aasawa na itong kaibigan mo dito kay Santi.  Nagkakilala naba kayo? . " pahayag ng Nanang ni Maika na siyang ikinagalak ng puso ko.

Sa galak na naramdaman ko ay otomatikong dumako ang mga labi ko sa noo ni Maika. If only we were alone, I would be kissing her lips passionately till we run out of breath.

I miss her so much but I can wait.

"Opo,  Tita. Narinig ko nga po mula sa kanila.  I'm happy for Gracia.  And I'm still single. Wala pang nagkamaling pumatol sa'kin, Tita. Still looking for the one." wika niya na dumako ang tingin kay Maika.

Hindi nakaligtas sa akin ang pagpukol niya ng tingin sa babaeng tinatangi ng puso ko ngayon.

"Naku!  Mahahanap mo din yan, di ba, Nak? " untag ni Nanang kay Maika.

"Oo naman po,  Nang. Ito pa bang si Draco?  Tsaka magseryoso ka na kasi para hindi ka mapag-iwanan. Si Trizia kasal na at may dalawang anak."

"Pinaalala pa talaga si Trizia. Masaya na yon sa buhay niya."

"Kaya dapat ikaw din. Hindi ka na bumabata, Draco. Ay naalala mo si Izza? Andito siya. Izz!  Nandito si Draco!"

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil sa liwanag na sumilay sa mukha ni Izza nung marinig ang sinabi ni Maika.

"Halika, hijo!  Kumain ka muna para makapagkwentuhan pa tayo." yaya ni Nanang ni Maika na hindi binigyan ng pagkakataong tumutol ang lalaki sa paanyaya niya dahil hinawakan na nito sa braso at iginiya papunta sa mesa.

Pinigilan ko si Maika na sumabay sa kanila.

"Bakit?" takang tanong niya sa akin pagharap niya sakin.

Sinagot ko siya ng isang maalab na halik. I can't stop myself from kissing her and letting her know how I feel.

Nagdiwang ang puso ko nung tinugon niya ang halik ko kasabay ang pagkapit niya sa harap ng tshirt ko.

I did not let go of her till I feel that we're running out of breath.

"I love you, sweetheart. Till me that you feel the same." kumpisal ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Sinagot na kita kanina ah."

"I didn't hear you say the words,  sweetie.  I want to hear it and feel it."

"Sige na nga. I love you,  too." sagot niya.

"Napipilitan ka lang yata eh."

"Nagtatampo agad? I love you, mister! Huwag ka na magtampo, hindi bagay sayo."

"Talaga? Mahal mo din ako?"

"Nag-aalinlangan? Gusto mo bawiin ko? "

"Ayaw! Gusto ko laging naririnig yon galing sayo." saad ko kasabay ng pagyakap ko sa kanya.

"Asa ka? Wala nang kasunod yon. Pang one time big time na yon. Kala mo!" wika niya habang tinugon ang mga yakap ko.

"Wanna bet, Babe? I will make you love me more and more everyday till you'll admit to yourself that you can't live without me in your life."

"Wow! Confident si mister!"

"Of course, as long as ako lang ang tinatawag mong mister. I have all the reason to love you with all my heart, sweetheart. Kaya dapat ako lang. Okay?"

"Teka nga! May nakalimutan ka yata. Ikaw tong maraming napabalitang chicks tapos ako yong sinasabihan mo ng ganiyan. Ang dami pa nating pag-uusapan, mister. Hintayin mo mga tanong ko kapag tayo nalang."

"I will answer everything basta ikaw ang magtatanong, misis!" wika ko sa kaniya na ikinangiti niya.

"Kinilig ka no? Huwag mong pigilan ang kilig mo. Ako lang naman nandito. Di kita iju-judge."

"Hindi ah. Napangiti lang kinilig agad?" tanggi niya sabay talikod at nagsimulang maglakad.

"I knew it! Kinilig ka sa sinabi ko o sa. . . Alam ko na bakit ka kinilig."

"Tumigil ka na. Nakakahiya sa mga makakarinig. Oo na kinilig ako. Huwag mo nang sabihin ulit. Saka na kapag tayo na lang." pigil niya sa akin bago kami makalapit sa garden nila kung saan ginanap ang salu-salo.

"Kiss mo muna ako." wika ko na tinugon niya ng isang matunog na halik sa pisngi.

"I'm your fiancee, Babe. Dapat kiss sa lips."

"Ang ingay mo talaga eh." komento niya bago ako ginawaran ng halik sa labi.

"I love you, Babe!" wika ko pagkatapos niya ako halikan.

"I love you,  too. Now,  can we go back to the crowd silently?"

"Of course! I'm just teasing you kanina. Let's go! Let's join them. Can't wait till the party's over."

"Bakit? May lakad ka?" takang tanong niya.

"No! I can't wait na masolo ka." bulong ko sa kaniya habang tinungo namin ang karamihan.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.

I never let go of her hand while we go back to the crowd and I have no plan of letting go of it till the night is over.

Busy si Izza at Nanang ni Maika sa pakikipag-usap dun sa Draco which I was thankful dahil ayokong makalapit ulit ito kay Maika.

Kakasagot lang sayo sobrang possessive mo na, Santi! Chill ka lang!

But I can't! I hate the idea that he was someone whom Maika was very close before. And I hate thinking that he seems to know Maika more than I do.

Papatalo ka?

Of course not! Never!

"Malalim yata iniisip mo diyan. Natahimik ka bigla." komento ni Maika na nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

Nakabalik na pala siya mula sa mesa para kumuha ng cake.  Naupo ito sa tabi ko at nagsimulang kumain.

"Can I invite you tomorrow, Babe?" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon basta kisang lumabas sa bibig ko.

"Saan naman? Monday bukas ah. May trabaho ka, mister." wika niya habang paunti-unting kumakain ng cake.

Sinubuan pa niya ako na hindi ko naman tinanggihan.

"I'm the boss kaya walang problema. Sama ka."

"Saan nga? Aya ka ng aya pero di mo naman sinasabi kung saan."

"Pwede bang surprise?" sagot ko habang tinanggap ulit ang cake na isinubo niya.

I can live like this everyday with this woman.

"Gusto ko alam ko."

"You don't trust me?" untag ko na sinalubong siya ng titig sa mata

"Of course I do." agad-agad niyang sagot na nagpangiti sa'kin.

"That's my girl! So sama ka sakin bukas ng gabi? Papakilala kita sa dinadaanan ko sa mansiyon." kita ko ang pagbakas ng hesitasyon sa mukha niya.

"Ah. . . Kailangan ba? Importante ba na makilala niya ako?"

"Of course!  You're both important to me. So you two should meet. Excited na siyang makilala ka, Babe."

Kita kong pinag-iisipan pa niya kung sasama o hindi.

"Sige na please para naman masabi mo sa kaniya ang matagal mo nang reklamo sa tuwing dumadaan ako dun."

"May reklamo ba ako? Hindi ko maalala."

"Para masabi mo sa kaniya na pakainin ako sa tuwing dumadaan ako dun. Di ba nagrereklamo ka na di ako pinapakain ng almusal?" paalala ko sa kaniya.

"Kelan ba aki nagreklamo ng ganun? Tsaka malay ko sa inyo kung anong set-up niyong dalawa. Wala pa ako sa buhay mo nun, mister."

"Ang bata-bata mo pa makakalimutin ka na. Nung huling dalaw ko kay nanang sa ospital. Naalala mo yong nakikain ako ng almusal dun?" paalala ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya.

Ngunit mula sa pagkakunot ng noo ay biglang nalungkot ang mukha niya at natahimik.

"What's the problem, Babe?"

Tumingin lang siya sakin pero hindi nagsalita saka nagbawi ng tingin.

"Hey! Did I say something wrong? You can tell me."

"Naalala ko na. Iyan yong araw na huli tayong nag-usap. Iyan yong araw na nasaktan ka sa sinabi ko. At iyan din yong araw na naging dahilan kung bakit naisip ko na siguro ako nga talaga ang assuming sa ating dalawa at hindi ikaw."

"Listen to me,  sweetheart. Hindi ka assuming because I really love you so much. No doubts! And to prove to you how I feel,  isasama kita bukas ng gabi. It's the right time for you to know the person I treasure so much."

"Hindi ba pwedeng malaman kung sino yong taong yon? "

"Surprise, Babe. Malalaman mo din pagna-meet mo siya bukas."

"May sorpresa ka pang nalalaman diyan." komento niya saka ibinalik ang atensiyon sa kinakaing cake.

Hindi ki mapigilang mapangiti sa inaakto niya. I know she's being suspicious of who she will be meeting tomorrow.

"Bunso, hiramin muna namin si bayaw. Inum lang ng kunti." sabat ng Kuya Macoy niya.

"Kuya, magdadrive pa yan pauwi." sagot niya.

"Kunti lang,  bunso."

"Kunti lang,  Babe. Don't worry!" wika ko sa kaniya sabay gawad ng halik sa noo niya saka sumunod sa kuya niya sa kabilang mesa.

I saw her stood up and went to the table to get fruits saka lumapit kina Izza at Nanang niya. Draco was still there with them.  She sat beside Nanang and offered the fruits.

Sumali na din siya sa usapan and kita ko ang pagngiti niya habang nakikinig sa mga sinasabi ng kaibigan niya.

I was already taking my first bottle of beer na binigay ng kuya ni Maika. Itinuon ko ang atensiyon ko sa mga kapatid niya.

I trust Maika though I don't trust the guy.

Naka tatlong bote na ako ng beer ng makita kong papalapit sina Izza, Maika at Draco sa amin.

"Babe, sit beside me." salubong kong wika sa kaniya.

"Pagbalik ko na.  Magpapaalam lang si Draco sayo at kina kuyang. Hatid namin siya sa kotse niya."

"I'll go ahead. Happy birthday." kaswal na paalam niya sa akin

"Ingat sa pagda-drive, Draco. Pasyal ka ulit." tugon ng Kuya Michael ni Maika.

"Salamat Kuya Mike. Mauna na ako. Huwag mo na ako ihatid sa kotse,  Gracia. Kami nalang ni Izza. I'll drop her off. See you next time." paalam nito saka tumalikod na at naglakad palayo.

"Bye, Bes. Tawag nalang aki mamaya kapag nasa bahay na ako. Una na ako sayo Santi. Happy birthday ulit."

"Thanks, Izz. Ingat kayo." tugon ko

Sinundan niya ng tingin ang lalaki at si Izza. Hinintay ko siyang bumaling sakin.

"What's the problem?  You seem worried?" tanong ko sa kaniya nung bumaling siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Wala naman. They look good together."

"Then you should be happy for them."

"Of course,  I am. I'll be most happy if they end up together."

Ginawaran ko siya ng halik sa buhok.

"Pang-ilang bote na yan? Parang marami na ah."

"Last bottle na to then uwi na tayo." Bulong ko sa kaniya.

"Naku! Dito ako matutulog ngayong gabi."

"Paano ba yan? Well, dito nalang din ako matutulog. Tabi tayo"

"Saan ka matutulog? Sila ate kasama ko sa kwarto mamaya."

"Sa sala nalang ako. No problem. I'll take a half day bukas."

"Lunes na lunes,  half day na agad. Kuyang tama na yan may mga trabaho pa kayo bukas. Pauwiin ko na si Santi. Magda-drive pa to."

Shit! Talagang papauwiin ako at magpapaiwan siya.

"Last na to bunso. Tsaka uuwi kami ni Ate Teresa mo."

Parang dininig ang dasal ko dahil sa sinabi ng Kuya Michael ni Maika.

"Sabay nalang kayo sa amin ni Maika para maihatid namin kayo sa bahay niyo. Medyo late na din baka mahirapan kayo kumuha ng taxi."

"Paano yan dito ako matutulog,  sinabi ko na kina Nanang."

"Samahan mo nalang muna ako na ihatid sila tapos hatid kita ulit dito. Please, para may kausap ako sa byahe. Malay mo baka makatulog ako sa byahe tapos alam mo na." tumambad ang pag-aalala sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"Sinabi ko na kasi na wag ka uminom ng marami. Santi naman eh."

"I'm okay,  for now. Basta samahan mo lang ako na ihatid sila. Ipagpapaalam kita kay Nanang na uuwi ka nalang sa tinitirhan mo para di na sila maistorbo." I tried to convince her as much as I can.

"Bahala ka nga!" tanging tugon niya.

I excuse myself for a while and went to her parents para ipagpaalam siya.

Mabilis naman pumayag sila Tita Mika at Tito Roberto.

We did some clean-up bago nagpaalam sa lahat.

Tahimik ang naging byahe namin. Madadaanan ang tinitirhan ni Maika papunta sa bahay ng kuya niya.

"Maraming salamat, Santi. Ingat kayo sa byahe. Bunso ingat kayo sa byahe. Tawag ka pagdating niyo sa bahay." paalam ng Kuya Michael niya bago kami umalis.

"May gusto ka bang daanan? Baka may gusto kang bilhin?" tanong ko sa kaniya.

"Wala naman. Bakit ikaw may gusto kang bilhin? Nagugutom ka ba?" balik-tanong niya sakin.

"Wala naman. Medyo inaantok lang."

"Umayos ka. Nasa byahe pa tayo. Tabi mo nalang muna ang kotse. Idlip ka sandali." suhestiyon niya.

"No.  We don't know if it's safe. Pagdating nalang sa tinitirhan mo. Mas safe sa labas ng bahay mo kesa dito sa tabi ng daan."

We talk about random things and she initiated the topic. I know she's trying to keep me awake while driving.

Saktong nag aalas-dose nung dumating kami sa bahay niya. She ask me to park the car inside since naiwan ang kotse niya dun sa bahay ng mga magulang niya.

"Idlip ka muna sa loob. Mahirap na baka madisgrasya ka sa daan."

"I can sleep here in the car,  Babe." kunwaring tanggi ko sa alok niya.

"Napakawalang-konsensiya ko namang girlfriend kung hahayaan kitang matulog dito sa labas. Halika na sa loob. Huwag ka nang pakipot." yaya niya habang binubuksan ang pinto ng bahay.

Nakasunod lang ako sa kaniya pagpasok ng bahay niya.

"I'll just take the sofa, Babe." wika ko sa kaniya.

"Sige, kuha lang ako ng unan at kumot. Upo ka muna diyan." paalam niya bago tinungo ang hagdan paakyat.

I sat on the sofa and took off my shoes. Naramdaman ko ang pamimigat ng aking mga talukap paglapat ng likod ko sa sofa. I close my eyes and relax.

Isang magaang paghaplos ang pumukaw sa kamalayan ko. Paghaplos sa aking pisngi na naglakbay tungo sa magkabilang kilay at naglakbay pababa sa aking ilong.

I open my eyes slowly and saw the most beautiful sight in front of me.

Si Maika!

There she was looking at me lovingly. I reach for her cheeks with my hand and feel her smooth skin.

Ginagap niya ang kamay kong nasa pisngi niya.

"Can I wake up everyday na ikaw ang una kong nakikita, Babe?"

"Pwede naman. Video call tayo every morning paggising mo, mister." tugon niya.

"Gusto ko yong ganito. Yong nahahawakan kita."

"Medyo mahirap yan. Ang layo ng bahay natin. Pagtiyagaan nalang muna natin ang video call."

"Okay sige. One month of video call then gusto ko yong nahahawakan  na kita."

"Paano yon?" takang tanong niya.

"Marry me after one month and be my wife, sweetheart." walang gatol na wika ko sa kaniya na halatang ikinagulat niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top