CHAPTER 5
Hindi muna kami umuwi sa bahay sa Lamian dahil dumaan pa kami sa bahay ng tita ko sa Mabuhay dito lang rin sa Gensan.
Malaki naman ang bahay ni Tita at may Grocery store sya rito, tatagal pa raw kami dito at balak kong magtrabaho muna makapag-ipon man lang ngayung taon.
"Nong Rex! Lakat anay kami ni Niella, ipapasyal ko lang sya" ( kuya Rex! Punta muna kami ni Niella, ipapasyal ko lang sya) sabi ni Bronze na inangkas si Niella sa Motor niya tumango lang ako dahil nagbubuhat pa ako ng boxes na ipapasok sa Grocery store ni tita.
"Selos yarn?" Tanong ni Silver ang kaedad ko na Ate ni Bronze.
"Luh! Hindi ah" sabi ko at umiwas ng tingin.
"Akala ko ba di mo gusto?" Tanong ni Silver.
"Di nga sabi, ang kulit niyo eh" sabi ko at binalikan ang ibang boxes.
"Birthday ng tropa ko maya, inom tayo? Mukhan kailangan mo ng kausap" sabi niya saka tumawa, magka-edad lang kami niyan pero kung umasta parang kapatid niya ako.
"Sige, Fine Whatever" sabi ko sa kanya.
Hapon na mga alas singko kung kaya naman sinisirado ko na ang Grocery Store dahil magilinis pa kami 6:00 pm ang Curfew. Paalis na ako sa Grocery store nang dumating sila Bronze at Niella na tumatawa.
"Napano kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Wala lang" sabi ni Bronze saka tumawa sila ulit n dalawa. Edi wow mukha kayong tanga.
"Dali na, Rex" sabi ni Silver na nakasakay sa Motor niya.
"Saan kayo?" Tanonf ni Bronze.
"Jan lang sa kabila" sabi ni Silver kaya sumukay na ako, Ganito na dadamitin ko naka Graphic shirt lang ako at pjs sa Ilalim pero nakashoes naman ako.
"Hinay lang oi! Di yan juice" sabi ni Silver at natawa.
"Problemado ata pinsan mo 'Ve" sabi ng tropa niyang kainuman namin.
"May dala kasing kaibigan sabi niya di niya gusto kaya ayown pinopormahan na ni Bronze mga isang linggo na, itong si Rex naman ayaw pa amining may gusto siya dun sa kaibigan niya at selos na selos na sya" sabi ni Silver pero di ko sila pinansin, Ilan na ba ang nainom ko?
"Hopia tama na yan! Hoi Karl, Adrian tulungan niyo nga akong iuwi toh" sabi ni Silver at tumulong naman sila. Walking distance lang naman yung bahay nila tita mula dito eh.
"Tulungan niyo nga ako, Paano ba manligaw ha!?" Wala sa sarili kong tanong kaya tumawa silang tatlo.
"Ay yawa oi! Matapang naman pala tong pinsan mo pag lasing eh" ( yawa=demonyo) sabi nila saka nagtawanan kaya tinanggal ko mga kamay nila sakin.
"Why the heck are you laughing huh?" Tanong ko saka pinagtuturo sila.
Bigla nalang kami nakarinig ng tunog ng Police car kaya bigla silang nagpanic.
"Yawa! Dalagan na!" (Takbo na) sabi nila saka ako kinaladkad.
"Oh napano kayo Rex?" Pamilyar yung boses kaya tumingin ako sa kanya.
"Haha! Hinabol kami ng Police Car" sabi ni Silver saka natawa.
"Buti di kayo nahuli" sabi niya at tumayo naman ako.
"Ikaw! Akala ko ba ako ang gusto mo? Bakit yung pinsan ko yung lagi mong dinidikitan ha!?" Tanong ko saka siya pinagtututuro.
"Matapang pre!" Sabi ni Karl at Adrian kaya tumawa silang tatlo nila Silver.
"Luh saya nito Live Drama" sabi nila saka nagpagilid na nanunuod sa amin.
"Akala ko ba sabi mo di mo ako gusto? You fell for me too, didn't you?" Tanong ni Niella saka tinaasan ako ng kilay.
Ang sumunod na pangyayari ay isa na siguro sa pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Nasukuan ko si Niella.
"Ay gago! Ang sarap ng Alak, isusuka mo lang Rex?"sigaw ni Silver sakin.
"Rex, ano ba yan? Halika na nga magpalit ka na ng damit" sabi ni Niella saka ako inalalayan. Di ko na maalala ang sumunod na pangyayari dahil napass-out na ako.
"Aray!" Daing ko nang magising ako, ang sakit ng ulo ko ng katawan lahat na.
Nasa kwarto na ako mukhang hinatid na ako nila Silver kagabi ah. Maya-maya pa pumasok yung kasambahay nila tita may dalang pagkain.
"Salamat po, si Silver po anjan?" Tanong ko
"Oo anjan, kanina ka pa hinihintay magising may sasabihin raw" sabi ni yaya at umalis na
"Hoi ikaw Heidrex, sinayang mo yung alak kagabi ha" bungad ni Silver pagpasok niya ng kwarto.
"Sinuka ko? Sige lang papalitan ko pa gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sinuka mo kay Niella" sabi niya kaya bigla akong nabilaukan.
"What the heck!?" Tanong ko saka nag-sink in sakin lahat ng sinabi ko kagabi.
"Alam mo kasi Drex yung alak dito yan dinidiretso sa tiyan! Hindi sa utak ha" sabi ni Silver saka tinuro-turo ang tiyan at ulo ko.
"Anong sabi ni Niella?" Tanong ko sa kanya
"Ewan ko, siya nag-alaga sayo kagabi di na namin pinasabi sa kanila mama mo baka mag-alala pa noh" sabi ni Silver.
"Oi Nong Drex, totoo bang gusto mo si Niella?" Tanong ni Bronze pagbukas niya palng ng pinto, pero di ko sya pinansin pwede ba isang isyu lang muna.
"Oo" lakas loob kong sagot.
"Sabi ko na nga ba eh" sabi niya saka ngumiti.
"Alam na yan ng buong pamilya noon pa drex" sabi ni Silver saka sila tumawa ni Bronze.
"Si tita pa nga nagsabi sakin na ipasyal at kausapin lagi si Niella eh, masyado ka daw kasing torpe" sabi ni Bronze at tumawa ulit.
"Oh ngayun ang gawin mo punta ka dun kay Niella andun siya sa kwarto niya, kausapin mo" sabi ni Silver.
"Maya na maliligo pa ako, anong oras na ba? Mga leche talaga kayo, pati si mom pagagalitan ko yun" sabi ko. Paano nilang nagawang pagkaisahan ako?
"Alas singko na hoy, tagal mong deads eh" sabi ni Silver.
"Minsan lang ata toh umiinom eh, goodboy ata" sabi ni Bronze kaya inatake ko sya at kiniliti nakisali naman si Silver sa amin kaya napuno ng tawanan ang kuwarto.
"Umalis na nga kayo para makaligo na ako at mapuntahan na si Niella" sabi ko sa kanila kaya sumunod naman sila.
"Kapag di mo pa din ibibigay kay Niella ang nararapat para sa kanya, liligawan na talaga sya ni Bronze" Pang-aasar ni Silver bago sinirado ang pinto.
Hayst kinakabahan ako, di ko pa nagagawang umamin tungkol sa nararamdaman ko sa isang babae noon. I just grew up not having Intimate Relationships, I never knew I'll met the one while I'm still young.
I don't want to just think about me and Niella. I want this to be Cool with everybody, Our Feelings aren't the only things that matter here.
Naligo na ako at nagbihis. I sprayed my Favorite Perfume and wore my most Formal clothes. Binuksan ko ang laptop ko at hinintay silang mag-join sa meeting.
"Hi hijo! You're Niella's friend? What did you want to talk about?" Tanong ng Mama ni Niella.
She's in Cebu right know with her husband and their Family.
"Okay let's be quick, I have an Important meeting after this" sabi naman ng kaka-join lang na tatay ni Niella.
He's In Pampanga but is Originally from Iloilo, nasa bahay sya ngayun ng bago niyang Asawa at ng bago nilang Anak.
"I am Heidrex De Guzman, I'm a nobody really. But this nobody is about to ask your daughter to be her boyfriend. The whole point of this meeting is to tell you that I have good Intentions for your Child, and ask permission if I could Court her" sabi ko at huminga ng malalim. Di sila kumikibo at nakikinig lang sa akin.
"Mr. Romueldez & Mrs. Cañigo may I have your blessing, Can I court your daughter po?" Tanong ko na kinakabahan.
"What Course are you taking? You know my daughter is taking Medicine, magiging busy sya at wala siyang time sayo kung ganun" sabi ng dad niya na seryoso pa din ang mukha.
"I can wait, Sir. Besides I'm also taking Law, We'll make us work" sabi ko at ngumiti.
"Law, huh? But what are your plans in the future?" Tanong ng mom niya na nakangiti. Pero mas lalo pa ata akong natakot sa ngiti niya kesa dun sa seryosong dad ni Niella.
"I have two friends that are also taking law, We're planning to build our own firm po in the future. As for Me and Niella I'm going to save for our future, the truth is I'm working Part-time in my Aunt's Store to save for this time being, you'll never know when you'll need some money so you gotta save" sabi ko at ngumiti.
"What are your plans for my daughter?" Tanong naman ulit ng dad ni Niella.
"I never loved anyone before, I don't have any past Relationships or Flings. Niella is the first Woman to make my heart beat fast everytime she smiles, Niella is also the first Woman to scare the hell out of me when she's mad" huminto muna ako saglit para ngumiti.
"Honestly Sir, I want Niella to be my first & last. I want to share my future with her, and let destiny take us to where we are destined to go" sabi ko sa kanila at napangiti ang mom niya.
"You're sweet hijo, I give my blessing in one Condition" sabi ng mom niya kaya muli kinabahan nanaman ako, baka patalunin ako sa 3 storey high building.
"Promise me you'll never leave my Niella alone, nasaktan sya nong nag-split kami ng dad niya. Eversince then she's been shutting us all down, make my Niella Loved Hijo" sabi niya at nalungkot. Naramdaman ko ang lungkot ng sinabi niya kaya ngumiti ako.
"I will Ma'am, I'll surely will" sabi ko at tumingin naman sa tatay niya.
"I was the first man to hurt her you know, I left her & her mom too early. Mas lalo syang nasaktan nang malamang magkakaroon na kami ng sari-sariling pamilya. I was his first and I'm hoping I'll be the last Heidrex" sabi ng Dad niya saka tinignan ako ng may pagbabanta. Pero di ko pinakita na nananayo na ang balahibo ko.
"I give you my blessing so please make her happy, & Rex If the time comes that you and Niella will get tired of each others issues, If ever you have problem with your relationship and you just want to stop. Just give me back my daughter, I'll accept her with all my heart don't hurt her like I did" sabi ng Dad niya kaya naluha naman ang Mom ni Niella sa sinabi ng Dad niya.
Kahit ako naman naluha sa sinabi niya, mahal si Niella ng mga magulang niya talagang nawala lang ang pagmamahal nila sa Isat-isa at nadamay lang si Niella.
"Thank you so much for your time, I really Appreciate it. Now I need to go talk with her" sabi ko at nagpaalam na sa kanilang dalawa.
Mas magaan na ang loob kong kausapin si Niella ngayung may basbas na ako ng mga magulang niya.
Kumatok ako sa kwarto ni Niella pero walang tao. Tinanong ko si Yaya pero di niya din alam saan si Niella, muli ay bumalik nanaman ang kaba ko.
"Ve' nakita mo ba si Niella?" Tanong ko kay Silver kasi nasa Living room sya.
"Andun sa Rooftop nagpapahangin" sabi ni Niella na nakatingin pa din sa phone kaya pumunta ako sa Rooftop.
Andun nga sya nakatingin sa kalangitan, bagay ang suot niyang longsleeved dress sa kanya. Huminga ako ng malalim at nilapitan siya.
"Niella, pwede ka bang makausap?" Tanong ko sa kanya.
"Sige" sabi niya na di man lang ako tinitignan.
"Niella, I'm really sorry if I told you I didn't like you before. I was indenial of my feelings for you, I know that must've hurt you so bad but if you could just give me a second chance and uhm-" naputol ang sasabihin ko dahil lumuhod ako.
"Please let me court you" sabi ko habang nakaluhod at hawak ang mga kamay niya.
"Andami mong sinabi, Oo na. Tumayo ka nga jan, corny mo" sabi niya kaya natawa nalang kaming dalawa dun.
"Ano kamo sabi mo? Liligawan mo ako? Wag na, sinasagot na kita" sabi niya saka hinalikan ako bigla.
Choosy pa ba ako? Syempre I kissed her back, I caressed her face like it was the most fragile thing in the world, I Cherish every bit of that kiss before we stopped.
"Promise ko gid sa imo nga ikaw lang ang palangga ko" (Promise ko sayo na ikaw lang ang mahal ko) sabi ko sa kanya at ngumiti.
Sabay naming binantayan ang paggalaw ng ulap sa kalangitan habang dahan-dahan nitong tinatakpan ang mga bituin.
"Halika na mukhang uulan, ang lamig eh" sabi ko kay Niella.
"Halika yakapin kita ng mainitan ka" sabi niya at bumaba na kami.
THE END
LOCKDOWN SERIES
The Guy in Bulaong Terminal: Eihra X Wexon
That Girl in the Rooftop: Niella X Rex
Scandalous Shot: Ade X Reiji
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top