36 - Sayaw

Crisanto's POV:

"I love you, Maika! Please make my wish come true."

Kita ko ang gulat sa mukha ni Maika dahil sa pag-amin ko sa nararamdaman ko para sa kaniya.

Wala na akong pakialam sa kahit na anumang rason ngayon dahil ang mahalaga sa'kin ay maamin ko sa sarili ko at masabi ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

Ilang linggo akong umiwas mula nang mangyari ang tagpong 'yon sa ospital. Inaliw ko ang sarili ko at sinubukang ibaling sa iba ang atensiyon ko ngunit hindi ako nagtagumpay.

I failed in proving to myself that I don't need her in my life. Na kaya kong kalimutan siya nang ganun-ganon na lang. Na kaya kong isuko ang lahat ng nasimulan ko at isiping hindi ko siya nakilala at lalong hindi ko siya kailangan sa buhay ko.

Because honestly, she's all that I need right now and I need her love the most.

First time na hindi ako nagdiwang ng birthday kasama ni Dad at Yaya. I want to spend this day with her even in the simpliest celebration we can. Kahit nga lang tinapay at softdrinks lang ang kainin namin basta siya ang kasama ko ngayong araw na 'to.

I felt like hell when I woke up this morning thinking of her and missing her so much but when I saw her at the flower shop, all my agony fade a way. God knows how I love to take her in my arms right there and then but I stop myself from doing so.

I even confess to Tita Carmen everything after she called me this morning and tell me that she saw Maika crying inside her car right after I leave the flower shop. 

"Ano ka bang bata ka? Bakit ang manhid mo?" sunod-sunod na tanong ni Tita Carmen sakin nung mag-usap kami sa cellphone.

"Bakit niyo naman po nasabi?" ganti kong tanong sa kaniya.

"Hindi mo ba nakikitang mahal ka nung tao? Hindi yon iiyak ng ganun kung wala siyang nararamdaman para sayo. Pambihira kang bata ka."

"How can you say that when all she did was push me away. She never appreciates what I did for her. She didn't even tried to consider my feelings." may hinanakit na wika ko sa kaniya.

"You really don't know a real woman's attitude, don't you? I guess, Maika is really good at hiding her true feelings kaya hindi mo maramdaman. Pero alam mo, hijo, you should read her deeply. Don't rely on words because words can easily be misunderstood."

And that made me realize that I'm giving up so easily without giving a good fight. Realizations that made me wonder how I came up hiding in my misery without thinking of her struggles in hiding her true feelings from me.

I didn't consider how she feels about our situation. I didn't think that it's really my fault because I didn't even court her properly and that I'm being a coward all along.

I stare at her eyes and I can't be mistaken of what I saw there. I'm sure he feels the same way I do and that he misses me too.

"Cr-Crisanto. . ." tanging usal niya. 

I look around and realize that it's not the right place and time to talk about this things considering what her family know about us.

"I won't ask for your answers right now but we'll talk later, Babe. Please promise me we will." halos bulong yon na pakiusap sa kaniya na tinugon niya ng isang tango at isang matipid na ngiti.

Naghatid yon ng ibayong saya sa puso ko dahil I can see light ahead because of that smile she gave me. 

Isa ito sa mga panahong gustong-gusto kong matapos na ang oras na 'to para masolo ko siya at makausap ng masinsinan. Gustong-gusto ko nang hilahin ang oras para magkasarilinan na kami.

Don't be too impatient, Santi! Everything is going well!

"Baka matunaw na ako niyan. Tapusin mo na yong pagkain mo." puna niya nang maramdaman niyang tumigil ako sa pagkain at nakatitig lang sa kaniya.

"Sayo pa lang, busog na ako eh. Bakit pa kailangan kumain?"

Shit! Kelan ka pa naging ganiyan ka-cheesy, Santi? You're so dead, man!

"Ayan na naman yang mga biro mong ganiyan. Tapusin mo na yong pagkain mo. Masama ang nagsasayang ng pagkain, Mister."

"Bakit ba pag ikaw yong tumatawag sa'kin ng Mister, ang sarap sa pakinggan?"

Nag-iwas siya ng tingin. Namula ang pisngi habang kunwari ay nakatuon sa pagkain niya ang kaniyang atensiyon.

"Kailangan ko nang magpalit ng status. Parang gusto ko na talagang may tumatawag na mister sa'kin araw-araw.  pahaging ko pero hindi niya ako nilingon at inot-inot itong sumubo.

"Ay!" gulat niyang wika nung sundutin ko siya sa tagiliran.

Hmmmm! Malakas ang kiliti sa tagiliran ng magiging misis mo, Santi!

"Ano ka ba? Tumigil ka diyan, Crisanto. Umayos ka, nandiyan sila Nanang." saway niya sakin saka tuluyang binaba sa mesa ang plato niya at saka uminom ng tubig.

"So what kung nandiyan sila? Wala naman tayong ginagawang masama."

"Nakakahiya! Kumakain tayo." gusto kong matawa sa pagpipigil niyang hindi mapalakas ang kaniyang boses.

"Okay, you win this time, but let me tell you something first."

"Ano na naman?" na-miss ko yong ganitong tono niya kapag nakukulitan na.

"Gusto ko ikaw lang yong tumatawag sa'kin ng mister tsaka ikaw lang tatawagin ko nang misis. Deal?" 

Natahimik siya sa sinabi ko pero hindi siya nagbawi ng tingin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko na animo'y may hinahagilap na kung ano. Biglang may nagbabadyang luha sa kaniyang mga mata.

"Did I say something wrong, Babe?" tanong ko na tinugon niya ng mabilis na pag-iling pero di nakaligtas sa paningin ko ang pag-alpas ng isang butil ng luha sa mata niya.

Mabilis ko siyang kinabig sa dibdib ko kasabay ang pagdaloy ng musika mula sa player na nakaset sa tabi ng garden. Yong Kuya Michael niya ang nagpatugtog pagkatapos ay inaya niya ang asawa niya na sumayaw. I heard that song once na pinatugtog ni Steve on our way to the airport and it's really a good one. 

Right! I remember the title of the song when I heard the first few lines. It's Perfect by Ed Sheeran!

I found a love for me
Darling, just dive right in
And follow my lead

"I'm sorry, sweetheart. I'm sorry if I made you sad again." bulong ko sa kaniya habang himas-himas siya sa likod. I felt her shoulders shudder. 

She's crying! I hug her tightly.

"Shhhhh! If loving you means you'll be sad like this, Babe, you can tell me to go away than seeing you cry." I whispered those words to her ear like I have a knife stuck in my heart. 

It pains me seeing her cry and hearing her sobs.

Well, I found a girl, beautiful and sweet
I never knew you were the someone waiting for me'

Patuloy ng kanta habang masayang nagsasayaw ang unang magkapareha na sinundan ng Kuya Macoy ni Maika at ng nobya nito. Ang sarap nilang tingnan dahil ramdam na ramdam ko ang umaapaw na pagmamahal nila sa isa't-isa.

Cause we were just kids when we fell in love

Not knowing what it was

"I'm sorry, Babe! I'm really sorry for bringing that up again. Sorry kung di ko napigilan ang sarili ko na sabihin ang mga . . ." pero di ko natuloy ang gusto kong sabihin nung dumampi sa mga labi ko ang malambot niyang mga labi.

I will not give you up this time
Darling, just kiss me slow, your heart is all I own

Para akong nasa alapaap sa mga oras na yon habang tinutugon ang mga halik niya. Gaya ng sabi ng kanta, I kiss her slowly, savoring her soft lips. Tumatalon ang puso ko sa saya dahil my love initiated that kiss.

I can see the light even if my eyes were closed while savoring every moment of that kiss. Siya ang unang bumitaw para sumagap ng hangin habang nakapikit pa rin ang mga mata. Pinakatitigan ko lang siya dahil ayokong mawala siya sa paningin ko. Gusto kong ang mukha ko ang una niyang makita pagbukas niya ng kaniyang mga mata.

And she did! I meet her gaze and saw the love that she feel for me. Only for me!

And in your eyes, you're holding mine 
Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms

"Sayaw tayo, Babe?"  yaya ko sa kaniya kasabay ng pagpahid ko ng luha sa pisngi niya.

"Marunong kang sumayaw?" may pagtatakang tanong niya.

"Kakayanin kong huwag maapakan ang paa mo. Gusto kitang isayaw." sagot ko na nagpangiti sa kaniya saka tumango.

 I lead her in the middle kung saan sumasayaw ang dalawang magkapareha. We heard giggles from her friend Izza and her other sister-in-law. They're happy for us and I'm more than happier right now with her.

I enclosed her in my embrace while we sway with the song. She lay her head on my chest and I felt like I'm finally home with her in my arms. Gusto ko magsisisigaw sa saya na nararamdaman ko ngayon habang yakap-yakap siya at sumasayaw sa harap ng mga taong importante sa kaniya.

Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight

"Thank you so much, Babe!" bulong ko sa kaniya kasabay ng paghalik ko sa buhok niya.

"Hindi ba't ako ang dapat na magpasalamat sayo? Salamat dahil bumalik ka. A-Akala ko. . . hindi na mangyayari 'to." 

Well, I found a woman, stronger than anyone I know

"Akala ko din matitiis kita, kaso hindi pala. Ano ba kasing ginawa mo sa'kin? Ginayuma mo yata ako eh. Aray!" kinurot ako bigla sa tagiliran

"Sinuswerte ka, Mister! Wala pa akong ginayumang lalaki. Kala nito!" pagmamaktol niya habang mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.

"Maswerte naman talaga ako eh dahil ikaw ang magiging misis ko." wika ko

She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home
I found a love, to carry more than just my secrets
To carry love, to carry children of our own

"Hindi mo pa nga ako kilalang mabuti, yan na ang pinagsasabi mo. Baka magsisi ka kapag di mo pinag-isipang mabuti yan. Selosa ako at matigas ang ulo." 

"Hmm! I guess I have to get used to your being hard-headed but you being jealous, I think I'm more than okay with it. Hindi mo naitatanong misis, I'm a very jealous man, sweetheart."  pahayag ko sa kaniya na naging dahilan Ng pag-angat niya ng kaniyang paningin sa mukha ko.

That's the truth! I don't share and I don't want any man near my girl.

We are still kids, but we're so in love
Fightin' against all odds
I know we'll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I'll be your man
I see my future in your eyes

"Seloso ka pala?" tanong niya

"Oo, Hindi ba halata?" untag ko.

"Hindi ko napansin. Siguro kasi hindi naman totoo yong sa'tin."

"Ilang beses na akong nagselos pero Hindi mo man lang napansin? Nakakasakit ka ng damdamin, Babe."

"Sino namang pinagselosan mo? Wala akong maalala na may pinagselosan kang lalaki na kasama ko, mister."

"You really didn't care at all. That editor you are with at the resto and that guy in the hospital." I said impatiently.

Grabe! Hindi man lang niya naramdaman yon na nagseselos ako dun sa dalawang yon?

Kailangan ba niyang maramdaman, Santi? Hindi mo naman nilagyan ng label yong sa inyo.

Kakasuya tong utak na 'to. Tinatraydor ako!

"Ah! Okay! So ganun ka pala magselos. Ipinapangalandakan mo talaga sa kanila yong kunwaring relasyon natin." komento niya kasabay ang mahinang tampal sa tagiliran ko.

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, listenin' to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don't deserve this, darling
You look perfect tonight

"Of course! I have to. So that they will know that you're mine." rason ko

"Pero hindi pa tayo nun." reklamo niya

"But now, you can't stop me from doing that because we're officially together now. Right, Babe?"

Wala siyang sagot. Wala din akong makitang reaksiyon sa mukha niya maliban sa sayang nakikita ko sa mga mata niya

"Upo na tayo. Masakit na paa ko." pag-iba niya ng usapan

"You didn't answer me yet. I want to hear it from you. Tayo na ba?" tanong ko.

Tumitig lang siya sa'kin ng ilang segundo pero walang lumalabas na salita sa bibig niya.

Shit! Am I assuming again? Am I reading her actions correctly?

Oh, no, no
Mmm

"Okay! Sabi mo eh. Upo na tayo." wika niya na halatang nahihiyang tumitig sa'kin ng matagal.

Baby, I'm dancing in the dark, with you between my arms
Barefoot on the grass, we're listenin' to our favorite song
I have faith in what I see
Now I know I have met an angel in person
And she looks perfect
No, I don't deserve this
You look perfect tonight

"I want to hear the words from you, Babe. I love you, Maika, with all my heart." I announced while staring at her lovely eyes.

Ayokong kumurap hangga't di niya inaamin sa akin ang nararamdaman niya.

Isang ngiti ang pinakawalan niya kasabay ng pag-angat ng isa niyang kamay na humaplos sa isang pisngi ko.

"I love. . ." simula niya pero hindi niya natapos nung may tumawag sa pangalan niya mula sa kaniyang likuran.

"Gracia!"

Napaangat ang tingin ko sa may-ari ng boses na 'yon para lang sumulak ang dugo ko ng makita ko ang lalaking 'yon na nakangiti habang hinihintay na lingunin ng babaeng kasalukyang nasa mga bisig ko ngayon.

Dahan-dahang bumitaw si Maika sa mga bisig ko at nilingon ang lalaking 'yon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung umalis siya sa tabi ko at lapitan niya ang lalaking 'yon.

"I won't let you ruin this perfect moment I have with my Maika!" bulong ko sa sarili ko habang palapit sa kanila.

Brace yourself, man! Your battle has just started. Don't let your guard down!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top