2 - Shoulder bag
Crisanto's POV:
I can't seem to understand but I was pissed the moment I open my eyes and found her missing beside me. Halos ayaw niya akong bitawan kagabi and now she's gone all of a sudden.
''Fuck! Where the hell is she?'' I muttered to myself nang magisnan ko ang sarili na nag-iisa na lang sa kama.
Wala na ba talagang matinong babae sa panahon ngayon? One night stand na lang ang trip kapag nalalasing sa bar? Kunsabagay, walang nangyari sa amin nang babaeng 'yon but there's something with her that I can't fathom.
I took a shower and settled on a more comfortable clothes other than my boxers. Palabas na ako ng kwarto ng mahagip ng mga mata ko ang isang pulang shoulder bag na nasa sahig sa bandang gilid ng kama.
Pinatong ko sa kama pagkadampot ko saka tiningnan ang laman. Wallet, cellphone at isang pouch na pang kolorete sa mukha ang nakita ko sa loob.
Mga babae talaga! Nagiging necessity na ang pampaganda kahit na hindi naman kailangan. Mas maganda parin ang natural na ganda at magandang ugali.
Dumako ang tingin ko sa wallet at cellphone. Walang password 'yon but I stop myself from opening it. I respect other people's privacy. Pero di ko maiwasang hindi tingnan ang laman ng wallet niya. I'm not after anything else other than her identification cards. I want to know her, ang kauna-unahang babae na nang-iwan sa'kin sa kama. Ang masaklap pa ay walang nangyari sa'min.
Maika Grace Del Sol ang sabi sa mga ID at atm cards na nakita ko sa wallet niya. I wonder why she has all those make-up when she doesn't need one. Maganda siya base sa mga nakita kong picture sa ID niya and from what I remember of her last night.
Napapailing na lang ako habang ibinalik ang wallet sa loob ng bag saka iniwan 'yon sa ibabaw ng bedside table ko bago lumabas ng kwarto.
''Nagluto ako ng bulalo para sa pananghalian. Sigurado akong gutom ka na.'' ang bungad sa'kin ni Yaya Selay na malapad ang ngiti nang pumasok ako sa paborito niyang lungga - ang kusina.
''Ya, nakita mo ba 'yong kasama kong babae kagabi? Wala na sa tabi ko nung magising ako.'' tanong ko nang makaupo sa silya paharap sa kaniya. Naghihiwa siya ng pangsahog sa niluluto niya.
''Naku! Dapat nga maging masaya ka,nak! Hindi siya tulad ng iba na halos ipagtabuyan mo na dahil kulang nalang lingkisin ka para hindi ka makawala.'' wika ni Yaya na dahilan upang mas mag-isip ako.
Bakit nga kaya siya umalis? Hindi naman siguro posibleng hindi niya ako type.
''So nakita n'yo siya? Bakit di niyo pinigilan?'' tanong ko.
''Ayokong makialam. Alam mo na 'yon di ba? At saka ayoko siyang ipahiya sa sarili niya.''
''Ipahiya sa sarili niya,? What do you mean 'ya?''
''Hay naku! Ang dami mo nang babaeng dinala dito sa bahay mo pero hindi mo pa rin kabisado ang pag-uugali ng mga babae.''
''You know I just slept with them. Nothing serious 'Ya.''
''Siguro nga 'yan ang dahilan. Pero sana naman magseryoso ka na 'nak. Hindi ka na bumabata. Dapat ka nang lumagay sa tahimik.'' heto na naman siya sa mga lagay-lagay sa tahimik na mga leksiyon.
''Wala pa 'yan sa plano, 'Ya. Tsaka alam mo naman na may hinahanap ako sa isang babaeng seseryosohin. Hindi ko pa nahanap 'yon, 'Ya.''
''Paano mo ba mahahanap kung hindi mo hinahanap. Puro ka one night stand matapos mong makipagdisco habang lasing. Bugbug na nga sa buong araw na trabaho ang katawan mo, wala ka pa ring kapaguran sa mga ginagawa mo sa gabi.'' kaya ko naikukumpara ang sarili kong ina kay Yaya Selay dahil sa mga ganitong pagkakataon. Hindi siya nakikialam pero max out din makasermon.
Si Mommy kasi nakikinig lang kapag may problema ako noon pero hindi ko naririnig sa kaniya ang mga ganito. Siguro dahil nag-iisa akong anak kaya pampered masyado kahit na sa sermon.
Hindi ko din masisisi si Yaya kung bakit bumabanat siya ng ganito sa'kin ngayon dahil siya na naging solong nanay ko mula ng mamatay si Mama sa sakit niyang cancer of the bones eight years ago. I was 22 when she left and I learned to be strong for myself since that day. Sa tingin siguro ni Yaya mas kailangan ko ng sermon ngayon kaysa noong simple lang ang buhay ko bilang anak ng mga magulang ko.
''Hayaan n'yo 'Ya, kapag nakita ko na si the one, ikaw ang una kong ipapakilala. Kain na tayo. Gutom na 'ko.'' wika ko sa kaniya saka lang lumiwanag uli ang mukha niya.
''Umupo ka na dun sa mesa. Ilalabas ko na 'to at nang makakain ka na.'' utos niya na sinagot ko nang saludo saka lumabas ng kusina at pumwesto sa dining table.
Sinabayan ako ni Yaya sa pagkain tulad ng nakagawian kapag nandito ako sa bahay. Siya lang ang nag-iisang taong nakakakilala sa tunay na ako. Siya lang din ang nag-iisang taong karamay ko ngayon maliban kay Daddy na nakaratay ngayon sa mansiyon niya dahil sa karamdaman.
Matigas, hambog, arogante at sobra ang bilib sa sarili ang pagkakakilala sa akin ng maraming tao lalo na sa mundong ginagalawan ko ngayon matapos kong i-take over ang posisyon ni Daddy sa kompanya. Natuto akong maging ganun dahil kailangan. Hindi ko hinahayaang makita ng iba na mahina ako. Para sa kanila, I am a man of no weakness. 'Yon ang akala nila dahil iyon ang ipinakita ko sa kanila at iyon ang nakikita nila.
Mas pinili kong magbabad sa opisina ko sa bahay kaysa lumabas kahit na nakailang tawag na si Brent sa'kin para magyaya na mag golf. Wala ako sa mood na lumabas.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa at pagrereply ng mga emails nang may kumatok sa pinto.
''Pasok! Bukas 'yan.'' sagot ko. As expected, si Yaya ang iniluwa ng pinto bitbit ang pulang shoulder bag na nakita ko kanina dun sa sahig sa kwarto ko.
''Nak, kanina pa tumutunog 'yong nasa loob nito habang naglilinis ako sa kwarto mo. Baka importante.'' wika niya sabay abot ng bag sa'kin. Siya lang ang hinahayaan kong pumasok sa kwarto ko at magluto for me.
Ang tatlong katulong na kasama niya ay may kaniya-kaniyang gawain sa bahay.
''She left this this morning, 'Ya. Siguro sa pagmamadali niya.'' kaswal kong sabi habang kinuha ang cellphone sa loob na tumigil na sa pagtunog. Ipinatong ko sa table ko katabi ng bag saka ibinalik ang atensyon sa laptop ko.
''Aba eh, ihatid mo sa kaniya. Baka may importanteng laman 'yan.''
''She'll get this if she needs this, Yaya. Hayaan niyo siya. That's the consequence of her actions. Nang-iiwan na lang sa ere.'' sambit ko na ikinangiti niya.
Hindi siya nagsalita habang tinitigan ako na may ngiti sa labi niya. Iyong klase ng ngiti na may halong panunukso.
''What's with the smile, old woman?'' tanong ko na may pagkapikon. Ayoko 'yong mga ngiti niyang ganito dahil may tumatakbo sa isip niya na 'di ko kayang hulaan.
''Wala naman. Nakakatawa ka lang, Nak. First time na nainis ka ng ganiyan dahil lang iniwan ka ng babae.''
''Who said so? Sinong may sabing naiinis ako?'' I know I can hide my feelings from anyone but not from her. She's too good at reading people especially me.
''Iyang mukha mo ang nagsabi. Ipinagkanulo ka ng sarili mo, Nak. Maiwan na nga kita at tatapusin ko ang naiwan ko sa kwarto mo. Ipakilala mo siya sa'kin ha.'' wika niya saka nagmartsa palabas ng opisina ko.
Naiiling nalang ako habang sinundan siya ng tingin palabas. Napatitig ako sa cellphone ng tumunog ulit ito. Nagtaka ang babaeng tumawag ng sagutin ko. Akala ko 'yong Maika Grace Del Sol ang kausap ko ngunit nagpakilala itong Izza at kaibigan nito si Maika. Nakakatawa siyang pakinggan ng sabihin niyang ''Ay! Si Mr. Dimples 'to?'' May bansag na agad sa'kin kaya alam kong isa siya sa kasama ni Maika kagabi sa bar.
I just told her to let Maika get her belongings sa opisina ko bukas na bukas.
Ilang minuto lang ang lumipas nang tumunog ulit ang cellphone. Home ang nakalagay sa screen.
Bigla akong nakaramdam ng excitement sa isiping siya ang tumatawag. Nagdalawang-isip tuloy ako kung sasagutin ko but my fingers move on its own when it swipe the screen and answered the call.
''Hello! Kapag tumawag si Nanang, si Papa at mga Kuyang ko pls naman wag mong sagutin.'' dire-diretso niyang wika. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang boses niya.
⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅⛅
Sorry guys! Lame na update. Just to get a glimpse of Crisanto's side and para ipakilala na rin siya ng paunti-unti.
Sana abangan niyo ang pagkikita nilang dalawa ni Maika sa next chapter.
Pls don't forget to vote if you like this chapter and pa comment na rin ng mga reaksyon and suggestion niyo.
Salamat sa mga nagtiyagang magbasa. Sana magustuhan niyo.
Mwaaaaah.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top