Epilogue
"Dito ka na mag-dinner, hijo. Magluluto ako ng masasarap na pagkain, tutal ay wala naman ang mga magulang mo! Kami na ang maghahanda!" Tita Auren exclaimed on the other line.
I chuckled. "Sure, Tita. I would love to. Thank you."
"Aasahan ko 'yan. Dito ka na dumiretso, ha, hihintayin ka namin," dagdag niya pa.
Tumango ako kahit hindi naman nakikita. "Opo. Nariyan ba si Victoriane?"
"Oo, karga-karga ang kapatid. Aalis na nga rin 'to mayamaya dahil gusto ka raw niya puntahan-"
"Ma! Sino 'yang kausap mo?" I heard Victoriane's sweet voice.
Napaayos ako ng upo sa swivel chair at mas naging attentive. I pursed my lips.
"Si Jace-"
"Sinabi mo na pupuntahan ko po siya? Bakit? Ano ba 'yan, e, 'di alam niya na," pagmamaktol nito.
Humalakhak ako. Ano'ng alam na, babe?
"Tita, can I talk to her?" singit ko.
"O, sige, sige! Teka!" I then heard unnecessary noise before it went stable.
"Hmm?"
Napangisi ako. I leaned on my chair and played with my lips while my phone's on my ear. "Miss you, babe," sabi ko.
She giggled. "Clingy 'to! Miss agad, e, nagkita naman tayo kahapon, ah."
I arched a brow. "Even so. Anyway, I still haven't received any greetings from you," malamig na wika ko, siyempre kunwari lang.
She cleared her throat. "I greeted you early in the morning! E, baka nakalimutan mo?"
I chuckled. "Right, I remember that one, but I still wanna hear it. Text lang kaya 'yon."
"Fine! Happy birthday, love you so much!"
I twisted my lips. Damn this girl. How could she make me speechless by just saying those magic words?
I sighed. "Shit, pupunta kaagad ako riyan pagkatapos na pagkatapos ko rito," sabi ko at inipit na ang cell phone sa balikat at tainga para unti-unti nang ligpitin ang mga documents na ikinalat ko rito sa loob ng office ni Papa.
She giggled. "Tapusin mo iyan, Jace. Take your OJT seriously."
I nodded, still compiling those papers. "Yes, ma'am. For you. Always."
Today's my birthday yet my parents can't arrive earlier than planned. May business trip sila sa ibang bansa noong nakaraang araw pa, at ngayon din ang uwi nila kaya lang na-delay ang flight kaya paniguradong gabing-gabi na sila makakarating.
It's fine though. Importante iyon, and them not making it on my birthday was nothing. Ayos lang, I have her.
Nasa parking pa lang ako at balak nang umalis nang may biglang nagtakip ng mata ko galing sa likod. Bibigwasan ko na sana dahil sa gulat kung hindi ko lang napamilyaran ang bango.
"Guess who," malambing niyang bulong.
I chuckled and turned around. Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya sa mata ko at nang makita siya ay nagkatinginan kami. "Victoriane."
I smirked and crouched for a soft kiss. Her eyes widened and pushed me a bit.
Nagtaas ako ng kilay.
"Shet ka! Baka mamaya may makakita sa atin!" mariin niyang bulong sabay kurot sa tagiliran ko.
"Aw!"
Humalukipkip siya at sinimangutan ako. I pulled her closer for an embrace. Nasa gilid kami ng sasakyan at nagyayakapan.
Natawa ako nang amuyin niya ang damit ko. "Bigyan mo nga 'ko ng mga used clothes mo, nakakaadik iyong amoy, e. Sisinghutin ko na lang kapag boring ako at kapag wala ka," she said weirdly.
Humagalpak na ako sa tawa at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya. "My weirdo."
"Hindi, ah. Seryoso ako."
"That's gross." I even gave her a disgusted look.
Kinurot niya ang pisngi ko. "Hindi kaya!"
"Don't worry when the right time comes, you won't need to smell my clothes. Ako na mismo aamuyin mo, araw-araw, gabi-gabi," tugon ko, unti-unting hininaan ang boses sa huling pangugusap.
She frowned. I laughed and wrapped my arms around her. "Kidding, pero talagang totoo."
"IS IT TRUE, Samiel? Na nag-transfer na ang anak na babae ni Auren?" tanong ni Mama nang maghapunan kami isang araw.
I stopped chewing my food, thinking what they are talking about.
"Yes po, hindi ko nga alam na kapatid pala siya ni Zian." He was smiling. Nangunot ang noo ko.
"What's her name?" I asked out of curiosity.
"Bakit? You're thinking of dating once you meet her?" si Papa.
Umismid ako. I was just asking, iyon agad ang sinabi?
"Papa, nagtatanong lang."
"What's her name nga pala, Sam?" si Mama ulit.
"Anella Reistre," he answered.
Anella Reistre. Sounds angelic.
"She was from Delaria High, wasn't she?" Papa added.
Tingnan mo nga naman. Kanina inuusisa ako, tapos ngayon nagtatanong din pala.
Sam nodded.
Nanliliit ang mata ko habang nakatingin sa plato. Anella. Hmm.
Nag angat ako ng tingin at napansing nakatingin na silang tatlo sa akin.
I raised a brow. "O? Wala naman akong gagawin, kung makatingin naman kayo."
Tomorrow morning, I planned to visit Clark to see Chesca... well, actually... I was curious who's that Anella.
"Kuya Shan, I have something... you know..." palusot ko sa guard para payagan niya akong pumasok.
"Susmaryosep! Prama naman, sino na naman pupuntahan mo? Iyong bago?!" Ngumisi siya nang nakakaloko.
"Grabe ka naman, hindi na ba ako puwedeng magbago? Hindi naman porke't sanay ka lang na puro ako babae, hindi na ako puwede magbago." I shrugged. "Pupuntahan ko lang kapatid ko," palusot ko pa ulit.
Ilang segundo ko pa siya kinumbinsi bago niya ako papasukin. I was a student here before kaya marami na rin akong mga kakilala.
"Si Jace Bryan?"
"Sayang at graduated na siya, ano? Nabawasan ng guwapo."
Siyempre kunwari unbothered kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok sa cafeteria. When I saw Zian and Sam at their usual table, I immediately walked towards them.
"Bro -" Before I could even finish my sentence, Archie showed up.
"Jace! Punta lang ako ng banyo! Puwedeng patulungan naman si Anella roon sa counter? Please!"
Hindi pa man ako nakakapagsalita ay nagmadali na siyang umalis at iniwan akong hindi pa nakaka-recover.
"Ako na lang ang pupunta kay Ella," si Sam.
Kumunot kaagad ang noo ko. Ako iyong binilinan kaya ako dapat! Pabida naman 'to.
"Ako na," I volunteered. "Ano ba itsura?"
Napansin ko ang tingin ni Zian sa akin kaya siya ang hinarap ko para pagtanungan.
"The girl who has a short and wavy hair, Jace. Maganda. Cute," he described like he knew her well.
Tumango na lang ako at umalis na.
Short and wavy hair. Ito na yata iyon.
"Miss, ako na ang magdadala sa table nila."
Kinuha ko ang order niya nang napansin kong hindi pa rin siya lumilingon sa akin. Kinabahan ako saglit kaya naman iniwan ko na lang siya at dumiretso na sa table nila Zian.
"Who are you?"
The moment I shifted my gaze to the innocent-yet-hot-looking girl sitting in front of me, everything went in slow motion.
Ang cliché, pero totoo. We're not in a some sort of romantic movie but... why the heck?
"Ari..." Zian called her.
Ari? I'm confused. She's Anella, Ella, and now, Ari?
"What, Kuya?"
Damn it. Kuya! She called her kuya! Halos sapakin ko ang sarili nang makalimutan ang maliit na detalyeng iyon. Right, she's Zian's sister!
I secretly looked at her identification card.
Reistre, Anella Victoriane G.
I let out a sigh. Ang ganda, sarap dugtungan ng apelyido ko.
But wait...
Victoriane?
Nag-isip ako nang mabuti tungkol sa pangalan na iyon bago may natanto. Yet, I didn't conclude easily. Baka pareho lang ng pangalan noong lagi kong ka-chat dati.
Nang sumunod na araw ay pumunta ulit ako sa Clark, pero bago pa ako makaalis ay inusisa ako ni Mama at Papa habang nag-aalmusal kami.
Nanliliit ang mata ang ipinukol ni Mama sa akin. "At saan ka naman pupunta?"
"Sa Clark," sagot ko.
"Ano'ng gagawin mo roon?" si Papa habang umiinom ng kape.
"Gagala? Pupunta ako kay Samiel, Pa."
"Obsessed ka yata sa kapatid mo?" Mas lalong naningkit ang mata ni Mama. "O baka excuse lang iyan para..." Nagtaas siya ng kilay.
I cleared my throat. "I'm not hitting on Zian's sister, okay?" sabi ko, defensive.
Humalakhak si Papa. "Your mom didn't mention anything. Ayusin mo ang buhay mo, Jace. Baka mamaya sugurin tayo ng angkan niyan kapag nagloko ka."
Sumimangot ako. Heck, I won't do that to her! Takot ko lang sa pamilya niya, lalo na sa kaniya. She looks fragile and innocent. And I can't afford to see her hurt.
And the day came, nakumpirma kong iisa lang ang Victoriane na nakakausap ko sa personal at sa online noon.
It's funny to think how I play with girls before without falling, and suddenly liking a stranger who just left me hanging.
But then, I understood her reasons. At saka wala naman talagang kaso dapat kasi magkaibigan lang kami sa Internet at hindi niya naman responsibilidad na manatili hangga't gusto ko. Though, I'm happy for her. She used to tell me things before about her life and family. Masaya ako dahil magkakasama na ulit sila ng pamilya niya.
"Kayo na ba ni Chesca?" Shawn, one of my best friends, suddenly asked out of the blue.
My brows furrowed at the thought of being Chesca's boyfriend.
Sasaya sana ko kung si Victoriane. Inangkin ko na nga iyon noong ilang araw pa lang naming magkakilala.
"Hindi, and we'll never be one."
"Bakit? Wala ka na yatang babae, ah? I haven't heard anything these days. O baka naman hindi ka pa rin nakaka-move on hangga't hindi mo nami-meet iyong Internet friend mo? Damn, obsessed pussy. Tumigil ka na, baliw ka na talaga!" si Raze naman.
I bit my lower lip to stifle a grin. "How can I? Ngayon pa ba na... kilala ko na siya?"
Naibuga ni Raze ang iiniinom niyang beer. I took a glance at them sitting beside me while Shawn's jaw dropped.
"Seriously?"
"Yeah. It's confirmed. She's Zian's sister."
"What the hell?!" Shawn was still shocked.
I want the Victoriane Reistre, the real one. Iyong nahahawakan. Not the online friend. But both will still do. Nahulog naman n ako sa kaniya kahit hindi pa namin kilala ang isa't isa nang personal. Damn, whipped.
"Hmm... looks like you're in love, son." Mama caressed my hair.
I pursed my lips and faced her, so we could talk properly. Pumasok siya sa kuwarto ko para sabihin iyon lalo na nang nahuli niya akong ini-stalk ang Instagram account ni Victoriane. Bahala na. She'll meet her eventually.
"She's Victoriane." Sabay turo ko sa screen ng laptop ko.
"Yeah, I know her, of course." She smiled.
"No. I mean, she's Victoriane, the one I was talking about way back summer." Nasabi ko kay Mama iyon dati. Malapit kami sa isa't isa kaya alam niya rin ang pinaggagagawa ko.
Dati, nagtataka na siya dahil noong summer nasa bahay lang ako palagi, e, hindi naman daw ako ganito.
Her lips formed O when she realized what I meant.
"Oh! I remember her now, totoong siya at si Ariane ay iisa?!"
I nodded.
"I think, she really is the one for you! Finally you've already met!" She giggled.
I smiled while watching my mom. I love this woman so much.
"Himala yata at may balak ka nang magpatuloy sa kolehiyo?"
Narito naman kami ngayon sa backyard at nakaupo sa bench. Si Papa ay nasa tapat ko at umiinom ng tsaa na katabi ni Mama. Nakikitsismis na naman sila sa buhay ko.
"Inspired 'yan. Naku ipakilala mo na sa amin 'yang anak ni Roen, at nang mapasalamatan! Sa wakas at tuwid na ang direksyon sa buhay ng panganay kong anak!" halakhak ni Papa.
Sumimangot lang ako. Talagang mag-aaral naman talaga ako. Talagang gusto ko lang muna magpahinga bago mag-enrol, napaaga lang dahil gusto kong may mabuga ako kapag tunay ko nang aangkinin ang babae. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako mag-aaral, baka ma-turn off sa akin.
Para sa 'yo 'to, ma'am. Sagutin mo na ako, please.
Pagod ako pagdating sa bahay kaya dumiretso ako sa kuwarto at natulog. Nang mag-alas dos naman ay tumawag si Mama sa cell phone ko.
Inaantok kong sinagot ang tawag isang araw. "Jace, narito na ang daughter-in-law ko sa baba!" She giggled.
Namilog ang mata ko at mabilis na nag-ayos. Damn it! Oo nga pala! Ngayong araw sila mag-group study rito sa bahay namin!
Dumiretso ako sa dining area pagkababa. Nang makarating ako ay natagpuan ko sa lamesa sina Archie, Keiro, Zian, Sam, Trisha, Chesca... at wait! Where's mine?
"Where's Victoriane?"
Inginuso ni Zian ang nasa malapit na pintuan. Napabaling ako at nakita ang dalawang babaeng mahal ko.
I'm just watching her. The way she smile, laugh, blush and talk. When her eyes met mine, she immediately looked away. Ngumisi ako. Nahuhulog ka na yata sa akin, e. Dapat lang.
"How dare you to date her here?!" sigaw ko kay Sam nang malamang dinala niya ang girlfriend ko sa auction party.
"How dare you date that girl instead of her?" ganti niya.
I was about to say something, but nothing came out. I just realized he's right. I came with Trinity instead of asking her a date or join with me when my parents asked me.
Pinagsisihan ko kung bakit hindi ko kaagad sinabi sa kaniya ang tungkol kay Trinity simula pa lang. Akala ko kasi ayos lang or at least I'd just buy a time before telling her.
Trinity was a blocmate of mine. Ex siya ng kaibigan kong si Raze that's why the idea of her flirting me... make me wanna puke.
Ayaw ko sa kaniya dahil nilalandi niya ako, pero nang may araw na nakita kong puro siya pasa at nanghihingi ng tulong sa akin... I gave in. My conscience can't stomach if something happens to her.
But then... I can't stomach even more the thought of Victoriane breaking up with me.
I let myself drunk that night. I'm scared that when I talk to her again, she might lost in my arms and it did. That night when she left me broken. I decided to go home because I felt so lonely and devastated. Hindi ko na rin siya nagawang ihatid dahil ayaw niya. But still I pursued and convinced her not to break up with me... but still her decision was firm. Wala na akong magagawa kundi sundin ang gusto niya.
I called Zian and told him everything. Simula nang makilala ko si Trinity at ano ang naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang kapatid niya sa akin.
After that, pinaulanan niya ako ng mura that I found it unusual. Pero siguro, we do unusual things for our loved ones.
"Tarantado ka, Jace, kapag may nangyari sa kapatid ko talagang sasaktan kita," banta niya.
Yumuko ako at bumuntonghininga. "I'm sorry. Can you go out? Hindi ko siya naihatid, ayaw niya."
Minura niya pa ulit ako. "Hindi mo man lang nagawang ihatid, alam mong delikado!"
Hindi na ako nagsalita dahil kahit may rason pa ako, alam kong mali pa rin.
"Naiintindihan kita, Jace, pero kapatid ko iyon. Huwag ka munang magparamdam, hayaan mo muna siya."
I agreed in defeat.
"Ano'ng nangyari, anak?"
Suminghap ako at pinalis ang luhang lumandas sa pisngi nang makitang pumasok si Mama sa kuwarto ko. A day had passed since our break up.
I shook my head. "I... lost her."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Out of embarrassment, I hid my face on her shoulder.
"Why? What's wrong?" malamyos niyang tanong.
"It was all my fault... if only I could..." tell her earlier, none of this would happen.
Hinawakan ni Mama ang aking mukha at hinarap sa kaniya. "What did you do to her? Was it about this girl? Niloko mo ba siya? Why?"
I shook my head.
"What really happened?"
I told her everything. Right from the start when Trinity asked me for a lift until she broke up with me.
"Sorry to hear that, son. Also, sorry to tell you but it's really your fault. I mean, there's nothing wrong helping the girl, and I hate what she did, but Ariane is your girlfriend. You should've told her about that, and shouldn't be scared because you have nothing to be scared of. Don't keep things, mas okay na masaktan siya sa katotohanan kaysa naman pagtaguan mo ng sekreto para lang hindi siya maabala. I hope you learn, give her time."
After that, I lost interest in everything but when I remembered what she said that she wanted to be free, we were too young, and we should focus on our studies, Igot up on my knees and continued my life.
I hardly studiedmy ass off the past months she's no longer with me. My daily life was to wake up, go to university, study and vice versa.
Yes, I felt empty without her so I did my best to make her proud and ask her to come back when the right time comes. Kailangan kong mag-aral muna nang mabuti para may ipagmalaki sa kaniya.
Ayaw kong bumalik nang walang ibubuga. Dapat patunayan kong naging maayos at productive ako nang wala siya para ganahan siyang tanggapin ulit ako.
"Happy birthday, Jace!"
I chuckled in delight. "Maraming salamat po, Tito, Tita. Nag-abala pa kayo," sabi ko nang makarating kami sa bahay nila.
They had a surprise for me. Naroon sina Zian, Kent, Sam, at iyong dalawang babae. Marami pang pagkain at iba-ibang putahe ang nakahanda sa hapag nang makapasok kami sa dining room.
"Unahin mo 'to, gawa ko 'to!" Victoriane proudly pointed at the dish. Kinuha niya na lang ang chicken curry at nilagyan ang plato ko.
She beamed at me.
Tinikman ko ang luto niya bago ngumisi sa kaniya. "Sobrang sarap. Skilled chef," wika ko.
She flipped her hair. I laughed.
Nasa backyard na kami pagkatapos kumain. It was me and our circle of friends, chatting and drinking.
"Kanina ko pa talaga napapansin 'yon," bulong niya sa akin sabay nguso kay Zian na busy sa cell phone.
I smirked. "Busy iyan sa love life niya," bulong ko pabalik.
Nagtawanan kami kaya napalingon si Zian sa amin. He rolled his eyes at us, napansin yatang siya ang pinag-uusapan namin.
Nakiusyuso naman si Kent sa kaniya kaya binatukan ni Zian.
"Pero wala talaga kayo sa nakita ko!"
Here we go, narito na naman ang story-telling segment ni Archie. Natawa ako nang makita kong nakaangkla sa braso ni Chesca ang kamay niya. Tila takot iwanan ng huli.
"Ano ba nakita mo?" suri ni Sam.
Tumawa muna siya bago nagsimula. "Nakita ko wallpaper ni Kent, babae. Familiar, parang nakita ko na somewhere down the road-"
Hindi pa siya natatapos ay nilapitan na siya ni Kent at dinaganan bago takpan ang bibig. Napahiwalay tuloy siya sa pagkakakapit kay Chesca para itulak si Kent palayo.
"Delikado talaga iyong love life ninyo kay Archie," singit ni Zian kaya natigil ang dalawa.
Ngumisi si Archie na nakatingin na kay Zian.
I whistled.
"Ba't naman delikado, e, safe nga sa akin ang love life ninyo ni Audrey-"
Napuno na ng hiyawan ang lugar dahil sa sinabi ni Archie. Alam agad namin na napikon si Zian nang tumayo siya at tinalikuran kami.
"Hoy, madaya 'to! Balik dito! Pikones!"
Minura siya ni Zian at tuluyan nang umalis. "Matutulog na ako," pahabol niya pa.
"Asus, kunwaring matutulog, pero magda-drunk call talaga iyan," si Chesca naman.
Mas lalong nairita si Zian. "Siraulo, hindi! Hindi ako lasing, bobo!"
"E, 'di may katawagan ka pa rin!"
"Kuya, huwag ka na muna kasi umalis para hindi ka kantiyawan! Kunwari dapat hindi ka guilty!" si Victoriane sa tabi ko sabay yakap sa akin.
Kinabukasan ay gumala kami sa Greenhills. Kasalukuyan kaming nasa sinehan at pinanonood ang gusto niyang romantic movie. Nadala ako sa palabas kaya kung ano-ano na naman ang pumasok sa isip ko.
I took her hand and intertwined it with mine. Inihilig ko ang ulo sa balikat niya at bumulong. "Promise me..." I trailed off.
She craned her neck and arched a brow, anticipating for my sentence.
I pursed my lips. "You won't ever leave me... no matter what."
"Kahit 'di mo sabihin, gagawin ko pa rin."
"Talaga?"
"I love you... you are the only one can make me feel genuine and utmost happiness and contentment, only you. Kaya bakit ako aalis?"
"I love you more than you know." I chuckled and swiftly kissed her cheek.
She slowly nodded. "Sure."
When we become successful soon, I want to marry and have a family with her. I will love her over and over again.
I am not who I am right now without my inspiration. And it's her. I promise, I won't do the same mistake I did before, so that she won't get lost in my arms again.
Because...
She's my only light when my world comes dark.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top