31 - The one and only!

Maika's POV:

Ang pagdaan ng isang buong linggo ay napkabagal para sa'kin. Siguro nga ay para lang sa'kin dahil halos araw-araw ko siyang hinihintay na sumulpot sa ospital hanggang sa makauwi si Nanang sa bahay.

Kung bakit ba kasi sobrang tigas ng toktok ko't in denial pa rin ako sa ibig niyang ipahiwatig sa huling mensahe niya. Hindi ko matanggap na yon na yon.

He finally chose to distance himself from me. He finally chose to stop playing with me.

Dead end na! Kaya dapat ko nang tanggapin na kailangan ko nang simulang mag-isip ng idadahilan sa pamilya ko kung bakit kami biglang naghiwalay ni Crisanto.

Yong dahilan na matatanggap nila Nanang at Papa. Dahilan na kapani-paniwala at katanggap-tanggap.

Meron ka bang naisip, Maika? Makapaniwala mo kaya sila?

Honestly, hindi ko masagot-sagot pati sarili ko. Wala akong maisip na matino dahilan. Kahit ang pakikipag-usap kay Crisanto ay hindi ko pa naisip kung kelan gagawin.

Alam kong nakabalik na siya mula sa business trip niya. Tinext ako ni Che nung isang araw dahil iyon ang pakiusap ko sa kaniya nung araw na kunin ko yong bag ko dun sa opisina ni Crisanto.

Okay na sana eh, okay na okay na ang lahat. Nakuha ko na yong bag ko, nakauwi na si Nanang galing hospital at nasa akin na yong bagay na sobrang importante sa'kin.

Ngunit bakit hindi ko maramdaman ang saya sa puso ko?

Bakit parang may kulang? Baka puro kahungkagan ang nararamdaman ko ngayon?

Isang tawag sa telepono ang nagpabalik ng isip ko sa kasalukuyan.

Wala akong gana sumagot ng tawag. Wala akong gana makipag-usap kahit kanino. Gusto ko lang mapag-isa at mag-isip.

Kahit ba kay Crisanto?

Napairap ako sa tukso ng sarili kong utak. Kung siya nga ba ang tumatawag ngayon ay handa na ba akong kausapin siya?

Kunsabagay, ako nga yong unang naghamon na mag-usap kami di ba? Aayaw pa ba ako sakaling siya nga ang tumatawag?

Tumigil ang pagtunog ng telepono. Siguro napagod sa kakatunog niya at kakahintay na damputin ko siya kaya tumigil.

Tama! Tulad ni Crisanto, napagod sa lagi kong panunupla sa kaniya. Sa pagsusungit ko para lang pagtakpan yong totoong nararamdaman ko sa kaniya.

Ngunit tumunog ulit ang telepono at hindi na ako nag-isip pa nung bumangon ako sa kinahihigaan kong sofa at damputin ang telepono.

"Hello!"

"Bes! Kumusta ka na? Tagal mong nanahimik ah. Hindi ka kumokontak. Okay ka lang ba? Kumusta si Tita?" sunod-sunod na ratrat ni Izza mula sa kabilang linya.

"Okay lang ako, Bes. Si Nanang nasa bahay na, nagpapagaling. Pasensiya ka na. Medyo busy lang." pagsisinungaling ko.

Busy saan? Sa pag-iisip kay Crisanto?

Pasaway din talaga tong utak ko na to. Di man lang marunong makisama.

"Buti naman at okay na si Tita Mika. Labas naman tayo. Tagal na nating hindi nakapag night out. Miss na kita." yaya niya.

Tama siya. Ang tagal na naming hindi nakagimik. Ang tagal ko nang nagmumukmuk dito sa bahay nang walang ginagawa.

"Ano? Nag-iisip pa ba?" untag ni Izza sa'kin.

"Okay sige. Kita tayo mamayang gabi. Ang kulit." pagsang-ayon ko na ikinatuwa niya.

"Be at your best, okay? May bagong bukas na high end bar sa Makati. I'm sure mag-eenjoy tayo, Bes. See you later. Bye!" paalam niya sabay baba ng telepono na hindi man lang hinintay ang sagot ko.

Napapailing nalang ako habang inaayos ang telepono sa lalagyan saka bumalik ng higa sa sofa.

Siguro tama naman ang desisyon ko na lumabas kami si Izza mamaya. At least, makakapag-unwind ako bago ako magfocus sa pagsusulat.

Ang sabihin mo, gusto mo lang makalimot kahit isang gabi. Gusto mong makalimutan si Crisanto na ilang araw nang gumugulo sa isip mo.

Bakit may masama ba? Eh hindi naman siguro magtatagal at makakalimutan ko din siya lalo na kapag sinabi ko na kina Nanang na hiwalay na kami.

Napabuntong-hininga ako sa naisip. Siguro kailangan ko nang sanayin ulit ang sarili ko na walang Crisanto sa buhay ko dahil simula't sapul wala naman talaga siyang lugar sa buhay ko.

Kung hindi lang ako nalasing at nawala sa wisyo nung gabing yon, mananatiling walang Crisanto sa buhay ng isang Maika Grace Del Sol. At iyon ang kailangan kong panindigan.

*****
Mag aalas-nuwebe na nang gabi nung makalabas kami ng restaurant na pinagkainan namin ni Izza. Ang daming kwento ng bruha na halos tungkol lang naman kay Gino na bago niyang kilala sa isang resort sa Batangas nung company outing nila.

As usual, inlababo na naman ang kaibigan ko pero sana lang hindi siya masaktan sa pagkakataong 'to.

Kahit may pagka loka-loka sa pag-ibig ang kaibigan kong 'to ay hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil lang sa isang lalaki.

I always believe that no man has the right to make a woman cry. That's the golden rule for Maningning Gonzalez at never ko hahayaang may magpaiyak sa kaniya.

"Hoy! Ba't tulala ka diyan? Back to daydreaming again?" biglang kalabit ni Izza sa'kin nung binabaybay na namin ang kahabaan ng highway papunta sa sinasabi niyang bagong bukas na high end bar.

Kotse niya ang gamit namin as usual kapag ganitong gusto niyang gumimik. Nakiki-ride on lang ako lagi tulad nung gabing. . . ayoko nang alalahanin pa.

"Anong iniisip mo? Siya pa rin ba?"

"Sino may sabi sayo? Tsaka bakit ba lagi nalang siyang nasasali sa usapan? Hindi ba pwedeng may iniisip lang ako?" supla ko sa kaniya.

"May iniisip ka na tao at si Crisanto yon. Alam mo Bes, hindi naman masama kung mahulog ka sa kaniya. I won't be surprise kung mangyari man yon because in the first place, he's your ideal man kahit ilang ulit mo pang ideny sa akin at sa sarili mo."

"Wow naman! Ang dami mong alam. Magdrive ka na nga lang mamaya na ang satsat."

"Uy! Umiiwas. Sige ka, pag yan hindi mo nilabas, magiging kabag yan. Mahal pa naman ang gamot sa despepsia." pagbibiro niya

"Puro ka talaga kalokohan, Izz." tanging komento ko na ikinatawa niya.

Maganda ang bar na pinasukan namin. Sosyal at mamahalin ang dating. May tatlong palapag na base sa obserbasyon ko ay nasa taas ang mga private lounges at cubicle.

Iginiya ako ni Izza sa bar na saktong walang masyadong tao at hindi din masyadong maingay.

"Wow, naman! Inom talaga agad ang nasa isip mo no?"

"Eh ano bang ipinunta natin dito? Di ba ang uminom, sumayaw at mag-enjoy. Bakit pa natin patatagalin? Di ba, pogi?" untag niya sa gwapong bartender na nakangiti sa harap namin.

"Yes, Mam. First drink is on the house. Enjoy your drink, ladies!" pagsang-ayon ng bartender na may magandang ngiti at machong katawan sabay lapag ng dalawang margarita sa harap namin.

"Wow! Thank you, pogi!" masayang wika ni Izza sabay dampot ng dalawang inumin saka ibinigay sa'kin ang isa.

Dahan-dahan kong sinimsim ang laman ng kopita ko. Sa totoo lang ay ayokong biglain ang sarili ko na ienjoy ang gabing ito. Mahaba pa ang gabi at walang dahilan para magmadali.

"So, kumusta kayo?" biglang tanong ni Izza na ikinagulat ko.

Talagang hindi mawala-wala ang pagiging usisera ng kaibigan kong 'to.

"May kami ba at nangangamusta ka?" balik kong tanong sa kaniya sabay irap bago ko ibinalik ang atensiyon sa inumin ko.

Ang totoo ay hinahanda ko ang sarili ko sa patutunguhan ng usapang 'to dahil alam kong hindi si Izza ang klase ng tao na tatanggap lang ng sagot na walang laman.

"Tigilan mo ko, Bes. Hindi mo ko madadala sa mga irap-irap mong ganiyan. Tapatin mo nga ako, tinamaan kana talaga sa kaniya no?"

"Hindi no! Tsaka bakit ba kailangan siya yong topic natin? Pwede namang kwentuhan mo ko tungkol kay Gino. Mas bet ko yon." pag-iwas ko.

"As much as I want to tell you about him, mas gusto kong ipagpaliban muna. Mas nangangailangan ng masinsinang usapan ang tungkol sa inyo kaya huwag kang umiwas."

Sabi ko na eh, hindi ako makakalusot sa guardia civil  ko na kaibigan.

"Okay naman kami. Nakabalik na siya galing business trip. Yon ang sabi ng sekretarya niya." sagot ko

"So hindi pa kaayo nagkausap mula nung huling text niya. Eh anong plano mo ngayon?"

"Alam mo Izz, Wala naman na kaming dapat pag-usapan eh. Ako ang nakipagdeal  sa palabas na yon so ako ang dapat tumapos. Problema ko na ngayon kung paano ko siya aalisin sa buhay ko dahil in the first place hindi naman talaga siya dapat nandun."

"So wala nang dapat liwanagin? Wala nang dapat pag-usapan? Walang closure ganun?"

"Closure ka diyan! Hindi naman talaga kami di ba? Palabas lang yon. Hindi totoo." paliwanag ko sa kaniya pero hindi ko maintindihan kong bakit mabigat ang dibdib ko nung sabihin ko ang mga katagang yon.

Kasi ang totoo, gusto mong magkaliwanagan kayo. Gusto mong magkausap kayo. At higit sa lahat, gusto mo nang closure. Dahil aminin mo man o hindi, umasa ka din na may ibig sabihin ang lahat ng ipinakita ni Crisanto sayo, di ba?

Tama ba? Yon ba talaga ang gusto ko? Yon ba talaga ang gusto kong mangyari?

"Okay, eh di uminom nalang tayo, Bes. Tsaka rampa tayo sa dance floor mamaya. Okay ba?" tanong ni Izza na tinanguan ko.

Ang paisa-isang inumin na sinimulan namin ay naging dalawa, tatlo, apat hanggang sa naging sunod-sunod na.

Panay na ang tawa namin ni Izza habang nag-uusap tungkol sa mga lalaking nakikita namin sa paligid. Ilang lalaki na ang lumapit sa amin para makisayaw pero hindi ko tipo ang sumayaw kapag nakainom. Mas bet ni Izza ang ganun kaya ilang beses na din niya akong iniwan sa bar para makisayaw sa mga nagyaya sa kaniya.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko habang nakikita ang saya sa mukha ng kaibigan ko.

Ganiyan nga Maika! Eenjoy mo lang ang gabing 'to. Saka mo na isipin ang bukas at mga susunod pa.

"Mam, may nagpapabigay." wika sa'kin ng bartender na tinawag ni Izza kanina na pogi.

"Ha? Sino?"

"Hindi ko kilala mam. Basta ibigay ko daw sayo."

"Salamat nalang. Pakisabi sa nagbigay na hindi ako tumatanggap ng inumin lalo pa't di ko kilala ang nagbigay. Mabuti na yong nag-iingat." tanggi ko sa bartender.

"Okay, Mam. Makakarating po yong mensahe niyo sa may-ari." wika ng bartender kasabay ang pagsilay ng isang ngiti saka umalis sa harap ko.

Hindi ko na binigyang pansin ang tinuran ng bartender. Grabe naman kasi, tumanggi lang ako ng drinks dahil hindi ko kilala yong nagbigay ay isusumbong na agad ako sa may-ari. Ano bang pakialam nung may-ari. . .?

Don't tell me, may-ari ng bar yong nagpabigay?

Napamulagat ako sa naisip ngunit wala na sa bar yong bartender at may kapalit nang bago na abala sa pagmi-mix ng drinks at pag-eestima ng ibang customers.

"Hoy! Anong problema mo? Ba't Hindi ka mapakali diyan?" tanong ni Izza na kakabalik lang mula sa pagrampa sa dance floor.

"Ha? Ahm, Izz, kilala mo na kung sino ang may-ari ng bar na 'to?"

"Bakit mo naman natanong yan? Kelan kapa nagkainteres sa mga negosyong nagsulpotan dito sa Manila?" balik na tanong niya habang naka de-kwatro sa upuan niya.

Baliw din talaga 'tong kaibigan kong 'to. Alam niyang maiksi yong suot niyang palda ay nag de-kwatro pa talaga. Kita na ng mga tao yong singit niya kung well-lighted lang ang lugar na 'to. Buti na lang dim ang paligid.

"Wala akong interes sa negosyo. Gusto ko lang malaman kung kanino tong bar na 'to. Mas updated ka kaysa sa'kin kaya malamang alam mo."

"Ang alam ko kay Drake Sandoval 'to. Heard of him?"

"Drake Sandoval?" pamilyar sa'kin ang pangalan na yon.

Narinig ko na yong pangalan na yon hindi ko lang maalala kung saan.

Imposible din namang si . . . No! He's not the type na magbubukas ng ganitong negosyo. The last time I heard of him was when he migrated to the US para dun tapusin ang pag-aaral niya. After that, wala na akong narinig mula sa kaniya, kahit sa mga common friends namin.

"Bakit tulala ka diyan? Kilala mo ba yong Drake Sandoval, Bes?"

Tinanggal ko sa isip ko ang mga ideyang 'yon dahil alam kong hindi siya yon. Imposible!

"Of course, she does! Right, Gracia?"

Nilukob ng kaba ang dibdib ko nung marinig ang boses na yon mula sa aking likuran. Bigla akong napako sa kinauupuan ko. Kahit ilang taon na ang dumaan, kilalang-kilala ko ang boses na yon at hindi ako maaaring magkamali.

Siya yon! Nandito siya!

Napaangat ng tingin si Izza sa taong nakatayo sa likuran ko. Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha sa nakita.

Dahan-dahan ko siyang nilingon para lang magulat sa nakita.

"I-Ikaw si. . ." hindi ko magtuloy-tuloy ang gusto kong sabihin nung magtama ang aming mga mata.

"The one and only!" tugon niya kasabay ang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi.

Shit! Siya nga!

                    🦄🦄🦄🦄🦄🦄🦄

Mukhang may bagong panauhin si Gracia!

Sino kaya yon? May idea ba kayo guys?

Hmmmmm! Tingnan natin sa next chapter ha.

Sa ngayon ito na muna.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top