Prologue
“Is something bothering you?”
Napabalikwas ako ng bangon nang makitang pumasok si Kuya sa kuwarto. Suminghap ako at inirapan siya.
“Kuya, hindi ka naman kumakatok, e!”
He didn’t even move an inch, may gana pa siyang sumandal sa pader at nakahalukipkip na pinanood akong nakaupo sa sariling kama.
“Ari, what’s your problem? Narito naman ako, you can tell me,” aniya.
Bumuntonghininga ako at napasandal sa headboard saka bumaling sa bintana. I felt my throat ran dry. “Baka may iba na agad siya,” I confessed. At kung mayroon, e, ano nga naman? Wala na akong karapatan!
“Sino?” tanong niya sa nanunuksong tinig.
I gritted my teeth and threw him daggers. “Parang ano ’to! Alis ka na nga lang kung mang-aasar ka lang!”
Nagpailing-iling siya at kinagat ang labi para pigilan ang nagbabadyang ngisi. Kumalas siya sa pagkakahalukipkip at naglakad palapit para umupo sa dulo ng aking kama.
“Alam kong masakit sa mata iyong makita mo siyang may kasamang iba—”
“Nang-aasar ka na naman. Kapag talaga ikaw ginantihan ko! Hindi masakit! We broke up na, okay?” asik ko.
Tumango siya, iniintindi ako. “But, Ari...”
Umiling ako. “Don’t bring it up, Kuya. Wala naman akong pake sa kaniya, wala na...” sabi ko na lang.
“Sure ka? Kaya pala pinuntahan mo kagabi? Iyan ba iyong walang may pake?”
“Kagabi iyon! Ngayon, wala na akong pake, p’wede ba?!” Inirapan ko siya. Nakipag-break na nga, e!
“Ariane, you’re being unreasonable,” seryosong sabi ni Kuya.
Napaahon ako. “Excuse me?!” Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ulit ako. “Palibhasa kasi ’di mo alam iyong pakiramdam! Wala ka kasing girlfriend kaya hindi mo ’to maranas-ranasan!”
“Aray, namemersonal ka na, ah? I’m just trying to console you, pero ikaw inaatake mo na ako,” sambit niya sa nagtatampong boses.
I ignored him.
“So, break na kayo?”
Minsan talaga sarap pektusan ng bwisit na ’to. “Hindi pa ba obvious?”
“Break na agad? He didn’t even cheat for as far as I know. He only lent a hand on someone who needed his help, mali ba ’yon?”
I just boredly looked at him.
“Ganiyan ka pala mag-isip... break na kayo kasi nagselos ka? That’s shallow.” Umiling siya. “Ang bata mo pa nga talaga. Mag-aral ka na lang nang mabuti. Pagbabawalan na kitang mag-boyfriend kung ganiyan ka ka-immature.”
Sa pagka-insulto ay sinipa ko na siya. “E, ’di kampihan mo iyang Jace na iyan, tutal kaibigan mo naman! Mas importante naman kasi sa ’yo iyong kaibigan kaysa sa kadugo. Anong klase kang kuya? Sinaktan iyong kapatid mo tapos kakampihan mo pa iyong nanakit? Wow, I’m so blessed having a brother,” sarkastikong saad ko.
Tinawanan pa ako!
“Immature, unreasonable, ano pang papuri ang gusto mong sabihin, Kuya? Sobrang thankful ko naman sa ’yo.”
He seemed having fun annoying me lalo na nang humiga na siya sa kama ko at mapanukso akong tiningnan. “Seriously, Ari? Hindi talaga kita maintindihan bakit ganiyan ang asal mo.”
“Talagang hindi mo maintindihan dahil wala ka naman sa puwesto ko, idiot.”
Hinampas niya ako sa binti. “Iyang bibig mo, pakainin kita ng sili riyan,” striktong aniya.
I only made a face.
“You know what? Nag-usap kami kagabi at base sa mga narinig ko... wala namang maling ginawa si Jace, ayaw mo bang matulungin ang boyfriend mo? Sabagay, mali rin siya sa parteng hindi ka niya sinabihan na kasama niya si Trinity sa party na iyon.”
Binanggit pa talaga.
Kumalma ako. “Kuya... hindi mo alam, e. Ilang beses nang nangyari. Lagi na lang kasing ganito, e, kung kailan nalaman ko na saka niya pa ako sasabihan. Nakakatuwa ba iyon?”
If they think I’m being unreasonable, then bahala sila. I will stand by my decision. Hay naku, Jace. Huwag ka na muna bumalik sa akin, talagang sasakalin kita kapag nakita kita ulit.
At talagang sinusubukan nga ako ng panahon, ha.
“Victoriane, please let’s talk.”
Inirapan ko siya. Bakit ba siya narito? Dapat banned na siya sa eskwelahang ito, ni hindi naman siya rito nag-aaral!
“Ayaw ko, ’di ba sabi ko huwag na tayong magkita? Nag-usap na tayo, ah!”
He sighed.
“But I wanna talk to you again... please?” he begged.
“Ayaw. Ko. Nga. Alin ba ang hindi mo maintindihan?” pagtataray ko, na-i-intimidate kasi sa kaniya.
He clicked his tongue and tried to lift my chin up, iniiwas ko naman iyon.
“Mag-usap ulit tayo, please? Are you busy?”
“Secret, bakit ko sasabihin sa ’yo?”
He chuckled and stepped forward towards me.
Namilog naman ang mata kong dinuro siya. “Huwag ka nga lumapit!”
“Hmm, I wonder why?” Ngayon ay panunuya na lang ang mayroon sa boses niya. Sinusubukan niya ba ako?
Taas noo akong tumingin sa kaniya. “Kasi ayaw na kitang makita?”
He licked his lower lip and stepped more until our bodies were almost touching. Sira talaga! Baka may makakita sa amin dito, mapunta pa ako ng prefect of discipline!
“I still want you,” aniya.
Natigilan ako ngunit hindi nagpahalata. “Alam ko.”
He heaved a sigh and rested his forehead on my shoulder. Akma akong gagalaw nang pigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking mga braso.
I twisted my lips and pushed him. Nagtagumpay naman ako na itulak siya. I wrinkled my nose. “Huwag ka lumapit, p’wede ba?”
Siyempre! Kahit naman sabihin kong ayaw ko na sa kaniya ay hindi ko pa rin naman maitatanggi na may epekto pa rin siya sa akin!
Childish na kung childish.
He smirked. “Hmm, bakit kaya? Siguro’y may nararamdaman ka pa rin sa akin, ’di ba? And once I go closer, you’ll feel spark and perhaps butterflies in your stomach, huh?”
I scoffed and hit him on his chest. “Kapal! Anong butterflies butterflies ang pinagsasabi mo, ha? Sakit ng ulo binibigay mo sa akin! At oo, may nararamdaman ako sa ’yo!”
Napangisi siya agad pero dahan-dahan iyong napawi nang marinig nito ang sunod na sinabi ko.
“Ramdam na ramdam ko iyong hinanakit at sama ng loob.” Ginagawa niya na lang yatang biro ang mga bagay na pinag-usapan namin kagabi.
Natahimik siya.
I clenched my jaw and wiped the unshed tears I was holding back. “Alam mo namang madali lang akong masaktan, e... kaya ayaw ko na. Pabalik-balik ka naman, nag-usap na t-tayo, ’di ba?” Nanginig ang boses ko.
I know it was shallow, but every person has a different pain tolerance. Kung sila matigas, at matagal masaktan puwes ako iba dahil kahit mababaw pa iyang bagay na iyan, iniiyakan ko, nasasaktan kaagad ako.
Sinubukan niya ulit akong lapitan pero tinaliman ko na siya ng tingin. “Sabi ni Kuya ay mag-aral na lang muna ako nang mabuti. Tama naman siya, I’m too young to handle a serious relationship kaya mag-break na tayo. Ikaw, mag-focus ka na rin sa course mo at huwag sa babae.”
“Pero...”
“Oo, mababaw ako kaya dapat naiintindihan mo kung bakit gusto ko makipaghiwalay. Break na tayo, ’di ba? Uulitin ko lang sakaling hindi mo narinig kagabi. Ang ayos ng usapan natin kagabi pagkatapos babalik ka ngayon na parang walang nangyari.”
He swallowed hard and looked down. “No...”
I rolled my eyes off. Paulit-ulit! “Let’s focus on ourselves, Jace. Let’s chase our dreams first, kasi if it’s true love hindi natin iyan dapat habulin dahil ibibigay iyan sa atin sa tamang panahon. Isipin mo na lang na hindi naman ako nakipaghiwalay dahil sa babae, nakikipaghiwalay ako kasi dapat unahin muna natin iyong mga bagay na dapat unahin. Hindi ka naman siguro nagmamadali?” Try to persuade him pa, Ariane. Nakakapagod.
Dahan-dahan siyang umiling, nakayuko pa rin. Tumango ako.
“Good, dapat lang. Hindi ka naman tatanda agad, p’wede mo ’kong hintayin o...” Napahinto ako nang mapansin ang kakaibang sinasabi.
Luh?
Napaangat tuloy siya ng tingin. “Hihintayin...” ulit niya sa mababang boses.
Umismid ako. “Huwag na, biro lang ’yon! Tutal, college ka naman na maghanap ka na lang...” Subukan mo lang.
Even with his bloodshot eyes, he still managed to chuckle. “Stop being so adorable when you’re breaking up with me... for the second time around.”
I pouted. “Fine. Break na tayo.”
He put his lips into thin line and looked away. “Hindi ko na yata mababago ang isip mo kahit anong pilit ko. Tell me, break up doesn’t mean finding another, right?”
Nagtaas ako ng kilay. “Ikaw bahala.”
His brows furrowed when he looked at me. “Seriously? We have to make a rules!”
“Bakit, tayo ba?”
“Rules as friends, then?”
Tumango na lang ako para manahimik na siya.
“No boyfriends, Victoriane.”
“Ang suwerte mo naman kung ikaw ang first and last ko!” singhal ko.
“Bakit, may balak ka bang maghanap? Akala ko ba study first?”
Sumimangot ako. “Oo na!”
He smiled. Bigla na lang siyang lumapit at walang pasabing hinalikan ang pisngi ko!
“Fine, for ourselves, right?” aniya nang matapos. Magsasalita pa sana ako kaso may dinugtong pa siya.
“Let’s focus on ourselves and goals, then. When the time comes and we accidentally meet each other half-way, will you please say hi?”
Tumango ako, bigla na lang nakaramdam ng lungkot.
“Okay. I won’t force you anymore.” He kissed my forehead and nose. “I’ll prove myself to you, Victoriane. Babalik ako nang may ibubuga na, babalik ako at mas mamahalin pa kita. Please, remember that.”
And just like that... he halfheartedly turned his back and walked away from me... voluntarily.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top