Chapter 8

Chapter 8: Baby

Nagkayayaan kami ni Kuya na mag-swimming sa aming pool. Nagdala kami ng snack at juice na inilapag sa lamesa sa ilalim ng puno sa garden.

Nakasuot ako ng itim na swimsuit habang si Mama naman nakasuot lang ng dress at may dalang libro.

“Wanna join us, Ma?” yaya ko kay Mama na nnakauo.

“No, thanks. Dito lang ako nagbabasa pa ako ng novel, mag-enjoy na kayo,” sabi niya habang nakatuon parin sa binabasa.

Si Kuya ay topless, maganda naman ang katawan niya kaso hindi ko na kailangang idescribe dahil naaasiwa ako baka isipin pa niyang pinagpapantasiyahan ko siya! It’s a big no for me, hindi kami talo.

Nasa malayo si Kuya lumalangoy kaya tumalon na rin ako at lumangoy patungo sa kaniya. Nang umahon ako ay winisikan ko siya ng tubig sa mukha na kaagad niya ring ginantihan. 

“Tama na! Hindi na, Kuya!” sigaw ko habang tinatakpan ang mukha.

Tumigil rin naman si Kuya at umahon sa tubig para maupo sa poolside kaya gumaya na lang ako at umupo na sa tabi niya.

“Kuya, kumusta na sina Papa sa probinsya?” tanong ko.

Napataas ang kilay niya bago ngumisi. “You know, we lived in Tipolo for years, sa Casa Reistre with Papa, Tito Von, Kent, and Lolo...”

Tinabingi ko ang ulo para pagmasdan siya nang maayos. “Saan iyong mama ni Kent?”

“Yes, Tita Alex died when Kent was still eleven years old, may cancer siya. That's why Tito Von brought Kent in Casa Reistre. Habang nandoon kami ay kami ni Kent ang laging magkasama. They were always busy with their business, pinapalago nila ang mga ari-arian na naiwan ni Lola at ng pamilya nito. Businesses... real estate, maraming inaasikaso.”

Tumango ako.

“I met Samiel and Archie first. Kakilala at kaibigan din kasi ni Lolo kaya nakilala ko rin sila noon. Nasa Delaria ka pa lang ay nasa Clark High na ako, sa Egaro muna ako tumira noon, ewan medyo kabado ako. Si Mama lang nakakaalam no’n, pero huwag ka mag-alala noong nakaraang linggo lang naman iyon.”

Ang Egaro ay isang subdivision kung saan may bahay rin kami roon.

“At noong minsang naglakwatsa ako kanila Sam, doon ko naman nakilala si Jace, kuya niya.”

Napatigil ako, pero kaagad ding nagpatango-tango. “College na ba ‘yon?”

Tumango siya. “Kakagraduate lang no’n, college na siya kapag may balak pa siya mag-aral.”

Nagpatuloy siya sa pagkukuwento. 

I couldn’t help but to feel sad for him. He’s been in province for almost his life, maayos naman doon pero hindi pa rin naman maiiwasan na malungkot dahil nandito kami ni Mama.

Lola and Tita Alex—Kent’s mom— were already dead. Ang puntod nila ay nandoon lang din sa Casa Reistre.  

NATAPOS na kaming maligo at maghapunan kaya nagpaalam na ako sa kanila bago umakyat ng kwarto.

Hindi ko lubos maisip ang mga panahong wala si Kuya sa tabi namin. Masaya ako at narito ulit siya hindi ako makapaniwala sa mga kinuwento niya sa akin kanina.

Napabuntonghininga ako.

Ano pa kaya ang maaari kong malaman?

Nawala ako sa pag-iisip nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at nakitang nagtext si kuya.

Kuya Zian: Ari, open your ig acc for sure you'd be surprised.

Ako: Why? Ok.

Hindi na ako nireplyan ni Kuya kaya ginawa ko na lang ang sinabi niya.

Pagka-open ko pa lang ng Instagram account ko ay sumabog na ang notifications.

Pipindutin ko na sana ang notifications ko nang nakita ko ang username ni Jace sa feed. 

Ni-scroll ko ito at napansing hindi picture ngunit video, binasa ko muna ang caption.

@jacebryan
Sorry for being cheesy. Ate Marissa forced me to do this.

Sa video ay isang babae at si Jace na naka long-sleeve shirt hindi nakita ang buong katawan dahil kalahati lang ang nasa video.

May kausap siyang magandang babae sa video hindi ko alam kung sino pero may pinag-uusapan sila.

Kumakaway ang babae sa video at maya-maya pa ay ipinakita si Jace na tumatawa nang ilapit ito sa mukha niya.

Jace: First, I hope you don’t get mad once you watch this—

Girl: Faster! Give me the pictures!

May kinuha sa gilid ng table si Jace sa video habang ang babae naman ay nakangiti sa camera. May kinuha silang libro o scrap book ata. 

Ibinuklat at pinakita sa video ang laman ng scrap book nanigas ako sa kinahihigaan ko nang nakita ang mga larawan ko sa... scrap book!

Ni-pause ko muna ang video at huminga nang malalim. Kumalabog sa kaba ang aking dibdib.

Ni-play ko ulit ang video at pinanood ito nang mabuti.

Girl: She’s so beautiful! What’s her name Jace?

Jace: She’s Victoriane Reistre...

Girl: Is she your girlfriend?

Jace: Not yet...

Napapikit ako nang mariin sa napanood. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, mixed emotions kumbaga. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo nang kahapon nga lang ay magkasama sila ni Chesca tapos ngayon may mga pakulo pa siya? Idinamay pa ako.

I’ve never been with a guy like him, may mga nagkakagusto naman sa ‘kin, pero hindi kagaya niya na mataas ang confidence.

Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa kwarto ni Kuya na tapat lamang ng sa akin.

“Get in!” sigaw ni kuya nang kumatok ako galing sa labas.

Kaya naman pagkapasok ko ay kaagad akong humalukipkip at tinitigan siya nang mariin.

Ikinalas ko ang aking kamay at kinuha ang cellphone sa bulsa ng aking pajama at inihagis sa kanya. “Hibang ba ‘yang kaibigan mo, Kuya?”

Nakataas ang kilay niya sa akin bago kinuha at binuksan ang aking cellphone. Wari ko‘y pinanood niya ulit ang video na ni-upload ni Jace.

Nang natapos ito ay nag-angat siya ng tingin at sumipol.

Nagkibit balikat siya. “Nakita ko lang rin iyan, e. Try to ask him may number niya ako tsaka icheck mo ang notifications mo for sure-” pinutol ko siya.

“Ibigay mo sa akin ang number niya at nang masupalpal! Is he out of his mind?” pahisterya kong ani. 

Inirapan niya ako at inilahad sa akin ang aking cellphone. “Ayan na po, prinsesa.”

“Pagsabihan mo ‘yang kaibigan mo! ‘Wag niya akong madamay-damay sa kalokohan niya, Kuya! Kapatid kita dapat nga ay inilalayo mo ako sa panganib gaya ng lalaking ‘yon!”

Pumanhik na ako palabas at padabog na isinirado ang pinto ng kwarto niya.

Pumasok na ulit ako sa kwarto at humiga. Binuksan ko ang aking cellphone at tinitigan ang number ni Jace. Wala pa itong pangalan kaya nilagyan ko ito.

Mr. Playboy. 

Maya-maya ay nakatanggap ako ng text galing kay Mama. Ewan ko ba at bakit nagte-text kaming tatlo, e, nasa iisang bahay lang naman kami at magkakalapit lang ng kuwarto.

Mama: Kala ko ba girlfriend niya ‘yong Chesca?

Ako: Kala ko rin, eh. Nakakainis nga po.

Mama: Naiinis daw, pero kinikilig naman deep inside. Loko-loko talaga ang batang iyon, at ikaw ang trip.

Ako: Kaya ba’t mo siya bet para sa ‘kin? Duh, ayaw ko sa kaniya. Nakakainis, ang landi!

Mama: Don’t judge easily, anak. Baka kainin mo lang ‘yang sinasabi mo.

Ako: Whatever, Ma. Gabi na matulog ka na po, nagtext ka pa. Goodnight. Love you, Ma!

Mama: Night, love you, baby!
 

Pagkatapos ay tinawagan ko ang number ni Jace para sermonan siya. Bahala siya, feeling close muna ako!

“Hello?” bungad ko.

“Hmm... Who's this?” malamig na sabi niya sa kabilang linya.

“A-Ano...”  Nautal na tuloy ako!

“Hmm? If you’re gonna ask me on a date... hindi na ako nakikipagdate sa iba dahil may hinihintay ako—”

I cleared my throat. “Excuse me? Sinong hinihintay mo?” tanong ko siya.

“Secret, ba’t ko sasabihin sayo...” Bakas sa boses niya ang sarkastiko. “‘Tsaka sino ba to? Wait! Victoriane?!”

“Yes, it’s me,” sagot ko.

“Shit!” He cleared his throat. “Hi, baby!” Bigla na lang naging masigla ang boses niya.

“Shut up! Nahihibang ka na ba, Jace? Trip mo na naman ako?!” sigaw ko sa cellphone, naiinis.

“Relax, baby... I wasn’t fooling around this time...” malambing na boses na aniya.

“Can you please stop calling me baby?!”

“But, baby, ikaw ang tumawag.” Bakas sa boses niya ang panunuya. 

“What I mean is—”

“Breathe, baby. Masyado ka yatang kinakabahan. Ako lang ‘to future boyfriend mo.”

“You’re so annoying!”

“I guess I am. Baby, ba’t ka napatawag?”

“Seryoso ako, Jace! ‘Wag mo akong dinadamay sa kalokohan mo! Playboy!”

“But that’s true. Chesca isn’t my girlfriend, it was just a favor to date her—”

“I don’t care if that’s a favor or not... you still dated!”

Ba’t parang nagseselos ang asta ko?!

He chuckled. “Baby, are you jealous?”

“Of course not! Why would I be?”

“Baby?”

“Ano?! E-Este leche ka!”

“Let’s talk tomorrow, I’m now serious.”

“Bahala ka!” angil ko. 

“Sorry, baby. This time, I’m really serious that I like you.”

“Whatever, Mr. Playboy! Bye!” paalam ko. Papatayin ko na sana nang nagsalita pa siya. 

“I was, but already changed as you can see,” he defended.

“Hindi ko nakikita! Duh? Boses lang ang naririnig ko, at hindi ikaw mismo! Do whatever you want—”

“Sure, baby. Sleep tight have a sweetdreams.”

He even had the guts to hang me up! Ako pa ang pinatayan, bwisit talaga siya!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top