13 - Sign

Crisanto's POV:

I can't help but glance at my watch. Bakit ba ang bagal ng oras ngayon? Kulang nalang ay hilahin ko yong maliit na kamay ng orasan at ilagay sa numero singko para may dahilan na ako na umalis dito sa opisina at dumiretso sa La Vie.

Alas sais ang sinabi kong oras kay Maika and I can't wait to see her. . .again.

Ready na ang inorder kung bulaklak at dadaanan ko nalang sa flower shop mamaya bago ako dumiretso sa meeting place namin.

Come on, Santi! Para kang highschool sa inaasal mo.

Napangiti ako sa ideyang siguro nga ay para akong bumalik sa high school na excited makita ulit ang crush ko. Excited na makausap ulit siya.

It's thirty minutes past three in the afternoon and I'm here fidgeting inside my office. Iniisip ko kung ano kayang pag-uusapan namin ni Maika at gusto niya ng privacy?

I don't wanna admit the fact that I'm smitten by her charm but parang ganun na nga ang nangyayari ngayon.

I'm not like this with other women I've been with or shall I say I've never been like this after. . .never mind!

Baka naman na-challenge ka lang sa kaniya dahil hindi matanggap ng ego mo na may nang iwan sayo sa kama and take note, she never showed any interest of what happen.

Siguro nga ganun ang nararamdaman ko ngayon. Siguro nga nakukuha niya ang atensiyon ko dahil sa pinapakita niya sakin. Kung sa iba lang siguro ako nalink, I'm sure may babaeng pabalik-balik na sa opisina o sa bahay para guluhin ako. Worst is, I'm having extra security aside from Steve just like what happened before with Laura.

I shove the memories away. As much as possible I don't wanna remember what happened before nung dumating siya sa buhay ko. I've never been this free again since she came into my bed that night.

Kung gaano kaamo ng mukha niya siya namang kabaligtaran ng kalooban niya. She's just wearing a facade of a harmless cat but she's a wild tigress inside.

At ayoko na nang isang Laura sa buhay ko hangga't di ko pa nakikita ang tamang babae para sakin.

Meron nga ba?

Napaisip ako sa tanong na yon. Meron pa nga bang tamang babae para sa isang Crisanto Rodente Landers?

What if Maika Del Sol is another Laura in your life?

No! She's not! She better not or else. . .I don't know what I am capable of doing this time.

And that's the reason why kailangan kong siguraduhin ang bagay na yon. I can't be careless again this time.

Pag alarm ng cellphone ko, dali dali na akong tumayo mula sa kinauupuan ko saka lumabas ng opisina.

"You can go home early, Che. Spend time with Lucas. Bye."

"Good mood si Bossing. Thank you, Sir. Enjoy!" narinig kong tugon ni Che paglampas ko sa cubicle niya.

I'm still wearing my smile pagpasok ko ng elevator hanggang sa makalabas ako ng building at pumasok sa loob ng sasakyan.

"Let's drop by the flower shop before we go to La Vie." wika ko kay Steve pagkasakay ko ng sasakyan.

"Excited?" tanong niya bigla ng patakbuhin na niya ang sasakyan.

Excitement nga ba yong nararamdaman ko?

"I don't know what to feel. Interested maybe?"

"Hinay-hinay lang. Be cautious!"

"I know. I won't let my guard down of course."

Tatango-tango lang si Steve habang itinuon ko sa labas ng bintana ang atensiyon ko.

Ten minutes later ay nasa flower shop na kami picking up the flowers.

"Special someone?" tanong ni Tita Carmen pagbungad niya sa counter at nakita niya akong nakatayo bitbit ang mga bulaklak.

"Hi Tita Carmen. It's nice seeing you here." bati ko sa kaniya sabay halik sa pisngi niya.

"Sumi-segway ka na naman. She must be very special for you to be in my shop, Hijo."

Hindi pa din talaga nagbabago si Tita Carmen. Kaya mas lumapad ang ngiti ko dahil sa mga observations niya sa tao.

Special nga ba siya sakin para ako mismo ang pumick-up ng bulaklak?

"Sana makadalaw ka sa bahay minsan para makapagkwentuhan tayo, Santi. Your Tito Manolo and Lorraine missed you already."

"Sure Tita. I'll visit one of this days."

"You can bring her with you. I'll bake for her. Gusto ko siya makilala."

Napaisip ako. Ganito ba talaga ang mga babae? They know how to read our actions?

Woooh! You mean you're admitting now, Santi? She's special? That fast?

The hell with my head. Conclusive bastard!

"I will expect that, Hijo. Your Tito will be very happy to hear my news later."

"Okay, Tita. Have a nice day! I'll go ahead." paalam ko sa kaniya saka lumabas na ng flower shop niya.

First degree cousin ni Papa si Tita Carmen. They're into shipping business. Si Tito Manolo at Lorraine, ang nag-iisa niyang tagapagmana ang nakatutok sa negosyo. They started the business from scratch hanggang sa napalago ito ni Tito Manolo.

Ang Acosta Shipping and Company ay isa sa malaking shipping company sa bansa. They both have cargo and passenger ship. Sila din ang may-ari ng Acosta Yatch Club.

My cousin Lorraine is their only heiress pero bilib ako sa pagpapalaki sa kaniya ni Tita Carmen. Napaka down-to-earth at masunuring anak.

"Natagalan ka yata sa loob?" puna ni Steve pagkabalik ko sa loob ng sasakyan.

"You didn't tell me na Tita Carmen's on duty today. Natyempuhan ako. Alam mo naman yon."

"Napa-oo ka ba niya?" tanong ni Steve na may silay na ngiti sa labi.

Kabisadong-kabisado na ni Steve si Tita Carmen. Afterall, malapit niyang tiyahin si Tita and like me, hindi din siya nakakalusot dun.

Yes, magpinsan kami ni Steve. Anak siya ng isang pinsan ni Papa na maagang naulila sa magulang.

Si Papa na ang kumupkop sa kaniya mula nang maulila siya. Bestfriend slash bodyguard slash security personnel ko siya.

"I didn't say yes but I didn't say no either. Depende. Let's go!"

"Bingo!" pilyong komento ni Steve sa sinabi ko.

Alam kong isa si Steve sa mga kikilatis kay Maika. Sa lahat ng mga nangyari noon, isa si Steve sa mas nakakaalam kung anong klaseng babae ang dapat na makasama ko.

Twenty minutes bago mag alas-sais kami nakarating ng La Vie. Iginiya ako ng waiter sa private room na nakabook sa pangalan ko. Tahimik lang na nakasunod si Steve sa amin.

"I'll stay outside." paalam ni Steve na tinanguan ko lang bago maupo.

Maganda ang set up ng mesa at mahalimuyak ang buong paligid na sigurado akong galing sa nakasinding scented candles na kulay purple.

May magandang arrangement ng bulaklak sa bawat gilid habang nakabitin ang paper lanterns na maliliit sa pinaka ceiling ng kwarto.

I'm impressed dahil nagawa ni Marnie ang request ko nung ibook ko ito at a very short notice. I can't wait na makita to ni Maika.

Mahinang katok sa pinto ang nagpaangat ng tingin ko. Iniluwa ang waiter na naka-assign sa amin pagkabukas ng pinto.

"Miss Del Sol is here, Sir." pahayag ng waiter saka binigyang daan ang dumating.

And there she is, looking breathtakingly beautiful in a white floral bodycon.

The world seems to stop when our eyes meet. My heart is beating fast like a dozen of horses running wild.

Brace yourself, Santi! This isn't a good sign.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top