1 - Mr. Dimples
Maika's POV:
Tunog ng alarm clock ang gumulantang ng mapayapang pagkakahimbing ko sa kama. Mabigat man ang katawan ay pilit kong iminulat ang aking mga mata. May kirot pa rin akong nararamdaman sa aking ulo.
Inaninag ko kung anong oras na saka dahan-dahang bumangon ng makitang alas dos na ng hapon. Nai-set ko ang alarm sa ganitong oras saka natampal ang noo ng maalalang Linggo ngayon at kailangan kong madalaw ang pamilya ko.
Nakagawian na naming sabay-sabay na magsimba tuwing Linggo kasama ang aking mga magulang at tatlong kapatid na puro lalaki. Kailangan din naming maging kumpleto ngayon dahil ngayon ipapakilala ng youngest brother ko ang girlfriend niya.
Kinapa ko sa side table ang cellphone ko para matawagan si Nanang ngunit wala akong mahagilap. Bumalikwas ako ng bangon sabay halungkat sa ilalim ng unan ko dahil baka dun ko nailagay ngunit wala din akong makita.
Dali-dali akong tumungo sa built in cabinet ko sabay halughog sa mga drawers pero wala pa rin.
Minabuti kong pumasok na sa banyo para makaligo at makaalis na dahil baka hindi ko pa sila maabutan sa bahay.
Napapailing ako ng maisip ang mga nangyari kaninang umaga. Hindi ko akalaing magagawa kong pumara at makisakay sa taong hindi ko kilala para lang makaalis sa lugar na 'yon. Mabuti na lang at mababait ang napara ko at hinatid nila ako sa pinakamalapit na sakayan.
Ayoko nang isipin 'yon. Ang mahalaga ay nakauwi ako sa bahay. Pero pilit ko mang iwinawaksi sa isip ko 'yon ay hindi ko maiwasang itanong kung sino 'yong lalaking katabi ko paggising kanina. Ano kayang hitsura niya? One thing na sigurado ako ay matangkad siya at matipuno ang katawan.
"Gaga ka talaga, Maika! Tumakas ka na nga't lahat ay gusto mo pang malaman kung sino 'yon.'' saway ng utak ko.
Binilisan ko na ang pagligo saka nagbihis. Saktong naglalagay ako ng make-up ng tumunog ang telepono ko sa sala.
Sila Nanang ang una kong naisip kasi sila ang madalas na tumatawag sa'kin sa landline maliban nalang sa publishing company na kinabibilangan ko.
''Maika! Nasaan ka ba ngayon?'' bungad na tanong ni Izza nang sagutin ko ang tawag.
''Malamang nasa bahay ako, sinagot ko ang telepono di ba? Anyare? Ang hyper natin ngayon ah. Wala bang hangover diyan, Izz?'' kantiyaw ko sa kaniya.
''Huwag mong sabihin na dinala mo 'yong papalicious kagabi diyan sa bahay mo?'' ano kayang nakain nito at ibang level gumawa ng conclusion.
''Ugali ko bang magdala ng lalaki sa bahay ko, Izz? Tsaka teka nga, ba't ganiyan ang tanong mo ha?'' hindi ko magets itong babaeng 'to. Lasing pa yata.
''Nasaan cellphone mo? Bakit lalaki ang sumagot?'' tanong niya na ikinawindang ko.
"Anong lalaki? Umayos ka nga. Hindi kita maintindihang babae ka." inis na wika ko kay Izza habang may bumundol na kaba sa dibdib ko.
Paano kung. . . Naku! Huwag naman sanang mangyari na tama ang hinala ko.
''You left the bar last night kasama 'yong papabol na may dimple. Hindi ka na bumalik ni hindi ka nga tumawag hanggang kaninang umaga. Nag-alala kami ni Greta dahil baka may nangyaring masama. We tried calling you here pero walang sagot. Ilang beses nagring cp mo pero wala ding sumasagot. We tried calling it now and what a surprise, ang ganda ng boses ng lalaking sumagot.'' salaysay ni Izza na mas lalong nagpalakas ng kaba na naramdaman ko.
''Sino namang sumagot? Wala dito cellphone ko.'' pag-aalala kong tanong habang dalangin na huwag naman sanang naiwan ko ang cellphone ko dun.
''Sabi niya si Cris. . .Crisanto Rodente siya at nasa kaniya ang bag mo kasama na cellphone mo. Anong nangyari, girl? Bakit may pa-souvenir ka pang nalalaman?'' nalunok ko yata ang dila ko ng marinig ang sinabi ni Izza. Pati bag ko naiwan ko doon?
Ang tanga-tanga mo talaga, Maika! Tatakasan mo na rin lang, nag-iwan ka pa talaga ng rason para bumalik dun.
Mahabaging Diyos! Paano ba 'to?
''Anong pa-souvenir 'yang pinagsasabi mo? Naiwan ko 'yong bag ko dun sa pagmamadali kong makaalis. Tsaka bakit n'yo ba kasi ako hinayaang sumama sa lalaking 'yon? Hindi ko naman kilala. Ang masaklap hindi ko maalala kung anong nangyari kagabi. Pag gising ko magkatabi kami sa kama. My God! Kakalbuhin ako nila Nanang at Papa pag nalaman nila 'tong kabaliwang 'to.'' ngalngal ko kay Izza.
Inilayo ko 'yong telepono ng biglang tumili si Izza na halos ikabingi ko. Saka ko lang ibinalik sa tenga ko ng humupa na ang nakakabinging tili ng bruha kong kaibigan.
''Anyare? Makatili ka diyan parang walang bukas ah.'' wika ko na ikinatawa niya.
''So ibig mong sabihin may nangyari sa inyo ni papabol Crisanto, girl?''
''Ano? Wala ah.'' mabilis kong tanggi kasi wala naman talaga. Eh kung meron dapat may maramdaman ako.
''Parang kidlat ah. Makatanggi wagas din. Paano ka nakakasigurong wala, aber?''
''Basta alam kong wala. Tsaka kung meron nga dapat may naramdaman ako. Eh sa wala eh. Intact pa 'tong hymen ko no.'' paninigurado ko sa kaniya.
''Sayang kung ganun. Ang sarap pa naman papakin ni Mr. Dimples, girl. Kung ako siguro baka. . .''
''Tumigil ka na nga, Izz. Tulungan mo nalang kaya akong mag-isip kung paano ko kukunin 'yong bag at cellphone ko.''
''Pinoproblema mo 'yan? Ang simple ng sagot. Puntahan mo siya at kunin mo 'yong bag at cp mo. Bumeso ka na rin for old time sake.'' ewan ko kung matatawa ba ako sa sinabi ni Izza but she's right, iyon lang ang pinakamadaling magagawa ko para makuha ang gamit kong naiwan dun sa lalaking 'yon.
''Maika? Are you still there? Maiks?''
''Yes. I guess I don't have a choice then. I have to get it from him. Samahan mo 'ko?'' hoping na sasamahan nga ako ni Izza or Greta pero sa awa ng Diyos nawala ang pag-asa ko nung marinig ko ang sabi ni Izza.
''Sabi niya kunin mo daw sa opisina niya sa Blue Aquarius Corp. Hindi mo na daw kailangan ng kasama dahil wala siyang masamang balak sayo. Hihintayin ka niya bukas ng 10am.''
''Blue Aquarius Corp? Aba eh sosyal ang opisina ah. Pero Izz samahan mo pa rin ako. Ayoko pumunta mag-isa eh.''
''Gustuhin ko man girl pero sorry talaga may appointment ako bukas ng 9-12 eh.''
''O siya sige. Ako nalang mag-isa ang pupunta.'' desidido kung sabi.
''Kaya mo yan girl. Nakaya mo nga siyang katabi magdamag. Ang hot pa naman nun girl.'' pakengsyet talaga! Hindi ako makarelate sa sinasabi ni Izza. Paano ba naman eh blangko talaga ang isip ko sa mga nangyari at kahit anong pilit ang gawin ko wala akong maalala sa hitsura ng Crisanto Rodente na 'to.
''Tseh! Tumigil ka na. Bye na nga. May gagawin pa 'ko. Salamat sa tawag.'' paalam ko kay Izza na sinagot lang ng hagikgik at isang ok saka ibinaba ang telepono.
Ano na bang gagawin ko ngayon? Teka! Paano kung. . .shit! Wag naman sanang tumawag sila kuya sa cellphone ko.
Nataranta ako ng pumasok sa isip ko 'yon kaya mabilis pa sa alas kwatro kong dinayal ang numero ng cellphone ko.
Naka tatlong ring bago may sumagot sa kabila.
''Hello!'' dinig ko ang isang baritonong boses na naghatid ng kakaibang kaba sa dibdib ko. Siya na ba 'to?
''Hello! Kapag tumawag si Nanang, si Papa at mga Kuyang ko pls naman wag mong sagutin.'' dire-diretso kong sambit habang tangan-tangan ang kaba sa dibdib ko dahil baka tumawag na nga sila at nasagot na niya.
''What? Who are you?'' may inis sa tono ng boses niya pero shit lang ang sarap pakinggan ng boses niya.
''Si Maika 'to. Ako 'yong may-ari ng bag at cellphone. Who's this?'' paninigurado kong tanong habang naka cross finger sa isip ko.
''This is Crisanto Rodente. You're Mr. Dimples. Ring a bell, sweetie?'' para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.
🐣🐣🐣🐣🐣🐣🐣🐣🐣🐣🐣
Sana pagtiyagaan niyong basahin guys. Sinusulit ko lang mag update habang may time.
Pa vote naman kung nagustuhan niyo and you can comment din para alam ko ang saloobin niyo sa takbo ng kwento.
Thank you nga pala sa isa sa mga anak ko sa Glimse na si @Versilxa for my nice cover.
Maraming salamat guys! Mwaaaah
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top