Chapter 3

POV: Neon Iron Corpuz

“Tara”

“Alaaa! Ayoko! Diba nasabi ko na naman sa’yo? Wala ako diyan sa mental!!! (>O<)” at nandito nga kami sa mental ngayon. BWAHAHA! ;D Sarap pagtripan nitong si Chi

“Ayaw mong pumasok? Sige, diyan ka lang, ako na lang papasok” saka ako tumalikod sa kanya, nandito kami sa mental kasi, wala lang, trip ko lang. Magbabakasakali nga lang. HAHA! ;D

“Hanlaa! Human sama!!!” sumunod naman agad siya, sasama din pala, pahirapan pa! HAHAHA

Nakarating na kami dun sa mismong entrance nung mental, sabi nung guard pumasok na lang daw kami, dirediretso tapos kanan, nandun daw yung office ng doctor.

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon ni Chi, kinikilabutan ako! Pa’no ba naman kase, kaliwa’t kanan, may mga baliw na nakaselda! Yung iba pa nga pilit kaming inaabot ni Chi kaya siksikan na kami ni Chi sa gitna ng daan! (>O<)

“Tumingin ka sa likod mo, may nakikita ako! WAHAHAHA!” –baliw #1, sabay tingin ng masama sa akin, potek, kinikilabutan ako! >__< May nakikita daw siya sa likod ko?! E si Chi naman nasa tabi ko! Sino yung nakikita ng baliw na ito?!!! >__<

“Pssst. Pssst. Titingin na yan HAHAHA!” –baliw #2, ano daw?! >__<  Pinagtitripan ata ako nito e!!!

“Ayon sa hula, wala kang BRIEF!” –baliw #3, sabay duro sa akin…

HUH?! O.o

Napatigil naman si Chi sa paglalakad tapos tumingin dun sa baliw

“HAHAHAHA!!! TOTOO?!!! WALA SIYANG BRIEF?!!!” si Chi yan, sabay turo sa akin dun sa part na “WALA SIYANG BRIEF?!!!” potek! Makipag-usap ba naman daw dun sa baliw!!!

“OO! Wala siyang BRIEF!” sabay duro ulit sa akin! >___< GANUN?!

“HOY! Ikaw na baliw ka ah! May BRIEF ako!!!” di na ako nakatiis, sinagot ko na ang HANEP na baliw na manghuhulang ito!!! Wala daw akong BRIEF! Meron kaya!!! SOEN pa nga ang tatak e!!! >___<

“HAHAHAHA!!! Wala ka daw BRIEF HUMAN! HAHAHA” si Chi yan, mautas utas na sa pagtawa! Aba, Masaya siya?!!! >__< PSSSH.

“PSSSH! EWAN! BASTA ANG ALAM KO MAY BRIEF AKO! (>O<)” potek, pagtripan ba naman daw!!! e di kung wala pala akong brief kanina pa akong mapanghe!!! >___<

“Mga bata, anong kaguluhan ito? Anong brief brief?” bigla namang may lumapit sa aming nakaputi tapos may stethoscope, malamang doctor yan!

“Ayy doc, WALA PO! Sabi po kasi ng pasyente niyo wala daw akong BRIEF!!! MERON naman!!!” kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko! Naaapi ako!!! >___<

“Hahaha, ganun ba? Pagpasensyahan niyo na siya, stress lang siguro sila… HAHAHA” at nakitawa pa si DOC! >___<STRESS?! Kung makapanghula, siyang siya na?! >___< PSSSH. Kalma NEON! KALMA!!! HOOOOOOOOOO~

*Breathe IN, Breathe OUT*

HOOOO~ Ayan ok na!!! OK NA! Don’t forget to SMILE!!! ^_____^

“Ano nga bang kailangan niyo mga bata?” si Doc yan

“May itatanong lang ho sana kami” sabi ko dun sa doctor, kalma lang Neon, kalma lang! May BRIEF ka! Alam mo sa sarili mo yan!!! SMILE!!! ^____^

“Sige mga bata dun tayo sa opisina ko, tara” agad naman kaming sumunod dun sa doctor, nakarating kami sa opisina niya

“Sige upo muna kayo mga bata, pagpasensiyahan niyo na ang mga pasyente sa ospital na ito… Alam niyo naman, masiyado silang stress…” –Doc, ano daw daw?! STRESS?! Kung mahulaan akong walang brief silang sila na! Psssh. >___< Ok, KALMA sabi Neon, KALMA lang! Don’t forget to SMILE! ^_______~

“Ok lang po yun doc! Nakakatuwa nga po sila e! ^_^” si Chi yan, NAKAKATUWA?! >___< sige ipagtanggol mo sila! Palibhasa tinawanan mo ako kanina! Dapat ako ang nangtitrip dito sa Ching ito e! Bakit nabaliktad?! >___< Psssh… Kalma nga sabi Neon!!! WOOOOHOOO~ KALMA lang! May araw din yang CHI na yan!!! WOOO~ SMILE!!! ^_______^

“Siya nga pala, ano ba yung itatanong niyo mga bata?” si Doc yan, ay oo nga pala! Ayan na, this is the moment! Makakabawi na din ako! BWAHAHAHA

“DOC! Itatanong lang ho sana NAMIN kung may NAADMIT po ditong BALIW na namatay! ^____^” ok, lahat ng naka CAPITALIZE inemphasize ko sa pagkakasabi ko kay DOC, bwahaha! Ano ka ngayon Chi?! ;P

“Naku hijo, masyadong madaming naadmit dito na mga baliw na namatay na, bakit ba?”

“Doc, pede po bang makita ang mga picture ng mga sinasabi niyong dedo na?! ^___^” and of course, don’t forget to SMILE NEON, SMILE! ^___^

Si Chi naman siniringan lang ako. BWAHAHAHA! Malay ba natin tama ako, nandito sa MENTAL yung katawang lupa ni Chi! E di pag nagkataon mahahanap ko na yung Girl of My Dreams ko and HOLA, say GOODBYE to Chi na! ;P

“Kailangang kailangan niyo na ba mga bata? Kailangan kasi may permit muna kayo sa aming head bago namin kayo pahintulutang makita ang mga files na gusto niyong makita” ngek? GANUN?!

May PERMIT PERMIT pang nalalaman?!

“Nako doc… Pede po bang patingin na lang kahit walang permit permit, nagbabakasakali po kasi kami nitong KAPATID ko (tingin kay Chi sabay sipa sa paa) na dito napaadmit ang aming nawawalang INA, balita ho kasi namin, namatay na siya! T^T *insert dramatic face*HAHAHA! BEST ACTOR! ;D At naging kapatid ko pa si Chi ng wala sa oras?! ;D I’m so GREAT!

Medyo napa SAD face naman si DOC! Oha! Pang OSCAR na ako ngayon! HAHAHA ;D

“Kawawa naman kayo mga bata, sige saglit lang, kukunin ko lang ang mga Files” at umalis na si Doc sa harapan namin! Yeaboy!!! Don’t forget to smile NEON!!! ^_____^

“Oi, ano namang padali yun?! Kelan mo pa ako naging kapatid?!!!” si Chi yan

“Basta, makiride ka na lang!” aangal pa! di naapreciate ang acting ko! HAHAHAHA ;D

“Ok human -____- Sabi mo e”

Maya-maya pa dumating na ulit yung doctor, may dalang MGA folder, as in MGA, ang dami! Hanep, grabe

“Ito na mga bata yung Files, nawa’y mahanap niyo ang inyong namayapang ina” saka ibinigay sa amin nung doctor yung mga files

“Sige mga bata, maiwan ko muna kayo, magchecheck lang ako ng mga pasyente”

“Sige po doc, salamat po!” at tuluyan ng lumabas yung doctor, it’s time to make hanap the katawang lupa ni Chi na!!!

“O yan, yan lahat ng Files, tingnan mo mga hitsura ng mga yan, baka sakaling makita at matandaan mo yung pagmumukha mo ok?” saka ko ibinigay kay Chi lahat ng Files, nawa’y mahanap na niya ang kaniyang katawang lupa ng makita ko na ang Girl of My Dreams ko!

“Ang dami!” reklamo pa siya niyan, anong gusto niya tulungan ko pa siya? E ni ako nga, di ko alam hitsura niya!

“Kaya mo yan! Geh, tutulog muna ako ha! Gisingin mo na lang ako pagtapos ka na! HAHAHA” saka ako humiga dun sa sofa dun sa may office nung doctor, bale anong oras na ba?

10:00am na pala, maaga pa! Makatulog muna! ;D

***

Nandito na naman ako sa isang lugar na hindi ko alam

May tumatawag sa pangalan ko, isang babae

“Neon! ^_^” siya yan

May hawak siyang bulaklak, naka dress siya.

Hindi ko maaninag yung mukha niya, masyadong maliwanag

Palagi na lang ganito

Lumalapit siya sakin pero this time, she moves closer to me enough for my eyes to see her face…

I can see her face, she has a very dazzling skin complexion and her eyes are adorable

She has a beautiful long hair with curls in its end, she has a very red kissable lips

Enough word to describe her, AMAZING, her beauty is STUNNING.

Now, I have seen the face of this Girl of My Dreams.

She smiled at me, how I love those smile…

“Human” may napapakinggan akong boses

“Oi human!” meron talaga, naalimpungatan ako, nakita ko si Chi, nakatingin sakin

“Human! Gisiiiiiiing na!!!” saka niya ako inalog dahilan ng pagkagising ko! (>O<) kaw kaya, alugin!

“ANO?! Psssh =___=” Inaantok pa ko e!

“Tapos na ako! ^______^” sabi niya sabay smile, what’s with her smile? Parang may katulad?

“Oh ano? Nakita mo?” saka ako bumangon sa pagkakahiga ko sa sofa

Nakasmile pa din si Chi, ngeee? Teka, siguro nakita niya?! O.o

SAKTO! Nakita ko na din mukha nung Girl of My Dreams ko!!! Tamang tama!!!

Kung sakaling nakita na niya meaning, makakalayas na siya sa buhay ko, makakatawid na ng langit at mahahanap ko na ang girl of my dreams ko! BWAHAHA! Ang galing mo talaga NEON! ;D

“ANO?! Nakita mo na?! NAKITA MO NA?! ^______^” di ko mapigilang di mapangiti!naeexcite ako sa isasagot niya! ^____^

“Huh? Bakit ka nakasmile? Yun na nga e. NEGATIVE! HAHAHA! Di ko nakita katawan ko! ^________^” huh? ANO DAW?! (?_______?) PAKIULIT?!

“Huy! Sabi ko, di ko nakita! Hahaha! ^______^” Masaya pa siya niyan, ok, hindi daw niya nakita…

=______=

(?______?)

O_______O

“WHAAAAAAAAAAT?!!! E bakit ang saya-saya mo?!!! >___< Akala ko pa naman nakita mo na!!!” akala ko talaga nakita na niya! At if ever na nakita na niya, mahahanap ko na yung girl of my dreams ko!!!

“Eh kasi naman! Nasabi ko na sa’yo diba?! HINDI AKO GALING MENTAL! HAHAHA! ^_____^” ngek?! GANUN?! Kaya siya Masaya kasi hindi daw nga pala siya galing mental! =_______= OK! >_____< E di NEGATIVE nga! Akala ko pa naman maaalis na sa buhay ko ang pesteng Chi na ‘to! Di pa pala! >____<

“Ok Psssh” disappointed ako, akala ko talaga mahahanap ko na ang girl of my dreams ko! Hindi pa pala (>O<)

“Tara” saka ako lumabas ng nanlulumo

Kung kelan nakita ko na ang mukha ng girl of my dreams ko, kung kelan handa ko ng makita ang babae sa panaginip ko saka naman may ganito, may HADLANG sa mga plano ko! TT___TT

“Oi! Human, bakit malungkot ka? (*’,’*)” si Chi yan, humahabol sakin

“Wala” wala, wala! Psssh

“Bakit nga? Dali na”

“Wala nga sabi”

“Dali na! May problema ka ba? (*’m’*)”

“Wala”

“Wala daw? Sige na! Sabihin mo na, malay mo matulungan kita”

Huh? Ano daw?

Ano yung last line?

‘malay mo matulungan kita’

HUH? O.o

*insert light bulb sa ulo ni Neon*

*TING!*

TAMA!!! ^______^

“Kung sasabihin ko sa’yo? Tutulungan mo ‘ko?!” ako yan, desperado na talaga!

“Sige ba! Basta madali lang ha”

“Ok, listen Chi, what’s my problem? I need to find the girl of my dreams!”

“Huh? Girl of my dreams? (?___?)”

“Ganito kasi yun e! Kaya galit na galit ako sa’yo kanina, nananaginip kasi ako nun! I’m dreaming of this girl of my dreams then suddenly nung makikita ko na siya, yung mukha niya, sakto naman, ginising mo ako! Kaya ayun, I got mad, di ko nakita mukha niya” kailangang iexplain one by one, malay natin, matulungan ako ng hindi tao, hindi anghel, hindi multong nilalang na ito, HAHAHA

“Tapos?”

“Tapos, diba nakatulog ulit ako kanina, nakita ko na yung mukha niya! Ang ganda niya! Gusto ko na siyang makita kaso”

“Kaso?”

“Kaso… Hindi pa pwede…” Oo hindi pa pwede, nandiyan ka pa kasi Chi. =______=

“Hindi pwede?! Bakit?!”

“Siyempre! Tutulungan muna kita bago ko siya hanapin, pag nakita na natin katawan mo, saka ko na lang hahanapin yung girl of my dreams ko” teka, akala ko ba nahingi akong tulong?! LABO! -_____-

“Ganun ba?”

“Oo, ganun nga”

Natahimik kami parehas

Girl of My Dreams, makakapaghintay ka naman diba?

Tutulungan ko muna si Chi bago kita hanapin

Silence has invaded the spaces between us. Ansaveeeh?!

“Gusto mo tulungan kita” hindi yan tanong, parang she’s claiming that she’ll help me

“Huh?”

“Human listen, help me, I’ll help you, it’s like, pede naman nating pagsabayin yung paghahanap sa katawan ko at sa girl of my dreams mo diba?”

“Ah, o-oo, oo” oo nga naman, we can search them both at the same time

“Then let’s help each other, tulungan tayo, help me find my body and I’ll help you find the girl of your dreams”

“Ta-talaga?” teka, bakit parang bumabait ‘tong si Chi? What’s happening on earth?

“Oo nga! ^______^” saka siya ngumiti ulit, yung ngiti niya, parang nakita ko na dati

Urgh, Chi! Pinapag-isip mo pa ako e. Psssh. -_______-

***

Third Person’s POV aka Lalishka’s POV

[Narration]

After that, dumiretso ng mall sina Neon at Chi, hindi sila magdedate, maggogrocery lang sila at wala na daw kasing laman ang pinakamamahal na REP ni Neon

Nakarating na silang mall, hindi naman sa bano si Chi pero para daw kasing miss na miss ni Chi ang magpunta sa mall

Pasok sa bawat boutique, tingin ng kung anu-ano, lumalabas ang katauhan ni Chi

Si Chi, sa pagkakaconclude ni Neon, mahilig magshopping, napag-isipan niyan siguro mayaman ang naturang nilalang

Binilhan na din ni Neon si Chi ng mga damit sa mall, pumasok sila sa isang boutique

Dali-daling pumili si Chi ng mga damit, siyempre, si Neon ang magbabayad

Habang pumipili si Chi may nakitang babae si Neon

Si “Girl of my Dreams”

“Chi! Saglit lang ah” nagpaalam si Neon kay Chi, umoo na lang si Chi

“Miss! Miss, sandali!” dalidaling hinabol ni Neon yung babae

Napatigil yung babae, napalingon siya kay Neon

Hindi nagkakamali si Neon, siya nga. Siya nga ang babae sa kanyang panaginip

“Miss” nahihingal pa si Neon, hindi siya makapaniwala, ang babaeng kailan lang na nasa panaginip niya ay nasa harapan na niya ngayon

“Huh? Bakit?” sagot ng babae, tinitigan ito ni Neon, hindi siya pwedeng magkamali, ito nga ang babae sa panaginip niya

“Ah, miss, anong pangalan mo?” diretsahang tanong ni Neon

“Bakit?” napatanong naman ang babae, nagtataka ito kung bakit agad-agad ay tinanong ni Neon ang kanyang pangalan

“Miss, anong pangalan mo?!” hindi galit si Neon, gusto lang talaga niyang malaman ang pangalan ng babae sa panaginip niya

“Ca---camille, ako si Camille” sa di malamang dahilan, ibinigay ng babae ang kanyang pangalan

“Ah ganun ba---“ hindi na natapos ni Neon ang sasabihin niya, bigla siyang tinawag ni Chi

“Human! *u* Tapos na ako pumiliiii!!!” agad naman napalingon si Neon kay Chi

“Sandali!” saka ulit lumingon si Neon sa babaeng kaharap niya pero pagharap niya, wala na ang babae, nakaalis na siguro

“Camille” yan na lang ang nasambit ni Neon matapos mawala ng babae, sa wakas, alam na niya ang pangalan ng babae sa kanyang panaginip, Camille pala

Dalidali siyang nagpunta sa kinaroroonan ni Chi, binayadan na nila ang kanilang pinamili at saka umuwi

…to be continued

A/N: HAHA! Napakatagalog na narration, naubusan ako ng dugo sa kuko! XDD

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top