Chapter 8

Camille's POV

"Anak, kami na muna ang magbabantay sa kanya"

"Dito ka lang ha, babalik ako bukas." hinaplos ko ang buhok niya.

"Anak, wag mo na masyadong pakaisipin ang mga nandyari, hindi mo naman kasalanan,"

Pinipilit ko naman ang sarili kong tanggapin na hindi ko kasanan pero..

Kasalanan ko kung bakit siya nandon, kasalanan ko.

Tumango na lang ako saka naglakad papalabas ng pinto.

Sakto namang papasok yung doktor.

"Camille, pauwi ka na ba?" 

"Opo doc.." medyo wala talaga akong ganang makipag-usap sa mga tao ngayon simula nung nangyari ang lahat..

"Oh? Bakit parang di ka mapalagay Camille?" tanong nung doctor.

"Doc, kelan po kaya siya magigising?" gusto kong malaman kung kailan.

"Hindi ko pa masasabi Camille but your sister is doing good so far. Malay natin one of these days magising na siya.."

"Talaga po doc? Salamat naman po kung ganon"

"Sige, ichecheck ko muna ang vital signs niya, ingat ka hija"

"Sige po"

Dali-dali na ang naglakad pauwi. Magpapahinga na muna siguro ako.

"Lord, pagalingin mo si Cassy, please"

*

Neon's POV

"Manong, manong, may nakita kayong babae na medyo maliit na mukhang weird?"

"Ayy, oo utoy, nakita ko ata? Dun pumunta sa may gawing yon, may mga nakasunod ngang lalaki utoy"

"Ho?! May mga lalaking nakasunod?!"

"Oo utoy, ngayon ngayon ko lang nakita"

"Siya sige ho, salamat ho!" at dali-dali na akong tumakbo sa kung saan yung sinasabi ni Manong..

Nasa kapahamakan si Chi! Kelangan ko siyang iligtas!

Lumiko ako dun sa sinasabi nung matanda, may nakita nga akong mga lalaki at nakita ko din si Chi.

"Mapagtiyatiyagaan na yan kahit di medyo maganda mga pare" sabi nung isang lalaki, mga mukhang basagulero 'tong mga 'to. Lima sila.

Teka? Kaya ko ba sila?!

Ang dami pala nila!

Tawagan ko kaya muna sina Barium!

Pero teka, baka matagalan!

Mapapahamak si Chi!

"Ano miss natatakot ka na ba?" tanong nung isa kay Chi, si Chi naman hindi sumasagot, nakatingin lang sa kanila tapos biglang ngumiti, hindi niya ata ako kita.

Teka, bakit nakakangiti ka pa Chi e may masamang gagawin na nga sa'yo ang mga yan!

Unti unting lumalapit yung mga lalaki kay Chi.

Hindi ko alam ang gagawin ko pero sa tingin ko kailangan kong iligtas si Chi!

Bahala na!

"Hoy! Wag niyo siyang lalapitan!" banta ko dun sa mga lalaki, napatingin sila sakin pati si Chi.

"Hu-humaaan?" si Chi yan

"Aba miss, may Knight in shining armor ka din pala kahit hindi ka kagandahan" ang sasama naman ng mga lalaking 'to, oo hindi maganda si Chi pero sana naman don't state what's obvious! May hitsura naman si Chi kahit papano.

"Umalis ka na Human, mapapahamak ka lang dito" medyo cold ang pagkakasabi niyan ni Chi.

Ha? Bakit naman ako aalis?! Anong tingin mo sakin Chi?! Iiwan kita dito?! Hindi noh!

Reponsibilidad kita.

"Hindi ako aalis" sabi ko sa kanya

"Boyfriend mo ba yan miss? Wow" sabi nila kay chi

"Umalis ka na Human" si Chi yan, pilit akong pinapaalis

"Alam mo, masyado kang pakielamero, tapang tapangan?" sabi sakin nung isa sabay sugod sakin.

Sinugod nila ako.

*boooogsh* *pak* *booogsh*

At ayun nga, sinugod nila ako.

Siyempre lima sila, e di natalo ako.

Anong expected niyo? Manalo ako?!

Bagsak ako, hindi naman kasi ako superhero dito.

"Wala ka pala e! tapang tapang mo, japeyk ka pala!" tas tinadiyakan nila ako.

SAKIT AH!

Nakamulat pa din naman ako, hindi lang ako makagalaw.

Kita ko, papalapit na sila kay Chi, si Chi naman, masama na yung tingin sa kanila.

"At ikaw miss" pinalibutan nila si Chi

"One step closer and you'll all die, umalis na kayo kung gusto niyo pang mabuhay" si Chi yan, teka, ano bang pinagsasabi nito. Tumakbo ka na kaya!

"Wow miss, tumatapang ka na, ano? Babawian mo kami? HAHA! Nagpapatawa ka ba?! Kung yun ngang knight in shining pekeng armor mo walang nagawa, ikaw pa?!" sabi nung isang lalaki.

Ramdam ko na lang biglang humangin ng malakas. Teka nga, may nakakalimutan ba ako?!

"One more chance" si Chi yan

"Pare biglang lumamig" sabi nung isa.

"Malamang malamig, gabi na kaya! Siyempre mahamog! Wag mo ngang tinatakot ang sarili mo!" sabi nung isa pa.

"Simulan na natin miss?" tanong nung isang mukhang manyak kay Chi.

Napatingin naman ako sa may side ko, parang may dumaan.

Pag tingin ko, may malaking ipo-ipo.

Napatingin ako kay Chi, bigla siyang ngumiti.

Naman oh! Bet ko ba nakalimutan! May powers nga pala si Chi!

Stupid Neon! Stupid!

"I've warned you" -Chi

Mas lumalapit pa yung mga lalaki.

"Ano bang sinasabi mo miss---?! AAAAAAH!!!" at natangay na yung isa ng ipo-ipo.

Nagulat naman yung ibang mga lalaki.

"PARE!!!"

"Tulungan niyo ko!!!"

Nagtinginan yung mga lalaki kay Chi.

"IMPAKTO KA! PANO MO NAGAWA YUN?!!!" medyo nanginginig na sila diyan.

"Sinabihan ko na kayong umalis na kayo but you didn't listen"

"PARE TARA NA!!! MAY IMPAKTA!!!"  at nagtatakbo na yung mga lalaki, yung isa nasa ipo-ipo pa din.

Maya-maya, humupa na yung hangin, hindi naman patay yung lalaking nalipad nung hangin siguro nahimatay lang.

Lumapit sakin si Chi.

"At ikaw" cold yung tingin niya sakin.

Teka Chi, bakit ka ba ganyan? Bakit ang cold mo?

Hindi ako sanay, mas sanay ako sa Chi na makulit, yung Chi na masaya.

"Tara" saka niya ako inakay, hindi ako makapagsalita pero feeling ko ang saya-saya kasi atlast, ligtas si Chi.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Kakaiba.

At maya-maya pa, nakarating na kami sa bahay, ginamot na ni Chi yung mga sugat ko.

PInatulog na niya din ako.

Neon's Dreamland

Nandito na naman ako sa lugar na ito.

Yung lugar na palagi kong napapanaginipan.

Tahimik na, last time na napunta ako dito nakita ko yung babaeng palagi kong napapanaginipan na nakahiga sa mga bulaklak tapos bigla siyang nawala.

Ngayon? Ako na lang ang tao, wala na si Girl of My Dreams.

Nasan na siya?

Naglibot ako dun sa lugar na yun.

Nakita kong may liwanag.

Nakita ko si Girl of My Dreams, pumasok dun sa liwanag.

Teka, san siya pupunta?

"Hoy Humaaaan! Gising ka na!!!" bigla akong namulat.

"Chi?"

"Yup! Nothing but the Chi! Tara, kain na tayo! Nagluto akong breakfast! Tapos pagkatapos nating kumain, labas tayo! Pasyal tayo!" ha? Ano bang sinasabi nito?

"Tara na!" tas hinila niya ako.

Teka, hindi na cold si Chi, back to normal na ulit siya.

"Ako nagluto niyan!" proud na proud siya tas nilalagyan niya ng pagkain yung plate ko.

"Teka nga, kelan ka pa natutong magluto?" napatanong naman ako.

"Kanina lang! Tara, kain na!" at kumain na kami.

Maya-maya pa, natapos na kaming kumain tas pinagbihis naman niya ako.

Mamasyal daw kami.

Ano bang nangyayari dito kay Chi?

Makikiride na lang siguro ako, minsan lang 'to maging sobrang bait kagaya nito.

"Teka, ano bang nakain mo at naisipan mong mamasyal?" nandito na kami sa may park.

"Wala lang, gusto ko lang maexperience na maging tao ulit"

"Ha? Oo nga pala, pano na yung katawan mo?" napatanong ako, paano na nga pala namin yun hahanapin?

"Ha? Ahhh--- ehhh--- Human! May icecream! Tara bumili!" saka siya nagtatakbo, weird.

Bumili na kami ng icecream.

At namasyal na din kami, mula sa park, nagpunta kami ng mall.

Kumain din kami, yung tipong nagdedate lang.

Maggagabi na nung nakauwi kami ni Chi.

Masaya naman yung pamamasyal namin.

*

Chi's POV

"Oh ayaaan, dito na tayo sa bahay, ikaw muna maunang pumasok, ladies first nga diba?" saka ako pinagbuksan ni Human ng pinto.

Umiling ako. Bilang na ang mga oras ko, anumang oras, pede na akong mawala.

"Huh? Anong hindi?" napatanong naman siya.

Napangiti na lang ako, masyado naging masaya ang buong araw na 'to.

Napastep back ako.

"Huy Chi, ano bang ginagawa mo?" lumalapit sakin si Human, nagsstep back naman ako sa kada lapit niya sabay iling.

"Human" nagsalita na ako, hindi ko na kailangan pang patagalin 'to, kailangan ko ng sabihin sa kanya.

"Oh?" siya yan parang nagtataka.

"Salamat" maikli pero meaningful yan.

"Ha? Para saan?" medyo kumukunot na yung  noo niya, ako naman medyo naiiyak na.

"Sa lahat, sa pagsama sakin, sa pagpapatuloy sakin at sa..." medyo naiiyak na ako, bumibigat na yung pakiramdam ko.

Nakatingin lang siya sakin...

"At salamat sa paghanap ng katawan ko."

"Ha? Di kita maintindihan. Hindi pa natin nahahanap ang katawan mo diba?"

Ngumiti na lang ako.

Nahanap mo na Neon, nahanap mo na.

Things come unexpectedly.

And you unexpectedly found my body.

"Thank you"

Unti unti na akong naglalaho/

"Chiiiiiii!"

And there,  time on earth has ended.

Farewell Human.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top