30 - Message
Maika's POV:
Kung anong kabog sa dibdib ang naramdaman ko kanina sa sinabi ni Crisanto na ako lang ang babae sa buhay niya ay parang tinupi-tupi yon ng ilang beses nung ilahad niya ang sitwasyon sa ospital.
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" sumbat ko sa kaniya habang pinipigilang huwag tumaas ang boses ko. Nasa kabilang panig lang kasi ng kwarto sila Nanang at Papa.
Mabilis na umalis yong driver niya nung sumabat na ako sa usapan nila. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa kaniya sa kabila ng kabang naramdaman. Hindi man lang niya ako tinawagan o tinext para at least alam ko.
"Everything will be fine. I have men in the area. They can't get through the security outside." sagot niya.
"Paano ka nakakasiguro kung mismong security nga ng building eh nalusutan nila? Bakit hindi mo man lang ako tinawagan o tinext? Para hindi ako mukhang tanga dito."
"I did call you but you weren't picking up. I don't want to put you in this situation pero nandito na'to and I'm sorry." seryoso niyang hingi ng paumanhin.
Hindi ako nakapagsalita agad. So tinawagan niya pala ako siguro nung mga oras na nasa banyo ako't naliligo.
"Eh bakit hindi mo sinabi agad pagdating mo dito? Ang haba-haba na ng usapan natin pero hindi mo man lang nabanggit na nakabalandra na pala sa pahayagan yong mukha ko?" angil ko ulit na pilit tinitimpi ang inis sa kaniya.
"Maybe I was just too confident na hindi sila makakalusot sa security ng building. Tsaka. . .tsaka ano. . .naaliw ako sa pagseselos mo kanina. Nawala tuloy sa isip ko. Aray!" hinampas ko nga sa braso.
"Sino ba kasi nagsabing nagseselos ako? Tsaka feeling mo naman totoo tong sa'tin. Tigilan mo yang pagiging confident mo masyado. Masama ang epekto." wika ko sa kaniya na ikinatigil niya.
May kung anong nag-iba sa ekpresyon ng mukha niya nung marinig ang sinabi ko.
Hinay-hinay naman sa pagiging taklesa mo, Maika! Baka may natabig ka nang ego diyan sa tabi-tabi.
Gusto kong humingi ng paumanhin sa nasabi pero naunahan niya ako.
"Well, it's my fault. I assumed too much. Don't worry, I'll fix this mess." pagkasabi nun ay walang paalam na umalis siya sa harap ko at lumabas ng kwarto matapos kong marinig ang paalam niya kina Nanang at Papa.
Lagot na, Maika! Na-offend mo yata. Kunwari ka pang hindi ka kinilig sa sinabi niya kanina.
Dali-dali kong kinuha yong cellphone ko sa bag ko.
Nakailang ring na pero hindi sinasagot ni Crisanto ang tawag ko. Hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng pag-aalala sa nakita kong reaksiyon niya kanina.
"May problema ba, Nak?" tanong ni Papa na ikigulat ko.
Ni hindi ko namalayan ang paglapit niya sa'kin.
"Halatang bumabagabag sayo. May problema ba kayo ni Crisanto?" ayaw paawat na tanong ni Papa.
"W-Wala naman po, Pa. Ayos lang po kami." pagsisinungaling ko.
Ayokong magulo pa sila Papa kapag nalaman nila. Hangga't maaari ay ayokong masama sila sa mga isyu lalo na ngayong nagsisimula nang umugong yong balita tungkol sa amin ni Crisanto.
Diyos ko! Hindi ko naman alam na aabot sa ganito!
"Kung meron man kayong kunting di pagkakaunawaan, huwag niyo sanang patagalin, Nak. Pag-usapan niyo para maayos agad. Alam niyo dapat kung kailan dapat magbaba ng pride at mag-usap." payo ni Papa sa'kin.
"Okay po, Pa. S-Salamat sa payo niyo." tugon ko kahit na sinusundot na naman ako ng konsensiya ko. Tinugon niya Lang yon ng isang matipid na ngiti at tapik sa balikat ko sakat tinungo ang CR.
Gustong-gusto ko nang aminin sa kanila Yong totoo pero nangingibabaw Ang pag-aalala ko kay Nanang. Kaka-opera lang niya at hindi makakabuti sa kaniya na ngayon ko siya bibigyan ng sama ng loob.
Nilapitan ko si Nanang na nakatutok Ang atensiyon sa TV.
"Nang. . ." tawag ko sa atensiyon niya nung makalapit ako sa kama niya.
"Ano yon, Nak?" mahinahon niyang tanong.
"Kailangan po natin lumipat ng kwarto ngayon, Nang." diretso kong anunsyo sa kaniya.
"Bakit kailangan? Hindi naba natin kayang bayaran itong kwartong to, Nak? Kunsabagay, masyadong malaki ito para sa'kin."
"Hindi Nang. Ano lang po kasi. . . ahm. . . mas komportable at safe po kayo dun sa lilipatan nating kwarto. Kaya lilipat tayo ngayon." pagsisinungaling ko sa kaniya.
"Oh sige kayo ang bahala. Pasensiya ka na, Nak. Masyado na akong nahing pabigat sayo." nagsimulang mamuo ang luha sa nga mata ni Nanang.
Niyakap ko siya ng magaan na tinugon niya Naman. Ramdam ko Ang magaang paghaplos niya sa aking likod.
"Ano ka ba naman, Nang. Kailanman ay hindi kayo pabigat ni Papa sa'kin. Sa amin. Mahal na mahal namin kayo at gagawin namin ang lahat para sa inyo." hindi ko napigilan ang umiyak.
"Maraming salamat, Nak. Mahal na mahal din namin kayo." wika ni Nanang
"Pwede bang sumali diyan?" singit ni Papa na nakabalik na pal galing sa CR.
Sumali siya nang yakap sa amin ni Nanang hanggang sa kapwa kami nakangiti nung maghiwalay sa yakap na yon.
Pinahid ko ang luha sa mga pisngi ni Nanang na siyang ginawa din niya sa'kin. Masaya sa dibdib na nakikitang nakangiti si Nanang pagkatapos ng pinagdaanang operasyon.
Pinangunahan ko yong pagliligpit ng mga gamit namin para sa paglilipat namin ng kwarto. Ilang minuto ang dumaan ay dumating yong tiyuhin ni Crisanto na doctor kasama ang ilang nurse na lalaki't babae para tulungan kami sa paglilipat kay Nanang.
Sobrang asikaso si Nanang ng mga nurse at alam kong dahil iyon kay Crisanto.
Nasaan kaya siya? Galit kaya siya sa'kin?
Hindi ko mapigilang isipin si Crisanto hanggang sa makalipat na kami ng kwarto. Ang inakala kong kwarto na katulad nung una naming inokupa ay ibang-iba dahil isang executive suite sa ospital na yon ang nilipatan kay Nanang.
Kumpleto sa gamit ang kusina na nasa dulong bahagi ng kwarto habang sobrang gara maman ng living room na katabi lang ng kama ni Nanang.
"Sigurado ka ba na dito ang lilipatan natin, Nak? Hindi ba sobrang mahal nito?" sunod-sunod na tanong ni Papa habang si Nanang ay inaayos ng higa ng mga nurse na nag-assist sa paglipat niya.
Hindi ko alam kung paano sasagutin ang mga tanong ni Papa. Pati ako ay ganun din ang tinatanong sa isip ko.
"Hija, your mom is settled and she's recovering fast. Just don't stress her out para tuloy-tuloy ang mabilis niyang paggaling. I'll be back tomorrow for her check up. I really have to go now. I have another patient waiting. Just ring me up if you need me here." paalam ng tiyuhin ni Crisanto na doktor.
"Maraming salamat, Dok." tanging tugon ko bago siya tumalikod at tinungo ang pinto para lumabas.
Binalingan ko Yong isang nurse na nag-aayos Ng kumot ni Nanang.
"Ahm, nurse sigurado ba tayo na ito yong room na lilipatan ni Nanang?" tanong ko na tinugon niya Ng matipid na ngiti bago sumagot.
"Yes po, Mam. Ito po yong nakasaad sa transfer slip request ni Mrs. Del Sol. Per request po yon ni Mr. Landers."
"Ah cge salamat, nurse." tanging komento ko dahil ayokong dagdagan yong pag-aalangan na nararamdaman ko.
Si Crisanto ang kailangan kong kausapin tungkol dito. Dagdag na naman to sa magiging utang ko sa kaniya at malamang sa malamang ay tatandan akong magtatrabaho sa kompanya niya bago ko mabayaran ang utang ko.
Buti sana kung matapos ko na yong sequel na ginagawa ko para maipasa na ko na agad kay Eduard. Nanghina ako sa isiping nasa kalagitnaan pa lang ako ng ginagawa kong pagsusulat at hindi ko pa mabigyan Ng oras yon dahil sa nangyari kay Nanang.
I can't even remember when was the last time I sat down in front of my laptop and continue my writing.
Nami-miss ko na sina Amanda at Calix.
Kelan ko kaya sila ulit mabibigyan ng oras?
Tunog ng cellphone ko yong pumukaw sa'kin mula sa pag-iisip.
Unknown number calling. . .
I was about to answer the call when it stopped ringing. Napatingin nalang ako sa numero habang iniisip kung kanino yon.
I sent Crisanto a text instead of thinking kung sino ang tumawag.
Can we talk? - sent
Naghintay ako ng ilang minuto sa reply niya pero walang dumating kaya tinext ko ulit.
Nakalipat na si Nanang. Wala na ding nga press sa labas. Usap tayo pagdaan mo mamaya dito. - sent
Pero wala pa ring reply mula sa kaniya.
Lagot ka, Maika! Nagalit na nga ng tuluyan si Mr. Dimples mo.
Baliw na utak! Kelan ba naging Mr. Dimples ko si Crisanto? Pinangalandakan ko nga sa mukha niya na hindi siya dapat mag assume kaya wala din akong karapatan na mag-assume.
Ibabalik ko na sana yong phone ko sa bag ko nung pumasok ang isang text message. Dali-dali kong binuksan at binasa nung makitang galing kay Crisanto ang mensahe.
Ngunit ang excitement na yon ay nawalang parang bula nung mabasa ko ang laman ng mensahe niya.
Binalot ng lungkot ang puso ko sa reyalisasyong sineryoso nga niya ang sinabi ko kanina. Hindi ko man aminin sa sarili ko ay alam kong mali ang mga sinabi ko at sumobra ako sa pagiging taklesa ko.
Parang may sariling isip ang mga daliri kong nagtipa ng mensahe bilang sagot kay Crisanto ngunit hindi ko magawang pindutin ang send button o mas tamang sabihin na wala akong lakas ng loob na ipadala ang mensaheng yon dahil alam ko sa sarili ko na walang excuse sa mga nabitawan kong salita.
Walang salita na pwede kong gamitin para bawiin ang lahat ng mga nasabi ko na. Nasaktan ko na yong damdamin niya at hindi ko na mababawi pa yon.
Wala na akong magagawa kundi ang burahin ang unang mensahe na ginawa ko at palitan ng mga salitang sa tingin ko ay naaayon sa gusto niyang mangyari.
Kahit pinatay ko na ang cellphone ko ay memorize ko pa rin sa isip ko ang laman ng mensahe ni Crisanto.
Just call Che if you need anything and forward to her the hospital bill. She already knows what to do. Regarding your belongings, she will hand it to you on my behalf. I'll be gone for a week. You take care of yourself.
Kusang tumulo ang luha ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko.
Hinga, Maika! Iyan ang gusto mo di ba? Ang wag siyang mag-assume? Ngayon, iiyak-iyak ka diyan?
Ito ba talaga ang gusto ko?
Bakit ang sakit sa dibdib nung mga sinabi niya?
Bakit ako nasasaktan sa pinapakita niyang pakikitungo sa'kin kahit sa text lang?
Nahuhulog ka na nga sa kaniya, Maika! In denial la lang!
Napatanga ako sa sigaw ng isip ko.
Mahal ko na nga ba si Crisanto kaya ako nasasaktan ng ganito?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top