Chapter 1
"Gusto mo hatid na kita?"
"Talaga Neon?!" at saka kami umalis ng may ngiti sa labi itong babaeng kasama ko.
Para naihatid lang masayang masaya na siya? Ang babaw ng kaligayahan ng babaeng 'to grabe!
"Sige, hanggang dito na lang" saka ko ako nagpaalam sa kanya.
Hindi pa rin mapawi yung ngiti sa mukha niya.
Naglakad na ako palayo habang sisigaw sigaw pa rin siya.
"Ah, Neon!" tawag pa niya sa akin, napalingon naman ako, "Next time ulit ah!" tuwang tuwa siya habang kakaway-kaway sa akin.
Nginitian ko lang siya at muling tumalikod.
Anong next time? Last na 'to uy!
Napatingin ako sa aking relo. Sht. Mukhang natagalan ata ako. Kailangan ko ng magmadali, may tatagpuin pa akong isang chix
Bale yung babae kanina, isa lang naman sa mga chix ko. What else to expect? Marami ako no'n. At sa sobrang dami, hindi ko na mabilang pa.
"Hatid mo rin ako." bigla na lang may umiimik sa kung saan, guni-guni ko lang siguro yun.
"Huy! Hatid mo rin ako." may naririnig talaga ako.
"Psssst! Hatid mo rin ako!" napalingon na ako sa makulit na natawag sa akin.
Pagtingin ko, may isa palang babaeng nakasunod sakin
Teka, kelan pa siya dito?!
Nakaputi siyang dress. Maliit lang siya, siguro mga hanggang balikat ko lang.
Bilugan ang mata niya, hindi bagay sa sobrang kapal niyang kilay. May malalaking pimples at nagmumurang blackheads din siya sa mukha. Flat yung ang ilong niya, gano'n din ang kanyang dibdib.
To sum it up, hindi siya maganda.
"Miss anong trip mo? At sandali nga, sinusundan mo ba ako?"
"Ang dami mo namang tanong! Nagpapahatid lang naman po ako." Nginusuan niya ako na parang nagpapacute. Akala niya siguro ikinaganda niya 'yon.
Natawa na lang ako, nakahithit siguro 'to, "Bakit naman kita ihahatid? Bukod sa hindi naman kita kilala, hindi ka rin mukhang chix."
Muli ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. Napailing ako, not my type, and will never be.
Maglalakad na sana ako palayo nang muli siyang magsalita, "Ah! Hindi ako chix, isa akong 'chi'!" sabi niya na parang may light bulb na nagsindi sa ulo niya.
"Ako nga pala si Eba at isa akong chi at.. kailangan ko ng tulong mo!"
Napataas ang kilay ko. Ano bang pinagsasasabi niya, "Chi? Chumi ka na ng chumi. Tumabi ka na lang miss nakatulong ka pa. May pupuntahan pa kasi ako kaya chupi ka na."
"Kuya naman e! Sige na! Hatid mo ko! Kelangan ko nga kasi ng tulong mo!" pagpupumilit niya.
Nakahara siya sa daan, lintek na babae 'to, naiinis na 'ko ha. "Tumabi ka nga! Hindi kita kilala okay?! I don't talk to strangers!"
Sa halip na pakinggan ako ay pumikit siya saka huminga ng malalim.
"Ako si Eba, isa akong chi at kailangan ko ng tulong mo! Nice meeting you!" iniabot niya sa akin ang kanyang kanang kamay.
Psssh. Sino raw siya? Si Eba? Isang chi? May sayad ata 'to e? At, ano bang kailangan ng tulong ko?
"Ok, ako si Adan, hindi ako isang charity worker, makakaalis ka na." itinulak ko siya at natumba siya.
Alam kong bastos pero men naman kasi. Malelate na ako sa date ko sa totoo kong chix!
"KUYA NAMAN E!" nagsisisigaw siya dun sa likuran ko. Hindi ko siya nililingon. Bahala siya.
Siguro kung mukha siyang chix, kanina ko pa siyang naihatid.
E mukha namang siyang may sayad na ewan. Idagdag mo pang hindi rin siya kagandahan.
Patuloy lang ako naglakad papalayo kay Eba. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng lamig.
"KUYAAA! Hatid mo rin ako!" sisigaw sigaw pa rin siya doon sa likod.
Hindi ko pa rin siya nililingon, "Siraulo." sabi ko.
Napahawak ako sa magkabilang braso ko, grabe. Sobrang lamig na. Palakas na palakas ata yung hangin. May bagyo ba?
"KUYAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"
Hindi ko na napigilan, napalingon na ako! Takteng babae yun! Ang ingay!
Magsasalita na sana ako ng hindi maganda nang mapansin ko ang dalawang ipo ipong nakapaligid sa kanya. I was stuck frozen. What the hell?!
"Kapag hindi mo ako hinatid, liliparin ka ng wala sa oras!" banta niya sa akin habang lilipad lipad yung buhok niya sa harap ng mukha niya. Nagmukha tuloy siyang modern na sadako.
Kanina pa akong takbong takbo pero hindi pa rin ako makagalaw. Parang may pumipigil na kung ano sa aking mga paa.
Napalunok ako nang maglakad siya papalapit sa akin.
"Ok kuya. Listen to me." Medyo kumakalma na siya, pati yung hangin ganoon din. Fck, she really can control the wind.
"I need your help." Nakasunod lang yung ipo-ipo sa kanya habang papalapit siya sa akin.
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko, gusto ko ng tumakbo! Para talagang may napigil sa paa ko from running away. Malakas na pwersa pero hindi ko makita.
"I'm non-human, I came somewhere from heaven." pagpapatuloy niya.
"S-so you're an angel?" lakas loob kong tanong sa kanya.
"No, I am not an angel."
Palapit na siya ng palapit. I want to run but I can't. There really is something that's keeping me from moving.
God, naniniwala ako sa'yo. Tulungan mo ako. May mangkukulam sa harapan ko!
Nanginginig na ako, sht. She's coming! Ang lapit na niya.
"So ano ka pala?! Multo! Multong kayang kontrolin ang hangin?!" tanong ko.
Kung hindi siya tao, hindi siya anghel, e di isa na lang ang option. Isa siyang multo!
"I'm not a ghost." seryoso niyang sabi.
"E-e. Ano ka pala? Fck! Wag ka nga lumapit sa'kin."
"I told you, I'm a chi."
Hindi ko na alam ang gagawin ko, isang ruler na lang ang layo niya sa'kin.
"I'm non-human. I'm not an angel, neither a ghost. I'm a chi."
Ayan na naman yang chi na yan! Ano ba kasi yang chi na yan?!
"Sht. Ano ba kasi yang chi na yan?!" paglilinaw ko sa kanya.
Napataas ang kilay niya, "Hindi mo alam?"
"Hindi nga! Itatanong ko kung alam ko?" pilosopo kong sagot. She's freaking me.
"Well, listen to me human, chis are souls in purgatories that can't enter heaven. Chis are souls of humans with unfinished business as they died."
Sht. Ang labo. So kung di siya makapasok ng langit, malamang na demonyo sitmya! Pero teka, sabi niya kanina she came somewhere from heaven!
"At ako, isa akong chi, hindi naman sa we can't enter heaven. WE CAN ENTER HEAVEN unless..." napatigil siya
"Unless what?" nacurious naman ako, makakapasok naman pala 'to ng langit e may unless nga lang
"Unless we had finished our left businesses here" ah yun naman pala, medyo kumalma na din siya, nawala na din yung mga hangin na nakapalibot sa kanya, nawala na din ng konti yung takot ko.
"At ikaw tao! Tutulungan mo ako!" bigla naman ulit akong kinilabutan! Nababalutan na ulit siya ng hangin!
"Teka! Bakit ba kasi ako! Pede namang iba diba?!" di ko na mapigilang di sagutin 'tong babaeng 'to. Kahit natatakot ako kailangang magdemand! Bakit nga ba kasi ako pa?! Pede namang iba!
"Kasi ikaw yung sinasabi ni San Pedro na makakatulong sakin!"
"Ano?! Anong San Pedro ka diyan?! Kilala ako ni San Pedro?!!!" lalo akong kinilabutan! Tae, kilala daw ako ni San Pedro!
"Oo, diba... Ikaw si Neon Iron Corpuz, kapatid ni Xenon Iron Corpuz na anak ni Helium Iron Corpuz na kapatid ni Magnesium Iron Corpuz na anak ni Iron Corpuz. Pinsan mo sina Tungsten Iron Corpuz na kapatid ni Barium Iron Corpuz na kakambal ni Nickel Iron Corpuz na kapatid ni Lady Vanadium Corpuz. May pamangkin ka nga diba, si ano-si-" di ko na siya pinatapos! Takte, sugo nga siya ni SAN PEDRO!
"Si Zinc Iron Corpuz, oo na oo na! Panalo ka na! Naniniwala na ako! Ako na nga ang tutulong sa'yo! Pero paano naman kita tutulungan at ano naman yang unfinished business mo?!" napatanong na ako, ano ba yan!
Parang kanina lang, nakikipagdate ako sa isa sa mga chix ko, ang saya-saya ko pa nun tapos ngayon biglang nabalutan na ako ng takot! Biglang may tutulungan na akong isang CHI na ang pangalan ay Eba. PSSSH.
WHAT THE HELL IS HAPPENING ON EARTH?!
"Ah, ganito yan. Tulungan mo kong hanapin yung katawan ko"
"Ano? Anong katawan, e di ba yan yung katawan mo?!" tapos tinuro ko yung katawan niya
"Ah! ITO?! Hindi akin 'to! HINIRAM KO LANG 'TO!"
WHAAAT?! Meaning hindi niya katawan yung gamit niya ngayon?!
Lintek na chi 'to, sasanib na nga lang sa katawan ng tao sa pangit pa!
Kung sa mukhang chix sa sumanib e di ga't wala ng kung anu-ano! Tinulungan ko na siya ng kusa! Tsss.
"HUH?! E kaninong katawan pala yan?!"
"Ewan?! Malay? Pagbaba ko kasi dito sa lupa ito na yung katawan ko pero sa pagkakatanda ko bago ako naaksidente hindi ganito yung hitsura ko"
"Ngek? So ano palang hitsura mo? Paano natin makikita yung katawan mo?!"
"Kaya nga natin hahanapin e!"
"Teka, taga saan ka ba?! Baka mamaya taga malayong lugar ka pala tapos dito natin hahanapin yung katawan mo sa lugar namin!"
"Huh? Hindi ko alam, wala akong matandaan." huh?!
WHAT-THE-FCUK-IS-THAT!
"HINDI MO ALAM?! E bakit ang PANGALAN MO ALAM MO TAPOS LUGAR KUNG SAAN KA NAKATIRA HINDI MO ALAM?!"
"Ah! Yung pangalan ko? Bale, hindi ko nga din matandaan! Gawagawa ko lang yung EBA kanina! HAHAHA, ADAN!"
NGEK?! GANUN?!!!
"Hey, stop calling me ADAN! Di kita tulungan diyan e!"
"But you told me you're ADAN! Kung patayin kaya kita, maka 'hindi' ka kaya?!" at kinilabutan na naman ako, yung mga hangin kasi pumalibot na sa akin.
"Urgh! Fine! I'll help you so don't dare try killing me! Hindi ka makakapasok ng langit niyan! At isa pa, don't call me Adan, Eba! Psssh" I'm pissed, she threatened she'd kill me! FCUK! Kung ako may superpowers lang din nag TEKKEN na kami ng babaeng 'to!
"Sure thing human!" ayan, mas gusto ko pang tawagin niya akong 'human' kesa 'Adan'. So fcuking gay.
"Bukas na lang natin simulan yang paghahanap sa katawan mo kung sino ka mang tao ka OK?! Sa ngayon umuwi ka muna sa bahay niyo at ako'y uuwi din muna sa amin!"
"I told you I'm no longer human! I'm a chi now and a chi doesn't have house"
"So anong gusto mong palabasin? Sa'min ka pa matutulog?!"
"You can read minds?!"
"I don't read minds, I see through people. ;P" takteng babae 'to. sa amin pa nga makikitulog.
"Tara na nga! Baka mamaya, patayin mo pa ako kapag pinagtabuyan pa kita!" well, ok lang naman kung sa amin 'tong babaeng 'to matutulog, mag-isa lang naman ako sa bahay 'ko'. I'm living in a condotel.
Si Kuya Xenon kasi yung kapatid ko, may pamilya na. Yung tatay ko naman kasalukuyang nasa France, inaasikaso yung business namin. Yung mama ko naman wala na. So, mag-isa na lang talaga ako.
"Salamat! Mabait ka naman pala e!"
"Talaga" at nagsimula na kaming maglakad.
What's with this day?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top