Chapter 9
Chapter 9: Court
Ramdam ko ang bigat ng katawan ko nang gumising ako kinaumagahan.
Napalingon ako sa kabila nang tumunog ang aking cell phone sa sidetable kaya kinuha ko iyon at bahagya pang nanlaki ang mata ko sa nakita.
Mr. Playboy: Good morning! How was your sleep?
Ako: Morning. Fine.
Mr. Playboy: Get ready for school. See u later!
Ako: What?!
Naghintay pa ako ng reply niya ngunit walang dumating kaya naman bumangon na ako. Nakaramdam pa ako ng hilo, pero dumiretso pa rin ako sa banyo para maligo.
"Bye, Ma. I love you..."
Nang nakarating kami sa eskwelahan ay binati kaming dalawa ni Kuya Shan, ang school guard.
"Good morning, katropa!" Sumaludo si Kuya Shan sa aming dalawa, at nang napansin niyang hindi ako sumagot ay nangunot ang noo niya. "Tahimik yata?"
Nagkibit balikat ako. "Wala sa mood." Nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok.
"Kapag wala sa mood tahimik, dapat wala ka sa mood palagi!" pahabol ni Kuya Shan.
Naramdaman kong akbayan ako ni Kuya at dinungaw. "Ayos lang ba ang prinsesa na 'yan?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango.
"Kinikilig ka pa rin ba kay Jace? Namumula ka," pahayag niya sabay pindot sa pisngi ko.
Inirapan ko siya.
Nang nakarating kami sa room namin sa ay dumiretso kami ni Kuya sa aming upuan.
"Morning..."
"Okay ka lang, Ella? Nagblush ka pagkita mo sakin," aniya at ngumisi.
"Kapal mo." Umayos ako ng upo at humarap na lang sa unahan.
Kinalabit ako ni Archie kaya naman napabaling ako sa kanya.
Sinuway siya ni Kuya sa tabi ko. "'Wag mong kulitin, bad mood 'yan," si Kuya.
Ngunit hindi siya pinakinggan ni Archie, at kinulit pa ako. "Crush mo ba 'ko, Anella? Okay lang naman kung oo, 'di na rin naman bago sa akin iyong mga ganoon."
"You wish."
"I don't have to."
Bumaling ako sa kaniya. "Bakit naman?"
"Alam ko namang crush mo talaga ako, kinikilig ka pa nga sa 'kin, pulang-pula pisngi mo." Inabot niya ako at kinurot sa pisngi.
Hinampas ko ang kaniyang kamay. "Shut up!"
"Good morning, everyone!" Pumasok si Sir Payne at inilapag ang dalang bag sa teacher's table.
Binati namin siya pabalik.
"Anyway, we'll be having a visitor today."
"Para saan, Sir?" tanong noong kaklase kong babae.
"Namimilit kaya pumayag na ako, just ignore him later."
We nodded.
"Sino, Sir?"
"Daming tanong ni Trisha..." reklamo ni Sam sa kabilang gilid ko.
Nahihilo ako kaya tumungo muna ako sa aking armrest para mapahinga ang aking ulo. Feeling ko tuloy ay magkakalagnat ako.
Nangibabaw ang bulong-bulungan ng mga kaklase, pero nanatili akong nakatungo dahil masama ang aking pakiramdam para mag-angat pa.
"What the heck is he doing here?" bulong ng katabi ko.
Kinalabit ako ni Kuya kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at bumaling kay Kuya bago sa harapan.
Nakasuot ng itim na v-neck shirt, faded jeans at sneakers. Ang fresh niyang tingnan!
Napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa, tindig pa lang manloloko na!
"Miss Reistre!"
"Y-Yes, Sir?" Uminit ang aking pisngi dahil na sa akin na naman ang atensyon nila.
"Are you okay?" kaswal na tanong ni Sir habang si Jace ay nakatitig pa rin sa akin.
Tumango ako nang marahan.
Bumaling si Sir kay Jace na malaki ang ngisi at lumilitaw ang dimples. Si Jace ay may dimples sa magkabilaan, hindi man ganoong kalalim pero nahahalata naman 'pag ngumingiti siya.
"I'm Jace Prama..." Bumaling siya kay Sir. "Why do I even need to introduce myself, prof?" reklamo niya.
"Just do what I say, you forced me, face the consequences."
"Basta siya ang consequence ko, ha?" pahabol niya pa na rinig na rinig namin.
Lumaylay ang aking balikat nang kumuha siya ng upuan at inilagay iyon sa malapit sa pintuan kaya bahagya siyang nakaharap sa aming lahat.
"Let's start..."
Nagsimulang magdiscuss si Sir sa History habang ako nama'y nakatutok lang sa kaniya dahil ayokong masalubong ang tingin ni Jace dahil 'pag ganoon ay nangangatog ang aking tuhod.
"When was the Euro introduced as legal currency on the World Market?"
Nagtaas ng kamay 'yong Trisha at si Chesca.
"Yes, Miss Carlon?"
"1999, Sir."
"Okay! Very good!" Gumuhit sa ere si Sir ng malaking check.
"Who is the speaker of the famous speech, I Have A Dream?" tanong ni Sir.
"Yes, Mr. Prama?"
Bumaling kami kay Sam na nakataas ang kamay. "Excuse, Sir, but Ms. Reistre seems unwell."
"Wala ba siyang sariling bibig para siya ang magsalita?" Nangibabaw ang mataray na boses ni Chesca.
"Ang unwell sa Filipino kung hindi mo alam, Chesca, ay masama ang loob. Bobo ka ba?" sabat ni Archie.
Medyo naghagikhikan ang mga kaklase namin sa sinabi ni Archie.
"Mas bobo ka dahil masama ang pakiramdam sa English ang unwell, at hindi masama ang loob," sagot pabalik ni Chesca.
"E, 'di ikaw na superior," pang-iinis ni Archie.
"Tumigil nga kayong dalawa! Sige, Valderama dahil namumuro ka na sa 'kin ano'ng sagot?"
Naitikom ni Archie ang bibig bago tumayo, bahagya ko pang napansin ang lihim na pangangalabit niya Kuya. "Parekoy, tulong."
Siniko siya pabalik ni Kuya. "Martin Luther King," mahinang ani Kuya.
"Ano, Valderama?"
"Wait lang, Sir, nag-iisip pa ako," palusot ni Archie sabay kalabit ulit kay Kuya. "Ano? Coco Martin?"
Tumango na lang si Kuya sa kaniya atsaka binalingan ako. "May masakit ba sa 'yo?"
Hindi ko muna nasagot si Kuya nang nagsalita si Archie para magsalita. "Si Coco Martin yata, Sir?"
Laughters filled the four-walled room.
"Aba't —su-ma-sideline na pala si Coco Martin bilang speaker at hindi na artista? Bilib nga naman ako sa 'yo, Valderama!" sarkastikong ani Sir.
"Salamat, Sir. Sanay na ako sa mga papuri," mayabang na sagot ni Archie at umupo.
"Ari," pagtawag ni Kuya sa tabi ko.
"Wala namang masakit, Kuya. Medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko."
"Tara, I'll bring you to clinic."
"MS. KEISHA, she's feeling under the weather. Can you check her up?" ani Kuya nang dalhin na ako sa infirmary.
The nurse nodded. "Come in."
Tumango ako.
"Kuya, I will be okay, bumalik ka na-"
"Babalik din kaagad ako, kukuhanan lang kita ng pagkain. Wait for me here, alright?" Ginulo ni Kuya ang aking buhok at hinalikan ako sa tuktok ng ulo.
"Take a rest here first, okay? Nilalagnat ka, hintayin mo na lang iyong kasama mo kanina," bilin ni Ms. Keisha pagkatapos akong i-check.
Isinara ko ang kurtina bago humiga sa kama ng clinic at sinubukang matulog.
Nagising na lang ako nang may naramdamang haplos sa pisngi. Napadilat ako at ang unang nakita ay ang puting kisame.
Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa naalala na nasa clinic nga pala ako.
Tuluyan na akong lumingon sa kabilang direksyon nang napaatras kung sino ang nandoon.
Kaagad niyang inalis ang daliri na humahaplos sa pisngi ko bago ako nginisihan. "Feeling alright?"
Tumango ako at tuluyan na sanang babangon nang pinigilan niya ako.
Nagkatinginan kami.
Nagbaba ako sa kamay niyang nasa balikat ko bago ulit ibinalik sa kaniya.
"Huwag masyadong madikit. We're not close, remember?"
He pouted. "Okay..." boses nagtatampong aniya at itinanggal ang kamay.
"Stop that!"
Ngumuso pa siya lalo. "The what?"
"Nevermind. Where's my kuya?" tanong ko.
"Narito naman ako-"
"Alam ko, saan siya?"
"Pinatawag siya, and I also volunteered to look after you. Well, I forced him honestly."
Tinaasan ko siya ng kilay. "And why would you do that?"
Itinuko niya ang siko sa tuhod at pinagkatitigan ako.
Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
His eyes were too attractive that I can't help but to stare.
"Simple, because from now on... I will court you...whether you agree or not," seryoso niyang sabi.
Nalukot ang mukha ko. Imbis na kiligin ay inis lang ang naramdaman ko.
Whether I agree or not, really? Ano, wala akong karapatan sa buhay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top