20 - Table

Maika's POV:

Maaga akong pumasok sa opisina ni Crisanto. Napag-isip isip ko na kailangan ko nang seryosohin ang pagiging assistant niya para makuha ko na nang tuluyan ang bag ko.

"Good morning, Chief!" bati ko sa nakaduty na guard. Siya din yong guard na na-assign  dito nung unang tapak ko dito sa building na 'to.

"Good morning po, Miss Maika." tugon ng guard.

Nagtaka ako kung bakit niya ako kilala.

"Ahm, kilala niyo po ako Chief? Papaanong. . ."

"Itinawag po ni Miss Che sa amin na darating po kayo." sagot agad ng guard sa akin na hindi man lang ako pinatapos sa gusto kong sabihin sa kaniya.

"Ah ganun po ba. So pwede na akong dumiretso kay Miss Che? Hindi niyo po ba ako bibigyan ng visitor's ID?"

"Hindi na po. Sabi lang ni Miss Che, excutive mandate daw po na papasukin agad kayo at paakyatin sa office ni bossing kapag dumating."

Si Crisanto ang tinutukoy niyang bossing.

"Sige po, Chief. Maraming salamat." saka ako tumuloy at dumiretso sa elevator para makarating sa 15th floor.

Marami akong nakasabay paakyat at ang nakapagtataka ay binati ako ng mga empleyado ng Crisanto.

"Good morning, Miss Maika." bati ng isang chinitang may dalang maraming folders na kulay asul habang todo ang ngiti.

"Good morning po, Miss Del Sol. Welcome po sa Blue Aquarius." saad naman ng lalaking naka white polo shirt at black pants.

Nagsunuran din yong iba sa pagbati. Nakaramdam ako ng hiya.

"G-Good morning. Salamat." tugon ko habang nagtataka kung bakit ako kilala ng mga tao dito.

Hindi ko maintindihan pero kakaiba ang kinikilos mg mga 'to, mula sa guard sa entrance hanggang dito sa elevator.

Don't tell me, ganito silang lahat ka polite kapag may bagong empleyado?

Pumasok sa isip ko sa Crisanto. Siguro ay may ginawa na naman ang mokong na yon kaya nagkaganito ang mga tao sa paligid.

Nakakahiya isipin na feeling executive ang pagbati nila sakin eh assistant lang naman ako posisyon ko. Tsaka sa loob lang ako mg isang linggo makikipagsalamuha sa kanila kaya hindi nila ako kailangan pakisamahan.

Namalayan ko na isa-isang nagsibabaan sa 6th floor at sa mga sumunod ma floor yong mga kasabay ko hanggang sa ako nalang mag-isa ang naiwan.

Pagkalabas ko ng elevator sa 15th floor ay sumalubong sa akin ang katahimikan.

"Good morning, Miss Maika." bati sakin ni Che pagtapat ko sa cubicle niya.

"Good morning, Che. Maika nalang. Naasiwa ako sa Miss." tugon ko sa kaniya na ikinangiti niya ng makahulugan.

"Sigurado ka? Baka sabihin ni Sir na wala akong galang nito."

"Ano ka ba. Pareho lang tayo ng trabaho dito kahit sabihin nating isang linggo lang ako tsaka nakakatanda yong Miss. Kaya, Maika nalang."

"Okay sige, sabi mo eh." pagsuko niyang wika saka ngumiti sa akin.

"Nandiyan na ba si Sir?" tanong ko.

"Maya-maya siguro nandito na 'yon. Dadaan pa yon sa mansiyon bago pumasok. Alam mo na, routine nila. Hindi siya pwedeng hindi dumaan doon kasi magtatampo yon." sagot ni Che.

Sino kaya yong tinutukoy niya? Girlfriend? Asawa o anak?

Gusto kong itanong kung sino pero baka sabihin niya na interesado ako sa buhay ng mokong na yon.

Tsaka ano naman ngayon kung sino yong dinadaanan niya dun? Pakialam ko ba sa kaniya.

Focus ka sa ipinunta mo dito, Maika at yan ay ang makuha ang bag mo.

"Pumasok ka nalang doon sa office ni, Sir. Naset-up na yong table mo dun."

"Sa loob?"

"Oo sa loob. Yon ang instruction ni Sir Santi." tugon ni Che.

"Bakit kailangan sa loob? Hindi ba pwedeng dito nalang kasama mo?" angal ko.

"Naku, Maika masanay ka na. Kapag sinabi niya, yon ang masusunod."

"Ganun ba? Sige, pero susubukan kong isuggest na dito ako sa labas kasama mo. Ang boring kaya dito na ikaw lang mag-isa. "

"Bibilib talaga ako sayo kapag napalabas mo yong mesa mo dito. Wala pang bumabali ng salita ni Sir."

Napangiti ako sa sinabi niya.

Talaga lang ha! Sige subukan natin. Subukan mating baliin yong mga salita niya. Malay natin.

"Early morning talk?" napaigtad ako sa boses na yon mula sa aking likuran.

"Good morning, Sir." bati ni Che sa taong nasa likod ko.

Nandito na siya? Bakit hindi ko man lang narinig na tumunog yong elevator?

"Good morning, Che. Good morning, Miss Del Sol." bati niya sakin kaya napilitan akong lingunin siya.

And there he is, standing in front of me looking at me intently. Why is he so handsome in that three-piece suit he is wearing? Why is he capable of making me drool for him? Why is he looking at me like he wants to take me right here where I am standing?

Ano ba Yang iniisip mo, Maika? Ang wild ng utak mo ha. Ang aga-aga Pa.

Saway ko sa sarili kong isip.

"You're drooling, babe." wika niya na nagpabalik sa Akin sa katinuan.

Kahit Hindi ko makita ang sarili ko ngayon, alam Kong namula yong pisngi ko dahil aa init na naramdaman ko. Napayuko ako at Hindi ko kayang tingnan siya ulit.

Tumikhim ako sabay, "G-Good morning, Sir." balik na bati ko sa kaniya.

Pag-angat ko uli ng tingin ko ay naroon Pa rin siya, nakatayo na may ngiti sa labi.

Paano na Yan ngayon, Maika? Kaya Pa kaya nating baliin ang salita ni Sir?

Wika ng utak ko na idiniin pa talaga ang huling salita.

"Don't have plans of getting inside the office?"

"Ha? Ahm. . .ano. . .kasi may. . ." bakit Hindi ko masabi? Ang tapang Kong maghamon kanina sa sarili ko tapos ngayon kahit pagbigkas lang Hindi ko magawa.

Focus, Maika! Win this round!

"What is it? Che, may problema ba?" baling niya kay Che na kunwari ay may ginagawa sa mesa niya.

"Ahm nothing, Sir. Ready na yong table niya sa loob." sagot ni Che.

"Yun naman pala, then what are you waiting for? Come to my office. I have series of meetings today." yaya niya saka naglakad patungo sa Pinto ng opisina niya.

"I want my table outside your office." sa wakas na sabi ko din na nagpahinto sa paglalakad niya.

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa Akin habang magkasalubong ang dalawang kilay.

"What?"

Bingi ba siya o nagbibingi-bingihan lang? Kailangan Pa bang ulitin ko?

"I said I want my table right here, outside your office."

"You wish!" tugon niya saka tumalikod at naglakad ulit.

"Okay! Sabi mo eh. Bye Mr. Rodente. Have a nice day, Che." paalam ko sabay kindat kay Che saka naglakad papunta sa elevator.

"You're kidding me!"

"No, I'm not." sagot ko

"You can't leave this office, Maika!"

"Try me, babe!" pang-iinis Kong tugon sa kaniya saka pumasok sa nakabukas na elevator.

Pagharap ko sa gawi niya ay ramdam ko ang galit sa mukha niya. Nagngangalit ang mga bagang niya habang madilim ang mukha na nakatitig sakin.

Akala mo ikaw lang ang marunong mang-dominate ng tao? I can play your game too.

"Seriously?"

"Watch me!" tugon ko saka pinindot ang button pasara ng elevator.

Nginitian ko siya na ngayon ay pinipigilan ang galit niya sa ginagawa ko. Nakita ko si Che na namilog ang mga mata sa ginawa ko. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari.

"Fine! Transfer your table." I heard him uttered before the elevator door closes totally.

I stopped it from closing and step out of it with a victorious smile in my face. Naglakad ako palapit sa kaniya habang siya ay nakapako Pa rin sa kinatatayuan niya.

"Thank you, Sir." wika ko saka ko siya nilampasan at dumiretso sa loob ng opisina niya.

Maika wins! I guess I'm getting good playing your game, Crisanto Rodente.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top