Epilogue
"Tito Neon! Tito Neon! Play with me!" yung pamangkin ko yan, kanina pang nangungulit
"Ok Zinc, what do you want to play?" nandito kami sa playground ngayon
"We will play Chasing the Prince! I'm the prince and I will run and you're the monster and you will chase me! Game tito! Game!" lintek na bata 'to, monster daw ako.
"Ok, then run!" hinabol ko siya, batang 'to, 2 years old pa lang ang dami ng alam, kung anu-ano atang gamot pinainom dito ni Lolo Iron. yung lolo namin na scientist
Sobrang talino naman kasi.
Binabagalan ko yung takbo ko
Nakauwi na nga pala sina kuya Xenon at Ate Camella.
Hiniram ko muna si Zinc.
Halos dalawang taon na din kasi.
"Tito! Tito! You're too slow! Chase me faster!" nadiktahan pa nga, batang 'to talaga
"Ok, ok, run faster"
"Why will I? I will not run faster, you're too slow tito!" tas tumakbo na ulit siya
Hinabol ko na lang, nahuli ko agad. Slow pala ha.
"Huli ka!" tas itinalang ko siya, paiyak na, takot kasi sa heights si Zinc
"Tito! Tito! Bring me down!!!" binaba ko na lang, isumbong pa ko nito kina Kuya ako pa mamura
"What do you want to play next?" tanong ko sa kanya, sabado ngayon, wala kaming pasok
"Let's go to Krypton's place!" saka siya nagtatakbo, ang likot ng batang 'to, parang kitikiti, parang batang babae, nako Zinc, wag kang magiging bakla pag laki
Pumunta na lang kami kina Krypton, pamangkin ko sa pinsan, pinsan ni Zinc, nandun naman sina Tungsten at Aika.
Sakto namang nakarating kami kina Krypton, tumawag si Papa, pumunta daw muna ako sa bahay niya, may ipapaasikaso daw sakin
Pinahabilin ko na muna si Zinc, mamaya ko na lang kukunin, nageenjoy naman kina Tungsten na bahay.
Dumiretso na ako sa bahay ni Papa.
"Anak, buti naman at nandito ka na, upo ka" nandito ako ngayon sa dati naming bahay, naalala ko tuloy nung nabubuhay pa si Mama. Wala na kasi yung mama ko diba, namatay siya sa isang plane crash.
Plane crash.
May bigla tuloy akong naalala.
si Camille at yung kapatid niya.
Si Camille nga pala, after nung sa ospital hindi ko na ulit nakita.
"Anak, malapit na ang birthday mo" psssh, oh? ano ngayon? Anong klaseng kabaklaan yan Papa?
"May party po ba Pa?" napatanong naman ako, oo malapit na birthday ko at mag 19 years old na ako. So what? May birthday party?
"Wala namang party anak, naisip ko lang, anong gusto mong birthday present?" bgilang nagglow yung mata ko. Birthday present daw!
"Gusto mo din bang magkaroon ng Club katulad nina Tungsten?" Club? Katulad nung kina Tungsten? Oo nga pala, may The Chemical Element Club sina Tungsten. Isa yung bar at madami dung chix.
Madaming chix pero...
Hindi na naman ako nangchichix ngayon.
May naalala lang ako.
"Ayoko ng Club Papa" sagot ko sa kanya
"So anong gusto mo anak?" ano nga bang gusto ko?
Napaisip ako, si Papa naman, imik ng imik.
"Gusto mo ba ng sarili mong hotel? kotse? bahay?" bigla akong napatigil
"Papa bahay na lang" yun na lang siguro, mula kasi nung magisa na lang ako, hindi na ako masiyado umuuwi sa bahay ko, dun sa condotel ko. May naaalala lang kasi ako tuwing napunta ako dun.
"Oo nga pala anak, bakit nga pala hiniram mo daw susi ng bahay ng kapatid mo? Ayaw mo na ba sa bahay mo?" oo tama si Papa, hiniram ko nga yung susi ng bahay nina kuya. Dun kasi ako tumigil after mawala ni Chi.
Ayoko ng umuwi ng bahay, naaalala ko lang siya.
"Oo Pa, ayoko ng nung bahay ko, masyado ng luma, gusto ko ng modern house" yun na lang sinabi ko
"Sige anak, saglit lang" tas biglang tumayo si Papa. Naiwan ako sa salas
Naglibot libot na lang ako dun sa may salas
May picture namin dun.
Ako, si Kuya, si Mama at si Papa.
May nakita pa akong picture na nakaframe. Picture ko nung bata ako, tas may kasama akong batang babae. Sino 'to?
"Anak?" napalingon ako kay Papa, madami siyang dalang susi
"Papa, di ba ako 'to? Eh sino 'to?" tas tinuro ko yung babae
"Picture mo yan nung bata ka, hindi ko na tanda ang pangalan niyang batang katabi mo, kapitbahay natin yan dati dun sa dati nating tinitirhan, basta nung bata kayo, palagi kayong magkalaro kaso bigla tayong umalis, ayaw mo pa ngang umalis nun"
ha? Para namang wala akong naaalala?
Tinitigan ko pa yung picture, pansin ko lang, may nunal siya sa leeg, parang may naalala ako. May nakita na akong ganito.
Yung may mole sa neck.
"Baka di mo na naalala, bata ka pa kasi nun saka palipat lipat din tayo ng bahay dati kaya baka sa dami ng naging kababata mo, hindi mo na yan maalala"
Napaoo na lang ako, ngayon ko lang talaga nakita ang picture na yun.
"Siya nga pala anak, ito ang mga susi ng mga bahay sa iba't ibang 5 star na subdvision dito, pili ka na, yun na ang birthday present ko sa'yo, bawi ko na din sayo at matagal akong nasa France"
Napanganga naman ako, kakasabi ko lang nung bahay, instant agad. Ang yaman nga pala nitong tatay ko. Dapat ang hiningi ko palasyo.
"Sige Pa, ito na lang" saka ko kinuha yung isang susi sa kanya
Binigay na din sakin ni Papa yung address at kung sang street at kung aling bahay
Ayos 'to, bagong bahay, bagong buhay
"Sige Pa, thanks, the best ka talaga" aalis na sana ako kaso si Papa, biglang humara dun sa may pinto
"Oh? Ano na naman yan Pa?" may hawak siyang isa pang susi, susi ng kotse?
"Baka kailanganin mo" kinuha ko yung susi saka ako lumabas ng bahay niya, paglabas ko, may kotse nga. Susi nga ng kotse yung hawak ko!
Ayos na ayos 'to, bagong bahay, bagong kotse.
Pupuntahan ko na sana yung bahay na bigay ni Papa gamit ang baong kotse na bigay niya din pero parang may nakakalimutan ako
Yung pamangkin ko nga pala, pipickupin ko pa
Pinuntahan ko muna si Zinc, sinundo ko kina Tungsten
"Tito, why so early? Me and Krypton is still playing tito!" ayaw pang umalis
"Zinc, we will go to Tito's new house with Tito's new car" bigla namang nagningning ang mga mata ni Zinc
"Really Tito? You own a new house?! and... and... you own a NEW CAR?! Wow! Let's go Tito!!!" dali-dali siyang tumakbo palabas ng bahay nina Tungsten, nauna pa sakin
Nakalimutan ko, mahilig nga pala sa kotse si Zinc.
"Sige, Tungsten, Aika, una na kami ha. Punta kayo sa blessing ng bahay ko"
"Sige pinsan, ingat kayo, text niyo na lang kami kung kelan" si Tungsten yan
"Dalhin mo ulit dito si Zinc, nageenjoy din naman si Krypton" si Aika yan
"Sige, salamat ulit" saka ako tuluyang umalis, pupuntahan ko na yung bahay ko kasama ang makulit na batang ito
"Tito! Tito! Where's your new house? What is it like?!" masyadong excited 'tong batang 'to
Hindi ko pa nga nakikita, ngayon ko palang makikita
"Zinc, Tito Neon haven't seen the house yet okay? We're both clueless here so behave muna" nagnod na lang si Zinc saka nag act na zinip niya yung bibig niya
Hanggang sa nakarating na kami dun sa subdivision na sinasabi ni Papa
Magaganda nga ang bahay
5 star subdivision nga ito na may mga 5 star na bahay.
Pinuntahan na namin yung bahay na bigay sakin ni Papa
Si Zinc, excited na excited.
Sakto lang yung bahay, hindi malaking malaki
2 storey house siya.
May gate siyempre tas may maliit na garden sa harapan.
May mga katabing bahay din yung bahay, isang pink na bahay at isang green.
Yung bahay ko kulay chocolate brown.
Pumasok na kami ni Zinc sa loob
"Wow Tito! You're new house is amazing tito!!!" may mga appliances na yung bahay sa loob, may TV set na, may sofa, may ktichen appliances, may ref na, may kama na sa taas, as in lahat ng kailangan mo sa bahay nandun na, titira ka na lang talaga.
Nilibot lang namin ni Zinc, maganda nga yung bahay.
"Tito, tito, can I stay here some other time?" tanong ni Zinc, nandito kami sa living room ng bahay ngayon, binuksan ko yung TV
"Oo naman, ipagpapaalam kita kina Kuya" tuwang tuwa siya niyan
I wonder pano pag nagkaanak ako? Ganito din kaya kakulit?
Teka nga, wala nga akong girlfriend tas magkakaanak ako?
Change topic Neon's head.
"Zinc, gutom ka na? Gusto mo ipagluto ka ni Tito?" kumunot yung noo niya, teka? May mali ba sa sinabi ko?
"You know how to cook Tito?" actually hindi,pero magaling ako magexperiment
"Oo naman Zinc, Tito knows how to cook high class dishes, magintay ka lang diyan, ipagluluto ka ni Tito ng food" saka ko siya iniwan dun sa may living room, bukas naman ang TV, manood na lang muna siya
Dumiretso na ako sa kusina.
May tinapay sa may ibabaw ng ref.
Binuksan ko yung ref.
May hotdog sa loob.
May cheese din.
May bigla na naman akong naalala, napapatawa na lang ako.
Nalala ko yung “NILAGANG HOTDOG SA TINAPAY WITH CHEESE and CATSUP!”
Ipakain ko kaya yun kay Zinc?
Niluto ko na yung specialty ko.
Natatawa ako habang niluluto ko yung specialty ko at the same time, nalulungkot ako.
Palagi ko na lang siyang naalala.
Sa bawat gagawin ko, naaalala ko siya.
"Zinc" tinawag ko na si Zinc, tapos ko ng lutuin yung specialty ko.
Nakarating ako sa living room, wala si Zinc.
Tiningnan ko sa taas ng bahay wala din, wala din pati sa banyo.
Nasan naman kaya yun?
Medyo kinakabahan na ako.
Lumabas ako ng bahay, wala din dun sa may garden.
Lumabas ako ng gate at...
Nakita ko si Zinc, may kalaro.
Mas malaki pa sa kanya.
Isang chawchaw na aso.
"Zinc!" tinawag ko siya, mamaya makain nung aso, mas malaki pa sa kanya.
"Hi Tito! Come on play with us!" tuwang tuwa pa siya niyan
"Pag ikaw nakagat niyang dog na yan! Mas malaki pa sayo!" nagpapanic na ako, yung pamangkin ko, makayapos dun sa asong mas malaki pa sa kanya wagas
"Wag kang mag-alala, mabait yang aso namin" bigla akong nagulat, bigla bigla kasing may naimik, napatingin ako sa may right side ko, may isang babae
Teka, si ano 'to ah
"Camille?!" si Camille nga 'to pero parang may kakaiba sa kanya
"Ha? Anong Camille? Kilala mo ang ate ko?" napa 'huh' naman ako
Anong kilala ko ang ate niya?
Teka, hindi ba siya si Camille?
Tinitigan ko siya, may nunal siya sa leeg, teka, hindi nga siya si Camille, wala naman kasing nunal sa leeg si Camille.
Wag mong sabihing...
"I'm Cassy, twin sister ko si ate Camille" siya yan, si Cassy daw siya
"Ca-cassy?" di ako makapaniwala, kamukha niya si Camille pero alam mong iba siya kay Camille
Teka, ang gulo lang ha
"Ah, kapatid ka ni Camille? I mean, kakambal?"
"Oo, kakambal ko si ate Camille, napagkamalan mo ngang ako siya diba? Ang labo mo din"
"Ah... At ikaw si Cassy?" hindi ko alam pero hindi ako makapaniwala
"Oo nga, paulit- ulit lang tayo dito?" di ko mapigilang mapatitig sa kanya
"Ah eh hindi naman ano--" di ko alam ang sasabihin ko
"Ikaw? Sino ka ba? Bakit mo kilala ang ate ko?" siya yan
"Ah, ako? I'm Neon---" may idudugtong pa sana ako kaso nakaimik na ulit siya agad
"Ah... Neon" natigilan ako, the way she uttered my name
"Girl of my dreams?" bigla akong napatanong, alam kong imposible pero...
Napakunot naman yung noo niya saka siya nag smile
"Huh? Anong pinagsasasabi mo diyan?" nakatitig pa din ako sa kanya
"Wag mo nga akong titigan, baliw" saka siya tumingin dun sa aso nila at kay Zinc
"Yung batang yun," napatingin naman ako kay Zinc
"Oh? Anong meron dun?" tanong ko sa kanya, napapaisip pa din ako, magkamukha sila ni Camille, may nunal siya sa leeg. Naalala ko yung panaginip ko matagal na...
"Anak mo siya?" napatingin naman ulit ako sa kanya
"Mukha ba akong may anak?!" tas sinaman ko siya ng tingin, nakangiti pa din siya, yung ngiti niya, katulad na katulad nung ngiting nakita ko sa panaginip ko dati
"Hindi naman, magkamukha kasi kayo" nakangiti pa din siya
"Cassy---" I heard a familliar voice
biglang may lumabas ng gate dun sa kabilang bahay
"---pumasok ka na daw sabi nina Mommy-----" napatigil siya, yung babaeng lumabas dun sa gate nung kabilang bahay.
"Neon?" nakatingin siya sakin, si Camille
"Huy, Camille" di ko alam ang sasabihin ko
"Anong ginagawa mo dito? Long time ah" magkatabi na sila nung si Cassy
Magkamukha nga sila, ang pinagkaiba lang, yung mole sa leeg ni Cassy
"Ah, dito ako nakatira" tas tinuro ko yung bahay ko
"Sa'yo pala ang bahay na yan? Dito kami nakatira oh, magkapitbahay pala tayo?" napatanong naman siya sakin
"Ah, kakalipat ko pa lang, ngayon lang" nagsmile na lang ako, kapitbahay ko sila
"Ah, ganun ba? nga pala Neon, kapatid ko, si Cassy, Cassy, siya yung kinukwento ko sa'yo, yung makulit na lalaki sa ospital" bigla namang napakunot ang noo ko, pinagkwekwentuhan nila ako?
"Oo ate, nakilala ko na siya" nakasmile pa din yung si Cassy, nakatingin siya sakin
"Siya, tara na Cassy, tinatawag ka na nina Mommy, sige Neon, happy neighborhood, kung may kailangan ka, nandito lang kami sa kabila" si Camille yan saka siya nagsmile sakin at pumasok na sa bahay nila.
"Khai!" bigla siyang may tinawag, yung aso pala nila, bigla din lumapit sa kaniya
"So your name is Khai!" si Zinc yan, habol habol dun sa aso
"Hi baby. I'm ate Cassy" si Cassy yan, saka tinap sa ulo si Zinc
"Hi ate! You own that dog? I want to play more with your dog ate!" ang kulit ni Zinc, gustong gusto yung aso nina Cassy
"Tomorrow na lang ulit baby, playing too much is not good" si Cassy yan
"Tito! Tito!" si Zinc yan, ewan ko sa batang yan, nagsusumbong ata.
"Bukas na lang daw ulit Zinc, wag kang makulit" medyo harsh, nakakhiya naman kasi kay Cassy, ang kulit ni Zinc
Nagpout si Zinc. Napasmile naman si Cassy.
"Okay tito! Bye Khai! Let's play tomorrow okay?! Bye ate Cassy!" saka naman nagtatakbo si Zinc sa loob ng bahay, werid na bata
Napatingin ulit ako kay Cassy, nakatingin siya dun sa aso nila. Saka siya tumayo at naglakad papunta dun sa may gate nila.
Iniintay ko siya pumasok pero tumigil siya.
Tumingin siya sakin saka nagsmile.
"Sige, bukas na lang ulit...." nagpause siya, si Cassy
Biglang humangin ng malakas.
"...human."
FIN*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top