33 - Titig

Maika's POV:

Ramdam na ramdan ko hanggang buto ang lamig ng tubig na dumadaloy sa aking katawan. Hindi ko na namalayan kung ilang oras na ako sa ilalim ng dutsa basta ang gusto ko lang ay maibsan ang nararamdaman kong sakit sa dibdib ko ngayon.

Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang tagpong 'yon na hindi ko inaasahang mangyayari sa kabila nang mga nangyari kagabi. Gusto kong pagsisihan 'yon. Gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil naging mahina ako. Nagpadala ako sa damdamin kong ako lang ang nakakaalam.

Sa bawat pagpikit ko nang aking mga mata ay kita ko ang pagtalikod niya sa'kin. Kitang-kita ko ang paglabas niya sa pintong yon na animo'y hindi man lang narinig ang pagtawag ko. 

Gaga ka kasi, Maika! Sobrang gaga mo talaga! Ngayon lang kayo nagkita ulit pero bumigay na yang puso mo. Tapos ngayon magsisisi ka?

Tama! Kasalanan ko naman talaga ang lahat nang nangyari. Ginusto ko yon lahat kaya wala akong dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon.

Tapos na, Maika! Wala ka nang panahong magsisi. Harapin mo ang buhay hangga't kaya mo.

Kahit anong sigla ang ipakita ko ay hindi ko pa rin maiwasang maging matamlay. Wala akong ganang kumilos ngunit wala akong magagawa. Kailangan ko dalawin sila Nanang ngayon at yayain silang magsimba.

Kanina pa tunog ng tunog ang cellphone at telepono ko pero wala akong ganang sagutin kahit isang tawag man lang. Alam kong si Izza yong nangungulit sa kakatawag ng ilang beses. Ayoko muna siyang kausapin dahil alam kong kukulitin lang niya ako tungkol sa mga nangyari.

Pinatay ko cellphone ko matapos bunutin ang cord ng telepono para matigil ang pagtunog ng mga 'yon.

Isang linggo na ang nakaraan ngunit hindi ko pa rin makalimutan lahat.

Tanga ka rin ano? Madali bang kalimutan ang lahat nang 'yon?

Ilang gabi ko nang pinag-isipan ang paglayo ng kahit sandali para makapag-isip ako pero ayokong iwan muna sila Nanang.

Ngunit hindi paglayo ang solusyon ng lahat. Hindi ang pagtalikod ang makakapagbago ng lahat. Nangyari na 'yon kaya dapat kong harapin at panindigan kung ano man ang kahihinatnan. Kung sa bagay, hindi ako nabuhay nang dahil sa kaniya. Isa lang siya sa naging rekados ng buhay ko.

Pampalasa, ganun? Hanep ka din naman makahambing ano, Maika?

Ayan na naman ang takbo ng utak kong pasaway. Baka kung saan-saan at kung anu-ano na naman ang maisip nito. Linggo pa naman ngayon, ayokong mas magkasala kina Nanang.

Nagbihis na ako ng pang-alis ko at nagdesisyong umalis na ng bahay bago mag-alas diyes. Hindi pa masyadong traffic kaya mas mabilis akong nakarating sa flower shop na paborito ni Nanang. 

"Good morning, Miss. How may I help you?" bati sakin nang isang magandang babae na kahit abala sa ginagawang pag-aayos ng bulaklak sa counter ay nagawa pa rin akong batiin.

Ang husay ng kamay niya sa pag-aayos ng mga bulaklak. Nakakamangha na may mga tao talaga na mahusay sa ganoong bagay. Ako kasi hindi ko maayos-ayos ang bulaklak kahit sa vase man lang. 

"Good morning din. Pink roses sana para sa Nanang ko." sagot ko sa kaniya habang nakatingin pa rin sa ginagawa niya.

"Ang bait mo sigurong anak, hija." sabat nang isang magandang ginang na lumapit sa magandang babae mula sa dulo ng counter. Halatang mag-ina sila dahil nakikita ko ang resemblance nila sa isa't-isa.

"Bakit niyo po nasabi?" medyo nagulat ako sa komentong ginawa niya. 

"Basta alam ko na mabait kang anak tulad ng anak ko dito." sagot ng magandang ginang na ikinangiti ng babaeng katabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya pero kalungkutan ang namayani sa puso ko. Masasabi ko bang isa akong mabait na anak? 

"Pasensiya ka na sa Mommy ko, Miss. Medyo madaldal lang talaga 'to. Teka lang, prepare ko lang yong pink roses para sa Nanang mo. Mom, ikaw muna dito." paalam niya sa magandang ginang na nanay niya pala bago siya tumalikod at pumasok sa pinto sa may gilid ng shop.

"Pasensiya ka na sa'kin, hija." paghingi niya ng paumanhin na sa tingin ko naman ay hindi kailangan.

"Naku po, wala pong problema. Ayos lang po. Sa tingin ko din, ang bait niyong  ina sa anak niyo." wika ko sa kaniya.

"Naku! Naalala ko tuloy yong pamangkin ko sa'yo, hija. I'm sure magkakasundo kayong dalawa."

"Bakit niyo naman po nasabi 'yon, Mam? Maganda din ba siya tulad ko?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Naku, mas gwapo siya sayo, hija. Kaya bagay kayo at siguradong magkakasundo kayo." ganti niyang biro sakin na ikinatawa ko.

"Ah ganun po ba? Mabuti at mas gwapo siya. akala ko kasi mas maganda siya sa'kin. Pinakaba niyo po ako sandali." 

"Alam mo, magkakasundo tayo. Dalasan mo ang pagdaan dito sa shop ko tapos kwentuhan tayo minsan." wika niya kasabay ang isang matamis na ngiti na sumilay sa mga labi niya.

Hindi maikakailang isa siyang magandang ginang kahit pa sabihing may edad na siya at sigurado akong sobrang bait niya.

"Mom, on the way na si Santi dito." bungad na wika ng anak ng ginang paglabas nito sa pintong pinasukan niya kanina. Bitbit niya ang bouquet ng pink roses.

Sumikdo bigla ang dibdib ko nang marinig ang pangalang sinambit niya.

"Mabuti naman kung ganun. Magpahatid ka na sa kaniya." tugon ng ginang

"Miss, ito na yong order niyo." wika ng babae sabay abot ng bouquet sa akin. 

Hindi ko maiwasang titigan ang mukha niya. Napakaganda niya kahit simple lang siyang manamit. Halos wala din siyang kolorete sa mukha maliban sa medyo pink na blush on at manipis na lipstick.

"Miss. . . may problema ba? May dumi ba ako sa mukha?" sunod-sunod na tanong niya nang makitang nakatingin lang ako sa kaniya.

Ayokong isipin na yong pangalang binigkas niya ay ang mismong pangalan na laging sinisigaw ng isip at puso ko ngayon.

Tumigil ka na, Maika! Maraming kapangalan niya sa mundo. Hindi siya nag-iisa kaya 'wag kang praning!

Gustong-gusto kong kutusan yong maliit na boses na yon sa loob ng utak ko. 

"I'm sorry! Hindi ko sinasadyang mapatitig sayo. Carbon copy ka sa mommy mo. Naku! Heto nga pala ang bayad ko." wika ko sa kaniya sabay abot ng bayad ko sa bouquet.

"Tama ka sa sinabi mo hija. Mana yan sakin. Buti nalang maganda ako nung kabataan ko kaya naging maganda din ang bunga, di ba, Nak?" sabat ng ginang

"Mommy talaga! Pasensiya ka Miss. . ." 

"Maika nga pala pangalan ko. Kanina pa tayo nag-uusap dito pero di man lang ako nagpakilala." 

"Tita Carmen na lang, hija. Ito naman ang anak kong si. . ." pakilala niya na hindi natapos dahil may biglang nagbukas ang pinto at may nagsalita sa likod ko.

"I'm here. Ready ka na?" tanong ng taong bagong dating.

Biglang kumabog ang dibdib ko nang marinig ang boses na 'yon. Kilalang-kilala ng puso ko ang boses na 'yon.  Alam kong siya 'yon at hindi ako pwedeng magkamali kahit na hindi ko siya lingunin.

Posible kayang itong babaeng nasa harap ko 'yong babaeng lagi niyang dinadaanan sa umaga? Ayokong isipin na oo ang sagot sa tanong ng isip ko. 

"Yes, I'm ready, Santi! Mom, we'll go ahead. Ikaw na bahala dito sa shop." narinig kong paalam ng anak ng ginang kasabay ang paghalik nito sa pisngi ng ina.

Hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko. Para akong ipinako doon habang pigil ang hininga dahil sa lakas ng kabog nang dibdib ko. Ni ayokong makagawa nang kahit kaunting ingay na pwedeng umagaw ng atensiyon ni Santi.

"Ingat kayo sa byahe, Nak! Santi, hinay-hinay sa pagmamaneho dahil gusto ko pang magka-apo, hijo." paalala ng ginang sa dalawa. 

So siya nga, Maika! Siya ang babaeng 'yon! 

Oo, alam ko! Hindi mo na kailangan ipagsigawan sa akin. Bulyaw ko sa isip ko. 

Naramdaman ko ang sakit sa dibdib ko nang mga oras na 'yon ngunit hindi ako pwedeng gumawa ng eksena sa mga oras na 'to. Kahit gusto ko nang umiyak sa mga oras na 'yon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil hindi ako pwedeng manira ng relasyon at wala akong planong gawin 'yon sa kahit na kanino lalung-lalo na kay Santi.

Gaga ka kasi! Lagi mo nalang pinagtutulakan si Santi. Huwag ka talagang iiyak diyan dahil ikaw ang may gawa niyan sa sarili mo.

Lakas din maghasik ng katotohanan ng traydor kung utak. Pero tama siya! 

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang ilang yabag na palabas. 

"Maika, heto na yong sukli mo. Balik ka next time ha." wika ng ginang sabay abot ng sukli sa akin.

"Sige po. Maraming salamat po, Tita." pinilit kong ikalma ang boses ko at ang panginginig ng kamay ko nung abutin ang sukling binigay niya.

Ngumiti ang ginang sa akin bago ako tumalikod sa kaniya para tunguhin ang pinto. Ngunit 'yong ilang ulit pagpapakalma ko sa sarili ko ay naglaho ng makita ang lalaking nakatayo sa may pintuan na animo'y inaabangan talaga ang pagharap ko sa gawi niya.

Akala ko nakalabas na siya at nakaalis na. Akala ko wala na siya doon.

Sinalubong ko ang mga titig niya. Malamig na titig na pilit kung nilalabanan habang hinahanap ang klase ng titig na ginagawa niya noon sakin. Noong okay pa ang lahat sa aming dalawa.

Pero hindi ko makita iyon ngayon. Hindi ko mahagilap yong init ng mga titig niya noon sa akin.

Nagbaba ako ng tingin. Hindi ko na kayang pasakitan pa ang sarili ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"I just wanna check if I heard your name correctly. Nice to see you here." wika niya sa mga salitang walang ibang sinisigaw kundi sibil na pakikitungo sa isang kakilala.

"C-Crisanto. . ." tanging usal ko pag-angat ko ulit ng tingin sa kaniya. Hindi ko kasi mahagilap ang tamang salita na maaari kong itugon sa sinabi niya.

Pinigilan ko ang sarili ko na bumigay sa harap niya. Sa harap ng ginagawa niyang pakikitungo sa akin sa mga oras na 'to. Ibang-iba sa nangyari sa mga nagdaang araw. Iniisip ko tuloy na baka nananaginip lang din ako noon nung makasama ko siya sa mga panahong 'yon. Siguro panaginip lang yon at itong nasa harap ko ang reyalidad.

"I have to go. Ingat ka." wika niyang paalam saka tumalikod at tuluyang lumabas sa pinto at dumiretso sa nakaparadang sasakyan sa labas kung saan naghihintay yong anak ng may-ari ng flower shop.

Nakita ko kung paano niya sinuklian ang matamis na ngiti ng babae kasabay ng paglisan nila sa lugar na 'yon na magkasama.

Mabilis akong lumabas ng shop at tinungo ang nakaparada kong sasakyan. Kasabay ng pagsakay ko ng kotse at pagsara ng pinto ay ang paglandas ng mga luha ko.

Iyan ang gusto mo di ba? Ang layuan ka niya? Bakit iiyak-iyak ka ngayon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top