28 - Overstaying

Maika's POV:

Halos dalawang linggo ding namalagi sa ospital ni Nanang matapos ang kaniyang operasyon.

Hindi ako pinapasok ni Crisanto sa opisina kahit pa igiit ko na pwede na akong pumasok nung pangatlong araw na mailipat sa kwarto si Nanang.

"Just take this time to rest. Kailangan mo din yon. Tsaka mas maigi na narito ka kasama ni Tito Roberto para di siya mapagod masyado." ang sabi niya nung mag-usap kami saktong dumalaw siya kay Nanang sa ospital.

Na-appreciate ko yong pag-aalala niya para sa mga magulang ko.

Paalis na siya nun nung samahan ko siya palabas ng ospital. Gusto ko din siyang kausapin na malayo kina Nanang at Papa para masabi ko sa kaniya ang gusto kong sabihin.

Hindi ko maiwasang mapaisip minsan dahil sa mga ginagawa ni Crisanto. Hindi ko matukoy kung pagpapanggap pa rin ba itong lahat ng ginagawa niya. Nakokonsensiya tuloy ako sa isiping natali siya sa isang obligasyon na hindi niya naman dapat sana siniseryoso.

"Hayaan mo, kapag naging maayos na ang lagay ni Nanang, sabihin na natin ang totoo. Para hindi ka na mahirapan sa pagpapanggap sa harap nila."

"And who said I'm having a hard time, sweetheart?" napangiti niyang tanong pero hindi umabot sa mga mata niya.

Hindi ako sigurado pero parang may kudlit ng pait akong nasilayan sa mga mata niya.

Sa totoo lang, nakasanayan ko na ang pagtawag niya sa'kin ng sweetheart o di kaya ay babe. Kahit di ko aminin ay masarap sa pakiramdam na may tumatawag sa akin ng ganun. Kaya nga lalo kong gustong sabihin na ang totoo kasi ayokong masyadong masanay sa lahat ng mga ginagawa at pinaparamdam ni Crisanto sa'kin.

Ang sabihin mo, takot ka lang ma-fall, Maika!

Siguro nga ganun. Takot akong mahulog sa kaniya dahil takot akong masaktan. Palabas lang ang lahat ng 'to kaya hindi ako dapat magpadala sa bugso ng damdamin ko.

Nung mga sumunod na araw ay walang palya sa pagdalaw si Crisanto sa ospital pagkalabas nito sa opisina. May dumadating na bulaklak para sa amin ni Nanang bawat umaga. Kahit sinaway ko na siya ay ayaw pa rin paawat.

Naglie-low lang siya nung sabihin ko sa kaniyang nagmukha nang flower shop ang kwarto ni Nanang. Pero hindi ko pa rin siya napigilan nung siya na mismo ang nagdadala ng flowers with matching dinner pagdalaw niya sa ospital gabi-gabi.

Naging routine tuloy namin na kasalo siya sa hapunan. Nung minsang nagpang-abot sila ng mga kuyang ko ay para kaming may reunion. Naluha tuloy si Nanang nung makitang kumpleto kami kasama si Crisanto.

Kung iba lang sana ang sitwasyon at totoo ang relasyon namin siguro ay magiging masaya ako at hindi ganito na inuusig ako ng konsensiya ko dahil alam kong palabas lang tong pinapakita namin.

Kaya nung minsang ihatid ko ulit siya sa labas Ng ospital ay sinabi ko ulit sa kaniya Yong tungkol sa plano kong pag-amin kina Nanang. At gaya nung dati, ganun pa din ang sagot niya. Ewan ko kung dapat ko bang seryosohin Yong mga patutsada niyang sagot sa'kin. Nakakalito siyang tao. Lahat Ng pinapakita at sinasabi niya at taliwas sa napagkasunduan namin. Siguro Yong pagpapanggap lang sa harap Ng pamilya ko Ang nasunod.

"Basta yon ang gagawin ko kapag okay na talaga si Nanang. Tsaka yong mga nagastos mo sa ospital at operasyon, babayaran ko yon Crisanto. Huwag ka mag-alala."

"You're thinking too much, Babe. Hindi naman kita sinisingil ah. Besides, pababayaan ko ba ang girlfriend ko? I'll take care of you remember?"

"Kainis naman eh. Seryoso ako tapos ganyan mga banat mo. Kelan ka ba magseseryoso ha?"

"I'm serious. Ikaw lang naman ang nag-iisip na nagbibiro ako." naging seryoso ng mukha niya habang nakatitig sa'kin

"Ewan ko sayo. Alis na nga. Saka na Tayo mag-usap kapag seryoso ka na." inis na taboy ko sa kaniya.

"Remember what I promise you, Babe?"

"Meron ba?"

"Tsk! Nag-uulyanin ka na ba o ayaw mo lang aminin sa'kin na naalala mo?"

"Ano nga?"

"I promised you that I will make you say yes. I will make us official. I will make that happen."

"Sinabi mo ba yan? Di ko matandaan." kunwari ay tanong ko pero tandang-tanda ko yon dahil kahit alam kong imposible ay umasa akong magkatotoo yong pangako niyang yon.

Shocks! Nagiging romantic ka na naman, Maika! Sa sinusulat mo lang nag-eexist yong ideal boyfriend mo at imposibleng si Crisanto yon.

Ayan na naman ang kontrabida kong utak.

"I told you, once I said so, I do so." napamulagat ako sa sinabi ni Crisanto lalo na nung ilapit niya ang mukha niya sa'kin.

Napaatras ako ngunit mga braso niya ang sumalo sa likod ko dahilan para hindi ako makalayo sa kaniya.

"I'm going now." wika niya.

Ayan na naman ang pagtambol ng dibdib ko kasabay ng paglunok ko ng laway dahil parang biglang nanuyo yong lalamunan ko sa kaba.

Ganito nalang lagi ang epekto niya sa'kin.

"A-Alis ka na." taboy ko sa kaniya habang nakatukod Ang dalawang kamay sa dibdib niya.

"Kiss ko, Babe." ungot niya na halos ikabuwal ko sa pagkakatayo.

"Patawa ka. Nasa publiko tayo. Tsaka. . .di mo na kailangan magpa-sweet, Wala pamilya ko dito."

"Hindi ako aalis kapag walang kiss. Kahit abutin tayo ng madaling araw dito sa labas ng ospital. Gusto mo yon?" tanong niya

"Baliw ka ba?"

"Oo. Baliw na baliw sayo." heto na naman yong mga linya niyang ewan kong saan niya kinuha.

"Baduy mo! Alis ka na. Ingat ka sa pag. . ."

Pero di na natapos dahil naramdaman ko na Yong labi niya sa labi ko. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nung maramdaman ko ang banayad na pagbalik ni Crisanto sa'kin. Yong halik na hindi nagmamadali tulad ng unang halik namin nung gabing yon. Yong halik na puno ng pag-iingat na parang hinihigop yong lahat ng katinuang iniipon ko bawat sandaling kasama ko siya. Parang may isip na kusang pumikit Yong mga mata ko kasabay ng pagnamnam sa bawat galaw ng labi ni Crisanto sa mga labi ko.

"Now I know a better way to shut you up, sweetheart." napamulat ako sa sinabi niya sabay bitiw sa t-shirt niyang nagusot dahil sa pagkakalamukos ko.

Kahit di ko makita ay alam kong kumalat ang pamumula sa buong mukha ko. Hindi ito ang unang beses na nahalikan ako ni Crisanto pero ito yong unang halik na nagpagulo ng isip at puso ko ngayon.

"Loko ka talaga! Bakit bigla-bigla kang nanghahalik?" hindi ako naiinis, mas nangibabaw ang hiya ko sa sarili dahil lumalabas na ninamnam ko pa yong halik niya. . . at sa publiko pa talaga! Buti nalang at di masyadong lantad dahil nasa parking na kami.

"I asked for that kiss but you seemed hesitant. So I surprised you. Gusto mo ulitin ko? Ouch!" hinampas ko nga sa dibdib.

"Kulang pa yan. Subukan mong idikit ulit yang nguso mo sa'kin, makakatikim ka talaga ng mas matindi sa hampas na yan."

"Sanay ako sa tikiman, Babe." panunukso niya sabay tawang umalis sa tabi ko at lumibot sa driver's side Ng kotse niya.

Yong Plano kong hampas ay naiwan sa ire.

Loko-loko din talaga. Lahat dinadaan sa biro.

"Go straight up before I go." sumeryoso na siya.

"Ingat sa pagda-drive." bilin ko dahil Hindi niya kasama Yong driver niya.

"Lagi akong nag-iingat para sayo."

"Bumabanat pa talaga eh. Alis na kasi. Overstaying ka na masyado." biro ko na ikinangiti niya saka sumakay sa kotse at umalis matapos mag iwan Ng isang kaway.

Sinundan ko ng tingin ang papalayong kotse ni Crisanto. Minabuti kong pumasok na sa ospital nung di ko na makita ang sasakyan niya.

Ilang beses na akong pabiling-biling sa kinahihigaan kong couch sa loob ng silid ni Nanang dito sa ospital pero hindi ako dinadalaw Ng antok.

Nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina. Napahawak ko sa labi ko dahil ramdam ko pa rin ang banayad na halik ni Crisanto.

Natutulog na kaya 'yon ngayon?

Medyo nagulat ako nung magvibrate Yong cellphone ko na nakapatong sa tiyan ko.

Crisanto Santito calling. . .

Ayan na Naman Ang traydor kong puso, biglang kumabog nang makita Ang pangalan niya sa screen.

Tiningnan ko lang  yong screen ng cellphone ko habang iniisip kong sasagutin ko ba o hindi hanggang sa tumigil ang pag-vibrate.

I felt relieved pero may isang parte sa puso ko ang nanghinayang.

Nalungkot ako sa isiping pansamantala lang ang lahat ng ito. Na darating yong time na matatapos din ang palabas namin ni Crisanto.

Kailangan pag nangyari na yon, ready ka nang bumitaw sa kung anuman ang hinahawakan mo, Maika. Bawal kang masanay dahil masasaktan ka lang.

May isang butil ng luha na kumawala sa mata ko. Pinahid ko yon gamit ang isang kamay.

Hindi ka dapat mahulog sa kaniya. Gawa-gawa mo lang ang kung anong meron kayo ngayon.

Madalas, masakit masampal ng katotohanang pilit kong tinatanggi sa utak ko at ikinukubli sa puso ko.

Pero minsan mas masakit ang mahulog sa sariling bitag lalo na kung sa huli ay alam kong wala akong kawala sa bitag na yon.

Sa bitag ng namumuo kong damdamin para kay Crisanto.

Kasabay ng pag-aming yon ay may namuong pangamba sa dibdib ko dahil alam kong hulog na hulog na ako sa kaniya at hindi ko alam kong kaya ko pang umahon kapag wala na siya.

Dahan-dahan mong tanggapin na malapit nang matapos ang pag-ooverstaying ni Crisanto sa palabas ng buhay mo, Maika!

Napatingin ako sa kamay ko partikular sa singsing na bigay ni Crisanto sa'kin.

Ikaw din, overstaying kana sa kamay ko. Dalawang linggo na kitang kasama. Huwag ka masanay diyan dahil hindi yan ang tunay mong tirahan. Huwag mo sana ako masyadong pahirapan kapag pinakawalan na kita.

Iyon ang bulong ko bago ako pumikit ng gabing yon.

Bulong para sa bagay na suot ko ngayon at sa taong nagsuot sa'kin nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top