35 - Wish

Maika's POV:

Hindi niya ako binitawan habang patuloy ako sa pag-iyak. Naroon lang siya sa likod ko nakayakap sa'kin habang nakasubsob ang mukha niya sa gilid ng leeg ko.

"Stop crying now. Dito na ako." wika niyang utos.

Pero iwan ko kung bakit ang tigas din ng ulo ng mga luha ko at ayw maampat sa pagdaloy.

"Kapag hindi ka pa tumigil sa pag-iyak diyan, hahalikan kita sa harap nilang lahat. Gustomo yon?" may himig pagbabanta yong boses niya.

"Tigilan mo ko. Hindi ka nakakatuwa." tugon ko sa kaniya

Pinahid ko ang mga luha ko gamit ang neckline ng aking damit saka kumawala sa mga bisig niya. Pero hindi ko alam kung paano ko siya ttingnan nung pihitin niya ako paharap sa kaniya at itukod niya ang dalawa niyang kamay sa gilid ng lababo.

"Look at me." utos niya pero di ko siya sinunod. Saharap ng t-shirt niyang puti na may nakasulat na "Grab!" lang ako nakatingin.

Sukol na sukol ako sa posisyon namin ngayon. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil naroon pa rin ang dalawang braso niya sa bawat gilid ko habang nakatukod sa lababo.

"We will stay right here in this position until you look at me." may pinalidad niyang wika.

Shit!

Nag-aalinlangan pa rin akong tingnan siya dahil nagsimula na akong makaramdam ng hiya dahil sa bigla kong pag-iyak nung sabihin niyang na-mimiss niya ako ng sobra.

Paano ko ipapaliwanag yon? Paano ko sasabihin sa kaniya yong dahilan kung bakit ako naiyak?

"I'm waiting, Babe. I'm not that patient." wika niya kasabay ng paghapit niya sa bewang ko palapit sa kaniya. 

Wala na akong nagawa kundi ang salubungin ang mga tingin niya. 

"Gotcha!" komento niya habang nakatitig sa mukha ko.

Ito na 'to, Maika! Harapin mo na 'to ngayon para matapos na. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mong sabihin. Aminin mo na ang lahat ng gusto mong aminin para maibsan yang dinadala mo sa dibdib. Magpakatotoo ka na, gurl!

"B-Bakit ka nandito? T-Tsaka nasaan na yong kasama mo kanina?" sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.

"Binibisita ang fiancee ko. Hindi ba pwede?" natural niyang sagot pero hindi nakaligtas sa akin ang pagbalewala niya sa tanong ko tungkol dun sa anak ng may-ari ng flower shop na sinundo niya kanina.

Kailangan ko bang ipilit na sagutin niya ang tanong na 'yon? Kaya ko bang marinig mula sa kaniya kung sino yong babaeng yon sa buhay niya?

"G-galit ka sa'kin, di ba?" 

"Hindi ako galit. Nagtatampo lang. Siguro mas tamang sabihin na nasaktan. But I'm okay now." 

Napatitig ako ng diretso sa mga mata niya dahil sa mga sinabi niya. 

"B-Bakit. . ." pero di ko maituloy ang tanong ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga narinig.

Dapat ko bang bigyan ng kahulugan ang mga salitang binitawan niya? Paano kung hindi yon para sa'kin? Paano kung ako naman ang nag-aassume sa mga oras na yon? 

"I guess this is not the right time to talk about that. Mag-uusap tayo mamaya. For now, let's join them outside." wika niya kasabay ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya.

"Ha? Bakit sa labas? Nasa. . . teka. . . Nasaan na sila?" takang tanong ko nung makitang tahimik na ang sala at wala nang tao kahit isa.

"Come on! Puntahan natin sila sa labas." yaya niya sabay hawak ng kamay ko.

Naramdaman ko ang paggapang ng mainit na pakiramdam mula sa paghawak niya ng kamay ko at paggiya sa akin palabas ng kusina. Hawak niya sa kabilang kamay ang tray na may lamang mga prutas.

"Ano ba kasing ganap sa labas at naroon silang lahat?" tanong ko pa rin habang palapit kami sa pinto.

"Sabihin mo na kasi. . ." pero di ko matapos dahil sumalubong sakin ang mga labi niya. 

May kasabikan niyang inangkin ang mga labi ko habang nakasandal ako sa pintuan. Ramdam ko ang pangungulila sa mga halik niya na unti-unti ko na ding tinutugon.

Oh God! I miss this man badly!

"Say another word, Babe and I'm going to peel that dress off your body and kiss you all over right here, right now." may pagbabanta niyang wika na nagpatigil sakin.

Ano raw? Huhubaran ako? Dito mismo? Baliw din to mag-isip. Eh gusto mo naman, gurl!

Napayuko ako sa hiya. Hindi lang sa sinabi niya kundi lalo na sa pagtugon ng halik niya at lalong-lalo na sa takbo ng isip ko. Bigla yatang uminit ang pisngi ko dahil sa mga naisip.

"Look at me, Babe."

"Naman eh. Nakakahiya." angal ko na ikinatawa niya.

"Anong nakakahiya dun? I miss you and you missed me too. Nothing to be ashamed of." wika niya sabay kudlit ulit ng isang halik sa laabi ko.

"Namimihasa ka na, Mister. Lumabas na nga tayo." saway ko sa kaniya saka binuksan ang pinto at lumabas ng bahay.

Naroon nga ang buong pamilya ko sa labas, abala sa pagsi-set up ng mga mesa at upuan sa garden ni Nanang. May naka set-up na ding barbecue set. Si Nanang lang ang komportableng nakaupo sa isang silya doon at pinapanood ang lahat sa kanilang ginagawa.

"What do you think, Babe?" tanong ni Crisanto sa'kin habang ramdm ko ang mainit niyang hininga malapit sa tenga ko.

"A-Anong okasyon? Bakit may pa-party ka yata?" tanong ko sa kaniya habang pigil ang sarili na huwag matumba sa kinatatayuan ko.

Nanginig bigla ang mga tuhod ko dahil sa karagdagang init na aking naramdaman nung dumapo ang isang kamay niya sa may bewang ko.

"Birthday ko." tugon niya na ikinagulat ko.

Seryoso ba siya? Birthday niya ngayon? Bakit di ko alam 'yon?

Paano mo naman malalaman eh hindi mo man lang binigyan ng chance yong tao na ipakilala yong sarili sayo? Tsaka wala ka naman talagang pakialam sa kaniya eh. Tapos magtatanong ka ngayon?

Tama na naman ang kontrabida kong utak! Hindi na ako dapat nagtatanong dahil hindi ko naman sinubukang kilalanin talaga siya. Kung tutuusin, sobrang makasarili kong tao kumpara sa kaniya. Sarili ko lang ang iniisip ko kahit na sobra-sobra na yong ginawa niya para sakin lalo na para kay Nanang.

"B-Bakit di mo sinabi agad? Wala man lang akong regalo para sayo." ang tanging salita na nasabi ko dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya sa mga oras na 'to.

"I just got my present a while ago, Babe." 

"Huh? A-Anong regalong pinagsasbai mo?" 

"That kiss. . . a while ago. . . was the best present I got for my birthday, Babe." halos pabulong na wika niya kasabay ng isang pilyong ngiti na gumuhit sa mga labi niya.

Gumapang ang init ng hininga niya sa balat ko na mas lalong nagpanginig ng aking mga tuhod.

Umayos ka, Maika! Hindi ka pwedeng mangisay sa kilig sa harap nilang lahat, lalo na sa harap ni papabol Santi!

Grabe! Mangisay talaga? Kinilig lang tapos mangisay na agad? Kinilig lang po ako, wala po akong seizure.

So kinilig ka na sa lagay na yan? Akala ko wala kang kilig sa katawan eh.

Kunti nalang talaga at babatukan ko na yong sarili ko dahil sa pagiging hard sa'kin ng sarili kong utak. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang para sakin?

"What are you thinking?" tanong niya na nagpabalik sa'kin sa katinuan. 

Isang malungkot na ngiti ang itinugon ko sa tanong niya. Hindi ko kasi mahagilap ang sagot kung bakit bigla siyang dumating at magbi-birthday dito sa bahay kasama ang pamilya ko. Napaka-kaswal lang ng pakikitungo niya sa'kin kanina nung aksidenteng magkita kami kanina sa flower shop. At yong babaeng anak ng may-ari ng shop. . .

Hay naku, Maika! Tigilan mo na yang pag-iisip. Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna yan? Birthday ni Papabol Santi, pagbigyan mo na.

"Nak, Santi! Halina kayo dito. Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan?" tawag ni Nanang sa'min.

"Andiyan na, Nang. Tara!" yaya ko sa kaniya saka kumawala sa pagkahawak niya at nilapitan si Nanang at ang iba naming kasama.

Alam kong nakasunod lang siya sa'kin at mas nakahinga ako ng maluwag dahil tinawag kami ni Nanang, kung nagkataon, hindi ko alam paano ko sasagutin ang tanong niya.

Naging abala at masaya ng lahat. Tulong-tulong na naghanda ng mga iihawin. Pinaupo niya si Papa sa tabi ni Nanang at siya ang pumalit sa pwesto nito sa pag-iihaw. Nagpatulong siya sa'kin sa pagsuot ng apron na hinubad ni Papa.

"Diyan ka lang sa tabi ko, Babe." bigla niyang wika nung magsimula na siyang humarap sa kaniyang gagawin.

"Ha? B-Bakit naman?Hindi ka marunong mag-ihaw?" 

"Of course I know, champion yata ako sa ganito. I just want you near me. For inspiration." sagot niya sabay kindat.

"Asus! Bumenta na yang style na 'yan. Pabebe ka na masyado. Tulungan ko muna si Ate Teresa. Kaya mo yan, Mister." biro ko sa kaniya sabay talikod para takpan ang kilig na unti-unti na namang namumuo sa puso ko. 

Mas maigi nang lumayo kaysa matunaw ako sa kilig dahil sa mga simpleng salita at simpleng bagay na ginagawa niya. Tinulungan ko ang dalawa kong hipag na abala sa paglabas ng mga plato at baso at pagsi-set up ng mesa.

"Maiks, kawawa naman si bayaw. Kanda-pawis na oh. Puntahan mo kaya." suhestiyon ni Ate Teresa na nagpalingon sa akin sa gawi ni Crisanto.

Kanda-pawis na nga siya habang patuloy sa kaniyang ginagawang pag-iihaw pero kita ko sa mukha niya ang saya.

"Teka lang, Ate. Kukuha lang ako ng malinis na pamunas sa loob. Kayo na muna dito." paalam ko sa kanila na tinugon agad nila ng isang ngiti at tango.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kumuha ng malinis na face towel mula sa cabinet. Kahit hindi ganun kalaki ang bahay na tinitirhan nila Nanang ay meron itong tatlong kwarto kung saan ako ang umuukopa sa isa samantanlang kina Kuya ang isa. Share silang tatlo sa isang kwarto pero kapag minsang tinopak ako ay sa kwarto nila Nanang ako natutulog lalo na kapag matagal akong hindi nakakadalaw.

Palabas na ako ng kwarto ko nung mahagip ng mga mata ko ang litrato ko na naksabit sa dingding nung debut ko.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko at nagdial. Sinipat ko ang orasan sa dingding at may sapat na oras pa para sa gagawin ko. Napangiti ako nung may sumagot sa kabilang linya.

Dali-dali akong lumabas ng bahay pagkatapos ng tawag na yon at nilapitan si Crisanto.

"P-Punas ka muna ng pawis mo." wika ko sa kaniya sabay lahad ng towel sa harap niya. Kasalukuyan siyang nagsalang ng ilang huling piraso ng manok sa grill.

"Can you wipe it off, Babe? I'm pretty occupied right now."

Napatitig ako sa kaniya. Nagdadalawang-isip kung gagawin ba yong pakiusap niya.

Go, Maika! Pagpunas lang ng pawis ipagdadamot mo pa ba sa tao?

Nilapitan ko siya at inabot ang mukha niyang tadtad na sa pawis. Pero sadyang maloko din talaga tong lalaking 'to dahil dumukwang pa talaga at mas nilapit pa ang mukha niya sa mukha ko kaya medyo napaatras ako kasabay ng pagdapo ng isang kamay niya sa bewang ko.

"Umayos ka. Masusunog na yong niluluto mo."

"I wanna savor this moment. Minsan lang to nangyayari kaya sulitin ko na, Babe." may kudlit ng lungkot sa dibdib ko ang sinabi niyang 'yon.

"Ahm, talikod ka." utos ko sa kaniya pagkatapos punasan ang mukha at leeg niya.

Sinunod ko yong likod niya dahil basang-basa na din ng pawis.

"May extra shirt ka ba? Kailangan mo na magpalit ng t-shirt. Basa na ng pawis 'to." pag-iba ko ng usapan

"Yes, I have. Can you get one in my car? I have it in my bag at the backseat. Here's the key." sabay abot niya ng susi sa akin.

Kinuha niya ang towel sa kamay ko bago ako umalis at tinungo ang sasakyan niyang nakaparada sa tabi ng kalsada.

I can smell his scent inside his car but I remember the sweet exchanges of smiles they had with that woman this morning. Binilisan ko ang pagkuha ng t-shirt sa bag niya. I preferred the white cotton shirt na una kong nakita para mas presko sa kaniya.

Pagbalik ko sa kinaroroonan niya bitbit ang t-shirt ay patapos na siya sa kaniyang ginagawa.

"Have a seat there. I'm done here, Babe. Huwag ka na dito dahil mausok." wika niya kaya minabuti ko nalang na umupo sa isa sa mga bakanteng silya at hinintay siya.

"Doon ka na sa loob magpalit." suhestiyon ko sa kaniya nung makalapit na siya sa kinauupuan ko.

"Sasamahan mo ko?"

"S-Sige." sabay tayo at tinungo ang bahay.

Kasalukuyang kumukuha ng yelo si Kuya Macoy sa ref nung pumasok kami.

"Yong kwarto sa dulo ang akin. Dun ka nalang magpalit." wika ko na tinugon niya ng ngiti saka pumasok bitbit ang inabot kung t-shirt.

Maya-maya ay bihis na siya nung lumabas ng kwarto saka kami lumabas ng bahay at bumalik sa garden.

Saktong kararating lang ni Izza bitbit ang pinabili ko sa kaniya.

I mouthed her a thank you habang palapit kamo sa garden. Humalik siya kay Nanang at tumabi sa kaniya sa pag-upo.

"You bought a cake?" pabulong niyang tanong nung makaupo na kami na tinugon ko ng isang tango.

"Ayaw mo ba?"

"Of course, gusto lalo na't galing sayo. Can I make a wish later?" parang bata niyang tanong

"Oo naman. Birthday mo di ba?" sagot ko na ikinalaki ng ngiti niya.

Isang simpleng handaan ang pinagsaluhan naming mag-anak sa hapunan kasama si Izza. Kita at ramdam ko ang saya ng bawat isa habang binabati sa kaniyang kaarawan si Crisanto matapos siyang kantahan ng Happy Birthday at mag-wish at mag-blow ng candle.

Samantalang kita ko ang galak sa kaniyang mga ngiti at tawa habang nakikipagbiruan kina Papa at sa mga kapatid ko.

Ang sarap titigan ng kaniyang mukha habang nakapagkit ang matatamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Parang musika naman sa pandinig ko ang bawat halakhak niya na di matawaran ang galak.

Kung iba lang sana ang sitwasyon namin, I can say everything's perfect.

"Thank you, Babe!" pabulong na wika niya sa aking habang magkatabi kami sa upuan at abala ang lahat sa kani-kanilang pagkain.

"S-Saan?" may kabang tanong ko. 

"For making me happy today, sunshine." kahit simple lang ang pagkakasabi niya sa mga salitang 'yon ay naghatid iyon ng kakaibang galak sa puso ko.

Parang malulunod sa galak yong puso ko sa mga oras na 'to. 

"So anong wi-nish mo kanina? Ay huwag mo nga palang sabihin baka di magkatotoo. Mahirap na." bawi ko sa tanong.

Tinitigan niya ako sa mukha. Iyon ang titig na hinahanap ko kaninang umaga na magmula sa kaniya. 'Yong klase ng titig na nakasanayan kong ginagawa niya habang magkasama kami.

"I don't mind telling you my wish because I will do everything in my power to make it come true."

"Ahm! Okay! So anong wi-nish mo?"

"You!" walang gatol niyang sagot habang titig na titig sa akin.

Halos mabilaukan ako sa kinain ko nung marinig ang sagot niya.

Literal na napatanga ako sa harap niya ng marealize ang ibig niyang sabihin. Kasunod ang nakakabinging tambol ng dibdib ko ay ang pagbigkas niya ng

"I love you, Maika! Please make my wish come true."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top