21 - Skin and Bones
Maika's POV:
I want to wear that victorious smile I had this morning pero hindi ko magawa lalo na nung marinig kong may kausap siya sa telepono at tumaas yong boses niya.
Papasok ako sa opisina niya matapos kung iayos yong mesa ko sa labas nang marinig ko siya.
"I already told you, you have to tightened the security! Is that so hard to do?"
Ramdam ko ang galit sa boses niya na at kita yon sa unti-unting pamumula ng leeg niya.
Gusto ko sanang lumabas ulit pero hindi pwede. Kailangan na siya sa first meeting niya ngayong araw with the finance department.
Hinigpitan ko ang kapit sa hawak kong planner na kulay itim saka nagmartsa papunta sa couch. Nakita niya akong tahimik na naupo doon habang nakatitig sa kaniya.
Medyo kumalma yong ekspresyon ng mukha niya habang nakikinig sa kausap sa teleponong hawak.
"Then do it. I don't want any of them inside my building or even near the premises. Is that clear? Don't make me regret hiring you." kalmado man ang pagkasabi ay mabigat ang impact ng huling sinabi niya sa kausap.
Tumingin siya sa akin pagkababa niya ng telepono. Katahimikan ang sumunod at nirespeto ko yon. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya saka niya ako kinausap.
"Go ahead." pagbibigay permiso niya na magsalita ako.
"Your first meeting is in fifteen minutes with the Finance Department." anunsyo ko.
Tumango lang siya bilang tugon. Tatayo na sana ako para lumabas ng magsalita siya.
"Have you eaten your breakfast already?" natigil ako aa pagtayo.
"I don't eat breakfast. Just coffee in the morning." sagot ko.
"I don't remember knowing coffee as food, Miss Del Sol."
"Hindi ko din sinabi yan, Sir!"
"Then why take coffee when you have to eat the right food in the morning?" sentiminto niya.
"May regla ka ba? To the highest level yong mood swings mo ah. Chill! Hindi talaga ako nagbi-breakfast."
Sa tabas ng mukha niya, parang hindi pa siya makapaniwala sa sinabi ko.
Hindi siya nagsalita at basta nalang dinampot ang telepono at pinindot ang buton saka hinintay na may sumagot.
"Che, move my meeting with the finance department to my remaining available time of the day." utos nito kay Che na siya palang tinawagan niya.
Tumango-tango siya saka sinabing, "And please order breakfast for me and Miss Del Sol. We'll have it here in the office. " namilog ang mga mata ko sa narinig.
At kailan pa siya nagkaroon ng karapatan na magdesisyon para sa sarili ko?
Nababaliw na ba to?
"Thank you, Che." narinig kong pasalamat niya kay Che saka ibinaba ang telepono.
"Ano yon?" tanong ko na animo'y hindi ko narinig ang sinabi niya sa kausap kanina.
"You heard it. That was it. Don't play deaf with me and pretend you didn't heard it."
"Wow! At sino namang nagsabi sayo na kakain ako ng almusal kasama ka?"
"Ako! May problema?" taas ng kumpyansa sa sarili.
"Kumain ka kung gusto mo, lalabas na ako." wika ko sa kaniya saka tumayo at akmang lalabas na nang bigla siyang magsalita ulit
"Don't make me tie you on that couch para lang manatili ka diyan."
Ano raw? Itatali ako sa couch? Nahihibang na ba to? Ano ako, bata?
"You heard me and I'm dead serious here, sweetheart." wika niya habang titig na titig sa akin.
"Hindi nga ako kakain ng breakfast. Bakit ba ang kulit mo? Kumain ka kung gusto mong kumain. Hindi kita pipigilan."
"That's why you're skin and bones because you don't eat properly."
Skin and bones? Seryoso ba siya? O talagang gusto lang akong inisin ng lalaking to?
"Gumaganti ka ba sa ginawa ko kanina?" paglilinaw kong tanong sa kaniya dahil baka iniinis niya lang ako para makaganti sa pagbali ko ng utos niya tungkol doon sa mesa ko.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at naglakad palapit sa kinauupuan kong couch.
Bumilis yong tibok ng puso ko sa isiping palapit siya sa'kin habang nagliparan yong animo'y paru-paro sa sikmura ko nang ipatong niya sa backrest ng couch yong dalawang kamay niya. Napaatras yong katawan ko sa ginawa niya. Nasukol niya ako doon habang dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Shit! Kalma, Maika! Si Crisanto lang yan!
Ngunit para akong mauubusan ng hangin sa kabang nararamdaman. Sa kabang ang dahilan ay ang napakaliit na distansiya ng katawan niya sa katawan ko.
Hinga, Maika! Kayanin mo! Huwag kang papatalo sa presensiya niya.
Pero hindi umabot sa tenga ko ang sinasabi ng aking utak dahil halos mapugto na yong hininga ko sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Magkasalubong ang mga mata namin at ramdam ko ang init ng mga titig niya. Nanunuot sa aking kalamnan.
Bumaba ang tingin niya sa nakaawang kong labi. Napalunok ako na parang may bumara sa lalamunan ko. Kahit ang pagsara ng mga labi ko ay hindi ko magawa. Para akong naliliyo sa mga titig niya at siguro kapag tumagal pa ito ng ilang minuto ay lalamunin na nito ang buong wisyo ko.
Anong bang ginagawa ng lalaking ito sa sistema ko? Bakit nawawalan ako ng kontrol sa sarili ko kahit sa titig pa lang niya.
Mahinang katok ang umani ng atensiyon ko. Naitulak ko siya sa pagkabigla ko saka dali-daling tumayo at tinungo ang pinto.
Isang nakangiting Che ang napagbuksan ko ng pinto na may dalang take out na pagkain.
Ito na siguro yong pinaorder niyang almusal.
"Get inside, Che." narinig kong utos ni Crisanto kay Che na agad namang sinunod nito.
Isinara ko yong pinto at bumaling sa kanila. Nakaupo na siya sa isa sa mga silya na nakapalibot sa isang six-seater na mesa sa bandang gilid ng opisina.
Inilapag ni Che ang mga dala niya saka nagpaalam at lumabas.
Shit! Ito na nga ba ang hindi ko gusto sa set-up na 'to. I being confined in this claustrophobic room with this guy.
Inilabas niya sa mga supot yong pagkain na naghasik ng aromang kaaya-aya sa pang-amoy ko. Biglang kumalam ang sikmura ko sa naamoy.
Napalingon siya sa kinatatayuan ko.
Narinig kaya niya? Pahamak na tiyan naman 'to!
"Are you going to stand there all day? Or you'll join me here and eat breakfast?" ngayon ay kalmado na ang boses niya.
Yong boses na hindi galit, hindi nagmamando at hindi nang-iinis. Yong boses na masarap pakinggan sa tenga. Yong boses na masarap marinig araw-araw.
Pinagmasdan ko muna siya bago ako lumapit sa mesa. Tinantiya kung dapat na ba akong bumigay at samahan siyang kumain?
Suko na ba, Maika?
Napapikit ako bago tuluyang lumapit sa mesa at naupo sa silyang nasa tapat niya.
He curved his lips into and smile pero hindi ko pinansin at hindi ko tiningnan ng matagal.
"You're not a good liar, Maika."
"At bakit mo nasabi 'yon?"
"Because yourself betrayed you. Naamoy mo lang yong pagkain, kumalam na sikmura mo. Now, tell me I'm wrong."
Hindi ako makatingin sa kaniya dahil huling-huli na niya ako. Ano pa bang sasabihin ko? Bisto na eh. Lintik na tiyan to!
"Fine! I lied! I eat . . . late breakfast. Hindi ako sanay na kumain ng maaga. Happy?"
Mas lumaki ang ngiti niya sa pag-amin ko.
Bakit ang gwapo niyang tingnan kapag ganitong nakangiti siya? Yong ngiting makita mo lang ay kumpleto na ang araw mo.
"Stop staring!" saway niya sakin.
Naasiwa tuloy ako hindi dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya kundi dahil hindi ko alam na tinititigan ko na pala siya.
"I lied too!" wika niya
Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Nagsinungaling siya? Tungkol saan?
Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko.
"I lied! You're not skin and bones! You're gorgeous!"
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"You're blushing!" puna niya na mas nagpainit ng mukha ko.
"Let's eat!" yaya ko sa kaniya para takpan ang hiyang naramdaman ko saka dinampot ng plastic spoon and fork at nagsimulang kumain.
"That's my girl!"
Isang nakakatunaw na titig ang ibinato niya sakin saka nakangiting dinampot ang plastic spoon at fork sa harap niya. Tahimik niyang sinimulan ang pagkain ng almusal niya.
Shit! Bakit parang kinilig ako dun?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top