Chapter 5

Chapter 5: Jace

“Break na, Archie, siraulo ka kasi alam mong may period si Sir ngayon!” si Sam.

“Tara na, Anella,” yaya sa akin ni Archie kaya tumayo na rin kami ni Kuya. 

“Mauna na tayo, Archie. Treat ko ngayon!”

Parang umaliwalas ang mukha niya kaya hinila niya ako sa buhok. “Bye, guys! Since officer kayong dalawa ayusin n’yo muna ‘yan diyan tapos sunod kayo sa table natin!”

“Aray, required naman sigurong bitawan ako, ‘no?” sarkastikong sabi ko nang hila niya pa rin ang kalahati ng aking buhok.

“Hehe, sorry,” aniya at binitawan ako.

Nakasalubong pa namin sa pinto iyong isa naming kaklase na babae, iyong lumapit sa ‘kin kahapon.0 “Archie,” tawag niya sa katabi ko.

“Bakit?”

“Sasabay si Sam? Saan ba siya?” tanong niya rito bago ako nginitian.

Ngumiti ako pabalik.

“Hindi ako hanapan ng aso, Trisha, pero nandoon kasama pa noong chihuahua na si Zian,” si Archie.

Natawa kami.

Nang nakarating kami sa cafeteria ay pumila na kaming dalawa para mag-order.

“Archie, ano ba gusto niyo?” tanong ko at bumaling sa likuran. Nagtaka ako dahil wala na siya roon.

Nagkibit-balikat na lang ako at humarap ulit dahil naghihintay ang babae sa order ko. “Miss, apat na large hamburger with cheese, apat na sisig na rin po, apat na tubig at coke in can na rin po,” sabi ko at nag-abot ng cash.

Dumating na ang order ko na nasa dalawang tray. Napaisip ako kung kaya ko ba iyong bitbitin papunta sa table namin. 

“Miss, wala ka bang ibang kasama? Samahan na lang kita,” sabi ng babae.

Umiling ako. “Huwag na po!” Nakakahiya naman dahil busy siya, at halatang hindi niya naman kasi trabaho iyon. Bakit kasi ako iniwan ni Archie?!

Ambang kukunin ko na ang isang tray at babalikan na lang sana mamaya iyong isa kapag nahatid ko na kaso may nagsalita sa likuran ko.

“Miss, ako na magdadala sa table nila,” sabi ng boses ng lalaki na nasa likuran ko.

Hindi pa man ako nakakalingon ay bahagya niya akong binangga ng katawan niya para gumilid, hindi ko rin tuloy magawang mag-angat ng tingin sa kaniya dahil bigla na lang akong kinabahan.

“Let’s go,” aniya sa mababang boses sabay kuha sa dalawang tray.

Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan at nanatiling nakayuko hanggang sa nagpatiuna siyang maglakad, iniwan ako.

Para akong robot na naglakad pabalik sa table namin. Malayo pa lamang ay nakita ko na ang tatlong lalaki sa table at nag-uusap, ang isang lalaki na hindi pamilyar sa ‘kin—bukod sa naka-itim lang siyang damit— ay nakatalikod din sa direksyon ko.

Nang naupo ako sa pagitan ni Kuya at Archie ay kaagad dumapo ang tingin ko sa bagong lalaki na katapat ko lang.

“Hmm, sino ka?” nag-aalinlangang tanong ko.

“Mamaya na ‘yan, Ari.” Nilapag ni Kuya ang pagkain sa harap ko ngunit nanatili pa rin ang mata ko sa lalaki.

Bahagyang siniko ni Sam ang katabing lalaki. “Kakain ka? Umorder ka nang sa ‘yo, libre lang ‘to ni Ella, e.”

Ngunit hindi niya pinansin ang katabi at nakipaglabanan lang din ng tingin sa ‘kin.

We had our staring contest for at least 10 seconds until I snapped, feeling uneasy. “May mali ba sa ‘kin? Am I ugly?”

“Walang mali sa ‘yo, siya ang may tama,” si Archie na nagsimula nang ngumuya sa hamburger.

Umismid ako.

Tinabig ulit ni Kuya ang tray at striktong tumingin sa ‘kin. “I said eat, mamaya na nga ‘yan.”

Tumango ako sa kaniya dahil mukhang naiinis na siya, atsaka ko kinuha ang kutsara para kainin ang sisig.

“Manong, magsalita ka.”

“Manong?” aniya nang nilingon si Archie.

“Ikaw pinakamatanda sa ‘tin kaya nagbibigay galang lang po ako, Manong.”

Lihim akong napangisi nang sumama ang mukha ng katapat. He has this small dimples on his lower cheeks.

“I am Jace, Sam’s brother.”

Tumango-tango ako. “Talaga ba? Anyway, bakit ka nandoon kanina?”

He scratched the back of his head and smiled at me. “Napag-utusan lang.”

I smiled too.

I felt butterflies in my stomach after months... again.

Sa pagkakaalala ko, huli akong kinilig dahil sa kausap ko online. And now’s the first time again after months.

“Ari,” tawag sa ‘kin ni Kuya.

“Hmm?”

“Enough with that. Kumain ka na, we still have our remaining class.”

Napabuntonghininga ako.

“Umalis ka na, bro. Bakit ka nga ba kasi nandito?” pagtatakwil ni Sam sa kuya niya.

College na siguro siya.

Napangisi ako sa iniisip.

Mas gusto ko ng mas matanda sa ‘kin. Iyong college na siguro, mature kumilos, at g’wapo.

Tumayo siya at tumingin sa akin nang may makahulugang ngiti sa labi. “I was just checking on you, Sam... and I guess, I’ll be here more often,” he said that without breaking stares at me.

Atsaka ko na lang din napansin ang nakalahad na cellphone sa harapan ko.

“If you’re hitting on my sister, back the hell off, Jace,” si Kuya sabay sama ng tingin sa lalaking nakatayo na sa harapan ko.

“Chill, I won’t do anything unnecessary, Zian. It’s your sister after all.”

Pinanliitan ko siya ng mata habang nakangisi kay Kuya na parang sasabog na, but still I accepted his phone and typed in a number.

Not my number, of course. Ano siya sinusuwerte?

Iniabot ko sa kaniya ang cellphone pagtapos kong i-save ang number ng landline namin sa bahay.  Tinanggap niya naman ito, saglit niyang tiningnan ang cellphone bago ilagay sa bulsa.

“See you again, Victoriane,” he said in his low voice.

He knew me. Why he’s calling me Victoriane?

There’s just this someone who’s calling me that.

“Binigay mo number mo?”

Nabalik ako sa ulirat nang sabay-sabay nilang itanong iyon sa ‘kin nang pasinghal.

“Nope.” I grinned. “Landline ng bahay namin ang ibinigay ko.”

Natapos na ang oras ng break namin kaya sabay-sabay na kaming bumalik para sa susunod na klase. 

“Good afternoon, everyone!” bati ni Miss na agad naming ginantihan.

Nagsimula nang magklase si Ms. Florencia marami siyang pinagsasabi tungkol diyan, tungkol doon, pero ni isa walang pumapasok sa utak ko.

Napabuntonghininga ako nang naalala ang kapatid ni Sam na si Jace. 

“Miss Reistre, oh ano’t kanina ka pa tulala?” May bahid na sarkasmo ang tono ng boses ni Ms. Florencia.

Napalingon agad ako bago ngumiti. “Sorry, Miss. May I excuse myself? Comfort room lang po.”

Tumango siya.

Naglalakad ako sa pasilyo papunta sa comfort room nang may naaninag akong tao sa gilid ng girl’s comfort room.

Lumapit ako roon at gano’n na lang ang gulat ko nang makita si Jace na nakapikit habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa.

Babatiin ko na sana siya nang umayos siya ng tindig dahil sa lumabas na babae galing sa loob. “Chesca, I need you to tell me the truth...”

Natigil din siya sa pagsasalita nang mapunta sa gawi ko ang atensyon ni Chesca pati na rin ang kaniya.

“Sorry for interrupting,” paumanhin ko at papasok na sana sa loob nang hawakan ni Chesca ang braso ko dahilan para mapahinto ako.

“Don’t you dare put that innocent facade in your face, Reistre.”

“What do you mean?” tanong ko at hinablot ang aking braso sa kaniya.

Nanatiling tahimik si Jace sa gilid.

“Are you flirting with him—”

Jace stepped on and held Chesca’s arm. “You just mistook it, Chesca. She wasn’t flirting with me—”

“Shut up, and you witch, harot na harot ka na ba?”

Nagkasalubong ang kilay ko. “Ewan ko ba’t nadadamay ako sa away niyo na wala naman akong kaideya-ideya.” I took a deep breath. “And please, talk to him first dahil napagkakamalan mo akong nakikipaglandian—” Hindi pa ako natatapos ay mayroon ng kamay na dumapo sa pisngi ko.

My lips parted.

“What the hell, Chesca?!” Hinawakan ni Jace ang braso ng babae habang ako ay gulantang pa rin sa nangyari.

Hindi pa ako nakaka-recover nang may nagsalita sa hallway.

“What’s happening?”

Napabaling ako sa galit na tono ni Kuya at sa gilid niya ay si Sam at Archie.

Humarap ako sa direksyon nila na masama na ang tingin na ipinukol sa dalawang katabi ko. Bakit sila narito? Natunugan ba nila na naapi ako kaya to the rescue sila?

“What’s going on?” ulit niya.

Napalunok ako nang marinig ang galit na tono ng boses ni Kuya.

“Kuya, wala. Tara na,” I said in dismissive tone, pero hindi niya ako pinakinggan.

“Ano’ng ginawa mo Jace?” si Sam naman.

“Masakit ba, Anella? May marka ka na ng demonyo sa pisngi mo, miyembro ka na ng illuminati,” sambit naman ni Archie nang lumapit sa ‘kin.

Sinamaan ko siya ng tingin, nangingiti dahil sa ugali niya.

“I’m telling you, Reistre. Hindi lang ‘yan ang dahilan kung bakit galit ako sa ‘yo.”

Aalis na sana si Chesca nang hawakan siya sa braso ni Kuya. “Ano’ng problema mo, ha?”

Gigil niyang hinawi iyon. “Ikaw, siya. Kayong lahat! Mga buwisit kayo!” May gana pa siyang hampasin si Kuya sa dibdib bago nagmartsa paalis.

Nagkatinginan na lang kaming lahat pagkatapos noon.

That was epic.

I let out a breath and faced Jace who looked guilty. “Next time, huwag ka na makikipagharutan o lumapit sa ibang babae para naman hindi ako madamay. Wala akong kamalay-malay sa nangyayari tapos biglang ganoon. Nakaka-disappoint ka, ang guwapo mo pa naman sana.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top