Chapter 10
Neon's POV
"Bayadan mo na lang yung remaining balance diyan ha" si kuya yan, kausap ko siya over the line
"Oo na kuya, sige na, bye" saka ako naghang up
Nandito ako ngayon sa ospital, babayadan ko yung remaining balance nung naconfine dito yung pinsan kong si Vana at yung pamangkin ni Ate Camella na si Xanxan.
Sina kuya, nasa China na.
Halos isang buwan na mula nung nakaalis sila.
"Mr. Corpuz, P9880.00 po yung remaining balance nyo" sabi sakin nung kahera
Inabot ko yung atm ko
"Kunin niyo na po diyan lahat" sabi ko sa kanya
"Miss, may nakita daw bang necklace sa room 307?" familiar voice, napalingon ako sa may kanan ko
Napatingin siya sakin
Bakit ganito ang pakiramdam ko?
Hindi ba dapat, masaya ako?
"Ma'am, itatanong daw po dun sa janitor na naglinis nung kwarto, wait lang"
Umoo siya dun sa kausap niya saka siya napatingin sa may gawi ko
"Uy" siya yan, si Girl of My Dreams, si Camille.
"Ahhh hi" hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung bakit pero dati rati gustong gusto kong kausap si Camille, ang aking girl of my dreams
Pero ngayon, parang iba na
"Anong ginagawa mo dito? Di pa din ba nakakalabas yung dinadalaw mo?" tanong niya sakin
"Ah, hindi, nakalabas na yung pinsan ko, matagal na, ikaw? Yung dinadalaw mo dito?" tanong ko sa kanya
"Nakalabas na din yung dinadalaw ko dito, matagal na, mga mag 1 month na din, miracle nga, we can't believe, nag 50-50 na siya then suddenly, parang magic, bigla na lang naging ok, even the doctors here, they were amazed" siya yan, kita mo sa mukha niyang masaya siya
"Good for you, eh anong ginagawa mo dito?" kung nakalabas na naman pala yung dinadalaw niya dito, bakit siya nandito?
Pinagtatagpo ba kami ng tadhana o ano?
Hoy destiny, alam kong mali pero, parang iba na ang nararamdaman ko kay Girl of My Dreams.
Iba na talaga.
"Ah, may hinahanap akong necklace, baka naiwan dito" siya yan, di pa din matanggal ang glow sa mukha niya
Kung gaano kasaya ang nararamdaman niya, ganun ako kahindi
Hanggang ngayon kasi, naalala ko pa din siya
"Mr. Corpuz, ok na po, pakipirmahan na lang po nitong slip" saka ko pinirmahan yung binigay nung kahera
"Ms. Llaves, nakausap na daw po yung janitor, wala naman daw pong nakita, kung gusto niyo daw po, puntahan niyo na lang daw po yung room 307 para macheck" sabi nung teller kay Camille
"Sige po, puntahan ko na lang po" talagang gusto niya talagang mahanap yung necklace ba yun?
"Thank you Mr. Corpuz" saka ko inismilan yung kahera, sakto namang aalis si Camille
"Huy, samahan na kita!" habol ko sa kanya, gusto ko lang siyang samahan, wala din naman akong pupuntahan
Sino pang pupuntahan ko?
Yung kapatid ko nasa China kasama ng asawa niya, si Papa naman nasa France, yung mommy ko naman, wala na
At si ano..
Si---
Si Chi, wala na din
"Ha? Sige, kaw bahala" saka ako sumabay ng paglalakad sa kanya
"San mo ba hahanapin yung necklace ba yun?" tanong ko sa kanya
"Third Floor, room 307" siya yan, naglalakad lang kami sa stairs, ewan ko, may elevator naman, exercise?
"Talagang mahalaga sayo yung kwintas na yun noh? Kung tutuusin, pede ka na lang nga bumili ng bago" naglalakad lang kami papunta dun sa room na sinasabi niya
"Yung kwintas na yun, mahalaga talaga yun, iba ang value ng mga bagay na nakasanayan mo ng nandiyan kesa sa mga bagay na bago pa lang, diba?" napaisip naman ako sa mga sinabi niya
May naalala ako
"Oo, iba ang halaga ng mga bagay na nakasanayan mo na kaysa sa mga bagay na bago palang" relate much ako
"Kaya nga hindi ako makabili ng basta basta na necklace, may sentimental value kasi yun, saka sa kapatid ko yun"
"Ha? May kapatid ka pala?" napatanong naman ako sa kanya
"Oo, meron, ayan, malapit na tayo" di ko namalayan, nandito na pala kami sa third floor
Napatingin ako sa paligid.
Itong floor na 'to.
May bigla akong naalala.
Hinanap ko siya kasi basta basta na lang siya nawawala. Si Chi talaga.
Nakita ko siya sa third floor, nakatayo sa may pinto ng isang room.
Tatawagin ko na sana siya pero hindi ko nagawa, nakita ko kasing may pumatak sa mata ni Chi.
May pumatak na luha.
Nagtago na lang ako dun sa may halaman na nasa third floor. Kita ko pa din si Chi pero bigla siyang tumakbo palayo nung makita niyang magbubukas yung pinto nung kwartong sinisilipan niya.
Nagulat ako nung makita ko kung sinong lumabas sa pinto.
"Huy, Neon, natutula ka na lang bigla, nandito na tayo" bigla akong natauhan, nasa tapat na kami ng isang pinto
May window glass yung pinto, kita mo kung sinong nasa loob at base sa pagkakakita ko, walang nagooccupy nung room
Pumasok na kami ni Camille sa loob
"Feeling ko, nandito lang yun" si Camille yan, hinahanap niya yung kwintas
PInagmasdan kong mabuti yung kwarto.
Malaki, malawak at kulay...
May bigla na naman akong naalala
“Human! Human! May natatandaan ako pero konti lang” siya yan
“Talaga lang ha? Sige, ano?”
“Nung namatay ako, ang pagkakatanda ko, nasa isang kwarto ako!”
“Ok, tapos?” pinagsalita ko lang siya, atleast there, magkaclue man lang kami! Hirap kayang magsimula ng wala kang kaalam-alam!
“Yun lang! Nasa isa akong kwartong kulay puti!”
Isang kulay puti na kwarto.
Pero imposible naman, lahat naman siguro ng kulay ng kwarto ng ospital, kulay puti.
Pati nga sa mga morge, kulay puti.
Madaming kwarto na kulay puti.
"Ito! Nakita ko na Neon! Nandito nga yung kwintas!" si Camille yan, tuwang tuwa siya
"Yan yun?" napaturo naman ako sa kwintas na hawak niya
Yung kwintas kasi may pendant na wings.
"Oo, ito nga, ang cute noh?" di ko alam kung cute o ano, malay ko ba sa mga kwintas na pangbabae, umoo na lang ako
"Alam mo ba, nakakamiss din 'tong kwartong 'to" bigla bigla na lang siyang nagkwento, namimiss niya daw 'tong kwartong 'to, bakit naman kaya?
"Huh?" di ko alam ang sasbihin ko sa kanya
"Halos tatlong buwan din kasi kaming natigil dito"
"Tatlong buwan? Bakit ang tagal?" napatanong na ako
"Yung dinadalaw ko kasi dati diba, naconfine dito, three months siyang nakaconfine" ang tagal naman pala, buti na lang sina Vana at yung pamangkin ni Ate Camella, 3 days lang.
"Ano bang nangyari?" di ko mapigilang di magtanong
"Ako ang may kasalanan" bigla siyang tumamlay
"Huh? Panong ikaw?"
"Mahabang kwento, basta ako ang may kasalanan, tara na" saka niya ako niyaya palabas
Teka, pabitin 'to.
Naglakad na kami palabas nung kwartong yun.
"Huy ano nga?" nakakabitin kasi, biglang gusto kong malaman
"Chismoso" siya yan, eh ano ba, siya maguumpisa ng kwento tapos di niya tatapusin, labo!
"Ano nga kasi?" nagtanong lang ako
nagtanong ng nagtanong, paulit-ulit
hanggang sa tumigil siya
Di ko namalayan, nandito na pala kami sa garden ng ospital
Dito sa garden kung saan kami dati nagkausap.
"Ang kulit mo, sige na nga, ganito kasi yun" bigla siyang umupo dun sa may bench
"Nagsimula yung nung nagdecide sina Daddy na pag-aralin ako sa states. Dapat, sa states ako mag-aaral" inopen na niya
"Tapos?"
"Ayokong dun mag-aral, mas gusto ko dito, pero gusto nila dun kasi gusto nila may magasikaso ng business namin dun, eh ako ang panganay, ako ang magmamanage nun pag grumaduate ako, pag dun ako nagaral, dun na din ako magtatrabaho, nandun nga kasi ang business namin, di na ako makakauwi, madadalangan na akong umuwi, ayoko nun, nandito ang mga kaibigan ko" nakatingin lang siya sa ewan, ako naman, nakikinig lang
"Tapos ayun, pinipilit nila ako , eh ayoko nga diba? Sabi nga nila, wag mo ng pipilitin ang ayaw dahil madami yan dahilan at dati, ang dami kong dinahilan, ayoko talaga kasi" nakikinig lang ako
"Dumating sa point na, pinupwersa na nila ako,magimpake, ganito ganiyan, hindi pa din ako pumayag tapos yung kapatid ko" bigla siyang nagpause
"Anong meron sa kapatid mo?"
"Sabi niya, siya na lang daw"
"Tapos?"
"Pumayag sina daddy, naguilty ako, feeling ko kasi, ayaw din ng kapatid ko, nagparaya na lang siguro para sakin... tapos yun, dumating yung araw na aalis na siya"
"Tapos?"
"Super guilty ako, ninakaw ko yung happiness niya" may namumuo ng luha sa paligid ng mata niya, naku patay,
di ako makaimik, dapat pala di ko na lang pinkwento
"Inihatid namin siya sa airport, hiyang hiya ako sa kanya pero sabi niya, ok lang naman daw tapos ayun, umalis na yung plane na sinasakyan niya" pumatak na yung mga luha sa mata niya
"Kita namin yung plane mula sa sasakyan, hindi pa masyado nakakalayo yung plane..." natigilan siya
"At kita din namin yung plane nung magcrash" natigilan ako sa sinabi niya
Hindi ako makaimik, hindi din siya
Anong nangyari?
Gusto kong malaman
"Nagcrash yung plane? Eh diba nandun yung kapatid mo?" napatanong ako
"Oo, nandun nga" iyak na siya niyan, nako Neon, anong ginawa mo, minsan hindi din magandang maging chismoso
"Dali-daling bumaba sina daddy at mommy, pati ako bumaba din, pinuntahan namin yung plane, di pa naman siya kalayuan" nagpause siya, and she's sobbing, tinap ko siya sa likod
"Kita ko yung plane, nasusunog, sina mommy at daddy pilit nilalapitan yung plane pero di nila magawa... hanggang sa may dumating na yung bumbero at yung ambulansya, isa-isang nilabas yung mga pasahero" medyo kumakalma na siya sa pag-iyak
"Nakita ko yung kapatid ko, di ako nakagalaw, dapat ako yun, hindi siya" tumahan na din siya sa pagiyak
"At ayun nga, dinala siya dito sa ospital, three months siyang naconfine, guilty na guilty talaga ako, sabi ko pa nga sa sarili ko, magising lang siya, babawi talaga ako, magpapakabait akong ate sa kanya" bigla siyang napangiti
"And God didn't fail, pinagaling niya yung kapatid ko. He let us taste one of his miracles" bigla siyang tumayo
Mabuti naman kung ganun, gumaling naman pala yung kapatid niya.
"And that's the end of the story" bigla siyang nagsmile sakin
Tumayo na din ako
Ganun pala ang nangyari, now I know
"Nice suspense-happy ending story, pero atleast, gumaling yung kapatid mo... I never thought na kapatid mo pala yung naconfine diyan" hindi ko talaga akalain na kapatid niya yung naconfine, akala ko, lolo niya or what
"Oo nga, and yung promise ko sa sarili ko, I will never break that, magiging good ate na talaga ako" nakasmile lang siya sakin.
"Sige Neon, aalis na ako, nakapangako pa kasi ako sa kapatid ko, lalabas kami ngayon..." tumango na lang ako, magiging good ate na daw siya
"Sige, See you when I see you again" saka siya tumalikod
Naiwan akong magisa sa may bench, nakatayo lang ako
Biglang humangin ng malakas
Tama.
"See you when I see you again..."
"...Chi"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top