22 - Late

Crisanto's POV:

Tatlong araw nang pumapasok si Maika bilang assistant ko as part of our deal or shall I say, my condition.

We have lesser arguments as days passed though I can see her being hard-headed and has her own stand for decisions she made.

I don't know why but I kinda enjoy her company as my assistant and miss her at the end of the day. I know it may sound insane but I should be the one giving her a hard time as a punishment for what she did to me the first time we met but I found myself giving in to her.

What's happening, Santi? Losing your grip over things?

There are arguments na siya ang nanalo but I hate to admit to myself that she won over me because I let her. I let her defy me. I let her win over me and I let her control my judgement.

That's not normal anymore, Santi! Wake up!

Bumusina si Steve pagkahinto namin sa harap ng gate mg mansyon kung saan nakatira ngayon si Dad.

Si Walter ang naka-assign na guard at si Pador na siyang nagbukas ng malaking gate.

Pagkaparada ni Steve sa loob ay bumaba na agad ako saka tumuloy sa loob para puntahan si Daddy.

I do quick visits everyday to check on him since his illness became serious.

"How are you, Dad?" tanong ko kay Daddy na kasalukuyang nakahiga sa kama niya.

"Better, son. How are you? How's the company? I hope they're not giving you a hard time."

Napatawa ako sa sinabi ni Dad. Mukhang hindi niya pa talaga ako kilala pagdating sa pagma-manage ng mga tauhan niya sa kompanya. As if I allow them to give me a hard time.

"I am giving them a hard time, Dad. I guess they're praying everyday for your fast recovery so you can come back soon. Feeling ko nga, isa sa prayers nila ay ang magkasakit ako para hindi nalang ako pumasok." iiling-iling kong sabi sa kaniya na ikinangiti niya.

"Don't be too hard on them, son. I trust those people. They can do the work."

"I believe they can. I haven't fired anyone yet since I took over. Well, almost."

Naalala ko amg galit ko sa security head ng malaman ko na namang may mga press na umaaligid sa building. Kaya nga as much as possible ay sa opisina ko pinaschedule yong mga meetings ko for the last three days.

Ayokong umani nang atensiyon ng mga press kapag nakita nila kami ni Maika na magkasama.

The press must be eyeing every woman na makasama ko and I don't wanna risk Maika's safety for that.

"I saw you on the papers. When are you going to introduce her to me? I hope she's not one of the flings." napabaling ang tingin ko sa mukha niya.

Hibdi na ako dapat nagtataka kung bakit niya ako nakita sa news. Palibhasa kasi lagi pa ring nakatutok sa stock market at sa business news kahit nakaratay na dahil sa sakita niya.

"Let's hope she won't be. She's working for me for a week then after that, we'll separate ways."

"And why is that?"

"Long story, Dad. I'll te you over the weekend. I have to go now." pag-iwas ko sa tanong niya.

Ayoko munang malaman niya ang tungkol kay Maika hangga't ganito pa ang sitwasyon namin.

Bakit? Ano nga bang sitwasyon niyo, Santi? No label?

"I wanna meet her this weekend." bigla niyang wika na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

He don't usually ask that from me kapag may nakikita siya sa newspapers na kasama ko pero ngayon biglang nagre-requeat na makilala si Maika.

"I can't promise."

"I'll be expecting." napailing ako sa narinig.

I know he won't back down easily. I know he's as persistent as me.

"Bye, Dad! Don't forget your meals and your meds. I love you." paalam ko sa kaniya habang inaayos ang suot kong coat.  Umangat yon dahil sa pagyuko ko nung gawaran ko siya ng isang halik sa noo.

"And don't forget my request."

"The same answer. I'll try but I won't promise."

Saka ako tuluyang lumabas sa kwarto niya.

Ibinilin ko sa private nurse niya na huwag pabayaan si Daddy at tumawag agad sa akin kapag may problema. I always see to it that I'm on top of everything when it converns him.

Ngayon ang pang-apat na araw ni Maika bilang assistant ko. So far, she's doing great at work kahit pa sabihing wala siyang experience sa ganung trabaho.

She's been writing since she graduated college and created a name for herself. I even bought some of her books which I read some a couple of nights since I met her.

I dialled on my phone and waited for Che to answer my call.

"Good morning, Sir." sagot niya mula sa kabilang linya.

"Good morning, Che. Please order breajfast for two. Diyan ako kakain." wika ko sa kaniya.

"Consider it done, Sir."tugon niya

"Thank you, Che. Andiyan na ba siya?" na angbtinutukoy ko ay si Maika.

"Wala pa siya, Sir." sagot niya.

Napaisip tuloy ako kung bakit wala pa siya sa oras na 'to. She usually came in earlier than me. And now it's alreasy five minutes before eight o'clock tapos wala pa siya.

"Okay, Che. Thank you."

Naalala ko yong request ni Dad. Paano ko sasabihin kay Maika na gusto siyang makilala ng Daddy ko? Paniguradong magtataka siya kapag sinabi ko yon.

"Malalim yata ang iniisip mo diyan." puna ni Steve habang nagmamaneho.

"Just thinking of something."

"Something o someone? Si Maika na naman ano? Mukhang tinamaan ka na talaga sa kaniya." komento niya na hindi hinihiwalay ang tingin sa daan.

"What are you talking about? Pwede bang mag-drive ka nalang?"

"I know you, cousin. You can't fool me. Alam kong nakita mo na ang katapat mo at si Maika yon."

"Siguradong-sigurado ka na yata diyan sa sinasabi mo ah. Bakit ikaw hindi pa ba? I know you like Elisse. Tapos dinadaan mo lang sa pagsusungit mo sa kaniya. Para kang highschool."

Si Elisse ang private murse ni Daddy. Ilang beses ko nang nahuhuli si Steve na nakatingin kay Elisse kapag dumadaan kami sa mansiyon. Kunwaring nagpupunta sa kusina para makikain sa luto ng kusinera ni Dad na si Aling Mina, pero ang totoo ay para makita si Elisse.

"Iniiba mo ang usapan eh. Ayaw mo lang aminin na nahuhulog ka na kay Maika. Kunwari galit ka pero hindi naman. Lumalambot ka na nga yata eh."

"Magdrive ka na nga lang. Ang dami mong alam!"

"Oo naman! Ako pa ba?" ngingiti-ngiting wika ni Steve.

Ganun na ba talaga ako ka obvious para masabi yon lahat ng pinsan ko? I'm not liking this one!

Ten minutes past eight nang pumarada si Steve sa harap ng Blue Aquarius building. Pagkababa ko ay ipinasok niya sa basement ang sasakyan.

I was on my way to the entrance ng huminto ang isang taxi at mabilis na umibis mula doon si Maika. She's late at mas nauna pa akong dumating sa kaniya. Ako na boss niya.

What an irresponsible act!

"You're late!" wika ko sa kaniya na ikinagulat niya.

Siguro ay hindi niya inaasahang magkasabay kami ngayong umaga.

"Ikaw pala. I'm sorry, Sir. May importante lang akong dinaanan kaya ako na-late." halatang matamlay siya habang sinasabi yon.

She seems sleepy and tired.

Kung anu-ano bigla ang pumasok sa isip ko. Baka uminom na naman sila ngnkaibigan niya kagabi at tulad nang nangyari ng gabing yon, nalasing siya at sumama. . .

No! It can't be! Hindi pwede!

"Mas importante kaysa sa trabaho mo? You know what time is you duty hours, right?"

"Kung sesermonan mo ko tungkol sa company policy, pwede bang sa loob ng opisina at huwag dito?" kalmado man niyang sinabi yon ay ramdam ko ang namumuong inis sa boses niya.

Saka ko lang naalala na nandito kami sa harap ng building malapit sa entrance kung saan marami ang dumadaan. May dalawang empleyado pa nga na napalingon sa amin ni Maika.

"You're catching some attention, Sir. I'll go ahead." inis niyang wika sakin saka naunang tinungo ang entrance at tuluyang pumasok ng building.

I look around and she's right, this is isn't the right place to do some company policy review.

I went inside the building pero hindi ko na naabutan yong elevator na sinakyan niya. I went to my private lift dahil ayokong makipagsiksikan sa elevator kapag ganitong hindi maganda ang bungad ng umaga ko.

Bakit ba kasi ganiyan ang mood mo? May dinaanan lang yong tao na importante kaya na-late. Bawal ba yon?

Gusto kong murahin yong sarili ko sa naisip pero tama siya. Kailan pa naging bawal na dumaan kung kailangan daanan at tsaka kailan pa ako naging inconsiderate na tao?

I might be arrogant and bossy sa tingin ng mga tauhan ko but I was never an inconsiderate boss.

What the hell, Santi!

Katahimikan ang sumalubong sakin paglabas ko ng elevator. Katahimikan na binasag ng isang 'Good morning, Sir.' mula kay Che na nag-aayos ng mesa sa loob ng kaniyang cubicle.

Isang tango lang ang tinugon ko sa kaniya sakay dumiretso sa loob ng opisina ko.

Mas nakakabinging katahimikan ang bumungad sa akin sa loob ng opisina ko. And there she was, standing near the glass wall hugging herself while looking at the view outside.

"Good morning, Miss Del Sol." I greeted her as I took some strides near her. Napalingon siya sa gawi ko.

"Buti naman nandito ka na. Pwede mo nang ituloy yong panenermon mo sakin." walang ekspresyon na wika niya. Lungkot at pagod yong nakikita ko sa mga mata niya.

I was tough-tied. Sesermonan ko nga ba siya ngayon? Bakit? Dahil na-late siya? Eh ano naman ngayon kung na-late siya? Hindi lang naman siya yong nali-late dito. Tsaka hindi ko naman siya empleyado para imonitor yong bawat minutong nasasayang na dapat ay para sa kompanya dahil oras na ng trabaho.

"Oh, bakit natahimik ka? Kanina lang halos makalimutan mong nasa publikong lugar tayo. Umurong na ba yong dila mo, Sir? may nahimigan akong galit sa boses niya pero naroon pa rin yong lungkot sa mga mata niya na parang pinipigilang maluha.

"Bakit ka nga ba na-late?" mahinahon kong tanong.

"I told you my reason. May pinuntahan akong importante. Bakit ba big deal sayo na ma-late ako? Hindi mo naman ako totoong emplyado baka nakakalimutan mo, Sir."

She's right. I'm being unreasonable. Making petty things a big deal.

Siguro ay hindi mo lang matanggap na may mga bagay na mas mahalaga para kay Maika kaysa sayo.

"Can't it wait later? May lunch break naman. Hindi na ba makakapaghintay yon?"

"Hindi!" mariin niyang sagot.

"What? And why is that?"

Biglang nangilid ang luha niya. Yong kaninang pinipigilan niyang luha ay umagos sa mga pisngi niya. Sumobra na ba ako sa mga sinabi ko sa kaniya kaya siya naiyak? I just want to know!

Mabilis ko siyang nilapitan.

"What's the problem, Maika? May nangyari ba?" sunod-sunod kong tanong habang sapo ng dalawamg kamay ko yong pisngi niyang basa sa luha.

Sinalubong ko yong mga mata niya pero umiwas siya.

"Come on! Tell me. What happen?" pilit ko siyang hinarap sakin at kitang-kita ko yong lungkot at pag-aalala sa mga mata niya.

Alam kong hindi ang mga sinabi ko ang dahilan ng pag-iyak niya. Sa hagulgol niya ay alam kong may mas mabigat na dahilan.

"N-Nasa h-hospital si N-Nanang." putol-putol na sagot niya sa pagitan ng kaniyang mga hikbi.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig mula sa kaniya.

Kinabig ko siya sa dibdib ko at ikinulong sa mga braso ko. Hinagod ko yong likod niya nung mas lumakas ang hagulgol niya na parang nakahanap ng kakampi. Sana man lang sa yakap ko ay maibsan kahit kunti ang pag-aalalang nararamdaman niya ngayon para sa kaniyang ina.  Gusto kong sabihin sa kaniya na everything will be fine. Na I'm just here for her. Pero masisiyahan ba siya kapag narinig niya mula sa akin ang mga salitang yon kung kanina lang ay halos manggalaiti ako sa inis dahil lang na late siya?

Then realization struck me. Kaya ba siya na-late dahil doon siya nanggaling?

Gusto kong batukan ang sarili ko sa mga oras na 'to.

What have you done, Santi? You stupid punk!

But it's too late to regret now. The damage has been done!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top