Chapter 6

Chapter 6: Meet

“Anella Victoriane!”

Nakaramdam ako nang pumipisil sa aking ilong kaya bahagya akong nagreklamo. “Hmm...” pag-ungot ko.

“Tigilan mo nga ‘yan! Get up from your bed!”

Naiinis akong bumangon at nagkusot ng mata. “Ano ba, Kuya! Nagpapahinga iyong tao parang bwisit naman kasi!”

Pero hindi niya ako pinansin at basta na lang inginuso ang pagkain na nasa sidetable ko.

“Kumain ka na, patpatin.”

“May sinasabi ka ba?” inis na tanong ko, at hihiga na sana ulit kung hindi niya lang ako hinila sa braso.

“Kumain ka na sabi,” banta niya at naiinis na kinuha ang tray at inilapit sa akin.

Napabuntonghininga ako at walang ganang dinampot ang sandwich sa gilid. “Hindi naman kasi ako nagugutom, e,” bulong-bulungan ko habang ngumunguya.

“May sinasabi ka?” si Kuya.

Inirapan ko siya. “Wala, walang lasa ‘tong sandwich,” pagbibiro ko.

“Sakit mo naman magsalita, ako pa naman gumawa niyan.”

Hinintay siguro muna ako ni Kuya na matapos kumain bago siya nagsalita.

“About earlier—”

“Sinampal ako no’ng Chesca,” dugtong ko.

“I’m sorry, princess—”

“Bakit ka nagso-sorry?”

“I wasn’t able to stop her earlier, hindi agad ako nakarating.”

Umiling ako. “Hindi mo naman kailangang sisihin iyong sarili mo. Bakit, ginusto mo ba ‘yon?”

Umiling din siya.

“‘Di ba? Kasi alam ko kung nandoon ka naman ‘di mo naman talaga hahayaang mangyari iyon, e. Ayos lang, Kuya.”

His features softened. “Are you okay, though?”

I smiled.

May sasabihin pa sana ako nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Mama.

“Ariane! May naghahanap sa ‘yo, tumawag sa telepono natin sa baba! Ba’t landline number naman natin ang ibinigay mo sa kaibigan mo?” nagtatakang tanong ni Mama.

Nasamid ako nang wala sa oras atsaka kami nagkatinginan ni Kuya.

Nagsihagalpakan kami ng tawa.

Sumandal si Mama sa pader habang nakatingin sa aming dalawa. “What's wrong with you guys?”

“Nanghingi kasi ng number si Jace kanina sa kaniya Mama tapos akala namin ibinigay niya iyong number niya, iyon pala landline natin,” sagot ni Kuya.

“Oh my! Jace Prama? Iyong kapatid ni Sam, right? I really like that boy,” Mama stated enthusiastically.

“Bakit daw tumawag, Ma?” tanong ko, hindi pinansin ang komento niya kanina.

“Ewan ang sabi, ‘hello,Victoriane? I just wanna talk to you, hello, are you still there?’. Hindi ko kasi nasagot agad dahil nakikinig pa ako,” aniya.

Lihim akong napangisi at ganoon din si Kuya bago nagpa-iling-iling.

“Bumaba ka, Ariane, kausapin mo tatawag yata ulit ‘yon!” bilin nito bago lumabas.

Binalingan ko si Kuya nang tumayo na rin siya. “Kausapin mo ‘yon, alis na ako.” Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa ulo bago lumabas.

Nang naubos ko ang pagkain—na hindi ko man lang namalayang naubos na pala—ay bumaba na ako. Dumiretso sa ako sa puwesto ng telepono at akmang hahawakan iyon nang saktong tumunog ito.

Kinuha ko iyon at idinala sa tainga. “Hello?”

“Victoriane? It’s Jace. I just wanna say sorry for what happened earlier,” sagot sa kabilang linya.

“Ay, Jace? Ayos na iyon atsaka landline number kasi namin iyong tinawagan mo, ‘no?” nakangisi kong sagot.

Hindi siya sumagot nang ilang segundo kaya nagsalita ulit ako. “Hello?”

“Why?” malamig na boses na pagsagot niya.

Kinabahan ako.

“H-Ha? Anong bakit? E, ikaw tumawag!” nauutal kong tanong.

“Why would you give me the landline number of your house instead of yours?” ulit niya.

“E, syempre hindi pa naman kita lubos na kilala! Malay mo isa ka pa lang assassin...”

I heard him chuckle on the other line that made me stop talking.

“Silly, let’s know each other more then.”

Napanguso ako nang makaramdam ng kakaiba.

“I wanna be friends with you,” he added.

Napabuntonghininga na lang ako. “You really want to know me, huh?”

“Yes,” he breathed.

A small smile crept on my lips. “Okay, if you’re eager to know me, it’s up to you. You can meet me in Clark High.”

NASA gate na ako ng eskwelahan at agad na naghuramentado ang aking loob nang natatanaw ko ang lalaki habang papalapit ako.

“Good morning, Reistre! Mukhang male-late ka na naman, ah? Kanina pa naghihintay si pogi sayo, oh!” bati niya at itinuro si Jace na nakangisi  na ngayon sa akin.

Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin at mas pinili na lang na patatagin ang sarili. “Talagang male-late ako kung dadaldal ka pa sa akin atsaka ba’t ka nandito, Jace?”

May gana pa akong magtaas ng kilay para hindi halatang naaapektuhan ako sa presensya niya. Talagang pumunta siya rito sa Clark High!

He smirked and arched a brow. “In case you forgot, Victoriane. I am here to meet you, you remember?”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Nagbibiro lang ako no’n!” pagdepensa ko.

He cocked his head to the side before looking at me again. “Apologies, but I wasn’t kidding last night when I said I want to know you more.”

Napalunok ulit ako bago siya pinanliitan ng mata. Ano ba’ng trip niya?

“Let’s go, I’ll send you in your class.”

“W-Wait! Pumunta ka ba rito para ihatid ako sa room namin, nahihibang ka na ba?”

Narinig ko pa ang pagsinghal ni Kuya Shan, ang guard, sa gilid pero hindi ko na iyon pinansin.

“Being gentleman here, ma’am. Besides, I’ll stay here until dismissal. Shall we?” Sabay lahad sa kamay niya.

Nangunot ang noo ko at inirapan siya. “Bahala ka,” sambit ko at nagpatiuna na sa paglalakad.

Tahimik lang kami habang naglalakad sa hallway. Nang nakarating na kami sa harap ng pinto ng room ay hinarap ko na siya bago humalukipkip.

“Papasok na ako, Jace.” Hindi ko na siya hinintay na sumagot at humarap na sa pintuan para sana buksan iyon ngunit kaagad niya ring nahuli ang kamay ko at iniharap ulit ako sa kaniya.

Para bang nakuryente ako sa paghawak niya sa akin at lalo pang kumalabog ang puso ko nang lumapit siya sa mukha ko na para bang hahalikan ako.

Napapikit ako sa kaba at hiya.

Bigla namang uminit ang pisngi ko nang bumulong siya. “I’ll wait for you until the class dismissal.”

Para akong nakalutang habang nagkaklase, para bang sirang plaka at pabalik-balik na lumilitaw sa isip ko iyong kanina.

Kasabay ko si Kuya, Sam, at Archie sa paglabas pagkatapos ng pang-umagang klase. Kaagad naman akong nagitla nang may humila sa braso ko paglabas pa lang namin.

“It’s worth the five-hours wait.”

“Five hours lang naman pala, matagal na para sa iyo iyon?” pilosopong sagot ko at binawi ang brasong hawak-hawak niya.

He shook his head. “Not really. I’ll wait even it takes years, lalo na kung worth it naman iyong hinihintay.”

Inirapan ko siya.

“Ano’ng mayro’n?”

Napalingon ako sa kabilang direksyon nang nagsalita si Kuya.

“Uy, Manong! Nandito ka!” Lumapit si Archie kay Jace at nakipag-high five.

Ewan ko kung ano ba talaga ang trip ni Jace baka mamaya paglaruan niya ako.

‘Wag naman sana, marupok pa naman ako.

Pumanhik na kami pababa sa cafeteria nang walang imikan hanggang sa nakarating kami sa isang table.

“Order na tayo!” sigaw ni Archie sa pagmumukha ni Kuya at Sam na parehong nakasimangot.

“Ayaw niyo ba sa ‘king dalawa?” tanong ni Jace.

“Bakit silang dalawa lang ang tinatanong mo? Ako rin dapat dahil ayaw ko sa ‘yo.” 

He looked at me. “Hindi ka naman na galit sa ‘kin, right? I already apologized.”

“But it doesn’t mean I already forgave you.”

Agad namang napawi ang ngisi niya at napalitan ito ng pag-awang.

Jace’s eyes are brown, has a narrow and pointed nose, and his lips... parang ang sarap kahalikan.

Namula ang buong mukha ko sa naisip na kahalayan kaya kaagad akon nag-iwas ng tingin.

“Kanina ka pa tulala sa kaniya.”

“Kuya,” pabulong na reklamo ko sa tabi pagkatapos nilang mag-order.

“Ni hindi mo pa nagagalaw iyang pagkain mo kakatitig d’yan sa lalaking iyan.”

Nagkatinginan ang tatlo pang lalaki nang narinig ang sinabi ni Kuya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at inis na sinapak siya sa braso. “Pinapahamak mo naman ako, Kuya.”

Inignora niya lang ako at inginuso ang pagkain ko sa lamesa. “Kumain ka na sabi, napipikon na ako sa iyo, Ariane, tuwing kakain na lang talaga,” sermon niya at parang nauubusan na siya ng pasensya.

Pagak akong natawa. “Sorry po,” sagot ko at nilantakan ang pagkain dahil baka magwala si Kuya kapag hindi ko pa galawin ang pagkain. 

Nakasunod sa ‘min si Jace habang paakyat kami sa hagdan. Nagpatiunang pumasok sina Kuya at nagpahuli naman ako para kausapin si Jace.

“Hindi ka papasok?” tanong ni Sam sa ‘kin nang napansin niyang nakatayo lang ako sa labas.

I shook my head. “Susunod ako, mauna ka na.”

“Baka dumating na si Miss, Ella.”

I shook my head again. “Saglit lang naman ‘to.”

Wala siyang nagawa kun’ ‘di tumango bago bumaling sa katabi kong si Jace, umiling-iling at tumalikod na.

Pagka-alis niya ay hinarap ko na si Jace. “Ewan ko kung ano ang trip mo, Jace, pero sana kung may balak kang kakaiba sa ‘kin, tigil-tigilan mo ‘ko dahil wala akong panahon makipagbiruan.”

“Hindi naman ako nakikipagbiruan.”

Bahagya akong tumingala para makipagtitigan sa kaniya, nakipaglabanan din siya ng tingin sa akin kaya kinabahan tuloy ako. 

“You’re Victoriane, so I don’t have the plan to fool around.”

Nagtaas ako ng kilay. “Gaano mo ba ‘ko kakilala na para bang makaasta ka, e, marami kang alam sa buhay ko?”

He smirked. “You’re maybe unaware of who I am, but... I know you damn well.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top