17 - Longing
Maika's POV:
What? Seryoso ba 'to? Di ba drama lang to?
Anong nangyayari? Bakit may proposal na nagaganap? Wala ito sa usapan namin ni Crisanto. Ginu-gudtaym na naman ba ako ng lalaking 'to?
Ang lakas din mambwisit ng mokong na 'to at sa harap pa talaga ng mga magulang ko dito sa miamong bahay namin.
Ngunit seryoso ang tabas ng mukha ni Crisanto habang hinihintay ang sagot ko. Tinitigan ko siyang maigi habang hinahanap ang gusto kong makita sa mga mata niya.
Kahit kunting pasilip lang para makumbinsi ko ang sarili ko na thia is just part of the whole drama we're acting. Pero hindi ko makita yon sa mga mata niya.
Hindi ko makita ang panunuya sa mga mata niya na sinasabing 'Asa ka naman, Maika na papatulan kita'.
Gusto kong tumawa at sabihin sa kaniya na 'Sobra mo nanan yatang sineryoso ang papel mo, Crisanto. Malapit na kitang bigyan ng Best Actor Award.'
Ngunit hindi ko magawa at masabi ang lahat ng yon dahil iba yong nakikita at ainasabi ng mga titig niya.
Kailangan ko na bang matakot? Kailangan ko na bang sabihin kina Nanang na dram lang lahat 'to? Na hindi totoo yong mga sinabi ko at yong pagiging engaged ko sa taong kaharao nila ngayon.
"Nak, hinihintay ni Santi yong sagot mo." may nahimigan akong galak aa bosea na yon.
Si Nanang habang nakatunghay sa amin.
Huminga ako ng malalim at pumeke ng ngiti.
Hindi ito seryoso, Maika! Tinutulungan ka lang ni Santi na maging kapani-paniwala ang lahat. Milyonaryo yan, sikat, gwapo at binata. Siguradong maraming babae sa buhay niyan. Kaya huwag kang ilusyunada diyan!
Sarap makasabunot ng buhok ng sarili ko ah. Kulang nalang batukan at sampalin ako ng harap-harapan sa katotohanang nilahad ng sarili kong isip.
Nagising ako sa reyalidad na walang kahit katiting na chance na totoo itonf nangyayari.
"Y-Yes." nautal pa rin ako kahit anong pilit kong bigkasin iyon ng tama.
"Yes Babe?" untag ni Crisanto na animo'y sinisigurado ang sagot ko.
Nagiging OA na yata 'tong mokong na 'to ah. Kailangan ko pa ba talagang ulitin?
"Yes, Babe." sakay ko gamit ang endearment niya.
"You don't know how happy I am, sweetheart." sambit niya sabay kabig sa akin sa kaniyang dibdib. Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo na naulit sa aking ulo.
Gusto ko nang kiligin pero hindi pwede. Hindi ito totoo. Ayokong pati sarili ko ay lokohin ko pa.
Tama nang sila nalang ang naniniwala sa palabas naming ito. Kumalas ako sa pagkakabig niya at umupo ng maayos.
"Tita, Tito, gusto kong hingin ang basbas niyo na pakasalan ang anak niyo kahit saang simbahan pa niya gusto."
Naluha si Nanang habang nakatitig kay Papa. Para silang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. Maya-maya ay dumako ang tingin nila sa amin ni Crisanto.
Shit, Maika! Hinga ng malalim, Maika! Kaya mo 'to! Pakana mo to di ba? Balewala na makonsensiya ma ngayon. Panindigan mo ang lahat ng 'to.
"Sana mahalin mo ng totoo ang anak namin, Santi. Ipagkakaloob namin ang basbas namin dahil nakikita naming tunay ang iyong intensiyon. Pero oras na magkamali ka at saktan mo itong anak namin, babawiin namin siya. Sana tandaan mo yan." wika ni Nanang na sinang-ayunan naman ni Papa.
"Huwag po kayong mag-alala, Tita dahil hindi ko po sasaktan ang anak niyo. Hinding-hindi ko po siya paiiyakin. Baka ako pa ang paiyakin nito, di ba, Babe?" untag ni Crisanto sa akin sabay kuha ng kopita sa kamay ko.
"Baliw. Paano naman kitang paiiyakin aber?" sukat na tanong ko sa kaniya habang ininom niya yong wine sa kopita na dapat ay para sa akin.
Kinuha niya yong singsing sa loob pagkabubos ng laman saka bumaling sa akin at kinuha ang kamay ko.
"Tinatanong pa ba yon kung paano? Syempre, baka iwan mo ko o di kaya baka magbago yong isip mo at ayaw mo nang ituloy yong kasal natin. Pero bago mangyari yon, isuot mo muna to para alam ng lahat na akin ka na, sweetheart." medyo nanginig pa yong mamay ko nung isuot ni Crisanto sa akin ang singsing.
Gusto kong malula sa nakikita ko ngayon sa kamay ko.
It was a stunning halo vintage engagement ring with 74 round diamonds set in rose gold around a sparkling emerald cut diamond center stone.
"Now, you're mine, sweetheart." bulong ni Crisanto sa tenga ko kaya napatitig ako sa kaniya.
Bakit wala pa rin akong makita sa mga mata niya. Hindi pa rin nagbabago. Kung gaano kaseryoso yong aura niya mula pa kaninang nag propose siya hanggang ngayon ay pareho pa rin.
Gusto ko sanang bweltahan ang mokong nang biglang magsalita si Papa.
"Kilala namin ang anak namin, Santi. Kapag nagdesisyon siya, yon ang alam niyang tama at alam naming hindi ka bibiguin nitong anak namin kung pagmamahal at katapatan ang pag-uusapan, di ba Nak?"
Parang nabikig ako sa sinabi ni Papa pero hindi ako nagpahalata.
"Y-Yes, Pa."
"Let's toast to that. For you, Babe. Cheers!" wika ni Crisanto ng iabot sa akin ang kopita na may laman na ulit na wine.
We cheered our drinks and drink in triumph that everything is going according to plan. Saka ko na iisipin ang iba pang mga maaaring mangyari dahil ang mahalaga ngayon ay okay na sila Nanang at Papa.
Pagkatapos sa hapag ay lumipat sa sala sila Papa at Crisanto para sumilip ng kunti sa game 5 ng NBA. Mahilig din pala sa basketball ang mokong kaya mabilis silang nagkasundo ni Papa. Napagdiskitahan yong wine na dala ni Santi pero pinaalalahanan ko si Papa na huwag marami ang inumin dahil magda-drive pa si Santi.
Tinulungan ko sila Nanang na magligpit kaso tinaboy niya ako sa sala. Dapat daw mandoon ako kasi naroon si Santi.
Ayaw ko man ay pilit kong sinunod para huwag nang humaba ang usapan.
Nakita ako ni Crisanto nang lumabas ako sa pintuan mula sa kusina. Nakangiti siyang tinapik ang espasyo sa tabi niya.
"Come on, sit beside me, sweetheart." aya niya na namumungay yong mga mata.
Bigla yong bundol ng kaba sa dibdib ko. I can see longing in his eyes kahit ayokong aminin na iyon ang nakikita ko.
"Halika, Nak. Samahan mo kami dito ng nobyo mo. Last quarter na naman to." dagdag ni Papa ng makita akong nakatayo sa may pintuan.
Ngumiti ako bago ako lumapit at umupo sa tabi ni Crisanto.
Kinabig niya ako sa dibdib niya at hinalikan sa ulo. Hindi ko pinansin ang ginawa niya. Tinutok ko sa TV ang mga mata ko para mabawasan ang tensiyong nararamdaman ko dagdagan pa ng kabang masa dibdib ko pa rin.
Kung kanina ay lumalakas minsan ang abiba nila ni Papa sa mga manlalaro kapag nakaka-shoot, ngayon ay si Papa nalang samantalang si Crisanto ay tahimik nalang sa tabi ko.
Gusto kong mag-angat ng mukha para tingnang siya. Guato kong malaman kung anong iniisip niya ngayon. Gusto kong itanong kung bakit niya ginawa yong proposal na yon.
Pero hindi ito ang tamang panahon. Mamaya pag-uwi namin ay kailangan namin mag-usap.
Tuwang-tuwa si Papa na sinabayan ni Crisanto nang manalo ang Golden State Warriors.
Maya-maya ay nagpaalam na kami kina Nanang na uuwi na. Medyo nahiya pa ako ng tanungin ni Nanang kung saan ako uuwi. Isang mabilis na 'sa apartment po, Nang' ang naging tugon ko. Mabuti at hindi na dinugtungan ni Nanang pa.
Magkahawak-kamay kami ni Crisanto ng tunguhin namin ang nakaparadang sasakyan sa harap ng bahay namin. Kumaway muna ako kina Nanang bago sumakay sa kotse.
Narinig ko ang huling paalam ni Crisanto sa kanila bago ito lumulan sa sasakyan. Isang huling kaway sa gawi nila Nanang ang ginawa ko bago iatras ni Crisanto ang sasakyan at nagsimulang binaybay ang daan palabas sa main highway.
Tahimik lang ako sa kinauupuan ko. Hinintay ko siyang magsalita kahit gustong-gusto ko na siyang sumbatan sa mga eksenang ginawa niya doon.
"Wanna go straight home, 7
Babe?" narinig kong tanong niya habang nasa kalye ang atensiyon.
"Tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng Babe dahil wala na sila Nanang." nagtitimpi pa ako sa lagay na yon.
"What if I don't stop, what will you do?" tanong niya na may nakakasuyang ngiti sa labi.
"Di ba malinaw naman yong usapan natin? Dapat sumunod ka sa mga sinabi ko. And this isn't one of what I said you do."
"What wrong with all of that? I just did my part. You should thank me."
"Thank you? You took advantage of the situation. May pahalik-halik ka pang nalalaman. Payakap-yakap sa dibdib. Ano yon? Ang daming arte."
Hindi ko namalayang nahinto na pala niya ang sasakyan sa tabi ng daan. Narinig ko ang pagkalas ng seatbt niya at ang pagdampi ng labi ni Crisanto sa mga labi ko.
Hindi ako nakagalaw. Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng mga oras na yon. Marahang paghalik ang naramdaman ko na maya-maya ay unti-unting naging mapusok. Naramdaman ko ang pagkagat niya sa ibabang labi ko na nagpaawang ng bibig ko dahilan upang maipasok niya ang kaniyang dila na tila may hinahanap sa loob.
Hindi ko siya maitulak. Hindi ko siya magawang itulak. Napapikit ako sa nararamdaman kong sensasyon sa halik niya. Para akong nalulunod sa mga nangyayari hanggang naramdaman ko nalang na tinutugon ko na yong halik niya.
Sa pagkakataong ito ay mas mapusok. Mas maalab na halik ang pinagsaluhan namin.
Ako ang unang kumalas ng halos maubusan ako ng hangin. Pareho kaming naghahabol ng hangin.
"Now that's what you call taking advantage! Enjoying, Sweetheart?"
Mga titig ni Crisanto ang sumalubong sa akin sa pagbukas ko ng aking mga mata.
Longingness! Right there in front of me, I saw it in his eyes.
Parang mas lalo akong kinapos ng hininga sa napagtanto habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top