Chapter 9
Neon's POV
"Salamat sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..."
Nakatingin lang ako kay Chi.
Ano bang pinagsasabi ng isang 'to...
Lumalapit ako pero lumalayo sa siya.
"at salamat sa paghanap ng katawan ko."
Bigla siyang naglaho.
"Chiiiiiiiiiiiiii!!!"
"Huy, pinsan, gising" bigla akong nagising
"Ha?" napatanong ako kay Nickel
"Kanina ka pang tulog, naungot ka din, para kang ewan, makinig ka nga sa klase"
"Ah"
Nandito ako ngayon sa school, pasukan na nga pala ulit.
Dalawang linggo na mula ng mawala si Chi.
Oo.
Nawala na si Chi.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko talaga maintindihan.
Pagkatapos nung gabing yun,
Nung bigla siyang nawala.
Palagi ko na siyang napanaginipan.
"Pinsan" tinawag ko si Nickel, magkatabi kami
"Oh?"
"Naniniwala ka ba sa multo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi" napakatipid ding sumagot nitong pinsan ko, parang yung gf lang niya na si Ayame.
"Ha? Bakit naman?"
"Basta hindi, bakit ba? Nakakita ka na?" tanong niya
"Huh? A-aah, di ah" di naman talaga, saka di naman multo si Chi, hindi nga daw siya multo diba. Isa siyang Chi.
"Eeh pinsan, alam mo yung Chi?" napatanong ulit ako
"Dami mong tanong, pag tayo nahuling nagchichismisan" pabulong si Nickel nyan, nakukulitan na ata sakin
"Eh matalino ka diba? So malamang alam mo yung Chi" bulong ko na lang sa kanya
"Ano bang klaseng Chi?" ano daw klaseng Chi, teka may klase ba yun at teka... Alam niya?
"Alam mo yun?"
"Oo naman, mahilig akong magbasa ng libro diba, nakabasa na 'ko ng article about dun, bakit?" bigla akong nagulat. Alam nga niya
"Anong nabasa mong artcile about dun?" napatanong na ako ng tuluyan, makulit na kung makulit, gusto kong malaman.
"Nickel, Neon" napatingin kami kay Ma'am
"Stop murmuring and listen to my discussion" panira 'tong teacher namin
"Mamaya ko na lang kwekwento sa'yo, ingay mo, pati ako nadadamay" at nasisi pa
"Sorry naman, sige, kwekwento mo ha"
"Oo na"
At nakinig na lang kami sa klase
Hindi pala kami ang nakinig, si Nickel lang
Medyo lipad ang utak ko
Gusto ko ng malaman kung anong meron sa mga Chi
Hindi naman kasi naexplain sakin ng maayos ni Chi kung ano ang Chi at kung naexplain man niya, malamang, hindi ako nakinig.
At natapos na ang klase
Vacant na namin
Nandito kami sa canteen ngayon.
Kasama ko mga friends ko.
Sina Danna, Khasella, Tyrone, Barium at Nickel.
"Hoy, pinsan, kwento mo na sakin" sabi ko kay Nickel
"Huh? Ang alin?" ano? Nakalimutan niya
"Yung about sa mga Chi, tss"
"Ah yun ba, ano bang gusto mong malaman about sa kanila?" kumakain lang kami haba tinatanong ko siya
"Anong klaseng tao ang mga yun?"
"Hindi sila tao, alam mo pinsan, ano bang klaseng Chi yang sinasabi mo?" ano daw klaseng Chi, hindi ko nga alam kasi wala nga akong alam sa Chi. SIguro yung mga Chi na kagaya ni Chi. Yung mga naghahanap ng katawan
"Yung mga Chi na may unfinished business" nakatingin lang si Nickel sakin tas biglang tumawa
"Ano ka ba pinsan, lahat ng Chi may unfinished business, kaya nga naging Chi." natawanan pa, kung kinukwento na lang kaya niya kung ano ang mga Chi
"Ikwento mo na kasi, ano ba ang Chi at ano yung classifications!" atat na akong malaman
"Chill pinsan, ganito yan, ang mga Chi, mga kaluluwa daw yun na hindi makatawid sa langit kasi may mga unfinished business, nagaanyong tao sila dito sa mundo pero anyong tao lang, hindi talaga sila tao. Humahanap sila ng mga taong makakatulong sa kanila para matapos yung unfinished business nila dito, may mga extraordinary powers din sila, kunwari, associated sa tubig, sa apoy o kaya sa hangin. Ang sabi dun sa nabasa kong article, dalawa ang klase ng Chi, may Chi na mababait, may mga Chi na pumapatay ng tao" nakikinig lang ako kay Nickel
"Yung mga Chi na mababait, yun yung mga kaluluwang nakafocus sa mission nila" medyo kinikilabutan ako
"Eh yung mga pumapatay ng tao?" naalala ko kasi si Chi, sabi niya dati papatayin niya ako, ano bang
klaseng Chi yun? Mabait naman pero papatayin daw ako
"Yung mga Chi na pumapatay ng tao? Diba, may mga tao silang kasama sa paglutas ng unfinished business nila, yung mga taong yun, papatayin nila, ang hirap iexplain pinsan. Ang mga Chi kasi, kaluluwa diba? Kaluluwa na may mga extraordinary ability. Base dun sa nabasa kong article... Pede kasing mabuhay ang isang Chi."
Nagulat ako sa sinabi ni Nickel
"Pwe-pwedeng mabuhay ang isang Chi?" tanong ko sa kanya
"Ewan, siguro? Kung papatayin nila yung napili nilang tutulong sa kanila. Maari silang mabuhay. Yun yung sabi dun sa article na nabasa ko"
Ah, naiintidihan ko na, kung pinatay ako ni Chi, mabubuhay siya pero di niya ginawa, meaning...
Mabait na chi si Chi.
Kaya nga wala na siya ngayon.
"Bakit ba interesadong interesado ka sa mga yun?" napatanong naman siya
"Ah, wala, nacucurious lang ako" sabi ko sa kanya
"Wag ka masyadong magpaniwala sa mga yun pinsan, para namang hindi tunay yung mga Chi na yun" sabi sakin ni Nickel
Nako pinsan, maniwala ka, tunay ang mga yun.
Nakaencounter na ako ng isa
Yun nga lang, ang bilis nawala
"Oo na lang" sabi ko sa kanya
"Guys, balik na tayo sa room" yaya ni Danna
Tatayo na sana ako pero parang may nakita ako
Dinungawan ko muna
Teka...
Parang si...
"Chi!!!"
Napasigaw ako, tama, nakita ko si Chi!
Tumayo na ako at hinabol ko.
"Neon!" tinatawag nila ako pero hindi ako nalingon
Nakita ko si Chi. Nakita ko siya, may kasama siyang isang babae, teka, sino yun?
Sinundan ko sila at naabutan ko siya.
"Chi!" hinawakan ko siya sa braso
"Ha?" lumingon siya, tama! Si Chi nga 'to! Di ko napigilan, niyakap ko siya
"OMG girl! sabi nung isa niyang kasama
"Ahh ehhh! Bitawan mo ko!!!" bigla akong itinulak ni Chi
"Oo, sikat ka dito sa school, pero wag kang mangyayakap ng di mo kilala!" sinigawan ako ni Chi
"Chiii" medyo kumunot ang noo ko, hindi ba siya natutuwang nakita niya ako?
"Girl, tara na nga" saka niya niyaya yung kasama niya
"Chi!" tinawag ko siya, saka ko sinundan pa
Hinawakan ko ulit siya sa braso
"Chi!" ako yan, ano bang problema niya
"Pwede ba?! Wag mo kong sundan at wag mo kong hatakin Mr. Neon Iron Corpuz, isa sa mga school Casanova and please stop calling me Chi! Hindi Chi ang pangalan ko!"
"Ano? Di kita maintindihan, may galit ka ba sakin? Bakit---" saka sila umalis
"Pinsan" napalingon ako, nandito sina Nickel
Nakatingin lang ako sa kanila
"Pinsan, diba yun yung Chix mo na kasama mo sa airport? Si Chichi?" si Barium yan
"Ahh, oo" napaoo na lang ako, si Chi nga kasi yun
"Bakit parang galit na galit sayo? Niloko mo ata e. Wag mo na daw siyang sundan and worse, hindi daw siya si Chi... Malaki ang galit pinsan" napatingin ako kay Barium
nagecho yung sinabi niya.
"Wag mo na daw siyang sundan and worse, hindi daw siya si Chi..."
"hindi daw siya si Chi..."
"hindi daw siya si Chi..."
"hindi daw siya si Chi..."
Napatulala ako.
Ang mga sinabi ni Chi ng gabing yun...
"Salamat sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..."
Nakatingin lang ako kay Chi.
Ano bang pinagsasabi ng isang 'to...
Lumalapit ako pero lumalayo sa siya.
"at salamat sa paghanap ng katawan ko."
Bigla siyang naglaho.
"Chiiiiiiiii!!!"
At ang mga sinabi ni Barium ngayon...
"hindi daw siya si Chi..."
"hindi daw siya si Chi..."
"hindi daw siya si Chi..."
"Huy pinsan! Tulala ka na naman, tara na, malelate na tayo sa next class" saka ako hinila ni Nickel.
Napaisip ako.
Maaring hindi nga yun si Chi.
Baka yun lang yung katawan na hiniram ni Chi.
At maaring nasa tunay na may-ari na muli ang katawan na yun.
Kailangan ko na nga sigurong tanggapin na...
"Wala na si Chi."
"Ha? Ano pinsan?" si Nickel yan
"Wala"
"Wala na si Chi."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top