25 - Assurance
Crisanto's POV:
I smiled as I ended that call with Maika. I don't know but I felt really energized after that conversation with her.
Kailan ka pa naging cheesy sa mga salita, Santi? Baduy mo!
Hindi ko alam ang sagot but one thing's for sure, gusto ko na siyang makita ulit. Gusto ko na siya makasama ulit.
Natigilan ako sa napagtanto kong katotohanan.
Am I ready for this?
Tama! Ready na ba ulit ako na magmahal? Di ba't parang kailan lang ay galit ako sa kaniya dahil siya pa lang yong unang babae na umiwan sa akin sa kama? Given the fact na lasing siya pero she managed to dodge herself away from me.
Hanggang halik at making out lang yong nangyari sa amin that night.
Is she reserving herself for someone else? May boyfriend na kaya siya na hindi ko lang alam? She should have told me in the first place.
Wake up,Santi! Kung may boyfriend siya, hindi ka na niya pag aaksayahan ng time na kausapin para tuluyang magpanggap na fiancee niya. She could just deny it to her parents and introduce her real boyfriend.
May point din ang sinasabi ng isang parte ng utak ko. Malamang wala pa siyang boyfriend. Parang may nabuhay na pag-asa sa dibdib ko.
She must be a reserved woman I guess. Isa sa mga babaeng nagpapahalaga sa sarili. And that made me admire her more.
Ano pa bang hahanapin mo,Santi?responsable at mapagmahal na anak tsaka may pagpapahalaga sa sarili. Ideal woman!
Why the hell am I thinking all this things? Hindi pa nga ako sigurado sa nararamdaman ko and besides, I don't even know if she feels the same way.
Eh ano ba yang na feel mo? Alam mo na ba Kung ano yan?
I shove the thought away. Enough thinking about her. I just wanna help her right now.
I was about to get off my seat when my phone ring.
"Hello, Tito Arthur." bungad ko.
"Santi, I hope I'm not disturbing you right now." panimula niya.
"No, Tito. It's okay. I just finished my last meeting for today."
"Okay, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa hijo. I have looked over the medical records of Mikaela Del Sol and talked to her doctor. She needs to undergo the operation as soon as possible."
"What are her chances, Tito?" bumundol ang kaba sa dibdib ko ng bigkasin ko ang tanong na yon.
But I was hopeful na makakaligtas ang Nanang ni Maika.
"Chances is minimal but we have no other choice as of now. If we spend another day, baka hindi siya makaligtas."
"I will see you in twenty minutes. I want to be there when you tell Maika and her father." saad ko saka ibinaba ang tawag nang hindi man lang nagpapaalam.
I can't waste another minute chitchatting on the phone when Tita Mikaela's life is at stake.
"Che, call me if anything came up. I have to go to the hospital." wika ko kay Che ng mapadaan sa cubicle niya.
"Yes, Sir." maikling tugon nito
I went inside the lift and went straight to the lobby. I called Steve on the way para makaalis kami agad.
"Kakayanin yan ni Maika. She's strong." wika Ni Steve matapos Kong sabihin sa kaniya ang sinabi Ni Tito Arthur. Nasa byahe kami papunta sa ospital at hindi ko maiwasang hindi mag-alala para kay Maika at sa nanang niya.
"I know she is but I can't stop myself from worrying. We've been through this."
"Wala ka bang tiwala sa tito mo? He's one of the best here in the country." paalala ni Steve.
Si Tito art ay isang heart surgeon and like what Steve said, he's one of the best heart surgeon in the country. Kapatid siya ni Mama and it took him long enough to get over my mom's death because he was not able to help her. He was devastated for being a doctor but can't even lift a finger to save her own sister from dying.
She loves my mom so much and he was broken when she left.
"Mahal mo na talaga ano?"
Narinig ko ang tanong ni Steve pero hindi ako sumagot o mas tamang sabihin na Wala akong maisagot.
Mahal ko na nga ba talaga?
What if hindi Naman pala. What if naaawa lang ako sa kaniya kaya ganito Yong nararamdaman ko? What if I just admire her of being her at hanggang dun lang pala ito?
Enough, Santi!
Ayoko munang isipin Kung ano 'to. Ayoko munang lagyan ng tamang pangalan Yong nararamdaman ko ngayon. Ang mahalaga ay naroon ako dahil kailangan niya ako.
Wala si Maika sa kwartong nakalaan para sa Nanang niya kaya dumiretso ako sa ICU.
Naroon nga siya yakap-yakap ni Tito Roberto habang kausap si Tito Arthur.
"Santi, it's good you're here. I told them already." bungad ni Tito Art nung makita ako.
Nag-angat ng ulo si Maika Mula sa pagkakasubsob niya sa dibdib ng kaniyang ama. Hilam sa luha yong mukha niya habang nakatingin sa akin.
"Crisanto. . .s-si Nanang. . ." tanging sambit niya bago kumawala sa yakap ng ama at lumapit sa akin.
Parang may sariling isip yong dalawang braso ko na kusang yumakap sa kaniya. And this time, she cried in my arms.
Parang piniga ang puso ko habang naririnig ang mga hikbi niya.
God! This is the last thing I want her to do while she's in my arms.
"Everything will be fine, sweetheart." wika ko sa kaniya habang yakap siya sa dibdib ko at hagod siya sa likod hoping it will ease the fear and pain she felt right now.
She felt too perfect in my arms na para bang ginawa siya ng Diyos na para talaga sa mga bisig ko.
"P-Paano kung h-hindi siya makaligtas. H-hindi ko kakayanin 'yon, Crisanto." wika niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Ssssh! Don't say that. She will survive. She will wake up and she'll be fine. Di ba Tito Art?" paghingi ko mg suporta kay Tito Arthur bilang doktor.
I want to give Maika the assurance she needs right now. The assurance that I know only God can provide but as a person, I know Tito Art is the instrument of God who can at least support my statement .
"I will try my best, hija. Pero kailangan ko ang prayers niyo na sana ay maging successful ang operasyon ng Nanang mo." tugon ni Tito Art.
"Nakikiusap ako, iligtas niyo ang asawa ko, Doc. Kahit mamulubi kami sa bayarin sa operasyon, basta makaligtas lang siya." ramdam ko ang pagsusumamo sa boses ng ama ni Maika.
"Ipagdadasal natin yong kaligtasan niya, Tito Robert. Makakaligtas si Tita. She's a strong woman, like her daughter here."
Nag-angat ng tingin si Maika. Alam ko ang nasa isip niya ngayon. Ang gastos sa ospital lalo na sa operasyon ni Tita Mikaela.
"Saka mo na isipin yan. Ang mahalaga ay maoperahan si Tita as soon as possible." sabi ko sa kaniya kahit di man niya isaboses ang nasa isip niya ngayon ay iyon ang basa ko sa mga mata niya.
Doble ang inaalala nito though nangingibabaw ang pag-aalala at pangamba nito para sa ina ay hindi ko maiaalis sa kaniya ang mag-alala tungkol sa gastusin. Heart operation is damn expensive.
But I won't let her worry about it. I have everything under control.
Sigurado ka diyan, Santi? Pati kaligtasan ng Nanang ni Maika?
That hit me hard! Hindi nga pala lahat. I'm not God after all.
"I'll go ahead now, Santi. I have to prepare everything para sa operasyon. Mr. Del Sol, hija, maiwan ko muna kayo." paalam ni Tito Art na tinugon ni Maika at Tito Robert ng tango.
"Tito Art. . ." pero hindi ko alam kong ano ang susunod na sasabihin. Hindi ko maiwasang aminin sa sarili ko na may kaba din akong nararamdaman para sa mga posibleng mangyari.
"I will do everything I can, hijo. But we need your prayers. No one's more powerful than Him. Mauna na ako."
Kumawala si Maika sa mga bisig ko at tinungo ang ama na ngayon ay nakatunghay sa asawa habang umaalog ang balikat.
"Pa, tama na yan. Makakasama sayo yan. Magiging okay si Nanang. Makakasama siya pa. Alam kong lalaban siya para sa atin." wika niya habang hinahagod ang likod ng ama.
I know she's trying to be strong for her father dahil alam niyang siya ang isa sa makakapitan nito sa sitwasyong ito.
Just like me once, trying to be strong when Dad needs me to be at the time of mom's sickness. Enduring the pain and fear of loosing a member of the family is hard but staying strong while enduring all of it is the hardest.
Nagdesisyon ang mag-ama na pumunta sa chapel nung maipasok na si Tita Maika sa operating room. Ayaw pa sanang umalis ni Tito Robert sa labas ng operating room dahil gusto niyang hintayin Ang paglabas ng asawa ngunit nakumbinsi din siya ni Maika na mamalagi muna sa chapel.
It was already six in the evening when I left them there to buy food. It's the least I can do right now for them.
As much as I don't want to leave Maika, I need to breath some air. Para akong nasasakal sa nararamdaman ko habang nakikita si Maika na nahihirapan. Ang daming alaala na bumabalik sa'kin dahil sa mga nangyayari ngayon. Mga ala-alang naghatid ng kirot sa dibdib ko.
Hindi ko kaya ang maghintay doon. Maghintay na walang ginagawa. The agony of waiting without nothing to do kills me big time. I felt helpless as time passes by and I hate it.
I know his brothers will be here any minute dahil 'yon ang sabi ng mga ito nung tawagan ni Maika kanina para ipaalam na kailangan nang maoperahan ang kanilang ina.
Sa pinakamalapit na fastfood kami bumili ng pagkain para naman makabalik agad kami. Hindi ko pwedeng iwan si Maika ng matagal lalo na't halatang tuliro ito sa dami ng iniisip at inaalala.
Saktong paliko ako sa hallway papuntang chapel nung makita ko si Maika. . . may kayakap na lalaki habang umiiyak. Hindi ko makita yong mukha ng lalaki dahil nakatalikod ito sa side ko.
Nagsimulang mamuo ang selos sa dibdib ko dahil sa nakita lalo na nung halikan siya nito sa buhok kasabay ang himas sa likod.
Shit! May katotohanan ba yong hinala ko? May boyfriend si Maika? Siya ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top