12 - Sweetheart
Maika's POV:
Dumiretso ako ng uwi sa apartment ko ng makalabas ako ng hospital kinabukasan.
Ayaw sana ni Nanang na dun ako umuwi dahil gusto niya pa daw ako pagpahingahin at alagaan pero iginiit ko yong gusto ko matapos ko siyang bigyan ng kasiguraduhan na hindi ako papasok sa trabaho at magpapahinga muna.
Ang hirap manalo kay Nanang pero inilaban ko talaga na dito ako umuwi dahil alam kong hindi maiiwasang mapag-usapan yong tungkol kay Santi. Ang hirap magtagpi-tagpi ng kwento tungkol sa pekeng relasyon namin lalo na't kay Nanang ko pa mismo ginagawa.
Hindi umaandar ang pagiging magaling ko na writer sa kaniya. Siguro dahil alam kong isang pagkakamali lang sa galaw at salita ko, alam kong mabibisto at mabibisto niya din ako.
Dagdag pa sa dahilan ko ay kailangan ko pang makausap yong impaktong yon para pag-usapan yong sitwasyon lalo na yong utos ni Nanang at Papa na dalhin ko siya sa bahay sa makalawa para maipakilala sa kanila ng maayos.
Wala na ba talagang katapusang problema yong haharapin ko?
Padabog akong nahiga sa kama ko at itinutok ang tingin sa kisame.
Mag-isip ka, Maika! Paano mo sasabihin kay Crisanto na kailangan niyang humarap sa mga magulang mo.
Tunog ng cellphone ko ang umagaw ng atensiyon ko mula sa malalim na pag-iisip.
Si Izza ang tumatawag.
"Hello, Izz!"
"Besh, kumusta ka na?" tanong niya na sinagot ko ng isang malalim na buntong-hininga.
"Ang lalim nun ah. Hindi ka pa okay? Anong problema?"
"Madami, Izz. Sobrang dami. Hindi ko na alam ano ang uunahin ko."
"Tungkol pa rin ba kay papabol Santi?"
"Kanino pa nga ba. Alam mo Izz, kasalanan ba ang malasing?"
"Hindi naman. Bakit mo naitanong?"
"Kasi nagsimula lahat ng problema ko nung malasing ako't sumama dun sa hinayupak na yun eh. Hindi ko na alam gagawin ko. Paano ko lulusutan ang lahat ng 'to."
"Besh naman eh. Akala ko naman kung ano. Bakit mo ba pinoproblema yan mag-isa? Dapat magkasama niyong harapin yan ni papabol mo."
"Anong papabol ko? Magtigil ka nga Izz. Ayan ka na naman sa kantiyaw mo eh. Hindi nakakatulong."
"Sorry na. Eh kasi naman, parang ikaw lang yong naging miserable dahil diyan sa problema na yan. Isali mo si Santi para quits. Di ba pinapahirapan ka niya? Eh di pahirapan mo din siya. Siya lang ba ang marunong magpahirap at mangunsumi?"
Napaisip ako sa sinabi ni Izza.
Tama! Bakit ba sarili ko lang ang pinapahirapan ko?
Pero paano ba ako makakabawi sa mokong na 'yon? Lagi nalang siyang merong pambara sakin.
Hindi ko nga yata kayang ungusan yong lalaking yon dahil bukod sa napaka-arogante niya, umaapaw ang bilib sa sarili na akala niya yata eh siya yong may kontrol ng mundo.
"Ano na? Natahimik ka diyan. May naisip ka nabang pwede mong gawin para makabawi kay papabol Santi?"
"Yon nga yong iniisip ko kanina pa, Izz. Ano bang gagawin ko? Nung huli kaming mag-usap lagi akong natatalo sa usapan eh. I think he's uncontrollable."
"Hmmmm. Mahirap nga yan ah. Kailangan natin makaisip ng paraan para mas makontrol mo siya. Sayang ang beauty mo kung . . . Tama! Alam ko na, Bes."
"Ano yon?"
"Beauty at charm ang gagamitin mo sa kaniya. Kung natatalo ka niya sa mga naging usapan niyo, gamitan mo ng charm mo."
"Charm? Anong sinusuggest mo? Akitin ko siya?"
"Hindi naman masamang idea di ba? Pwera nalang kung. . ."
"Kung ano? Huwag mo nga akong binibitin."
"Pwera nalang kung takot kang mahulog sa kaniya."
"Mahulog? As in ma fall sa kaniya? Hindi yata siya yong type ko, Bes."
"Sigurado ka diyan? Eh kung titingnan mo siya, he's the perfect guy every woman will fall in love with."
"Hindi din. His arrogance and self-confidence are too much to handle. He's a pain in the ass pag nagkataon."
"Then go for it. Play with him. Malay mo, with that experience may maidagdag ka sa sinusulat mong kwento ngayon at makaganti ka man lang sa kaniya."
"Pag-iisipan ko, Izz. I'll think of what I should do na makaganti sa kaniya. Safe moves ika nga."
"Okay, sige. Balitaan mo ko kung anong mga plano mo. I'm always here to help, you know that."
"Thank you, Izz. Bye."
Balik ako sa posisyon ko sa kama pagkababa ko sa tawag ni Izza.
Sabi niya gamitin ko ang charm ko para malamangan ang hinayupak na Santi na yon.
Kaya ko bang gawin yon? Ang mang-akit ng lalaki? Eh hindi ko pa nagawa yon ni minsan sa buhay ko eh.
Yong mga ginawa kong mga kilig kilig moments sa mga kwentong ginawa ko based yon sa mga napapanood ko lang sa mga pelikula at sa mga kwento ng mga kaibigan tulad ni Izza plus yong malikot kong imagination.
Pero hindi ko pa naranasang mang-akit ng opposite sex though naranasan ko nang akitin ng hindi ko alam. In short, late ko nang malaman kung hindi pa sabihin sa akin ni Izza.
Paganahin mong utak mo, Maika! Gusto mong maungusan si Santi di ba?
Kailangan ko ba talagang gawin yon? Pwede ko naman siguro siyang kausapin ng maayos, total siya naman nagsimula nito.
Tama! Kailangan namin mag-usap ng masinsinan, yong tipong kaming dalawa lang ang makakaalam ng pag-uusapan namin. In short, discuss private matters in a private place.
Napangiwi ako sa isiping makasama siya sa isang pribadong lugar. Kaya ko ba siyang makasama sa isang lugar na kaming dalawa lang?
Dali-dali kong inabot yong cellphone ko saka nagtype ng message. Nakailang bura pa ako sa ginawa kong text message bago ako nakuntento at nagdesisyong isend na.
Pagkasend ko ay minabuti kong pumasok na sa banyo at maligo, maibsan man lang ang nararamdaman kong kaba sa kung anong reply ng mokong na yon.
Nakatulong naman amg lamig ng tubig mula sa shower dahil mas nakahinga ako ng maluwag habang patuloy iyon na dumadampi sa aking katawan.
Bahala na si batman sa kung anumang mapag-usapan namin ni Santi basta isa lang ang kailangan kong linawin sa kaniya.
Na palabas lang ang lahat ng gagawin namin sa loob ng isang linggo. Kailangan ko siyang kausapin ng maayos lalo na tungkol sa pagpunta namin kina Nanang sa makalawa.
Lumabas na ako nang makaramdam ako ng panlalamig sa katawan.
Saktong paglabas ko ng banyo ng tumunog ang cellphone ko.
Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko ng abutin ko ang cellphone ko na nasa kama at buksan ang mensaheng natanggap para basahin iyon.
Galing nga kay Santi. Mas lumakas yong kabog ng dibdib ko habang binubuksan ang mensaheng yon.
Santi Santito
+63915*******
Whatta a surprise! I never expected a text from you but anyway, I'll see you at La Vie, 6:00pm sharp. See you, sweetheart!
Paano ba ako mananalo sa lalaking to kung kahit sa text ay kaya niya akong bwisitin at sirain ang magandang mood ko kahit kaka-shower ko lang?
At hindi pa nakuntento ang mokong dahil ilalapag ko na sana ang cellphone ko para magbihis ng tumunog ito.
Santi Santito calling. . .
"See you later, sweetheart." bungad niya pagkasagot ko ng tawag.
"Bwis. . ." ngunit di ko na natapos dahil dial tone na ang sunod kong narinig.
Arggghhh!!! Humanda ka sakin mamaya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top