Chapter 5

Neon's POV


"Hoy human! Gisiiiiing! Gisiiiiiiing!" ramdam ko, may umaalog sa akin.

Nagising ako, si Chi pala. Teka nanaginip na naman ako, napanaginipan ko na naman si girl of my dreams.

"Hoy human! Anong nangyari sayo???" si Chi yan.

"Oo nga! galing mo umemote pre! Nananaginip ka ata kanina. HAHAHAHA" si kuya Tungsten yan.

"Che, wala! Teka malapit na ba tayo?" di ko na lang sinabi sa kanila yung panaginip ko.

"Nandito na tayo sa airport.." sagot ni ate Aika.

Bumaba na kaming lahat, iniisip ko pa din si Girl of My Dreams.

Bakit tumatakbo siya papalayo sakin?

*

Chi's POV

Nandito na kami sa airport. Bale, humiwalay na muna ako kay Human. Ewan ko kay Human, di ko maintinidihan kung anong nangyayari sa taong yun. =O=

May nakita akong babae, kasama namin siya dun sa sasakyan, kanina ko pa siyang tinititigan, may kamukha kasi siya.

“Hi! ^_^” binati ko siya. May kamukha kasi talaga siya.

“Low” bati niya sakin, ayyy. Bakit ang tipid?

“Alam mo ba, parang nakita na kita dati! ^_^” sabi ko sa kanya. parang talaga.

“Talaga? Saan naman?”


Saan nga ba? Ayyy teka...

Napaisip naman ako, sang nga ba?

Teka nga...

“Sa kwarto ni Neon! Kamukha mo yung picture na nasa table niya!”

Oo siya nga yun! Di ako pedeng magkamali!

“Hindi ako yun”

“Ikaw yun! Kamukha mo e” pilit ko sa kanya. Siya talaga yun!

“K” ang tipid niya talaga sumagot, pero siya talaga yun.

“Hoy Chi! Sabi ng wag lalayo sa tabi ko! Kanina ka pa! Dito ka nga” saka naman ako hinila ni Human! Luh, KJ 'to. Kitang nakikipag friends pa ako! =O=

Medyo papalayo na kami dun sa babaeng may picture sa kwarto ni Neon, Ayame ata pangalan nun ng may narinig kaming sumigaw..

“NOOO!” boses ni girl na may picture sa kwarto ni neon.

napatingin kami sa kanya...

*BEEP*BEEP*

 

*BLAAAG*

 

 

 

“VANA!!!” –boses nung Tungsten.

“XANXAN!!!” –boses nung Camella.

Yung dalawang batang kasama namin… Nasa gitna ng kalsada.

Dali-daling nagpunta dun lahat. Pati ako.

 Napatingin ako dun sa dalawang bata.

“Don’t worry, they won’t die.” bigla kong naimik. Kapag kasi may mga naaaksidente o may mga taong nasa bingit ng kamatayan nakikita ko kung makakasurvive pa sila o hindi. Remember, I'm a chi. Isa yun sa mga ability ko.

Saka naman may dumating na ambulansya.

*

Third Person's POV

Nagpunta sina Neon at Chi kasama pa ang iba sa ospital.

Naaksidente yung pinsan ni Neon, si Vana at saka yung pamangkin nung asawa ng kapatid niya, si Xanxan.

Naghihintay lang sila sa resulta kung ok na ang mga bata ng may nakita si Neon na isang babaeng pamilyar.

Ang babae sa panaginip niya.

Si Camille.

Napasigaw naman siya ng "Camille!".

Tumigil ang babae, saka niya tinitigan si Neon na parang nagsasabing: "Ikaw ulit?"

Pinuntahan ni Neon ang babae, hindi niya alam, kita pala sila ni Chi.

Sumunod din si Chi pero parang nagtatago si Chi.

Natatakot si Chi.

Natakot siya sa nakita niya. Hindi niya maipaliwanag pero natatakot siya.

Tumakbo na lang palayo si Chi.

*

Neon's POV

"Ah, hi. Ano, ako si Neon" nandito kami sa garden ng ospital nitong si Girl of My Dreams.

Pinagtatagpo ata kami ng tadhana?

"Ah, ok?" sagot niya sakin, parang nagtataka siya.

"Ah eh," wala akong masabi, siya nga yung nasa panaginip ko, si Girl of My Dreams...

Tinitigan ko lang siya. Siya nga yun, hindi ako pedeng magkamali.

"So, dito ka pala nagtatrabaho?" natanong ko lang, nakaputi kasi siya.

"Ah, naku, hindi ah. May dinadalaw lang ako" ah ganun pala, may dinadalaw siya.

"Ah, ganun ba.." wala na akong masabi, natatameme ako. ganito pala ang feeling kapag nameet mo na yung babaeng napapanaginipan mo ng matagal at nakausap mo pa.

"Siya sige, mauna na ako, nice meeting you" ayoko pa siyang umalis pero aalis na daw siya.

"Ah, eh.. Hatid na kita, san ka ba?" alok ko sa kanya.

"Ano ka ba, dito lang naman ako sa ospital e, 3rd floor. Remember? May dinadalaw ako dito."

"Ah, oo nga pala, sige hatid na lang kita sa elevator" di ko alam kung bakit pero nahihiya ako, bakit nagkakaganito ako?

Hinatid ko na siya sa may elevator saka ako bumalik dun sa may emergency room kung saan dinala sina Vana at Xanxan.

Pag dating ko don, sina ate Camella at kuya Xenon lang ang nandon. Teka, nasan si Chi?

"Kuya? Nakita mo si Chi?" tanong ko kay kuya. Nasan na naman kaya ang Chi na yon?

"Naku, hindi e. Baka naman naglilibot lang dito sa ospital?" 

"Ah, sige salamat"

Ano ba yan, bakit ko nga ba iniwanan si Chi kanina? Baka kung san magpunta yun! Kasi naman, si Girl of My Dreams, bigla bigla na lang nagpapakita! Ayan tuloy.

Hinanap ko na lang si Chi.

Saan naman kaya yun magpupunta?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top