23 - Match

Crisanto's POV:

"I'm sorry." paghingi ko ng tawad sa kaniya dahil sa mga sinabi ko.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng kwartong inihanda ko para sa Nanang ni Maika. Kasalukuyan itong nasa ICU ngayon at hindi pa nagkakamalay. Initial findinga ng doktor ay lumala na yong enlargement sa heart nito which maybe needs operation. Tahimik siyang nakaupo sa isa sa mga upuan na nakahilera sa may lobby habang ako ay nakatayo sa gilid niya.

Wala kaming imikan simula nung bumyahe kami hanggang sa dumating kami dito sa ospital kanina galing sa opisina. Yong papa nalang ni Maika ang kinausap tungkol sa kalagayan ni Tita Mikaela nung silipin ko siya sa ICU kanina pagdating namin.

Sa pagpupumilit kong pumunta agad dito ay nakalimutan ko na amg pinaorder kong breakfast kay Che na dapat ay para sa amin ni Maika.

"I'm sorry din kung napagtaasan kita ng boses."

"I understand. Ako yong wala sa katwiran. I was being insensitive." pag-amin ko sa kaniya.

Unbelievable, Santi! Kailan ka pa natutong umamin ng kahinaan mo?

Tinapik niya yong upuan sa tabi niya. Parang lumukso yong puso ko sa saya nung ginawa niya yon. It's like seeing the light at the end of the tunnel.

Gusto niyang tumabi ako ng upo sa kaniya. I didn't think twice and took the seat beside her.

"G-Galit ka pa ba sakin?" pag-aalangan kong tanong sa kaniya.

Gusto kong tampalin ang noo ko dahil sa tanong ko na yon. Ito ba yong tamang oras para itanong yon sa kaniya? Bakit sa dinami-dami ng tanong eh yon pa talaga ang lumabas sa bibig ko?

Umiling siya pero walang salita na lumabas sa bibig niya.

"Pwede ka namang bumalik na ng opisina. Okay na ako dito. Tsaka hayaan mo, I will work overtime pagbalik ko to compensate my absences."

"Don't think about that. Clear your mind of anything that involves your work in the office. The deal's off."

Nakita kong gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya.

"Hindi pwede! Kailangan ko yong bag ko. Pagtatrabahuan ko yon pagkalabas ni Nanang dito sa ospital. Kailangan ko lang. . ."

"Ssssh! You don't have to. I will return your bag kahit hindi ka na magtrabaho sa opisina bilang assistant ko. Sa ngayon, si Nanang muna ang isipin mo."

"B-Bakit nagbago yong iaip mo?"

"Stop asking questions. Just relax! You better go home and get some sleep. Halatang wala ka pang masyadong tulog."

"Hindi din naman ako makakatulog sa sitwasyon na 'to. Nag-aalala akk kay Nanang."

"Everything will be fine. May private nurse akong kinuha para magbantay sa kanya habang nagpapahinga kayo ni Tito. You should rest, Maika."

"Bakit mo 'to ginagawa?" bigla niyang tanong.

"Ang alin?"

"Itong lahat ng 'to. Yong private room, private doctors and nurses. This is too much."

"I did all of these because I simply can. I have the reaources kaya wag ka nang mag-isip masyado." alam kong arogante din ang tingin niya sa akin aa mga oras na 'to pero the hell I care.

Gusto ko siyang tulungan dahil kaya kong tulungan siya. Period!

"Babayaran ko ang lahat ng 'to. Huwag kang mag-alala." wika niya habang nakayuko at nilalaro ang dalawang kamay sa kandingan niya.

"What if. . .you pay me now. On my terms." napaangat yong tingin niya sa akin.

I know her financial situation dahil sa halis sabay na pagkaka-ospital ng kaniyang mga magulang six months ago. May enlargement of the heart yong Nanang niya habang may early stage cancer of the lympnodes yong Papa niya.

Kung titingnan mo siya ay parang wala siyang iniindang problema pero deep inside, she's in pain for her parents. Hindi naka-assist masyado sa gastusin yong dalawa niyang kuya dahil may sarili na itong pamilya na itinataguyod samantalang yong pangatlo niyang kapatid ay naghahanda para sa paparating na kasal nito.

Si Maika ang tanging inaasahan ng kaniyang mga magulang. Hindi din naman kalakihan ang naitabi ng Nanang niya galing sa sss pension ng kaniyang ama buwan-buwan na dating supervisor sa isang manufacturing company.

Yong kasambahay na kasama mg mga magulang niya sa bahay ay siya din ang kumuha at nagpapasahod mula nung maospital ang dalawang matanda.

Yon ang naging kwento ng kaniyang ama nang magkausap kami kanina. Naiwan kami sa kwarto nung kausapin ni Maika ang doktor ng Nanang niya.

She seems tought but I know she's bearing too much burden right now. She's a good daughter kaya kahit nahihirapan siya ay kinakaya niya pa rin makita lang na nasa mabuting kalagayan ang mga magulang.

"Yes. Pay me now. . .with some sleep. You may go home and take a rest. Saka ka na bumalik kapag nakapagpahinga ka na ng maayos."

Napatanga siya sa akin. Kinabahan siguro kung anong bayad ang hinihingi ko.

"H-Hindi ko kayang iwan si Nanang dito. Ayoko!" bumabadya na nama ang luha sa mga mata niya.

"Okay, how about you get inside the room and get some sleep. Please." kung pwede ko nga lang siyang buhatin at dalhin sa loob para masiguradong magpapahinga siya ay ginawa ko na.

"Okay lang ako Crisanto. Bumalik ka na sa opisina. Marami kang meeting ngayong araw na 'to."

"I will go but get inside first. At least take some sleep. Makabawi ka man lang sa pinuyat mo kagabi. O baka gusto mo ako pa magpatulog sayo sa loob. Pwede naman. I will willingly do it if that's what it takes for you to rest. Tatabihan pa kita. Gusto mo yon? " pabiro kong wika gumaan man lang ang mood niya.

"Baliw! Sige na matutulog ako mamaya. Bumalik ka na sa opisina. Salamat sa pag-aalala at sa lahat ng t-tulong mo. Makakabawi din ako sayo. Babayaran ko yong mga dapat kong bayaran."

Seryoso yong mukha niya habang nakatunghay sakin. Anumang oras ay tutulo na yong luhang pinipigilan niya.

I hug her na nung una ay ikana-estatwa niya.

"Say another word and I'll kiss you right here." wika ko malapit sa tenga niya sabay gawad ng halik sa gilid ng ulo niya.

She smells divine. That's what I notice about her whole being since we met.

Sunod kong narinig ay yong impit na pag-iyak niya.

"Ssssh! She'll be fine. She's a strong woman, sweetheart like you. Nagmana ka sa kaniya di ba? And she won't be happy seeing you weak and miserable like this." wika ko habang hagod siya sa likod.

Kumalas siya sa yakap ko at parang batang pinahid yong luha niya gamit ang likod ng kamay niya.

"Sige na. Papasok na ako sa kwarto ni Nanang. Maraming salamat." wika niya saka tumayo.

"Sige pasok ka nabago ako umalis. At matulog ka kahit saglit." utos ko sa kaniya pagkatayo ko sa upuan.

"Sige na. Para ka nang sirang plaka niyan. Paulit-ulit yong sinasabi." wika niya habang binubuksan ang pinto ng kwarto.

"Sana naman hindi na paiiralin yong katigasan ng ulo ng iba diyan. Alis na ako. Pasok ka na."

"Oo na. Ang kulit! Ingat ka." saka siya tuluyang pumasok sa kwarto matapos akong gawaran ng isang ngiting hindi naman umabot sa mata niya.

Paglapat ng pinto ay umalis na ako ng ospital at bumalik sa opisina.

Hindi ko pa rin mawaglit sa isip ko si Maika at yong sitwasyon niya ngayon.

I've been in her shoes before. Staying awake and strong as I can para lang mabantayan ang aking ina habang nasa ICU siya at kumalaban para sa sariling buhay. I've never been so devastated and helpless at that time na wala akong magawa para maging mabuti at maayos ang pakiramdam ng mommy ko.

Oo meron kaming pera para kumuha ng mga doktor at espesyalista na titingin at gagamot sa kaniya pero what hurts me most ay yong nakaupo ka lang sa isang tabi habang kinakain ka ng pag-aalala king gigising pa ba siya despite everything that you did para lang madugtungan yong buhay niya.

I know what Maika felt right now and I want to be there with her. Gusto ko siyang samahan because the most agonizing part of her situation ay yong maghintay sa kung anuman ang resulta ng lahat na kahit may gusto kang gawin ay hindi mo magawa dahil wala ka sa posisyon para gawin ang lahat ng yon.

"Nag-iisip ka na naman? Kumusta ang nanay ni Maika?" narinig kong tanong ni Steve habang bumabyahe kami pabalik sa opisina.

"Hindi pa siya nagkakamalay. Still under observation."

"Kumusta si Maika? Mahirap tong sitwasyon na 'to para sa kaniya."

"She don't wanna sleep. Kahit sinabi ko nang may mga nurse na magbabantay sa Nanang niya, ayaw niya pa rin." I felt frustrated.

"I'm sure pati pagkain ay hindi niya maiisip sa mga oras na 'to. Napagdaanan na natin yan and you know how it feels like." napaisip ako sa sinabi ni Steve.

"Shit! How can I forget that. Siguradong hindi pa yon kumakain." my frustration doubles nang maalalang pilit ko siyang pinagpahinga pero wala man lang itong kinain.

I dialled my phone and waited impatiently.

"Hello, nak. Napatawag ka." bungad ni Yaya Selay mula sa kabilang linya.

"Ya, can I ask a favor?"

"Oo naman, Nak. Ikaw pa ba. Ano yon?"

"Ahm. Ano kasi, Yan. Ahm. N-Nasa ospital yong Nanang ni ano. . .ahm. . .n-ni Maika."

Bakit ba nahihirapan akong sabihin yon kay Yaya?

"Anong nangyari? Kumusta si Maika? Pinuntahan mo na ba? Kailangan niya ng kasama ngayon, Nak. Kawawa naman siya. Kumusta yong Nanang niya?"

Yan! Yang reaksiyon na yan ang mismong dahilan king bakit nag-aalangan akong sabihin kay yaya. Kasi naman kung makpag-react parang iwan. Daig pa ang kamag-anak kung magpanic.

"Ya, kalma po! Galing na ako dun. May mga doktor nang nag-aasikaso sa Nanang ni Maika. Andun din si Maika sa ospital ngayon. Kung pwede sana magluto kayo ng pagkain Ya para kina Maika at sa Papa niya. Ipahatid niyo lang po kay Paeng pagkatapos. Ibibigay ko sayo yong pangalan ng ospital at room number. Okay lang ba, Ya?"

"Oo naman, Nak. Ako na din ang maghahatid. Guato ko makilala si Maika." parang batang wika niya na sobrang excited na animo'y ipapasyal sa park.

"Ya, si Paeng nalang. Baka mapagod pa kayo masyado. Tsaka kailangan ni Maika ng pahinga ngayon."

"Nak, naman. Okay lang. Saglit lang ako dun. Tsaka hindi ko siya kukulitin. Promise." I guess namana ko kay Yaya yong ilang hibla ng pagiging matigas ang ulo.

"Fine! Basta mag-iingat ka. And please Ya, huwag mong hayaan na di siya kumain. Mas matigas ang ulo nun kaysa sakin."

"Ako nang bahala, Nak. Oh sige na para makapagluto na ako. Ingat ka sa byahe, Nak. Babye." kasunod ay dial tone na.

"So inaamin mo na?" biglang ere ng boses ni Steve.

Kahit kailan talaga ang hilig manggulat ng pinsan kong 'to.

"Ang alin?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Na nahuhulog ka na kay Maika. Kulang nalang magpaka-doktor ka para mapagaling mo yong Nanang niya. Para di na siya malungkot at mag-alala. Tama?"

"Bit I can't be. I'll never be! That's all I could do for now. Give her all the support she needs."

"You're so dead, man! In-love ka na nga. . . ulit! So, that's it? When are you going to tell her?"

"Not the right time, cous. Everything's wrong timing."

"May tamang timing ba kapag in love?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Meron nga ba?  Kelan ko ba dapat sabihin yon kay Maika?

Tahimik na si Steve at hindi na nagsalita pa hanggang sa dumating kami sa opisina.

Seriously, Santi? You juat admit your true feelings for Maika?

Kahit ang sarili ko ay hindi na kayang itago yong totoong nararamdaman ko para sa kaniya.

I guess I really found my match. The one for me.

Si Maika! And I fuckin' love her!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top