19 - Ego
Crisanto's POV:
Wala nang mga press sa labas ng La Vie ng dumating kami ni Steve.
Dali-dali akong pumasok sa restaurant para hanapin si Maika. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at halos inisa-isa ko ang mga kumakain doon ngunit hindi ko makita ang hinahanap ko.
"Good morning, Sir Santi. The usual, Sir?" narinig kong wika ng isang lalaki mula sa likuran ko.
Si Brandon ang nalingunan ko, ang assistant manager ng La Vie.
"Actually, I'm looking for someone, Brandon. Maika del Sol." sagot ko sa kaniya.
Napaisip siya saglit.
"Oh, Miss del Sol. She's here kanina. She made a reservation for two last night."
"She left already?"
"I'm not sure, Sir but her company is still here. Mr. De Vera at table 18."
Napatiim ang bagang ko sa narinig. So lalaki ang ka-meeting niya?
I spotted table 18 at nakita ko ang lalaking nakatalikod sa gawi ko.
Malapad na balikat at clean cut ang buhok.
Gusto kong hiklasin ang balikat na yon at paalisin sa lugar na ito ngunit ayokong umani ng atensiyon sa ganitong lugar.
"Same room, Bran. "
"Of course, Sir."
"Pls lead Miss Del Sol to me after her meeting."
"Okay, Sir."
Iginiya ako ni Brandon sa isang bakanteng private room at doon ko siya tinanong kung may nangyari ba dito sa restaurant kanina.
"May mga press na nanggulo kanina diyan sa labas, Sir. Hindi naman kami nagpapapasok ng security unless may order. Medyo nagkagulo kasi nagpupumilit yong isang reporter, nasuntok niya yong isang guard." salaysay ni Brandon.
"So they were not able to come inside the premise?" paninigurado kong tanong.
"No, Sir."
"Okay. Thank you Brandon. I will call your waiter for my order." pasalamat ko sa kaniya na tinugon niya ng isang yuko saka lumabas ng room.
Kaya pala dinispatch siya ngayon dahil sa kaguluhan. Supervisors lang usual na nagmomonitor sa area pero ngayon ay nandito siya instead of doing random inspection sa ibang branches.
I called Maika's phone na sinagot din naman niya agad.
"I'm in a meeting." agarang bungad niya sa'kin.
"Sinong kameeting mo?"
"Bakit kailangan kong sabihin sayo?"
"Because you made me worried a while ago. I don't know what happened to you."
"Worried mong mukha mo. May pa I will be there right away ka pang nalalaman. Tigilan mo ko, Rodente dahil busy ako."
"So hinintay mo talaga ako? You sound disappointed na hindi ako dumating ah."
"Ano? H-Hindi ah. Bakit naman ako madi-disappoint eh ang tahimik ng buhay ko na wala ka sa paligid. Babye na nga. May meeting pa ako."
"You're too defensive, sweetheart. Bilisan mo sa meeting mo. Kanina pa ako naghihintay sayo."
"Ha? Huwag mo nga akong pinagloloko, Rodente."
"When I said so, I do so. Hurry up, little snail. Ang kupad mo. I'm giving you thirty minutes to finish that meeting. Don't make me wait. Bye!" narinig ko pa ang isang tsk mula sa kaniya bago ko ibinaba ang tawag.
I am almost tempted to tease her more but I don't wanna give him another chance to react and the more I don't want her to turn me down.
I know her little by little and she's the type na maraming dahilan para lang tanggihan ang isang bagay o isang alok.
Nakaramdam ako ng galak sa narinig mula sa kaniya. Natabunan yong lahat ng kaba ko kanina.
I call for a waiter to give my order. I guess I'll have my brunch here with Maika after her meeting with that guy.
I was checking my watch feeling bored waiting for her.
Ang tagal naman matapos ng meeting niya.
Lampas na siya sa binigay kong trenta minutos at dumating na yong inorder kong pagkain pero wala pa siya.
I stood up and went outside to check on her. I spotted her at table 18 having a good laugh with the guy. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko ay alam kong siya yon.
Ang saya nang tawa niya habang nag-uusap sila ng ka-meeting niya. I don't know but I felt mad with what I am seeing right now.
You're jealous! You have no right to be jealous, Santi. You don't own her!
Of course I do! She's my fiancee and no one is allowed to go near her.
Fake fiancee thing don't matter! Wake up!
Mas lalo ako naiinis nang makita kong hinawakan ng lalaki yong kamay ni Maika na nakapatong sa mesa.
Is he hitting on her? O baka naman. . . No! He can't be her suitor or worst. . .her boyfriend?
Kung boyfriend niya 'to, hindi niya kailangan magpanggap na engaged kami and waste time to do all the drama that might complicate things.
Make your move, man! Get her!
I didn't waste time and went to their table.
Tumikhim ako na umani ng atensiyon nila. Unang nag-angat ng mukha ang lalaki kasunod ang paglingon ni Maika sa kinatatayuan ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita ako.
Like a cheating girlfriend caught in the act. Kaya lang ay hindi ko naman siya totoong girlfriend at lalong hindi ko siya totoong fiancee. Siguro ay hindi niya inaasahan na nandito talaga ako at naghihintay sa kaniya.
Dapat ko ba siyang parusahan sa pagbalewala sa akin? Hindi ba talaga niya naisip na nandito ako at naghihintay na matapos ang meeting niya?
"C-Crisanto? A-Anong ginagawa mo dito? I thought. . ."
"Hi, sweetheart! I thought you're done with your meeting with Mr. . ."
"Eduard De Vera. And you are. . ."
"Crisanto Rodente - Landers, Maika's fiancee. Nice meeting you Mr. De Vera."
"Crisanto? What the. . ." napatayo si Maika sa kinauupuan niya kaya hinawakan ko yong kamay niya kung saan suot niya yong singsing na binigay ko sa kaniya kagabi.
Mabuti nalang at auot niya ito ngayon, at least I have the perfect piece to back me up with my claims.
"Oh! Nice meeting you. I didn't know Maika here has a. . . I mean. . .I'm sorry I took too much of her time. We're done actually. We just had a little talk."
"Eduard, I'm sorry for this. We will talk some other time. I-email ko nalang sayo yong progress ng manuscript ko. I'm really sorry." paghingi ni Maika ng paumanhin sa kaharap.
"I'll go ahead, Maiks." paalam ng lalaki bago tumalikod at naglakad palabas ng restaurant.
Sinundan ng tingin ni Maika ang papalayong lalaki na halatang may lungkot sa mga mata niya.
I wonder if I have ruined their sweet moments together. But the hell I care! I don't like what I am seeing between them. No! I hate seeing her smile with that man.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Maika ng humarap sa akin.
Kita kong umaapaw ang inis niya dahil sa ginawa kong eksena.
"Come with me. Let's talk private."
"Huwag mo kong ma-private-private dahil naiinis ako, Rodente! Bakit mo sinabi yon?"
"This is not the right place to discuss that."
"And do you think this is the right place for that act you did a while ago?"
"Will you calm down? You're being hysterical over petty things."
Kumalma siya pero hindi nawala yong guhit ng inis sa mukha niya. I lead her to room I booked and thanks God she followed.
"Bakit mo ginawa yon ha? Bakit mo sinabi kay Eduard na fiancee kita?" sunod-sunod na tanong niya pagkasara ko ng pinto.
"Can we at least sit down?"
I pulled a chair for her at umupo siya. I know she's trying to calm down herself and I appreciate the effort.
"Let's eat." aya ko sa kaniya sabay dampot ng kutsara't tinidor ko.
"No! Sagutin mo muna ako. Ano yong ginawa mo dun? Bakit halos ipangalandakan mo sa mundo na fiancee mo ko?"
"I just did what I have to do. I saw someone hitting on my girl. What do you think I should do?"
"Your girl? Are you out of you mind? Hindi mo ko girlfriend at hindi mo ko pag-aari. Wala kang karapatan na angkinin ako sa harap ng ibang tao."
Natigilan ako sa sinabi niya. I was like being slapped with tha truth. She's right but my ego won't accept it. This is the first time na may babaeng galit dahil inangkin ko siyang girlfriend ko.
Kung ibang babae lang to, kanina pa ako nilingkis na paramg sawa but this is Maika. I guess I have to accept the fact that this woman was born to hurt my ego.
It's unacceptable! I should punish her for hurting my ego.
Damn! This is beyond repairable, Santi! She's unbelievable!
"Do I have to remind you that I am your fiancee for a week? So act like one because I have a name if you forgot. I don't want to see my fiancee laughing and holding hands with other guys in public. Am I clear?"
Siya naman ang natigilan ngayon dahil sa sinabi ko. I know I don't have any hold on her. I don't have any right over her but I want to take advantage of the opportunity that she's tied with me because of that stupid drama we're into.
"Wait! Di ba may usapan tayo na atin-atin lang yon? Hindi kailangan malaman nang marami. Sa pamilya ko lang tayo dapat magpanggap, Crisanto. Nakalimutan mo ba?"
"Of course I remember, but I know this will come out soon enough lalo't hindi naman alam ng parents at ng whole family mo na palabas lang to. Sooner or later, more people will know. I'm just doing a favor for you, my dear. So you behave."
Nagpatuloy ako sa pagsalin ng pagkain sa plato ko at sunod ay sa plato niya.
"Hindi ako gutom."
"I'm not asking if you are. Eat with me! I haven't eaten breakfast yet."
"At bakit hindi ka nag-almusal?"
"Because I went here as fast as I could when I heard you scream. You frighten the hell out of me, woman! Now, eat with me. Para makabawi ka man lang sa pag-aalala ko sayo kanina."
Napatitig siya sa akin na parang tinatantiya kung totoo yong sinasabi ko. Of course totoo yon dahil dapat sa office ako kakain ng almusal pero nakalimutan ko na nung mag-usap kami ni Maika sa telepono.
Nakita ko ang pagkawala ng inis sa mukha niya. Her expression softens while I started eating my food. She's staring at me but I don't know what's in her mind.
"It's rude to stare, woman! Eat your food."
And she did! And we're good. I know we are.
Crisanto wins! Damn that ego!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top