Chapter 49
Last chapter. Thank you for the patience and support. ILYF. <3
Chapter 49: Forever
"It's graduation day!" sigaw ko, bumangon at bahagyang ini-stretch ang katawan.
Kaagad tumunog ang aking cell phone kaya kinuha ko iyon sa sidetable.
Jace: Good morning, miss. Congratulations, I love you!
Ako: Good morning! Thanks <3 love you rin hehe
Naligo ako at nagbihis muna ng pambahay bago bumaba at dumiretso sa dining room. Nakita ko si Mama at Papa roon na nakatunghay sa crib.
"Good morning!" bati ko, lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi bago tumunghay kay baby Andy na dalawang buwan na.
"Hello, baby ko. Ang cute mo talaga manang-mana ka sa ate mo." Pinaliit ko pa ang aking boses at ipinahawak kay Andy ang aking isang daliri.
She cutely blinked her beautiful eyes.
"Paano nga ulit ang cute, baby?" tanong ko, nangingiti.
Humikab si Andy at halatang natutuwa sa akin.
"Paanong cute -"
"Ganito, oh!"
Napalingon ako kay Kuya na nasa aking gilid. Nakanguso siya at mukhang tangang ipinagdikit ang dalawang hintuturo bago kumurap-kurap.
Humalakhak ako at hinampas siya. "Mandiri ka nga, Kuya! Kainis ka!"
Pinanggigilan niya ang pisngi ko bago dungawin si Andy. "Hindi ba mas cute si Kuya kaysa kay Ate?" aniya.
Mayamaya pa ay nawala ang ngiti ni Andy at kaagad umiyak.
"Ayan, sira ka kasi Kuya! Umalis ka nga rito natatakot sa mukha mo!" Itinulak ko siya nang bahagya.
"Tumigil na kayong dalawa riyan! Kumain na kayo, gisingin ninyo na si Kent- oh, good morning, hijo. Kumain na kayo!"
"Good morning po!" ngisi ni Kent.
"Ang ganda ng araw natin, ah?" bungad ko sa kaniya at naghila ng upuan para umupo.
"Siyempre, alam na. 'Di ba, 'tol?" Sabay tapik niya sa balikat ni Kuya.
Sumipol si Kuya sa kaniya, at halata sa tinginan nilang dalawa na may something. Umiling ako. Mga loko.
Nang natapos kaming kumain ay nagsimula na kaming mag-ayos para mamaya. Hindi ko na mapangalanan ang kaba at sabik na nararamdaman.
Ang bilis talaga ng panahon at college life na naman kami sa susunod.
Nang nagtanghali ay sumakay na kaming tatlo sa SUV habang sina Mama ay nasa kabilang sasakyan.
"Congrats sa inyo!" bati sa amin ni Kuya Jul nang nasa loob na kaming tatlo.
Malaki ang ngiti naming tatlo. "Salamat, Kuya Jul!"
"Salamat, 'tol!"
"Salamat, pare!"
Tumawa ako.
Dumiretso na kami sa gymnasium dahil doon gaganapin ang graduation ceremony. Abot-abot ang aking kaba at saya.
Sabay-sabay kaming tatlo na pumasok sa gymnasium, marami ng mga estudyante at pare-pareho kaming lahat na naka-graduation gown. Kung saan-saan din kami nakatanggap ng mga greetings.
"Congrats, Reistres!" bati ni Sir Payne sa amin sabay tapik niya sa aming mga balikat.
"Maraming salamat, Sir!" sabi ko.
"Sir, hindi kami makararating dito kung hindi dahil sa 'yo!" sipsip na ani Kent.
Tumawa si Sir. "Loko, hindi naman ako ang nag-aaral. Ako lang ang taga-grado, pero kayo ang nagtatrabaho para roon," sabi ni Sir.
"Sir, the best ka talaga! Ang galing mong magturo, marami akong natutuhan!" hirit naman ni Kuya.
Mas lalong natawa si Sir sa sinabi ni Kuya at pabiro itong dinuro. "Sinungaling! Maraming natutuhan, pero nahuli kitang may ka-text sa gitna ng klase tapos ng pinalabas kita, lumabas ka nang walang pag-aalinlangan- hindi naman ganoon ang Zian noong first year niya sa senior!"
"Siyempre, Sir, nagbabago talaga ang tao kapag nakita na iyong nagpapatibok ng puso niya at makakasama niya habang buhay!" pagsabat ni Kent.
Nagtawanan kami bago tumango kay Sir at dumiretso na sa mga upuan. Naka-alphabetical order kaya magkatabi sina Kuya at Kent at ako naman sa kabila kung saan ang mga babae.
"Oh, my gosh! Sis!" Sinalubong ako ng yakap ni Trisha, bahagya pang nalaglag ang toga niya dahil sa likot.
Niyakap ko siya. "Congratulations, Trish!"
"Grabe, ganda mo talaga!"
Umirap ako at natawa. "Ano ka ba, ako lang 'to!"
"Narito pala ang mga impokrita!"
Napabalingpabaling kami kay Chesca na naka-low bun ang buhok. "Ang gaganda niyo!" puri ko.
"Congratulations to us!"
Umupo na kami sa mga assigned seats namin. Nauuna si Chesca dahil sa apelyido niya, at sunod din na aakyat sa aming tatlo ay si Trisha at ako ang huli. Sayang naman si Sandra at hindi namin kasama rito.
Bumaling ako kabilang sides kung saan sina Kuya, nag-uusap silang apat. Oo, magkakatabi sila si Kent, Kuya, Sam, at Archie. Tumingin naman ako sa likod kung saan ang mga magulang at mga bisita. Nakaupo sina Mama sa bandang likod namin. Sa kabilang side naman ay sila Tita at Tito, ang mga magulang ng mga kaibigan namin.
Kaagad akong kinabahan nang may mapamilyaran malapit doon kaya kaagad akong nag-focus sa harapan. Bongga ang paghahanda nila sa graduation ceremony. Itim, puti, at asul ang theme, maraming dekorasyon.
"A pleasant afternoon, ladies and gentlemen!"
Lahat kami ay napabaling sa harapan nang masiglang nagsalita ang emcee.
"Let us welcome the graduating class of school year 20xx-20xx at Clark High School with their teachers, faculty staff and members, Dean Hisman and to our beloved Mr. Owen Clarkson Reistre!"
Nagsipalakpakan ang lahat ang iba naman ay sumipol, tumili, at kung ano-anong ingay ang ginawa.
"Lolo ko 'yan!" si Kent.
"Tito ko 'yan!" si Archie, tinutukoy ang dean.
"Professor din namin 'yan!"
At kung ano-anong side comment pa.
Sinimulan ang program sa pagkanta ng National Anthem pagkatapos ay prayer, mission and vision, at city hymn.
Nag-welcome speech si Dean Hisman at sumunod si Lolo. Pinasalamatan ang mga estudyante, guro, at mga bumuo sa eskwelahan. He congratuled all students and gave an inspirational message. I can't help but to be proud of my family. They really are the best.
Medyo matagal pa bago nagsimula bigyan ng diploma at tawagin ang mga estudyante. Umakyat sa stage ang mga pangalan na tinawag, nakipagkamay kay Lolo, at kay Dean sabay tanggap ng diploma.
Nagsipalakpakan kami tuwing tinatawag ang ibang estudyante, ang sarap sa pakiramdam na makita silang sinasalubong ng magulang na may ngiti sa labi, may award man na natanggap o wala.
Sinimulan nang tawagin ang iba naming kaklase. "Allen, Chesca..."
Nagsipalakpakan kami nang tumayo si Chesca at umakyat sa stage. Ngumiti ako. Sinalubong siya ng kaniyang magulang.
Mayamaya pa ay tinawag na rin si Trisha. "Carlon, Trisha."
Seryoso lang kaming nakaupo roon, pumapalakpak, tumitili at kung ano-ano pa. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko at pinangingiliran ng luha, OA nga talaga ako. Hanggang sa dumating ang awarding ceremony. With honors ang natanggap ni Archie. Nagsipalakpakan ulit kami hanggang sa dumating nasa bandang gitna ang seremonya.
Pinatugtog ang graduation song na lalong nagpakabog sa aking puso.
"For Academic Excellence Award is given to... Samiel Prama!"
"Go, Sam!"
"Kapatid ko iyan!" sigaw ng nasa crowd.
Ngumuso ako at pinigilang ngumiti nang panay ang cheer ni Jace, nakatayo pa. Tsk, supportive brother, para tuloy ang out of character sa kaniya ang ganoon. Pinagtawanan siya nina Mama at Tita. Hanggang sinalubong si Sam ng pamilya niya.
"And for our third honorable mention, Miss Anella Victoriane Reistre!"
Nabingi ako pagkatapos marinig iyon. Did I hear it right? Seryoso ba? Nagsipalakpakan ang crowd at may narinig pa akong sigaw at sipol.
Totoo nga!
"Kapatid ko 'yan!"
"Congrats, Anella!"
"Girlfriend ko 'yan!"
Tumayo ako at napahinto lang nang narinig iyon, hindi ako lumingon dahil sa hiya. Hindi pa nga!
"Hindi mo 'yan girlfriend!"
"Baka ex!"
Umakyat ako sa stage nang nakangiti at hindi pa rin makapaniwala. It was just... hindi ko naman alam na may makukuha ako. But I'm happy and thankful.
Pagdating ko sa stage ay abot tainga ang ngiti ni Lolo sa akin. Napansin kong nangingilid ang kaniyang luha gaya ng akin, at nang nakalapit ako ay kinamayan niya ako, at niyakap. "Congratulations, apo. I'm so proud of you."
"Thank you so much, Lolo," maemosyonal kong sabi.
Tinanggap ko ang diploma kay Dean, gaya ng kay Lolo ay malaki ang kaniyang ngiti. "Finally, congratulations, Miss Reistre. You did a great!"
"Thank you, Dean!"
Ngumiti ako sa crowd at patuloy na naglakad pababa nang nagsalita ulit ang emcee.
"And for our school year's salutatorian, Mister Keiro Blint Reistre!"
"Wow!"
"Congratulations!"
Sinalubong ako ng yakap ng aking mga magulang. "Congratulations, anak! We're so proud of you!"
"Congratulations, hija." Niyakap din ako ni Tito Von, at naghahanda para salubungin si Kent na kasunod ko lamang.
"Thank you po!"
Nang umalis si Tito para salubungin si Kent ay inabangan na rin namin siya sa baba at gilid ng stage.
"Congrats, Kent!"
"Salute kay salutatorian!"
"Guwapo at ang talino naman talaga ng anak ko! Manang-mana sa tatay!"
Bumaling kami kay Kent na kabababa lang. Niyakap siya ni Tito Von, sayang at wala si Tita Alex, pero kahit ganoon ay masaya siya at ganoon din kami para sa kaniya. Alam kong masaya rin ang mama niya.
Pumunta kami sa kaniya at dinamba ko kaagad siya ng yakap. "Congrats, Kent! Naiiyak ako! Nakaka-proud ka! Love you!" bati ko.
Niyakap niya ako pabalik at humalakhak. "Love you too, Ari. Congratulations and you know, proud din ako sa 'yo," aniya at hinagkan ako.
"And last, our school year's valedictorian, please give him a round of applause-Mister Zirdy Ivan Reistre, our school Valedictorian!"
Puno ng palakpakan, hiyawan, at tilian ang crowd nang tinawag ang valedictorian.
"He deserves it!"
"Ang guwapo! Yanigin mo buhay ko!"
Natawa ako. Baliw iyon, ah?
"Congrats, baby! Future husband ko!"
Masaya naming pinanood na umakyat si Kuya sa stage, niyakap siya ni Lolo at tinanggap ang diploma, medals, at certificates.
"I love you, Kuya! Congratulations!" sigaw ko.
Bumaba na si Kuya at sinalubong kaagad namin siya. Isa-isa niyang niyakap at kinamayan ang lahat.
"Congrats, hijo."
"Congratulations, bro!"
"The best! Finally!"
"Congrats, anak. Ang guwapo natin ngayon, ah?"
"Kailan ba 'ko naging pangit?" tugon ni Kuya kay Papa. Nagsitawanan kami.
Nang natapos silang bumati sa kaniya ay ako ang huling lumapit sa kaniya. Malaki ang ngisi niya sa lahat at nang nakita ako ay namula ang kaniyang mata hanggang sa sabay naming sinalubong ang isa't isa nang mahigpit na yakap.
"We made it, princess. I'm the happiest. Congratulations!" wika ni Kuya at hinalikan ang aking noo.
"Congratulations, Kuya! I love you!"
"I love you so much, princess. This is for you, pambawi."
Nagsitawanan kami at nagsiyakapan, hanggang sa natapos ang pagbibigay ng diploma ay tinawag ng emcee si Dean Hisman.
"Congratulations to all graduates! You may now move your tassels!" nakangiting anunsyo ni Dean Hisman. Masigabong palakpakan ang nagwagi sa gymnasium.
Nag-picture kaming lahat, kasama ang pamilya, kaming magkakaibigan, kaming tatlo ni Kuya at Kent, kaming dalawa ni Jace.
"Congratulations, baby. You made it! I'm proud!"
"Thank you -" Hindi pa man ako natatapos ay pinatakan niya ako ng halik sa labi.
Namilog ang mata ko sa ginawa niya. Shet, dampi lang iyon, pero ba't parang nayanig yata ako. May narinig akong mga tili, sigaw, at tikhim.
"Why did you do that in front of the crowd?" mariin kong tanong, nahiya.
Napanguso siya. "Sorry, hindi ko lang napigilan saka nagpaalam naman ako kay Tita at Tito," sabi niya.
Natawa ako. "I'm not your girlfriend yet."
"So what? You will still be eventually."
Binigay niya sa akin bouquet ng puting rosas na hindi ko naman nakitang dala niya kanina. Tinanggap ko iyon ng may ngiti.
"Oh, my gosh! Thank you so much!" Niyakap ko na siya nang tuluyan.
"And before this day ends, we shall now hear important message to our school's valedictorian. Let's give Mister Zirdy Ivan Reistre, once again, a round of applause!"7
Nagsipalakpakan kami nang umakyat ulit si Kuya sa stage at pumuwesto sa harap kung saan ang puwesto ng emcee at naghanda na sa speech.
Bumuga siya ng hangin bago nagsimulang magsalita.
"Good afternoon, my fellow teachers, school staff and members, to the members of each family who gathered here to witnesse our success, and to my fellow senior graduates..." panimula niya. Napakamot pa siya ng batok nang i-cheer siya ng mga kaibigan.
"Maya na, nape-pressure ako, 'tol," sabi niya nang asarin siya ni Kent.
Nagsitawanan kami bago ulit siya nagpatuloy.
"Thank you, my dearest Alma mater, Clark High School, for this once in a lifetime opportunity to speak in front of the crowd as a class valedictorian. Honestly, I wasn't expecting all of this would happen in the future. It was last year, I found out that I was in the running for this title, it was then that I decided I wanted it so... I worked hard for it, I sacrificed and yes... I stressed for it... and finally I got it!"
Naghiyawan kami.
"It felt so good when I heard my name announced with this title, I felt my heart racing and my adrenaline pumping..." He laughed so did we.
"'Wag naman English, 'tol, 'di ako makasabay sa tawanan!" biro ni Archie, na sinaway ng kaniyang mommy.
"To our professors who gave their all each and every day working to provide us with a tremendous education and pushing us to do our best even in the days the we do not want to learn, to the staff who worked tirelessly coordinating our lives in our events which supporting us... we thank you. To the school's maintenance department who keep our campus running efficiently and create a beautiful place for us to come and learn." He paused to smile. Bumuga ulit siya ng hangin bago nagpatuloy.
"To our family... my parents, my cousin, and especially my sister..."
Nagtama ang aming paningin ni Kuya. Ngumiti ako at hindi napigilang pangiliran ng luha. Nakakainis talaga si Kuya. Bawing-bawi iyong mga taong nasayang, e.
I smiled.
"Without them, I wouldn't probably be here. They are my strength as well as my weakness. Thank you for my family, we might have a lot of problems but still... we had able to solve all of it altogether. I couldn't thank you enough for where I am right now, even in my lowes... I have a family as a comfort zone. I strived and did my very best to make them proud and to not put their efforts into waste.
"To my handsome Lolo..." Bumaling si Kuya nang nakangisi kay Lolo. "He's one of the inspirations I have. He's kind and one of the best. My sister and cousin can testify to that..." Itinaas niya ang kamay, nangangako. "Promise, ayaw niyo maniwala."
"Totoo 'yan!"
"Mabait talaga, tingnan mo ililibre tayo niyan ng trip to Japan!" hirit na naman ni Archie.
"Tumigil ka nga, Archie. Nakakahiya ka." Narinig kong bulong ni Tita sa anak.
"And lastly to my classmates, thank you for the friendship we have built for each other in two years in senior. We started as strangers until we got closer, became friends and now, we're all ending this high school life of ours as a family. Even though we all made mistakes, we try and try to learn from it, we learned to forget and forgive. Let's take this journey as high school students in building the best version of ourselves. Always remember that all of you have a special place in my heart. Thank you, and once again, congratulations to all!"
"Ang daming mahal! May space pa ba?"
"Kasya ba kami, 'tol?"
"Mahal kita, dude!"
Pumalakpak kami at naghiyawan nang natapos siya sa speech niya. Ilang oras pa ang lumipas bago natapos ang ceremony.
Nagkatinginan kami ni Jace na ngayon ay papalapit na sa akin
Yumuko siya at bumulong sa aking tainga.
"I love you..."
I felt my cheeks blushed. "Uhm... I love you," sabi ko, diretso ang tingin sa stage.
Kinalabit niya ako, natatawa. "Sorry? I didn't hear it clearly."
Umirap ako at tuluyan na siyang hinarap. "I." Sinundot ko ang kaniyang dimple, "love." Sunod ang ilong "you..." Hinaplos ko ang pang-ibaba niyang labi at sinalubong ang kaniyang tingin. "I love you." I winked.
Ngumuso siya at inilapit sa akin ang mukha.
"Ariane!" Narinig kong tawag sa akin.
Tinulak ko ang mukha ni Jace gamit ang aking kamay. "Tumigil ka nga, maraming tao. See you later!"
Bago paman ako makaalis ay huminto ako at tumingkayad para maabot siya, hinalikan ko ang kaniyang pisngi.
"Goodbye!"
"Mauna na kami, Auren. Congratulations to the three of you!" Ngumiti si Tita Lyn.
Lumapit siya sa amin at isa-isa kaming niyakap.
"Congrats, future daughter-in-law..." bulong niya sa akin.
Tumawa ako. "Thank you po."
Nagpaalam na sila Sam, ganoon rin sila Archie pagkatapos naming magsalitan ng mga bati. Pagkatapos ng handaan sa mga bahay namin ay mamayang gabi ay pupunta kami sa Tanay, Rizal at mag-i-stargazing.
Nagpahanda si Lolo para sa mga teachers at faculty members sa school kaya male-late siya nang kaunti sa handaan mamaya sa bahay.
Lumabas na kami at sumakay na tatlo sa SUV, at doon ulit sila sa isang sasakyan.
"Astig! Nakaka-proud!" May bakas ng pagkamangha ang boses ni Kuya Jul.
"Kami pa ba?" mayabang na sabi ng dalawa.
"Ito talagang dalawang 'to! Yabang niyo, ah!" sabi ko at umupo ulit sa gitna nila.
"Ngayon lang naman, Ari!" si Kent.
"Bukas wala na 'to! Cherish the moment!" segunda naman ni Kuya.
Nilabas ko ang cell phone at kinuhanan ng litrato ang diploma naming tatlo. Nag-picture lang kaming tatlo habang pauwi.
Siyempre gaya ni Jace kaagad ko ring ni-post.
@anellavic: Congratulations, Mister Valedictorian and Mister Salutatorian of the year! From, Miss Third honorable mention xoxo
Nang nakarating na kami sa bahay ay bumaba na kaming tatlo at sabay na naglakad papasok sa gate.
Nang nasa front door na kami ay pare-pareho kaming napahinto at nasurpresa.
"Congratulations!" Sabay-sabay nilang bati at nagpasabog pa ng confetti.
May nakasabit na tatlong tarpaulin sa loob ng bahay. Malalaki iyon at ang laman ng tarpaulin ay iyong picture namin para sa diploma at may pangalan sa baba kasama ang title.
Congratulations, Zirdy Ivan, for being Valedictorian in Clark High!
Congratulations, Keiro Blint, for being Salutatorian in Clark High!
Congratulations, Anella Victoriane, for being Third honorable mention in Clark High!
At sa harap noon ay may mahabang lamesa at mga handa, maraming lechon, mga cake, desserts, at iba pang putahe.
May mga bisita kami, kaibigan nina Mama, Papa, Tito, at Lolo pati na rin ang mga kapitbahay namin. Binati nila kami, nakipagkamayan at usap. Nagbihis muna kami bago nagsimulang kumain.
Dumating si Lolo na kaagad naming sinalubong ng yakap tatlo. "Congratulations, mga apo ko! I'm really proud of all of you!"
"Lo, may narinig ako kanina! Ang sabi, baka kaya kami ang nakakuha noong mga title kasi Lolo ka raw namin!" sabi ni Kent habang inaayos ang suot ng damit.
Ngumiwi si Lolo. "Hindi lang matanggap ng iba. 'Sus, ako man o hindi ang may-ari ng eskwelahan talagang makukuha niyo iyong mga award na pinaghirapan niyo naman. At isa pa, matatalino kayo, hard-working at ano pa kaya deserving kayo sa mga title na iyon!"
Tumango-tango kami. Tama naman.
"Let's pray and eat everyone!" anunsyo niya.
Kasama ko ngayon si Ate Lyza-ang kapitbahay namin na pansamantalang nag-aalaga kay Andy-sa backyard habang karga-karga ang kapatid ko.
"Tapos na po akong kumain, Ate. Ako muna magbabantay sa kaniya, kumain ka po muna." Inilapag ko lamesa ang plato na may lamang pagkain para sa kaniya at inilahad ang dalawang kamay para kunin si Andy.
"Ay, 'wag na, Ariane, tapos na rin akong kumain kanina kaya okay lang!" natatarantang aniya.
"Hindi po, okay lang talaga! Gusto ko lang po, sige na, Ate. Kumain ka muna," pagpupumilit ko.
Bumigay rin naman siya at ibinigay sa akin si Andy. Tumango ako at bahagyang lumayo.
"Hello, baby ko. Did you miss Ate?" tanong ko sa kaniya at inihilig siya sa aking dibdib at hinihile.
"Oh, narito ka lang pala!" sambit ni Kent nang dumating na siya sa aking harap.
"Bakit?" tanong ko, hinihile pa rin ang karga-karga.
"Mamaya, 'di ba aalis tayo? Naghanda ka na ng gamit mo? Mauuna kami roon." Nagkamot siya ng batok.
Nangunot ang aking noo. "Oo, nag-ready na ako kanina, bakit kayo mauuna?" tanong ko.
Kinuha niya si Andy sa akin, aapila sana ako pero hindi ko na lang inintindi. "Ang cute talaga nitong pinsan ko, mana sa Kuya Kent niya." Hinaplos-haplos niya ang pisngi nito at pinugpog ng halik.
"Uy, bagay ka na maging ama, asawa na lang kulang," panunuya ko.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Excited ka naman, pero siyempre darating din iyan." Sabay halakhak niya.
"'Sus." Siniko ko pa siya para asarin lalo. "So, ano nga? Ba't nga pala kayo mauuna? Sino kasama mo?" sunod-sunod kong tanong, nakahalukipkip na.
"Kami, sumabay ka na lang kay Jace. May aasikasuhin kami baka kasi may mga kailanganin pa kami na mag-aayos baka hindi tayo papasukin," rason niya.
Nagkibit balikat na lang ako at tumango.
6 PM pa lang ay umalis na sina Kuya dala ang SUV-kahit ang ibang gamit namin doon pang camping ay nasa sasakyan na,l samantalang ako ay nasa bahay pa at naghihintay na lang na sunduin ni Jace.
"Oh, anak? Wala pa ba si Jace?"
Naabutan ako ni Mama na nakaupo sa sofa at binigyan ako ng nakakalokong ngisi.
Ngumuso ako. "Papunta na raw, Ma. Ano sabi nila Kuya?"
"Okay na raw, at ang Lolo mo ay binayaran muna pansamantala ang slot na naroon para privacy niyo raw. Naku, ito talagang si Papa!"
Mayamaya pa ay tumunog ang door bell kaya binuksan ni Mama ang front door. Iniluwa noon ang presko at guwapong si Jace. Tumayo ako. Nakasuot siya ng itim na polo long-sleeve na nakatupi hanggang siko.
"Oh, hijo! Narito ka na pala!"
"Good evening po, Tita. I'm here to fetch..." Bumaling siya sa akin tinaasan ako ng kilay. Hinagod niya ako ng tingin sa ulo hanggang paa. Umangat ang gilid ng kaniyang labi bago ulit humarap kay mama. "Victoriane."
I'm wearing a white long-sleeve off shoulder croptop at denim pencil skirt just above my knees, and a pair of white Converse, just a simple outfit.
"Oh, sure! Kahit 'wag mo na iuwi! Joke lang!"
"Ma!"
Ngumiti lang siya at lumapit sa akin para yumakap at halikan ako sa pisngi. Niyakap niya rin nang bahagya si Jace.
"Ingat kayo! Umuwi kayo bukas nang walang pasa, huh? Balitaan niyo kami!"
"Yes po, Tita. Thank you."
Nagpaalam na kami at sabay lumabas ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Napataas ang kilay ko.
"Bakit ngayon lang tayo, e, puwede naman tayong sumabay sa kanila kanina?" tanong ko sa kaniya nang nasa biyahe na kami.
"Wala lang, don't you want us alone?" Naglaro ang ngisi sa kaniyang labi.
"Of course, g-gusto ko... it's just that-'wag na nga!" asik ko.
I heard him chuckle.
Sa gitna ng biyahe, kinuha ko ang paper bag na may lamang pagkain sa backseat at kumuha ng sandwich.
Binuksan ko iyon at inilahad sa kaniya.
Nangunot ang kaniyang noo nang bumaling sa akin bago ngumisi at kumagat sa sandwich. Sumandal ako sa kinauupuan at kumagat din ng sandwich.
"You're sharing your food with me," puna niya.
Napabaling ako sa kaniya habang ngumunguya. "Oo, bakit, may problema ka ba?"
"Hmm, wala. Actually, I like it."
Mayamaya pa ay inilahad niya ang isang kamay. Nagtataka ko iyong tiningnan at nang na-gets ay inilagay ko sa palad niya ang palad ko.
"Huh?" Natatawa siyang bumaling sa akin.
"Bakit?" tanong ko.
"Tubig, babe." Humagalpak na siya sa tawa.
Namula ang pisngi ko sa hiya at hinampas siya sa braso. "Baliw talaga 'to! Kung sana detailed ang info na ipinakita mo, hindi ko ginawa iyon!"
"Pero puwede rin. Busog na ako, hawak lang ang kamay mo."
We bursted into laughter. Corny ng pagkatao ng isang 'to.
Nakarating na kami sa Big Handy's Grounds. Dalawang oras din ang biyahe kaya medyo madilim na. Buti na rin lang talaga at hindi tag-ulan ngayon at may mga bituin.
Ni-park ni Jace ang sasakyan sa parking ng lugar bago ako inakbayan papasok sa loob.
"Babe, there's this little game..."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
"You need to answer some questions and by answering those, it will lead you in a one place," paliwanag niya.
Tumango lang ako at nakaramdam ng excitement.
"What kind of questions ba?"
"Questions that I know you will able to answer."
"Tss, fine! E, ikaw? Aren't you going with me?"
"Uhm, no. I'll just wait for you in that place." Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at hinarap sa kaniya. "Good luck!" Hinalikan niya ang aking noo bago nagpatiunang pumasok sa entrance.
"Jace!" sigaw ko, natataranta baka maligaw rito kung sakali.
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako nang nakapamaywang. "I love you!" sigaw niya sa akin at tinalikuran ulit ako.
Napanguso na lang ako.
Naglakad ako sa pintuan na gawa sa kahoy, tabi lang ng pintuan na pinasukan ni Jace.
May papel na nakapaskil doon, tinanggal ko iyon para basahin.
For you to go inside, you must follow the instructions. In every station you will decode or answer what's written on the paper. You must gather all the highlighted words to form a question and will be able to answer the last station's question. Good luck!
The padlock's password will be seen on the screen of your phone. Hint: Last four digit.
Nang natapos ko iyong nabasa ay kinuha ko ang cell phone at binuksan. Hinawakan ko ang padlock na kailangan ng apat na digit.
Nag-missed call ang number ni Jace. Is this the hint, then?
Ginamit ko ang huling apat na digit sa number ni Jace, at ngumisi ako nang na-unlock iyon. Tuluyan na akong pumasok sa loob at sinarado ulit, ang inaasahan ko ay madilim pero namangha ako nang nakitang diretso ang daan at sa bawat gilid at may lights, para tuloy akong rumarampa.
Dire-diretso lang ang lakad ko nang may nakitang nakapaskil sa pader, huminto ako para tanggalin iyon at basahin.
When it comes to you, I will do everything to make you happy. You deserve the world, baby.
Namula ang aking pisngi sa nabasa. Gosh!What have you done to me, Jace?!
Anyway, will is the highlighted word.
Latin Code Number 21. 1-A. Other word for weight. Turn.
Ano ba 'to?! Detective ba ako? Mamaya siya sa akin, akala ko naman madali lang.
Kung ang 1 ay A, tapos Latin Code na 21? Hindi kaya pang-21 sa alphabet? Ano naman 'tong turn at other word for weight?
U! Other word for weight is... mass? Turn.
U mass turn?!
Natawa ako.
Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinagagawa ko. Hindi ko naman alam kung saan iikot, bakit kasi hindi detailed?
Umikot na lang ako nang parang baliw at nahagip ng mata ko ang papel na nakapaskil sa likod ng pintuang pinasukan ko!
Bumalik ako sa pinanggalingan kanina at kinuha ang papel na nakapaskil.
I will always be in love with you.
You.
Square root of 16. Element. Atomic number.
Square root of 16 is 4. So... ang maaaring sagot nito ay isang element sa periodic table na may atomic number... 4! It's Beryllium with a symbol of Be!
You can turn your light off and on by tapping its upper and lower.
Ano 'to switch?
Sinundan ko ng tingin kung saan ko kinuha ang papel at may nakita nga akong switch doon sa tabi na may nakatuping papel.
Your answer in third station would be your highlighted word. Proceed to the fourth station outside.
Tumakbo ako nang diretso at binuksan ang pintuan. Sumalubong sa akin ang preskong hangin, nililipad ang aking buhok.
Napaawang ang aking labi sa ganda ng nakita sa labas. Para itong garden, napapalibutan ako ng lights, walang katao-tao at mga halaman lang.
Diretso ang tingin ko at naghahanap ng papel, may nakita akong tanim ng mga bulaklak sa malapit at kaagad napansin ang papel na nasa ibabaw nito.
From the beginning to end. It will always be Anella, Ella, Ari, Ariane and Victoriane. Whatever they call you, I'll always call you mine.
Be.
I pouted. This guy, really!
You are my sunshine to this world of darkness.
My.
The best girlfriend I've ever had. Still looking forward to be with you until forever.
Can you read it once more? Other word for once more.
Again?
Nang wala na akong makitang papel ay inayos ko muna ang mga hawak ko at ni-check isa-isa. Nang may napansin ako sa halamanan ay kaagad namatay ang lights.
Dinapuan ako ng takot dahil sa dilim at handa nang sumigaw nang may narinig akong mga bulong at hagikhik. Unti-unti akong napaatras nang bumukas ulit ito at mas maliwanag na.
Nagulat ako nang tumambad sa aking harap si Jace!
"Oh, my gosh! You startled me! Akala ko horror na!" singhal ko.
Napansin ko na may hawak siyang bouquet ng rosas, at sa wakay ay nakita ko na anf nakapalibot sa amin na sina Kuya, Kent, Archie, Sam, Trisha at Chesca.
Oh. My. Gosh.
Ngumiti lang siya at lumapit sa akin. "Did you gather all of it? What'a your answer?"
Nagbaba ako ng tingin sa mga papel na hawak ko.
I promised you when everything goes fine, I will win your heart again.
Iyon ang huling sentence. I gathered all of it.
Will.
You.
Be.
My.
Girlfriend.
Again.
"Will you be my girlfriend... again?" ulit niya.
"Oo!" sigaw nila.
Natawa ako. "E, 'di kayo na!"
"'Wag na patagalin! Diyan din naman patungo!" parinig pa nila.
"You planned all of this?" tanong ko, hindi sila pinansin.
Tumango siya. "Did you like it?"
Tumango ako. "Oo, challenging. Muntik pa akong hindi makalabas buti may natira pang cell sa utak ko. And..." Ngumiti ako. "Of course, I would love to be your girl again," pagpapatuloy ko.
Binigyan niya ako ng bouquet ng puting rosas, at saka niyakap nang mahigpit. Pumalakpak ang mga kasama namin at naghiyawan.
"Read what's on the card," sabi niya at inginuso ang card na nasa bouquet.
Tumango ako at ginawa ang utos niya.
"Roses are not always red, violets are not always blue. Just like mine, there's no true love if it's not you."
Napapikit ako at pinalobo ang bibig. Hindi ko mapigilang ngumisibat kiligin kaya niyakap ko siya nang mahigpit.
"I love you... always," bulong niya.
"I love you so much, Jace." Pinatakan ko siya ng halik sa labi.
"Sige, hahayaan ko kayo ngayon na mang-offend ng single rito sa gilid!" parinig ni Kent.
"Sabi ko naman sa 'yo, Jace, dapat pinasagutan natin 'to ng Calculus sa loob para natagalan!" si Kuya.
"Buti nga't nakalabas ako, Kuya!"
"Nga pala, guys! Rhank you for all of these. Hindi ko talaga in-expect and! I really was surprised, ang unique and ideal kaya," sabi ko at bumaling kay Jace na nakangisi.
Tumingkayad ako para bumulong. "I love you, thank you so much."
He kissed my forehead before he wrapped his arms around my waist.
"Yehey!"
"Congratulations! Double celeb na this!"
Kani-kaniyang side comments ang mga sinabi nila hanggang sa nakarating kami sa pinakadulo. Namangha ako sa nakita, para kang nasa kalawakan dagdagan pa ng citylights na makikita mo sa harap.
May mga tent na silang inihanda, nagsimula silang mag-prepare ng pagkain sa gitna, naglatag muna ito ng mat, animo'y magpi-picnic kami.
Inilagay namin ang cake sa gitna, mga prutas, at mga inumin. Wala masyadong tao sa puwesto namin dahil nga binayaran iyon pansamantala ni Lolo. Ang mga tao ay nasa kabila at medyo malayo rito sa amin.
Panay ang baling ko sa langit at citylights, talagang kapag dito ka pumwesto ay makikita mo ang kabuuan ng lugar, sobrang ganda lalo na't gabi.
"Cheers for the success and love we achieved!" Kuya exclaimed. Itinaas ang bote ng flavored beer.
Buti nga at kahit papaano ay pinayagan silang magdala ng inumin. Baka magdabog sila na pati iyon hindi puwede. Though, hindi naman talaga kailangan. Mabubuhay naman ang mga ito ng walang alak o ano.
Sabay-sabay naming itinaas ang mga bote namin. "Cheers!"
Nagsimula kaming magtawanan, kuwentuhan tungkol sa mga nangyari sa high school life namin. Kahit iyong pag-aaway namin ni Chesca ay naungkat.
"Tapos lagi rin akong naiiwan dati kapag may mga ganap si Sam at Zian as officers Lonely ako sa upuan ko buti nga at dumating si Anella at Kent kaya hindi na ulit!" pagdadaldal ni Archie.
"Tapos... tapos iyong ano..." Hindi matapos-tapos ni Archie ang sasabihin dahil sa kakatawa.
"Tawa ka muna, hintayin ka naman," wika ni Kent, tinatapik ang balikat ni Archie.
Natawa ako.
"Iyong ano... binigay ni Anella iyong landline number kay Manong!" Humagalpak ulit siya sa tawa.
Nagkatinginan kami ni Chesca na nakangiti lang bago bumaling kay Jace na natatawa habang nakikinig sa aking tabi.
Sobrang dami ng mga nangyari maganda man o hindi ay masarap balikan. I'm contented of what I have right now. I can't ask for more, just with them I feel complete and with him I feel at peace.
Nang natapos kami ay pumwesto kami ni Jace sa gilid ng tent sa bandang dulo, naglatag siya ng mahihigaan at sabay kaming humiga roon may kasama pang kumot.
He spread his arm. "Lay down here."
Humiga ako at ginawang unan ang braso niya. Yumakap ako nang mahigpit sa kaniya habang nakatingin lang sa kaniyang mukha.
"Ganda mo naman," puri niya habang nakatingin sa akin.
I wrinkled my nose and laughed. "Salamat, Sir."
He chuckled.
Pinagmasdan namin ang langit na sobrang dami ng mga bituin na nagniningning.
"Without you, my life is like a rainy night sky. Dark, cold, and no twinkling stars," aniya at tumagilid para humarap sa akin.
Ever since we met, he didn't fail to give me an overwhelming and heart-flattering words. I didn't expect to have the one. Mahal niya ako, ganoon din naman ako pero mas ramdam ko iyong kaniya. At pinapangako ko sa sarili ko na mas mamahalin ko pa siya sa mga lilipas pa na panahon. It won't fade, but instead will go deeper. I will love him deeper than before.
Kinuha niya ang aking kamay at pinagsalikop ito sa kaniya. Napabaling ako sa langit nang sunod-sunod ang putok ng fireworks.
Timing ba or it's a part of his plan? "Wow."
"Did you like it?" Inilagay niya ang baba sa aking balikat.
Nakatingin pa rin ako sa mga fireworks, namamangha. "Yes! Of course!" Ngumisi ako at pinatakan siya ng halik sa labi.
Thank you so much, my love, for coming into my life. I can't thank Him enough for giving you to me. I love you always and forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top