Chapter 7
Chapter 7: Reply
Simula noong nakaraang linggo na sumabay sa amin si Jace ay hindi ko na ulit siya nakita o nakausap. Masyado kasi akong kabado ‘pag nariyan siya.
Kaya naman ganoon pa rin ang nangyari ng sumunod na araw. Kasama ko ang tatlo at sabay kaming kumakain, umuuwi, at papasok ulit.
Ngayon ay araw ng Sabado, wala kaming homeworks o upcoming tests. Kaya napagplanuhan ko ang gumala ngayong araw kaya agad akong naglinis ng kwarto at dumiretso sa banyo para maligo.
Suot-suot ang spaghetti strap na damit at jeans, nilagyan ng hairclip ang buhok ay bumaba na ako. Naabutan ko si Kuya at Mama na nanonood ng TV sa sala habang may pizza na nakalatag sa lamesa.
Umupo ako sa gitna nila sa sofa at sumimangot. “Bakit ‘di niyo ‘ko tinawag?”
“Akala kasi namin natutulog ka pa, at walang ganang bumaba atsaka maaga pa naman.”
“Where are you going, anyway?”
Napalingon ako kay Kuya nang tanungin niya iyon.
“At sinong kasama?” dugtong ni Mama.
“E, ’di kayo. Sino pa ba ibang yayayain ko?”
Wala silang nagawa kun’ ’di tumayo at magbihis. Pumunta na kami sa mall ng Sta. Lucia at nag-iikot-ikot lamang nang magsalita si Kuya.
“Mag-sine tayo, may bagong showing,” biglaang sabi ni Kuya at nauna sa paglalakad.
Sumunod kami ni Mama sa kaniya hanggang sa nakabili na siya ng tickets at snack. Pumasok na kami sa sinehan at naunang maupo si Mama sa gitnang hilera, sumunod naman si Kuya atsaka ako.
Tinignan ko ang hilera namin ang kaliwang puwesto ko ay may dalawang bakante na lang ang natitira.
Maya-maya ay naramdaman kong may taong tumabi sa bandang kaliwa ko, hindi ko na lang pinansin dahil nanonood ako.
Sumandal ako habang sumisimsim sa hawak kong inumin. Hanggang sa may pamilyar na pabango akong naamoy kaya lumapit ako nang kunti kay Kuya at inamoy siya.
Naasiwa yata siya sa ginawa ko kaya agad siyang nagreklamo. “What are you doing?”
“Wala, ang bango mo kasi.”
Sumandal ulit ako kinauupuan. Hindi ko pa rin nililingon ang kaliwang katabi ko kaya dahan-dahan kong inilapit ang katawan sa kaliwang bahagi para maamoy kung siya ba ang may pamilyar na pabango.
Confirmed! Siya nga. Hindi ko alam kung kanino ko nga ba naamoy iyon kaya unti unti ko na lang ding nilingon ang katabi ko.
Nanlaki ang mata ko at halos lumubog ako sa kinauupuan nang makita kung sino iyon!
Hindi niya naman ako napansin dahil nakahilig siya sa katabi niya at diretsong nakatingin sa screen.
Sino ang kasama niya?
Hindi ko alam pero may naramdaman akong kirot at panghihinayang kahit papaano. Sinungaling talaga.
“Kuya, naandito si Jace sa tabi ko,” bulong ko sa kaniya.
Nagsalubong ang kilay at napansin kong umangat ang gilid ng kaniyang labi.
“Wrong timing may kasama, selos ka?” pang-aasar niya.
“Of course not!” Napalakas yata ang pagreact ko kaya napabaling ang ibang tao at si Mama.
Natawa si Kuya kaya dumiin pa ako lalo sa kaniya dahil baka nakatingin sa gawi namin si Jace.
“Oh, bakit? Nahihiya ka? Secret lang naman natin 'to—” panunuya niya na pinutol ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong secret ka r’yan?”
Hindi pa rin ako makatingin sa kaliwa ko hanggang sa natapos ang palabas.
“Tumayo ka na at mamimili pa tayo!” pabulong na singhal ni kuya.
Sumunod na lang ako, pero hindi pa man ako nakakahakbang ay kitang-kita ko sila roon na akala ko ay umalis na!
Nakaupo si Chesca at binigyan ako ng pekeng ngiti. “Oh, what a small world. Hello.”
Umakto akong nagulat. “Oo nga, ‘no?” sarkastikong ani ko.
Tumayo si Jace ganoon din si Chesca.
“Nice to see you here, Victoriane,” pagbati ni Jace.
Bumaling siya sa likod ko kaya umabante ako nang kaunti.
“Good afternoon, Tita Auren... Zian.”
Nakita ko ang pag-irap ni Kuya sa kawalan habang ngumiti naman nang pagkatamis-tamis si Mama.
“Hi, ako pala si Chesca Allen—” Hindi siya natapos dahil hinaklit kaagad ni Jace ang kaniyang braso.
“Tita, sorry but I guess we have to go na po. See you around!” nagpaalam na si Jace bago hinila si Chesca papalayo.
Nakita ko ang masamang tingin ni Chesca sa akin bago makalayo kaya inirapan ko siya.
“That asshole,” ani Kuya nang nakalayo na sila.
Natapos na kaming namili kaya papalabas na kami nang may nakasalubong si Mama na kakilala.
“Auren, good to see you again! Ang tagal na rin ng huling pagkikita natin, how are you?" tanong ng magandang babae.
“Nadya, I'm fine. Anyway, this is my daughter Ariane.” Hinawakan ako ni Mama sa balikat at iniharap sa kaniyang kausap.
“Oh, hello, hija. I am Nadya Valderama, you can call me tita. How ‘bout you, hijo? How are you going with my son?”
“Uhm, sino po?” I butt in.
“Si Archie, Ari,” si Kuya.
Tumunog ang kaniyang cellphone kaya kinuha niya ito sa bag at tumingin sa akin bago kay Mama. “Sorry, Auren, but there’s an emergency, so I have to go now. Nice seeing you again!”
Nang makaalis ang babae ay hinarap ko silang dalawa. “Mama pala ni Archie iyon?”
“Dean Hisman is Nadya’s brother, anak.”
“Galing din sa family of doctors si Archie, Ari.”
“Talaga? So, magdo-doctor si Archie, Kuya?”
Nagkibit-balikat na lamang siya. “Siguro, hindi ko alam.”
“Mga anak, mag-ga-gabi na, rito na lang tayo mag-dinner.”
Sumakay kami ng elevator papunta sa food court habang naghihintay na bumukas ay napaisip ako.
Siguro nga’t nagkakagusto na ako sa kaniya siya lang ‘yong nakapagbibigay ng ganitong pakiramdam sa akin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos nang nakita ko sila kanina.
Wala rin naman akong magagawa bukod sa bago ko pa lang siyang nakilala. Nakakainis kasi, e. Bakit ganoon siya? Parang nagpapahiwatig sa ‘kin tapos biglang hindi pala ako iyong gusto ni wala pala siyang interes?
“Ari.” Nabalik ako sa huwisyo nang tinapik ni Kuya ang aking braso.
Tumingin ako sa kaniya at nakita ang seryoso niyang mukha. “Kakain na tayo para makauwi.”
We ordered and settled in a four-seat table nearby.
Nakatitig lang ako sa pagkain na nasa harapan ko, hindi ko alam pero hindi naman ako kumain nang maayos kanina, pero hindi rin ako nagugutom ngayon.
Tumikhim si Kuya kaya napabaling ako sa kaniya. “May gusto ka ba kay Jace?”
Napaawang ang aking labi at kaagad nangapa ng sagot. “Ano...”
“Madaling sabihin ang hindi, pero mukhang hindi ka makasagot... huwag mo na lang sagutin dahil alam ko na,” seryosong aniya at umiling na para bang dismayado.
“Anak, ayos lang naman ang magka-crush h’wag lang sa kaniya dahil may girlfriend na...” Nginisihan kaagad ako ni Mama bago nagpatuloy. “Sayang gusto ko pa naman si Jace para sa ‘yo matagal na.”
Natawa naman ako.
“Mama naman! Hindi mo naman ako ipinanganak para maging kabit lang in the future!”
Napangisi si Kuya. “Buti naman alam mo.”
“GOODNIGHT. I love you!”
Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa bathroom para maligo, pagkatapos ay nagbihis na ako at lumundag sa kama.
Dahil hindi ako makatulog ay kinuha ko na lang ang na nakapatong sa study table.
I logged in my Instagram account and I was kinda shocked when I saw Kuya, Sam, and Archie followed my account.
I took a selfie and posted it on my story with a caption, ‘I don’t care, kakarmahin ka rin’.
Napaismid pa ako dahil halatang naiinis ako kay Jace dahil iyon ang nilagay kong caption. Paano kasi ang hilig niyang iparamdam iyong kilig sa ‘kin tapos sila pala ni Chesca!
@jacebryan started following you.
@jacebryan replied to your story.
Kumalabog ang puso ko nang nakita ko ang pangalan niya. Ini-stalk ko muna ang instagram account ni Jace bago tingnan ang notifications ko.
Why do you have to be this handsome?
Nakita ko ‘yong Instagram posts niya na naka-side view at mukha lang ang makikita pati ang magandang background na bundok at samahan pa ng sunset.
@jacebryan: so cute, my kind of baby
@jacebryan: i don't wanna assume, but was the caption for me?
Napatili ako at nang marealize na ganoon ako kabaliw ay tinakpan ko ang bibig at sinampal ang sarili.
Ariane! ‘Wag marupok, manloloko ‘yan! Naalala mo ‘yong kanina ‘di ba? Timer ‘yan, ‘wag ka talagang maniwala!
@anellavic: kung natamaan ka, edi ikaw nga
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top