26 - Boss

Crisanto's POV:

"Sweetheart. . .?" tawag ko sa atensiyon ni Maika.

Nag-angat siya ng tingin mula sa pagkakayupyop sa balikat ng lalaki. Mugto na yong mga mata niya sa kakaiyak.

"Crisanto, andiyan ka na pala." wika niya kasabay ng pagbitaw niya sa kasama.

Humarap yong lalaki sa gawi ko. Mas umigting ang paninibugho sa dibdib ko dahil kahit ayaw kong aminin, may itsura ang lalaking ito at tama ang tindig. Tantiya ko ay magkasing-edad Lang sila ni Maika.

"Come on, you have to eat dinner." yaya ko sa kaniya sabay lahad ng kamay ko sa harap niya.

Tiningnan niya yon saka dumako ang tingin sa katabi.

Shit! She seemed confused kung aabutin niya ang kamay ko o hindi.

Nakahinga ako ng maluwag nung lumapit siya sa akin at abutin ang kamay ko. Pinagsalikop ko yong mga kamay namin saka ngumiti sa kaniya.

So he's not the boyfriend.

Parang nagdiwang yong loob ko. But I can't let my guard down that easy coz I don't know a bit about this guy. He's envading my territory and I can't let that happen. . .again.

"Siya nga pala, si Rex, kababata ko. Rex, si Santi. . ."

"Maika's fiancee. Nice to meet you, pare." dugtong ko sa sinabi ni Maika.

Napatanga si Maika sa akin at halatang nagulat sa sinabi ko. Nginitian ko Lang siya.

Tumitig sa akin yong pinakilala niyang kababata. Nakita ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko inilahad yong kamay ko kasi ayokong bitawan kahit saglit ang kamay ni Maika.
Hindi ko na hahayaang umiyak ulit si Maika sa balikat niya.

Sa akin lang dapat!

"So ikakasal ka na pala, Maiks." wika nung Rex.

Is that jealousy I see in his eyes? At panghihinayang?

"You haven't shared the news yet, sweetheart?" untag ko kay Maika.

"Ahm, na-nawala sa isip ko." sagot niya.

Kailangan ba talaga na ungkatin mo Yong peke niyong engagement?

Kung pwede ko lang batukan Ang sarili Kong utak ay ginawa ko na. Nagiging kontrabida na Naman.

Pero nung makita ko Ang lungkot sa mga mata ni Maika ay bigla akong napaisip.

Mali nga yata na binanggit ko pa yon. Hindi ito Ang tamang oras para ipagsigawan sa lahat na engaged kaming dalawa kahit peke lang yon dahil mas mahalagang isipin muna Ang sitwasyong ng Nanang niya.

"I'm sorry, Babe for bringing that up." mahina kong hingi ng paumanhin na tinugon niya ng isang tango.

"Ahm, Rex puntahan lang namin si Papa." paalam niya sa kababata na ngayon ay nakatitig pa rin sa kaniya.

"Sige, Maiks. Balik na din ako sa kwarto ni Melissa. Baka nagising na 'yon. Don't worry, I'll pray for Tita Mika's safe operation. Una na ako." paalam nito saka tumalikod at umalis.

Sinundan Lang siya ni Maika ng tingin hanggang sa lumiko ito at mawala.

Bumaling si Maika sa'kin kasabay Ang akto sanang pagbitiw niya sa kamay ko ngunit hindi ko siya hinayaan. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"I can sense that you're mad. I-I'm sorry."

"Hindi mo na dapat yon sinabi sa kaniya. Mas maraming nakakaalam, mas mahihirapan kang kumawala sa pekeng engagement natin." hindi ko napigilan Ang ngumiti.

So she's thinking of me. But who said I wanna let go of our engagement?

"Anong ngini-ngiti ngiti mo diyan?" tumaas ang isang kilay niya

"Wala naman. Masaya lang."

"Ano nga? Anong nakakasaya dun? Masaya bang matali sa engagement na hindi naman totoo? Sa isang relasyon na puro pagpapanggap? Palibhasa kasi Panay laro mo sa mga babae kaya nag-eenjoy ka."

"Then let's make it real. Matatagalan nga lang."

"Real mong mukha mo. Tsaka kanino mo Naman nakuha yong ideyang gusto kong totohanin yon? May ideal guy ako mister. Tsaka ayokong makasama sa listahan mo nang mga babaeng ginagawa mo lang pampalipas oras. Ang dami na nila, ayoko nang dumagdag pa. Lalong lolobo yang ego mo."

Is she stalking me now? I'm flattered!

"Tsss. Ang daming sinabi." mahina kong bulong na umaabot pala sa pandinig niya kasi biglang pumiksi at naunang maglakd nung makawala na sa hawak ko.

"Sweetheart. . ." habol ko

"Sweetheart mong mukha mo. Tigilan mo ko, Crisanto." wika niya habang patuloy na binabaybay ang pasilyo papuntang operating room.

Kinuha ko yong kamay niya nung maabutan ko siya bago siya makaliko sa pasilyong yon. Pipi akong nagdiwang nung hindi siya nagreklamo.

Ngunit dagli ding nawala Kasi si Tito Robert Yong nasalubong namin. Kaya pala hinayaan lang niya akong hawakan siya kasi may audience kami.

"Buti at nandito na kayo, Nak." parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Tito Robert o nang makita kami.

"May problema ba, Pa?" naroon na Naman Ang pag-aalala sa mukha ni Maika na di Naman nawala pero naibsan sana kanina.

"May lumabas na nurse kanina sa operating room. Kailangan makahanap ng karagdagang dugo para sa Nanang mo. Mas maigi daw na bagong dugo yong isalin sa kaniya. "

"Hindi kami magka-type ni Nanang, Pa. Pero tatawagan ko mga kakilala ko. Baka nay match sa kanila."

"Nagpatest na sila Michael at Robert. Saktong pagdating nila nung lumabas Ang nurse." medyo nabuhayan ng loob si Maika sa sinabi ng ama.

"Mabuti po Kung ganun. Kumain na po kayo, Pa. Puntahan ko lang sila Kuyang. Crisanto, pwede mo bang samahan muna si Papa? Babalik ako agad."

"Kumain ka kaya muna. . ." pero di ko natapos.

"Mamaya na pagbalik ko. Samahan mo na muna si Papa dito. Babalik ako agad." wika niya saka bumitaw sa kamay ko at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Tigas din talaga ng ulo ng isang 'to. Hindi talaga papaawat.

Isang tapik sa balikat Ang nagpalingon sa akin.

"Salamat sa pag-aalaga sa anak ko, Santi." wika ni Tito Roberto nung balingan ko siya.

"I guess ako dapat magpasalamat sa inyo dahil Wala si Maika dito kung hindi dahil sa inyo."

"Walang ibang magpapasaya sa amin bilang mga magulang kundi Ang makitang masaya ang aming anak. Alam kong hindi mo siya pababayaan. Kaya palagay Ang loob namin ni Mikaela Mula nung ipakilala ka niya sa amin, hijo. Sana ay alagaan mo ang anak namin at mahalin mo ng totoo. Iyan Lang Ang hihilingin namin sayo."

"Maaasahan niyo po ako sa bagay na yan, Tito. Kumain na po kayo." yaya ko sa kaniya.

Sa waiting area sa labas ng operating room Lang siya naupo at kumain. Ayaw niyang umalis Doon kahit saglit dahil baka may lumabas galing sa loob at walang madatnan na kapamilya dito sa labas.

Nagrereplay sa utak ko yong mga sinabi ng ama ng Maika.

Ready ka na ba talaga, Santi? May oras ka pang mag back-out. Hindi pa huli ang lahat.

Kaya ko bang talikuran si Maika lalo na sa sitwasyon ngayon? Kaya ko bang makita siyang nahihirapan? Kaya ko bang wala siya sa buhay ko?

Ang daming tanong sa utak ko na hinahanapan ko ng sagot. Aaminin kong naguguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. Sobrang bilis ng mga pangyayari mula nang gabing makasama ko siya.

Ready ka ba na ibang lalaki ang gumagawa ng mga ginagawa mo ngayon? sundot ng utak ko.

Nasagot ang tanong na yon when Maika came into view, walking in that hallway kasunod ang dalawang lalaki.

They must be her brothers. Kita ko yong hawig nilang tatlo.

Sa akin nakatutok ang tingin nung dalawa niyang kasama.

"Pa, may problema tayo." bungad na wika ni Maika na ikinatayo ni Tito Roberto mula sa pagkakaupo sa tabi ko.

"Si Kuya Michael lang ang match pero laka donate lang niya two weeks ago para sa panganganak ni Ate Teresa."

"Sorry talaga, Pa. Hindi ko naman alam na mangyayari to. Sinubukan ko nang humingi ng tulong sa mga kaibigan ko." narinig kong wika ng Isa sa kasama ni Maika.

Siya marahil si Michael na tinutukoy ni Maika.

Tumikhim ako kasabay ng pagtayo ko mula sa kinauupuan ko para makuha ang atensiyon nila.

"What blood type do we need?"

"Type AB, hijo." sagot ni Tito Roberto.

"Okay. I'll try to . . ."

"Huwag na, Crisanto. Ang laki nang abala sayo nito. Tsaka magiging abala din sa mga tao mo kung pati sila iistorbohin mo para magpatest. Makakahanap din kami ng donor. Subukan ko tawagan si Rex. Baka pwede siya." putol ni Maika sa sasabihin ko sana.

Ni hindi man lang ako pinatapos sa sasabihin ko. Tsaka bakit yong Rex na yon ang tatawagan niya eh pwede naman ako.

Of course, I won't let that man go near her again. Ever!

"Who said I'll disturb them? And who said you'll call that man?" tanong ko na kay Maika nakatingin.

"Nagbabakasakali lang naman. Eh sino bang naisip mo na pwedeng magdonate?"

"Ako! I can donate. I'm type AB, sweetheart."

Napatanga silang lahat sa'kin.

Now, I've got their attention!

"Si Santi nga pala, fiancee ng kapatid niyo." pakilala ni Tito Robert.

Halos magkasabay na napatingin sa akin ang dalawang kapatid ni Maika. Tingin na parang tinatantiya kung tama ang narinig mula sa kanilang ama.

"Crisanto Rodente - Landers." pagpapakilala ko habang nakalahad Ang aking kamay sa harap ng dalawang kapatid ni Maika.

Nagkatinginan Ang dalawa bago tumingin kay Maika.

"B-Bakit? Ba't ang sama niyong tumingin diyan?" ilang na tanong ni Maika.

"Sigurado ka, bunso? Nobyo mo 'to?" may pag aalinlangan na tanong nung tinawag na Michael.

"Grabe kayo sa'kin, Kuya Mike."

"Oo nga, bunso. Kilala mo ba 'to?" bigla akong kinabahan sa tanong na 'yon ng isang kapatid ni Maika.

Kilala ba nila ako? Did we met somewhere?

Pati ako napapatanong ng bakit sa likod ng isip ko.

"Ang tanyag na Santi Landers ang nobyo mo?" ulit na tanong nung Robert.

"Eh ano naman ngayon kung siya ang nobyo ko? May problema?"

"Wala naman. Boss lang naman namin siya ni Robert sa dalawang magkaibang kompanya na pagmamay-ari nila." sagot nung Michael.

Pati ako napatanga sa sinabi niya. Kasunod ang pagtingin ni Maika at Tito Roberto sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top