16 - Wine

Maika's POV:

"Good evening, Tita. Crisanto Rodente po. Maika's fiancee." narinig kong bati ni Crisanto sabay pakilala niya sa kaniyang sarili kay Nanang.

Hindi mawala-wala yong kaba sa dibdib ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Nanang habang tinugon ang pagbati ni Crisanto ng isang walang kabuhay-buhay na 'Good evening.'

"M-Mano po, Nang." pagmamano ko kay Nanang.

Nilakasan ko ang loob ko ng kunin ang kamay ni Nanang para dalhin sa noo ko. Nandun pa rin ang kaba na baka mahalata ni Nanang na medyo nanginginig ako.

"Tuloy kayo. Armando, nandito na sila Maika." tawag nito kay Papa na kasalukuyang nasa kusina.

Bumungad si Papa mula doon at seryoso ang mukhang humarap sa amin.

Sa kanilang dalawa ni Nanang ay mas alam ko kung paano paamuhin si Papa kaysa kay Nanang. Hindi ko man aminin pero mas Papa's girl ako kaysa Mama's girl.

Kunting lambing ko lang kay Papa, okay na kami. Pero ngayon, medyo nag-aalinlangan ako kung kaya pa ba ng lambing ang ganitong sitwasyon.

Hindi ko pa nakakausap ng masinsinan sila Papa at Nanang. Alam ko kasi na nagtatampo pa si Nanang.

"Maupo kayo." wika ni Nanang.

Feeling ko para akong ibibitay ng patiwarik sa tensiyon na nararamdaman ko ngayon.

"Para po sa inyo, Tita." wika ni Crisanto sabay lahad ng mga dala niya sa Nanang ko.

Tiningnan muna ni Nanang ang bulaklak at bilao na nasa mga kamay ni Crisanto na para bang iniisip pa niya kung tatanggapin ang mga iyon o hindi.

"Nang. . ." untag ko sa kaniya habang nagmamakaawa yong mga tingin ko na tanggapin ang mga iyon.

Bakit mo ba kasi tinuloy pa 'to, Maika? Ayan tuloy, nahihirapan ka ngayon.

Pero kahit anong paninisi pang gawin ng utak ko ay wala na akong magagawa. Nandito na kami at kailangan kong panindigan ang lahat ng to. Magiging okay din ang lahat.

"Salamat. Nag-abala ka pa, Santi." pasalamat ni Nanang pero kita ko sa mga mata niya na malamig pa rin ang pakikitungo niya kay Santi.

Ano bang ine-expect mo, Maika? Na salubungin siya ng Nanang mo ng mainit na yakap?

Sa isang banda, okay naman yon. I mean mas ok nga na hindi mapalagay ang loob nila Nanang kay Crisanto kasi mas madali para sa lahat kapag natigil na ang pagpapanggap na to.

Mas mabilis na matanggap ng lahat kapag sinabi ko na hiwalay na kami dahil nambabae siya.

Nambabae siya? Sigurado ka ba sa alibi na yan, Maika?

"I'm really sorry if I didn't tell you about us. I mean the engagement. I don't know how to tell you especially sa sitwasyon na yon. Sa nangyari kay Maika, I was lost for a while. I was shocked and was worried sick. I'm really sorry, Tita and Tito. " paghingi ni Crisanto ng paumanhin kina Nanang.

In fairness, galing umintro ng mokong na 'to. Kung hindi ko pa alam na drama lang lahat ng to, iisipin kong seryoso siya sa mga sinabi niya.

Kahit sinong makikinig sa kaniya ay aakalaing totoo itong ginagawa namin at yong sinasabi niya sa harap ng mga magulang ko.

Kahit ako ay gustong maniwala sa sinasabi niya.

"Aaminin namin na nagtampo kami dito sa anak naming si Maika. Wala man lang naikwento tungkol sayo. Nagkikita naman kami every weekend pero hindi man lang nagsasabi na may nobyo na siya. Kahit sinong magulang magtatampo, di ba?" tugon ni Nanang na umantig din sa puso ko.

Nagtatampo talaga si Nanang. Kasalanan talaga to ng mokong na katabi ko ngayon.

"Sorry, Nang." paghingi ko ng tawad sa kaniya. Gusto kong idugtong na hindi naman talaga ako nagsinungaling kasi wala naman talaga akong nobyo, ngunit hindi ko masabi.

"So dapat pala magtampo din ako dito sa girlfriend kong 'to, Tita. Ikinahihiya yata ako nito kaya hindi man lang ako magawang ikwento sa inyo. Ano, Babe?" untag ni Crisanto sabay akbay sa akin.

Pati yata balahibo ko sa batok ay tumayo ng dumantay ang kamay ni Crisanto sa hubad kong balikat. Gusto kong tanggalin ang kamay niya mula sa balikat ko pero hindi pwede.

"Ha? H-Hindi naman sa ganun. Hindi lang ako makatyempo. I-Ipapakilala naman talaga kita sa kanila."

"So kailan ang plano niyong kasal?" biglang tanong ni Papa na mas ikinagulat ko kaysa ginawang pag-akbay sa akin ni Crisanto.

"Si Maika ang pinapili ko ng date, Tito. Since siya ang babae, her wish is my command."

"May napili ka nabang petsa, Nak?" si Nanang na medyo nabawasan na ang lamig ng ekspresyon sa mukha.

Unti-unti na kaya niyang natatanggap ang sitwasyon? Bakit parang ang bilis naman yata. Pati si Papa kalmado lang.

"W-Wala pa, Nang. Iniisip ko pa. M-May tinatapos kasi akong kwento na kailangan ko matapos in the next two months. So hindi din ako makakapag focus pa. H-Hayaan niyo po, sasabihin namin sa inyo kapag may napag-usapan na kaming buwan at petsa."

Ngingiti-ngiti si Crisanto habang panay ang haplos sa hubad kong balikat. Ang sarap din sikuhin ng mokong na 'to. Tsansing talaga eh. Nananamantala na hindi ako makaangal dahil nandito kami sa harap nila Nanang at Papa.

"Okay sige. Kumain na tayo." yaya ni Nanang.

"Paano si Kuyang, Nang? Di naba natin hihintayin?" tanong ko dahil ang alam ko dadating sila dahik gusto ni Kuya Macoy na makilala si Crisanto.

"Hindi sila makakarating. May kanya-kanyang lakad ang mga iyon ngayon. Si Kuya Macoy mo sinamahan yong nobya niyang si Alice dahil naospital yong tatay. Kaya tayo lang ang maghahapunan ngayon. Marami pa namang time na makakasama natin si Santi sa hapunan di ba?"

Patay! Maraming time? Ibig sabihin mauulit pa 'to? Nilingon ko si Santi sa tabi ko saka sumalubong sa aking yong pilyong ngiti niya.

"Of course, Tita. We have all the time in the world. Right, Babe?" wika niya sabay pisil ng balikat ko.

Napaigtad ako sa ginawa niya. May gumapang na init mula sa kamay niya papunta sa katawan ko. Kanina ko pa gustong tanggaling yong kamay niya sa balikat ko ngunit hindi ko magawa dahil matamang nakatingin sila Nanang at Papa sa aming dalawa.

"O-Oo naman, N-Nang. M-Marami pang pagkakataon. Sa s-susunod naming pagbisita dito baka makasama na namin sila Kuyang." nakakautal yong kaba at tensiyon ng mga hawak ni Crisanto sa akin.

"O siya sige. Halika na kayo sa hapag at nang makakain na tayo. Linda, ilabas mo na yong mga niluto natin." yaya ni Nanang saka bumaling kay Ate Linda, yong katulong namin dito sa bahay.

Maraming niluto sila Nanang. Puno ang mesa ng masasarap na putaheng nakahain. Maganang kumain ang lahat kasama si Ate Linda.

Mukhang sarap na sarap si Crisanto sa kare-kareng kinakain. Specialty yon ni Nanang saka yong humba at adbong manok. Panay ang interbyu ni Nanang at Papa kay Crisanto na sinasagot naman niya.

Napapansin kong kinikilala talaga nila si Crisanto at hindi ko sila masisisi na gawin yon dahil nag-iisa nila akong na babae at ngayon ay nagpaplano nang magpakasal.

Kung may kasal nga na magaganap?

Nalungkot ako at nakokonsensiya pero alam ko na maiintindihan din nila kapag naghiwalay na kami ng landas ni Crisanto.

"Kunin ko lang yong wine sa sasakyan. Nakalimutan kong dalhin." bulong niya sakin.

"Excuse me po, I'll just get something from the car." paalam niya kina Nanang at Papa na tinanguan lang siya.

May pa wine-wine pa ang mokong na to.

Pagbalik niya ay may bitbit nga itong wine na mukhang mamahalin sa balot pa lang.

Siya din ang nagbukas. Pinaglabas ng kopita si Ate Linda at sinalinan yon lahat ni Crisanto ng alak saka isa-isang binigyan sila Nanang, Papa at Ate Linda.

Nagsalin din siya para sa sarili niya bago nagsalin ng isa pa na siguradong para sa akin.

"For you, Babe." wika niya sabay abot ng kopita sa akin.

Pansin kong nakatuon ang atensiyon nila Nanang, Papa at Ate Linda sa akin ng tanggapin ko ang kopita.

Nakaramdam ako ng pagkaasiwa sa mga titig na ipinukol nila. Sumilay ang ngiti sa labi nilang tatlo. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun yong reaksiyon nila.

Palipat-lipat yong tingin ni Nanang sa akin at sa kopitang hawak ko.

Bumilis yong tibok ng puso ko nang mapadako ang tingin ko sa kopitang may laman na wine . . .at . . . singsing?

May singsing sa loob ng kopitang may wine!

Napatingin ako kay Crisanto na ngayon ay nakangiti din.

"A-Anong . . ." ngunit di ko na natapos ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"I want to make this right in front of your parents, Babe. I wanna them to be our witness and of course with their blessing." hindi halos rumihistro yong sinasabi ni Crisanto sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Paglingon ko kay Nanang ay halos maluha-luha siya habang nakangiting nakatunghay sa amin.

Nakikita ko yong saya sa mga mata nila Papa.

"Maika Grace del Sol, will you give me the chance to be your husband and make you happy for the rest of our lives?" walang pag-aalinlangang tanong ni Crisanto sa akin sa harap nila Nanang.

What? Seryoso ba 'to? Di ba drama lang to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top